Pinakilala ako ni Rigo sa magulang n'ya, no'ng una nagtataka sila kung paano ako naging kaibigan n'ya.
'Di ba ako mukhang kaibigan ng anak nila? Ang sama ah. Sa ganda kong 'to!
Pinayagan din akong tumuloy rito habang nasa San Bartolome ako. Hanggang bukas na lamang ang mayro'n kami, pagkatapos ng pista babalik na rin kami sa Maynila.
"Sa'n ako tutuloy?" Sabi ko rito habang bitbit ang mga damit na binigay ng kanyang ina.
"Dito," tumigil kami sa isang pinto na malapit sa kanyang kwarto. "Dati 'tong silid ng aking pinsan pero ngayo'y nasa bansang Espanya na s'ya naninirahan at nag-aaral."
"E-espanya? Wow! Este ang galing! May kamag-anak ba kayo sa ibang bansa?" Mayaman naman pala sila.
"Mga ilustrado ay maaaring makapag-aral sa Espanya hangga't ika'y mayaman. Makatuntong sa Espanya ay isang malaking pangarap." Binuksan n'ya ang pinto.
"Ilustrado? Ano 'yun?" Dapat na talaga akong mag-aral ng mabuti sa history.
"Ilustrado ang mga Pilipinong nakakaangat sa buhay. Ang mga Indio naman ay ang tawag sa mga taong nasa ibabang bahagi ng tatsulok."
'Di ko pa napoproseso ang sinabi n'ya ng magsalita uli, "May isa pang tawag dito ang Insulares ay tinatawag na 'pinanganak at lumaki sa Filipinas pero isang Kastila.' Ang Peninsulares, sila ang may mga dugong Kastila."
Lalo akong nalito sa mga sinabi n'ya, nang nakita n'yang nakatingin lang ako sa kanya, pinaliwanag n'ya ulit ito sa akin.
"Ah-okay. Napag-aralan namin 'yan sa History, 'yun nga lang 'di ako nakinig ng mabuti nu'n." Sabay kamot ko sa buhok.
Ngumiti ito sa akin, "Lahat ba ng nangyari noon ay pinag-aaralan n'yo? Katulad ng Unang Digmaang Pandaigdig, pagbaril kay Jose Rizal? Paglusob ng mga Japanese sa atin? Ang mga Guerilla?"
Sunod-sunod ang mga naging tanong n'ya sa akin. At, ito ako, parang gusto ko na lang matulog at 'wag s'yang pansinin.
Tumango ako rito, "Oo, pero 'wag mo ng itanong sa akin dahil nakalimutan ko na ang mga 'yon. Panigurado namang alam mo ang tungkol doon."
Umupo ako sa kama. Katulad ng kama ni Dette. May haligi sa bawat apat na sulok ng kamang ito.
"Ganito ba rito? Iyong kama n'yo? Medyo weird kasi."
Ngumiti ito at lumapit sa kama, "Ganito lahat rito. May masama ba?"
Umiling ako rito, "Wala. Wala naman. Alam mo ba sa panahon namin, mahal na ang mga ito. Antique na kasi ang mga ito sa panahon namin." Habang kinukuyakoy ko ang aking mga paa.
"Ako'y aalis na para ika'y makapagpahinga dahil bukas pista na rito. Maaga pala ang simba bukas, lahat ng tao kailangan magsimba."
Umalis s'ya at naiwan ako rito. Humiga ako tinitigan ang bubong ng kamang ito.
Kaya ko bang baguhin ang mga pangyayaring nangyari na? O, baka mabigo lang ako.
Kaya ko bang iligtas ang buhay ni Dette at ng buhay ko? O, ito na talaga ang kapalaran namin.
Anong mangyayari sa akin rito habang binabago ang lahat. Makaka-adopt ba agad ako? O, problema lang ang dulot ko?
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, kung hindi dahil sa mga katok na nanggagaling sa pinto ay 'di ako magigising.
"Anong oras na ba at ang aga n'ya naman mambulabog." Naiinis akong bumangon at bumungad sa akin ang maamo n'yang mukha.
Tinignan n'ya ang buong katawan ko at sabay umiling.
"Alas-singko ng umaga ang umpisa ng simba. Alas-sais ng umaga mag-uumpisa ang mga palaro rito," tumingin ito sa oras na nandito. Lumang orasan. "Alas-kuwatro kinse na, Binibini Dette. Hihintayin na lamang kita sa baba." Saka umalis ito.
Dali-dali akong naghilamos at sinuot ang binigay ng kanyang Ina. Isang kulay rosas na camisa at saya.
Sumulyap ako sa orasan alas-kuwatro 'y medya na.
Nang makababa, bumungad sa akin si Rigo na nakakulay puting barong na may disenyo at may sumbrebrong itim. Katulad ng fedora hat.
Bakit gano'n biglang bumilis ang t***k ng puso ko, ganito rin ba nararamdaman ni Dette ngayon?
Ngumiti ito sa akin, parang anghel s'ya sa paningin ko ngayon. Mali 'to, Nicca, ninuno mo na 'yang mga 'yan.
"Halika na't malapit na mag-umpisa ang misa."
Sobrang dilim pa ang kalangitan, malamig na hangin na dumadapo sa aming mga balat kasabay ang mga ugong ng mga puno.
Paglagpas namin sa isang bilog na may mga halaman, ay s'yang pagdami ng mga taong nakakasabay namin.
Lahat sila'y nakatingin sa amin. Lahat sila'y papunta sa simbahan.
Tumingin ako kay Rigo pero nasa harap ang kanyang tingin. Waring nakaramdam s'yang nakatingin ako sa kanya.
"May dumi ba ako sa mukha?" Inosente kong tanong dito. Lahat kasi sila ay tumitingin sa akin.
Umiling ito, "Wala, binibini. Wari'y nagtataka lamang sila dahil ngayon ka lamang nila nakita."
Tumingin ako ulit sa nilalakaran namin.
Natanaw na namin ang simbahan ng San Bartolome.
(Google: Marinduque Rising)
Nang pumasok kami, halos mapuno na ang loob ng simbahan. Natanaw kami ng kanyang Ina at doon umupo sa tabi nila.
Kinakabahan ako, paano kung mamukhaan ako ni Dette? Paano kung makilala n'ya akong kamag-anak n'ya?
Sila pa man din ang namumuno sa bayang ito. Imposibleng 'di kami magkita nito.
Nasa pangatlong hilera kami ng upuan. Katabi ko sa kanan si Rigo at sa kaliwa ko naman ay ang kanyang kapatid na babae si Anita.
Sa pangalawang hilera ay mga kaibigan ni Rigo at pawang nakatingin ang mga ito sa'kin.
Siniko ko si Rigo, nang tumingin ito sa akin, tinuro ng labi ko ang mga kaibigan n'ya.
Lumapit ito sa kanang tenga ko, "'Wag mo na lang pansinin, waring gusto nilang sumagap ng balita."
Tumingin ako rito at sabay iwas sa mga kaibigan n'ya. Nahagip ng paningin ko si Dette na nakatingin sa amin pero agad itong umiwas.
Tsk. Mali ang iniisip n'ya.
Nag-umpisa ang misa sa pamumuno ng angkan namin, nila Dette. Mayor ang kanilang ama.
Nang matapos ang misa, binanggit ang mga magaganap sa pista. Mga palaro at mga okasyon.
Nasa labas na kami ng simbahan, maraming nagtitindang bulaklak, kandila at mga sampaguita.
"May agawang buko at palo sebo pala rito?" Tanong ko rito habang bumibili s'ya sa isang batang nagtitinda ng sampaguita.
Kinuha n'ya ang sampaguita, "Oo naman, binibini. Taong ito umuunlad ang mga palarong nakasanayan n'yo." Tumingin ito sa akin, "Gusto mo ba sumali?"
"H-hindi. Hindi nga ako sumasali sa aming pista, dito pa kaya."
Lumapit sa amin ang Ina ni Rigo, "Mauuna na kami sa inyo, isasama ko na itong si Anita, aasikasuhin pa namin ang lulutuin para sa pista."
Yumuko ako sa nanay n'ya, "Rigo, ikaw na bahala sa kaibigan mo. 'Wag kang lalayo sa kanya'y baka maligaw 'yan."
Tumango s'ya sa kanyang Ina at s'yang alis nila.
"Mamasyal tayo, binibini. Pakita ko sayo kung gaano kaganda ang Bayan ng San Bartolome."
"San Bartolome? Sa'ng parte ng Pilipinas ba 'to?" Naglalakad kami papuntang beachers pero gawa ito sa bato at gilid nito ay mga halaman na may namumulaklak na satan.
"Ang sabi noong labing anim na siglo ay sakop ito ng Probinsya ng Balayan, labing pitong siglo ay parte na 'to ng Mindoro kaya tayo'y sakop ng Mindoro."
"Sa'ng Mindoro tayo sakop? Oriental o Occidental?" Tanong ko rito. Dalawa kaya ang Mindoro.
Tumingin s'ya sa akin, "'Di ko alam ang iyong sinabi, Mindoro lamang ang tawag sa kanila. Malaki na ba binago sa panahon mo, binibini?"
Tumango ako rito, "Sa panahon namin, nahati sa dalawa ang Mindoro. Isang Oriental at Occidental Mindoro."
"Marahil, maraming pinagbago sa inyong panahon. Maganda ba sa panahon n'yo?"
'Di ko alam sasabihin ko. Maganda ba sa 21st century? Maganda ba sa panahon namin?
Nagkibit-balikat ako rito.
"P'wedeng Oo, p'wedeng hindi," pag-aalinlangan kong sabi sa kanya.
"Bakit mo naman sinabi, binibini?" Pagtatanong niya sa akin. Ayan na naman ang binibini niya.
"Maganda dahil sa bagong teknolohiya, mabilis na trasportasyon at iba pa. Hindi maganda dahil sa maraming krimen na nilalathala sa dyaryo at telebisyon."
Tumango ito sa akin, "Mas maganda pa ang panahon ko kaysa sa inyo?"
Hindi ko alam kung patanong ba ang sinabi n'ya pero tumango ako rito. Mas maganda nga sa panahon nila.
"Halika, binibini, ililibot kita sa Bayan ng San Bartolome."
Nasa harapan ko ang kanang kamay n'ya at hinihintay na ilapat din ang aking kamay.
Nginitian ko s'ya at s'yang lapag ko ng kaliwang kamay ko.
"Tara!"