Chapter 5

1810 Words
————— Chapter Five ————— The Decision Margareth Sandoval "So, for your first day, let's play Twenty questions." Devlin said habang nakaupo kami sa isang kubo sa kanilang Hacienda. Nang matapos kong malibot ang kabuuan nito ay nagustuhan ko ito at nang makita namin ang pahingahang ito ay agad ko siyang inaya na magpahinga. "Sure thing." Pagsang-ayon ko sa kaniya at sumandal ng maayos. Maliit lang ang kubo pero kumpleto ito sa gamit dahil madalas dito magpahinga ang mga tauhan nila. "How old are you?" Una niyang tanong. Magkatabi kaming nakasandal sa kubo kaya naman magkadikit ang aming mga braso. "I'm twenty fo---" "D*mn it." Mahina niyang usal kaya napalingon ako sa kaniya. "Bakit?" "Nothing. Your turn." "Ikaw, ilang taon ka na?" Isinandal ko ang ulo ko at nakatingin sa kaniya para hindi ako mahirapan sa kakalingon. "I'm twenty two." He said with a hint of annoyance in his voice. "Bakit ganiyan ang tono mo?" Taka kong tanong sa kaniya. "Wala. Hey that is a question! My tu---" I cut him off with a huff. "Pang-ilang boyfriend mo 'yung ugok na iyon?" I chewed on my lips wondering how to answer his question. Ngayong nalaman ko na mas matanda pala ako sa kaniya pero nakaisang nobyo lang ako ay parang gusto kong makaramdam ng hiya, bakit? Dahil sigurado ako na hindi na mabibilang ang mga naging nobya niya. I sighed and decided to answer him honestly. "He's my first boyfriend." I saw arch his brow at me. "Really? "Really. Haha tanong iyan Devlin! Ako naman. Hm, ikaw ilan na ang naging girlfriend mo?" "I can't give you a number. I lost count after ten." He said with a grin. I rolled my eyes at his cockiness. "Ano ang tipo mo sa isang lalaki?" "Ang totoo niyan ay wala naman akong tipong lalaki. Because let's face it, hindi lahat ng nakikita ng mata mo ay mamahalin ng puso mo. Ang tipo kong lalaki? Iyong mamahalin at pagkakatiwalaan ng puso ko." Nakangiti kong sabi sa kaniya. "That's deep." Biro niya sa akin kaya naman nahampas ko siya sa braso at kinatawa naman niya, ayoko man ay unti-unti na akong nagiging kumportable sa presensya ni Devlin. Sa loob lang ng kalahating araw! What's wrong with me? "Seriously though. Hindi dapat sa lahat ng pagkakataon ay puso mo ang susundin mo. Tandaan mo na minsan mas alam ng isip mo ang dapat mong gawin dahil iyan ang nag-iisip. Ang puso ginawa para magmahal at mahalin." "Now that is... Deep." Panggagaya ko sa sinabi niya kanina. Tumingin siya sa orasan niya at tumayo na. "Tara. May gusto akong ipakita sa'yo." Inalalayan niya ako sa pagtayo at pinauna na niya ako. "Oh wait before I forgot... I still have one more question pero tatanungin kita bago tayo umalis dito." Nagtaka man ay hindi na ako muli pang nagtanong at tumango na lang. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Mansion nila. Makaluma na ito at ang sabi ni Devlin ay ang mga Lola at Lolo pa niya ang tumira dito. Ang mansion ng mga magulang niya ay siya na lamang daw ang nakatira dahil ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa at ang kakambal naman niya ay sa Hotel nila piniling tumira. Sinabi rin niya na sa ibang bansa pala siya nagt-trabaho at narito lang siya sa bansa para sa bakasyon. Sa sususnod na linggo ay babalik na siya. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya. Masyado nang napalapit ang loob ko sa kaniya at natatakot ako na mauwi ito sa mas malalim na damdamin. We will never work out. "Akala ko may ipapakita ka sa akin?" "Oo. Medyo malayo iyon dito kaya kailangan nating sumakay ng kotse. Magdala ka rin ng pampaligo. Let's meet here after ten minutes." Paliwanag niya at nauna nang umakyat sa kwarto niya. Sinundan ko siya at hindi ko maiwasang isipin kung ano ang dapat kong dalhin na pampaligo. Kailangan ko bang mag-bathing suit o ayos na ang damit at shorts? Pagpasok sa guest room ay napag-desisyunan ko na lamang na magsuot ng two piece suit. Pinatungan ko ito ng tshirt at short at nagdala na rin ako ng tuwalya bago bumaba. Pagbaba ay naghihintay na si Devlin kaya naman magkasabay na kaming pumunta sa kotse niya. Habang nagmamaneho si Devlin ay palihim ko naman siyang sinusulyapan. Simpleng white sando at short lang ang suot niya at nakasuot din siya ng shades na lalong nagpadagdag sa kakisigan niya. Tinignan ko ang matipuno niyang braso hanggang sa mga daliri niya na nakahawak sa manibela. "You know, I don't mind you staring at me but I'll be honest, it's turning me on. Stop staring or else you'll face the consequences." Bahagya niyang inilayo ang tingin niya sa daan at kinindatan ako na ikinapula ng pisngi ko. Akala niya siguro ay ang manyak ko na dahil nahuli niya akong pinagmamasdan siya. Hindi na ako muli pang tumingin sa kaniya at pinagmasdan ko na lang ang mga puno sa paligid. Dahil sa Bulacan niya ako dinala ay amoy na amoy ko ang simoy ng hangin at hindi usok. Siguro balang-araw ay sa probinsya ko na lang din gugustuhing manirahan. Ilang sandali pa ay inihinto niya ang sasakyan niya at bumaba na kami. "Nasa loob pa ang talon na malapit dito. Huwag kang mag-alala, safe ang lugar na iyon dahil noong mga bata kami kapag bumibisita kami dito ay madalas kaming lumangoy doon. Come." sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ang kanang kamay ko at nauna na siyang maglakad. Sa hindi malamang dahilan ay gusto kong init ng palad niya. It's... comforting. "Ilang araw ba tayo mamamalagi dito, Devlin?" "Three days." lumingon siya sa akin at ngumiti. Nagpatuloy pa kami sa paglalakad papasok sa kagubatan at nang marating na ang pakay ay hindi ko napigilang mapasinghap dahil sa ganda ng lugar. Kulay asul ang tubig at kitang-kita ang ilalim. "It's beautiful." mangha kong sabi. "You are too." dinig kong sabi ni Devlin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling mapangiti dahil sa sinabi niya. Hinubad ko na ang suot kong t-shirt at iniwan ang shorts at nauna nang lumusong sa tubig. Katamtaman lang ang lamig nito kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at lumangoy na. Nang umahon ako ay tumingin ako sa kinatatayuan ni Devlin pero nagtaka ako ng hindi ko siya nakita. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko siya makita. Bahagya na akong nakaramdam ng kaba, iniwan ba niya ako? Paano nga ku--- Isang impit na tili ang kumawala sa bibig ko nang may biglang bumuhat sa akin. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya para hindi ako mahulog habang hawak naman niya ang mga hita ko na nakapalupot sa baywang niya. I can't help but feel a little uncomfortable because of our intimate position. "What have you done to me beautiful? I can't get you our of my damn mind no matter how I try. I told myself that I should mind my own business because you are obviously broken. Pero hindi ko mapigilan. I'm sorry for this." Bago ko pa maitanong sa kaniya kung bakit siya humihingi ng pasensya ay nailapat na niya ang labi niya sa mga labi ko kaya naman lumipad kung ano ang nais kong itanong sa kaniya. His kisses are different. Kay Tyrone ay magaslaw ang mga halik niya at laging nagmamadali pero kay Devlin... it's slow and passionate. Parang may gusto siyang iparating na mensahe sa akin. Parang may gusto siyang iparamdam. Ang isip ko ay nais tumanggi, sinasabing itulak ko si Devlin dahil mali ito pero ang puso ko naman ay gustong magpaubaya. Sa huli ay sinunod ko ang gusto ng puso ko at sinimulang tumugon sa halik niya. Mabagal lang sa una hanggang sa maramdaman ko na kinagat niya ang pang-ibabang labi ko dahilan para mapasinghap ako at maipasok niya ang dila niya. He explored my mouth, it's as if he's looking for something. Nang hindi na kami makahinga ay iniwan niya ang labi ko at bumaba ang halik niya sa leeg ko. Hinalikan niya ito at kinagat-kagat, sigurado akong mag-iiwan ito ng marka pero hindi ko mahanap ang lakas para pigilan siya. Muling bumalik ang labi niya sa labi ko pero hindi katulad noong una ay mabilis lang ito. Isinandal niya ang noo niya sa noo ko at tinitigan ako sa mga mata. "Alam ko na nasaktan ka at pinipilit mo pa ring makalimot pero.. gusto kong malaman mo na gusto kita. Gusto kitang ligawan. I will help you move on. Use me beautiful." Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Paano niya ako nagustuhan sa loob lamang ng ilang araw? Posible ba iyon o gusto lang din niya akong gamitin? Paano ako makasisiguro na hindi nya ako sasaktan? Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa ginawa ni Tyrone at hindi ko iyon basta-basta makakalimutan. "I-I don't know." I frowned at myself. Devlin Montgomery is right in front of you. Asking you to use him. Isang lalaki na maaaring makuha ang kahit na sinong babae pero ikaw ang gusto niya, isang babaeng iniwan ng boyfiend. Lumarawan ang pagkadismaya sa mukha niya at dahan-dahan akong ibinaba. BInigyan niya ako ng isang pilit na ngiti. "It's fine. I understand." pagkasabi niya noon ay lumangoy siya palayo sa akin. Tahimik lang kaming lumalangoy habang tinitignan ko siya. Sa lumipas na dalawang araw ay inilibot niya ako sa probinsya nila at ginawa niya ang lahat para malibang ako. Nagpapasalamat naman ako sa kaniya dahil kahit na sa kaunting oras ay nakalimutan ko ang lahat at naging masaya ako ulit. Nai-kwento ko sa kaibigan kong si Gaile ang nangyari at halos mabingi ako sa ginawa niyang pagsigaw nang malaman niya kung ano ang isinagot ko kay Devlin. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya sa akin na nakapagpaiba ng aking isipan. "Marga, naiintindihan ko na nasaktan ka pero alam naman nating pareho na ginamit ka lang ni Tyrone at hindi ka niya minahal talaga. Bakit mo papahirapan ang sarili mong kalimutan ang isang walang kwentang lalaki kung meron namang tao na handang sumalo at alagaan ka? Bigyan mo ng chance si Devlin. Bigyan mo ng chance ang sarili mo. HIndi ko sinasabi na kalimutan mo na nang tuluyan ang ex mo pero ang akin lang, huwag kang magpakatanga sa isang taong ginamit ka lang naman dahil para mo na ring pinatay ang sarili mo habang siya ay tumatawa. I want to see you happy." Kaya naman habang pabalik kami ng Manila ay nakapag-desisyon na ako. Nang marating namin ang Mansion namin at nang pagbuksan ako ni Devlin ng pintuan ay humarap muna ako sa kaniya. "I'm sorry kung hindi kaagad ako nakasagot me---" "It's fine, really. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Aalis na ak---" "Pumapayag na ako." Natigilan siya at nakatingin lang sa akin. Maya-maya pa ay sumilay ang ngiti sa labi niya at mabilis akong niyakap. "You will not regret this. Gagawin ko ang lahat para makuha ang matimis mong oo." Ngumiti lang ako sa kaniya tanda ng pagsang-ayon. Ito na ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ko. Titignan ko kung hanggang saan ito makakarating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD