—————
Chapter Four
—————
Mending a Broken Heart
Margareth Sandoval
One week after the night my ex-boyfriend Tryrone told me that I was just a bet. For years, akala ko minahal niya talaga ako. Akala ko bawat salitang binitawan niya at lahat ng ginawa niya para sa akin ay totoo pero lahat pala ng iyon ay pagpapanggap lang. Siguro nga ay masyado akong nagpakatanga sa kaniya. Siguro nga ay masyado akong nagpadala sa lahat ng ipinangako niya sa akin. For God knows what.
Masisisi ba nila ang isang babaeng katulad ko na umasang makamit ang isang habang buhay sa piling ng taong mahal niya? Si Tyrone lang ang kaisa-isang lalaking sinagot ko. Siya lang ang lalaking minahal ko dahil akala ko ay tunay ang pagmamahal na inalay niya ngunit hindi pala. Simula nang magdalaga ako ay puro pag-aaral lang ang nasa isipan ko. Gusto kong makatapos at makamtan ang nais kong maging isang Fashion Designer. Hindi sumagi sa isipan kong magnobyo hanggang sa nakilala ko siya. Tutol ang mga magulang ko kay Tyrone dahil hindi daw siya makabubuti para sa akin. Sinuway ko sila at sinunod ang puso ko. Pinatunayan ko rin sa kanila na hindi masisira ang pag-aaral ko at ngayon nga ay unti-unti na akong gumagawa ng aking pangalan. Nakapagpatayo na ako ng sarili kong boutique at kaka-celebrate lang ng isang taon.
Ginawa ko ang lahat pero sa huli ay nasaktan lang ako. Hindi dapat ako nagpadala sa matatamis niyang salita at pangako lalo na at hanggang salita lang ang ginawa niya. Hindi ko naman siya masisisi kung niloko niya ako. Madali akong magtiwala at magpatawad kahit pa minsan ay hindi karapatdapat na patawarin ang isang tao.
Siguro sa lahat ng pagkakataon na sinasabi ko sa kaniya na mahal ko siya ay pinagtatawanan niya ako. Habang abala ako ay nasa piling siya ng iba. Masakit. Napakasakit. Parang may pumisil sa puso mo ng napakahigpit at hindi ka makahinga. Ganiyan ang nararamdaman ko.
Sinasabi ng iba na tumigil na ako sa pagpapakatanga at sa pag-iyak dahil sa walang kwentang lalaki pero paano nga ba lumimot? Paano mo tutulungan ang sarili mong mag-move on kung nalaman mong ikaw lang pala ang nagmamahal? Na pinaasa ka niya at umasa ka naman?
Isang linggo lang akong nakakulong sa kwarto ko at walang ginawa kung hindi ang umiyak. Walang taong gustong makausap at makita. Kahit ang mga magulang ko ay ipinamumukha sa akin na tama sila, na dapat ay nakinig ako sa kanila. Hindi ba pwedeng damayan na lang nila ako?
But there's one person na hindi tumitigil hangga't hindi ako lumalabas sa shell na kinaroonan ko; si Devlin.
Nang makilala ko si Devlin noon sa bar kung saan niya ako iniligtas ay hindi ko itatangging nagkaroon na ako ng kakaibang atraksiyon sa kaniya. Unang beses ko rin siyang nakita ay sigurado akong nakita ko na siya noon. When he saved me from Tyrone though, I remember a scene two years ago. Sa ikalawang pagkakataon ay iniligtas niya ako at labis akong nagpapasalamat.
Ngunit tuwing maaalala ko na nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko pa lubos na kilala ay gusto kong sabunutan ang sarili ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kaya muntik nang mawala sa akin ang pinakaiingatan kong bagay. Lalong nadagdagan ang paghanga ko kay Devlin dahil hindi niya sinamantala ang pagkakataon. Para bang muli niyang pinukaw ang nadama kong paghanga sa kaniya noon.
Devlin is very attractive with his messy hair that suits him, his hazel eyes that can melt you and those sexy full lips lf him that I kissed. Oh God! Why am I having these thoughts? I just got out of a relationship! I can't help it though, sa tuwing makakausap at makikita ko si Devlin ay parang gusto kong magpaubaya. Natatakot ako sa mga naiisip ko dahil kahit noong kami pa ni Tyrone ay hindi ko naiisip ang mga ganitong bagay.
"Hija, hanggang kailan ka ba magkukulong sa kwarto mo? You need to accept the fact na niloko ka lang ng lalaking iyon. Marga please come out already." I was snapped out of my thoughts nang marinig ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng pinto.
Dahan-dahan akong umupo at napahawak sa ulo dahil kumirot ito. Dahil na rin siguro sa walang patid na pag-iyak. Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto ko na nangingibabaw ang kulay pula. Malaki ang kwarto ko at may sariling banyo. Tumigil ang mga mata ko sa mga nabasag na picture frame at mga nakakalat na regalo sa akin. Wala nang rason para ingatan ko pa ang mga ito.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Agad akong naghilamos at tinignan ang sarili sa salamin. Halos hindi ko na kilala ang nasa salamin. My eyes are red and puffy. I have bags under my eyes from the lack of sleep. My eyes, my eyes are so sad.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay wala na si Mommy kaya naman bumaba ako ng hagdan at pumunta sa sala para lamang matigilan. Para akong ipinako sa mga paa at nanlaki ang mga mata.
"What are you doing here?!" Gulat kong bulalas sa nakangising si Devlin. Bigla kong naalala ang hitsura ko kaya naman naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. God, please ground swallow me now.
"Hi beautiful." He said with a smile.
"Mabuti naman at lumabas ka na sa kwarto mo, Margareth. Hindi mo nabanggit sa amin na kaibigan mo pala ang isa sa kambal ng Montgomery?" Tanong ni Mommy na nakatingin sa akin at puno ng pagtataka ang mukha.
Natameme ako at ilang beses na ibinukas-sara ang bibig ko pero hindi ko maapuhap ang sasabihin ko. Ano ang sasabihin ko? 'Oh hey Mom, Devlin and I made out after I found out that my jerk of a boyfriend is cheating on me'?
I don't think so. They'll skin me alive because they raised me to be the perfect daughter.
"Actually, we just met Ma'am. We are still getting to know each other and I will not deny to you that I really do want to know your daughter more." The devil itself said and wink at me. Naramdaman kong muling namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Call me Tita Bernadette, hijo. Anyway, ano ba ang pinunta mo dito?"
"Gusto ko po sanang hiramin ang anak niyo. Gusto ko sana siyang ipasyal sa may hacienda namin para mas madali siyang makalimot."
Dahil sa sinabi ni Devlin ay natigilan ako at pinanlakihan ko siya ng mga mata. Hindi ko alam ang plano niya at ayokong sumama sa kaniya. Okay... that's a lie pero hindi na niya iyon kailangang malaman.
Sigurado naman ako na hindi papayag si Mom---
"Ganun ba? That's so sweet of you, Devlin. My Daughter will be so happy to go with you, right Margareth?" Tumingin sa akin si Mommy na may matamis na ngiti sa labi pero may bakas ng pagbabanta sa mga mata na tila ba sinasabing huwag kong subukang tumanggi.
Hindi ko akalain na ang sarili kong ina ay ibinubugaw ako sa lalaking gusto kong iwasan dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Binubuhay niya ang isang damdamin na naudlot na kaya naman nakakaramdam ako ng kaba at takot.
"Right." Nasabi ko na lang dahil wala naman akong magagawa. Nasisiguro ko na hindi na papayag si Daddy at Mommy na magkulong pa ako.
I glared at Devlin and he just smirk and wink at me. The A-hole.
"That's good! Ano pang hinihintay mo Marga? Mag-empake ka ng mga gamit mo. Chop chop!" Utos ni Mommy at inutusan din ang mga katulong na tulungan ako para mas mapadali.
Wala akong nagawa kung hindi ang mag-empake ng mga gamit ko na pang-ilang araw base na rin sa sinabi ng katulong na sinabihan ni Mommy. I rolled my eyes. Hindi ba sila natatakot na pasamahin ang nag-iisa nilang anak sa isang lalaki na hindi pa niya lubusang kakilala?
Mabuti na rin siguro ito para makalimot ako. Sawa na akong umiyak at isipin lahat ng tungkol sa kaniya. Sisimulan ko na ang paglimot at sana sa pagsama ko kay Devlin ay magawa ko ito.
Matapos ang kalahating oras ay nakahanda na ang lahat at hinahatid na kami ni Mommy at Daddy sa kotse ni Devlin.
"Take good care of my daughter, young man. Kapag nasaktan siya ay hahabulin kita hanggang sa impyerno." My Dad said seriously and Devlin chuckled nervously. Good. Be scared.
"Text me if you need anything and call me when you get there. Ingat ka doon ha at sana ay matulungan ka ni Devlin. We love you Marga." Mom said dramatically bago ako niyakap.
I rolled my eyes and stop myself from face palming. "Mom, ilang araw lang iyon at nasa Pilipinas pa rin kami."
Narinig kong natawa si Daddy bago kami nagpaalamanan at sumakay ng kotse.
Wala akong idea kung saan ang Hacienda Montgomery kaya naman hindi ko alam kung gaano katagal ang byahe.
"Bakit mo ito ginagawa Devlin? We barely know each other." Natagpuan ko na lang ang sarili kong kinakausap siya.
"Because I want to know you more." He blatantly said. Ilang segundo lang akong nakatingin sa kaniya bago muling tumingin sa labas. We sat in comfortable silence. Wala na akong gustong sabihin pa kaya naman mas pinili ko na lang na huwag magsalita.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na bumyahe pero nang makita ko ang malaking sign na sinasabing nasa Hacienda Montgomery na kami ay hindi ko napigilan ang sarili kong humanga sa paligid. Napakaganda ng lugar at halata mong pinagkagastusan talaga.
Huminto na ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto ng naghihintay na security guard. Inililibot ko ang tingin ko sa paligid kaya naman hindi ko namalayan na lumapit pala sa akin si Devlin.
"You were ignoring my calls and I'm sure you are moping around that's why I decided for you to come with me. This is the best place to mend a broken heart and I am here to help you beautiful. Let me pick up the pieces of your broken heart and fix it again. Let me make you forget about him. Let's get to know each other. Will you let me do that beautiful?" He held up his hand for me to take.
For a moment I actually feel like a teenager all over again. Nakatingin ako sa mga mata niya at wala akong makita kung hindi sinseridad kaya naman natagpuan ko na lang ang sarili kong kamay na hinahawakan ang kamay niya.
"I want it."