Start of Something New
Devlin Montgomery
I didn't know how and when but then I found myself kissing this stranger on top of my bed. I know that this isn't right. Hell I'll probably go to hell for this but let's make it one hell of a ride.
I am far from drunk but this girl... is. Bakit ba ako nagdadalawang-isip ngayon? Ano ang pinagkaiba ng babaing ito sa ibang babae na nakaniig ko na noon? Noon, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras at agad na gagawa ng aksyon pero ngayon... I can't bring myself to do it. Who am I kidding though? I want to r****h this beatiful girl hanggang sa sumikat ang araw pero... may isang bagay na pumipigil sa akin na gawin iyon.
I kissed her passionately, she bit my bottom lip making me groan. Damn I have to stop but I can't. I'm lying between her legs and I can feel my shaft hardening, wanting to get inside her. I lifted myself off her to stop myself but she pulled me down once again. Oh, f*ck.
"Please. I need this. Make me feel loved and beautiful. I want you to take me. Ang bagay na hindi ko naibigay sa kaniya kaya niya ako niloko." She whimpered and I froze.
A virgin. I should've thought. Parang may isang timbang tubig ang ibinuhos sa akin kaya naman natauhan ako. Lumayo ako sa kaniya at napatayo. Napahilamos ako sa mukha ko. I almost took her innocence. f**k, I was so close to taking it from her. Call me a man w***e pero hindi ako pumapatos ng mga birhen. Hindi ako ganoon kadesperado.
Napatingin ako sa kaniya at nakitang tahimik lang siyang lumuluha habang nakatingin sa kisame. I want to beat the s**t out of the guy who broke her heart. Who cheated on her just because she refused to give her virginity? Damn that is so f*cked up. In a way I am glad na hindi niya ibinigay ang iniingatan niyang p********e dahil baka mas lalo lang siyang masasaktan.
Why do I care for this girl even though I just met her today is beyond me.
"H-he said that he'll wait for me to be ready. Alam mo ba kung ano 'yung mas masakit? Halos kalahati ng taong magkasintahan kami ay niloloko niya pala ako. Habang sinasabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako ay nasa piling din siya ng ibang babae. Siya ang unang lalaking minahal ko. Kahit ayaw sa kaniya ng mga magulang ko ay pinaglaban ko siya. Saan ako nagkulang?" Mahinang sabi niya na para bang sa sarili lang niya ito sinasabi. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya at galit para sa dati niyang kasintahan.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong inaalo siya habang umiiyak naman siya sa dibdib ko. Marahan ko lang hinahaplos ang buhok niya at hinahayaan lang siyang umiyak.
"H-hindi ko naman siya masisisi kung niloko niya ako. Look at me, I'm too plain, boring and a freaking virgin!" Bulalas niya at lalong lumakas ang iyak niya.
I sighed. "Hey now, ssh. Stop crying. Now, let me look at you," bahagya ko siyang inilayo sa akin at pinunasan ang luha sa mga mata niya. "Your ex is an asshole who couldn't keep his d*ck in his pants. You are beautiful. Not boring, not plain. But beautiful. I think I'm going to call you that from now on para maalala mo na maganda ka. Now, stop crying alright, beautiful?"
She looks at me with puffy eyes. "B-but you won't sleep with me. You're lying."
"So if I take you right now, you will feel beautiful?"
She nodded her head. I shook my head slowly.
"Mali. That will make you feel dirty. Believe me." I said with a small smile. She sniffed one more time bago siya ngumiti and damn if it doesn't made my heart pound.
"Sleep now beautiful." Marahan ko siyang inihiga at kinumutan. Dahil marami namang kwarto dito sa Mansion ay napagdesisyunan kong sa guest room na lamang matulog para maging komportable siya.
Bago pa ako makalayo sa kama ay hinawakan niya ang kamay ko. "Pwede bang malaman ang pangalan mo? Ako nga pala si Margareth Sandoval."
Muli akong tumingin sa kaniya at sinabing. "Devlin Montgomery."
"MARGARETH Sandoval is the one and only heir of Sandoval company and estates. Lahat ng pag-aari ng kaniyang pamilya ay siya ang magmamana. " Sabi ng pinsan kong si Zach na isang private investigator. Kinahapunan matapos kong ihatid si Margareth pagkagising niya ay dumating si Zach na inutusan kong imbestigahan ang dalaga. Nang dumating ito ay tangay-tangay si Isaiah. Nalasing man si Margareth ay natatandaan naman daw niya ang mga pangyayari at nagpapasalamat daw siya na hindi ko ginawa ang gusto niya dahil sigurado siyang pagsisisihan lang niya iyon. Nagpalitan kami ng number at nagpaalamanan na.
I grinned at Isaiah and he just gave me a dry look. He sighed and said. "Devlin. It was a joke. A joke! Hindi ko naman sinabing seryosohin mo ang minungkahi ko." He said with an irritated look.
I shrugged. "It was a brilliant idea though, Zay. She's beautiful, a heir, and most of all. She's submissive. Mukhang hindi ako mahihirapan na hiwalayan siya kapag kailangan." I said like it's the most brilliant idea.
Umiling-iling si Isaiah at binigyan ako ng isang disappointed look. "Don't do this, Devlin. Don't use an innocent woman for your own benefit." He said in a very serious tone. Isaiah is never serious.
"Who said that I will use her for my own benefit? I'm sure she'll get something from this. We'll help each other."
"In fact, there is one thing. Nalaman ko na kailangan niyang magkaroon ng asawa at anak para makuha ang lahat ng mamanahin niya."
Tumingin ako kay Isaiah. "I told you."
"I swear, labas ako sa kalokohan mong ito Devlin."
Hindi ko na siya pinansin at tinanguan si Zach para magpatuloy.
"She's older than you by two years---"
"Woah. Wait, what? Are you shitting me, Zachary? Mukha siyang eighteen at hindi twenty four!" Protesta ko sa kaniya. It was true though. Dahil sa maamo niyang mukha ay hindi ko akalain na mas matanda siya sa akin.
"I'm serious. That's all. You know how to pay me. I'm going now." Tumayo na si Zach kaya naman tumayo na rin ako at nakipagkamay sa kaniya.
"Thanks cousin."
"Aalis na rin ako. Again, sana ay huwag mong ituloy ang balak mo, Devlin." Sabi ni Isaiah bago sumabay kay Zach palabas.
I slumped back in my seat with a sigh. Ayoko naman gawin ito pero ito na lang ang nakikita kong paraan para makalamang kay Devon. Who knows though? Baka magustuhan ko na rin si Margareth. Mukhang hindi naman siya mahirap mahalin.
Dahil oras na ng hapunan ay hindi na ako nagpaluto kay Manang at napagdesisyunang kumain na lang sa labas. Ilang araw na lang ang ilalagi ko dito. Ano kaya ang maaari kong gawin para hindi na ako pabalikin ni Mom and Dad sa ibang bansa?
Nakarating ako sa isang restaurant na pag-aari ng pamilya ko. Nang makapasok ay agad naman akong nakilala ng mga staff. Yes, Devon and I are so much alike but one look at our eyes, malalaman mo ang pagkakaiba.
"What would you like, Mr. Mongomery?" Magalang na tanong sa akin ng waiter.
Ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid, hindi naman maipagkakaila na kilala ang aming pamilya sa bansa.
"I want the usual. Thank you." Nakangiti kong sabi. Kahit kasi nasa ibang bansa ako ay alam ni Roy, ang head chef dito ang paborito ko.
Nginitian niya rin ako bago tumango at nagmamadali nang pumasok sa kitchen.
Inilibot ko ang mata ko sa paligid, wala naman itong pinagbago sa disenyo. Si Mom mismo ang nag-disenyo nito dahil sa hilig niya iyon. Siya rin ang may hawak ng mga restaurant namin.
"Please just one more chance, Marge. I swear I will never do it again. Ikaw lang ang mamahalin ko pangako iyan just give me one more chance." Rinig kong pagmamakaawa ng isang lalaki sa likuran ko at dahil wala sa lahi namin ang chismoso ay inignora ko na lang ang magkasintahan sa likod ko.
"Mr. Mongomery. Here are your orders. Please enjoy your meal."
"Thank you."
Just when I was about to take bite of my meal, I heard a familiar voice behind me.
"No. Hinding-hindi na ako magpapakatanga sa iyo, Tyrone. And besides... I have a special someone now."
Ibinaba ko ang kutsara at dahan-dahang lumingon sa likod ko. Tama nga ang hinala ko dahil nakita ko si Margareth. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod siya sa akin.
Narinig kong tumawa ng malakas 'yung lalaki dahilan para mapatingin sa kanila ang mga tao.
"Oh God. That is hilarious. Ikaw? May special someone? Come on, Margareth. Ako nga lang ang lalaking nagtiyaga sa pagkamanang mo. Hindi ko pa nakuha ang gusto ko. Anyway, just so you know, I never loved you. Niligawa kita dahil sa pustahan. Pero dahil sa kaartehan mo ay natalo ako."
Kitang-kita ko kung paanong sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Bakas ang sakit sa mukha niya.
Lumingon siya sa paligid at tumayo na. Pero bago pa siya makalayo ay nahawakan na siya sa kamay ng lalaki.
"Remember this, no one will ever love you. You are plain and boring. Kung hindi dahil sa pamilya mo ay wala ka. You are nothing---"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay dumapo na sa mukha niya ang kamao ko dahilan para matumba siya at bumagsak sa mesa.
"So, you are the famous asshole who cheated on his girlfriend," I heard people gasped around me. "I was glad for what you did. Pinakita mo lang na ang isang basurang kagaya mo ay hindi nararapat sa isang magandang babae na katulad niya. Nagpapasalamat ako sa ginawa mo dahil nakilala ko siya. Remember this too." Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kwelyo. "She is the most beautiful girl I've seen in my whole life and she doesn't deserve a waste of space like you." Marahas ko siyang binitawan sabay hila kay Margateth. Alam kong pagpipistahan kami bukas ng balita pero wala akong pakialam.
Rinig ko pa rin ang bawat paghikbi niya hanggang sa maisakay ko siya sa kotse. Walang umiimik sa amin habang nagmamaneho ako. Dinala ko siya sa Manila Bay at inalalayan siya sa paglabas.
Hindi na siya umiiyak pero napakalungkot ng mga mata niya.
"Salamat." She muttered silently.
Hindi ako sumagot at parehas lang kaming nakatingin sa buwan habang nakasandal sa kotse.
"Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin. Minahal ko siya ng totoo at ang sakit malaman na lahat ng sinabi at ginawa niya ay puro kasinungalingan lang. Puro pagpapanggap lang."
Muli siyang napaiyak at hindi naman ako nagdalawang-isip na yakapin siya.
"Don't leave me, Devlin."
"I won't."
Never.