A Beautiful Stranger
Margareth Sandoval
With a smile on my face and a baked cake in my hand bumaba ako sa kotse at pumasok sa condo building kung saan nanunuluyan ang aking nobyo na si Tyrone. Hindi niya alam na darating ako kaya naman gusto ko siyang sorpresahin, it's our first anniversary after all.
I can't wait to see his face. I'm sure he'll be surprised and so happy.
Sumakay na ako sa elevator at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Sigurado akong busy na naman siya sa trabaho niya. I completely understand though.
Nang bumukas na ang elevator ay naglakad na ako papunta sa unit ni Tyrone na nasa pinakadulo. Gamit ang spare key na ibinigay niya sa akin ay binuksan ko ang pinto ng unit niya at pumasok. Katahimikan ang sumalubong sa akin. Inilagay ko ang mga dala ko sa mesa at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto niya para lamang matigilan.
Sa kabila pala ng katahimikan sa labas ay mayroon palang nangyayaring milagro sa loob ng kwarto niya.
With shaking hands, I pushed open the door when I saw that it's open. There I saw my worst fear, my worst nightmare. I never thought that my boyfriend who courted me for years, my sweet and caring boyfriend, the one who told me that we'll make forever happen will do this to me.
There's a girl riding him with his face full of pleasure.
I realize one thing though, it's not the word forever that is not real, it's the promise from someone you love the most.
Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay isang hikbi na ang kumawala dahilan para matigilan ang mga ito. Mas lalo akong pinanghinaan ng loob nang makita ko kung sino ang kaniig ng aking nobyo. It was his so called cousin that he introduced to me a few months ago.
"Marge, I can explain alright? It's not what it looks like." Nakita ko siyang mabilis na nagsuot ng boxer habang ang babae ay hindi na nag-abala pang takpan ang kahubdan at nakatingin lamang sa akin na puno ng pangungutiya.
Nang makabawi ay agad akong tumalikod at mabilis na kinuha ang bag ko at lumabas ng unit niya. Lakad-takbo ang ginawa ko para lamang makalayo sa taong sinabing kailanman ay hindi ako sasaktan. Walang patid sa pagtulo ang mga luha ngunit hindi na ako nag-abala pang punasan ang mga ito. I trusted him, he was my first boyfriend!
Bago pa ako makapasok sa elevator ay may humigit sa braso ko. "Marge! Margareth please just listen to me. It's nothing, I love you!" Buong pagsusumamong sabi niya.
Hindi ko magawang tignan siya sa mga mata dahil alam kong magiging mahina na naman ako kaya naman umiwas ako ng tingin. "Since when? Kailan mo pa ako niloloko?"
"She's noth---"
"Sagutin mo ang tanong ko!" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tignan siya.
Napayuko siya at napabuntong-hininga. "Isang buwan bago ko siya ipakilala sa'yo."
Dahil sa narinig ay hindi ko napigilang mapatawa ng pagak habang buong diin kong kinakagat ang labi ko para pigilan ang sariling humagulgol sa harap niya.
"A-anong naging pagkukulang ko, Tyrone? Binigay ko naman sa'yo lahat ng higit pa sa kaya ko. Bakit? Bakit mo nagawa ito sa akin?!" Pinagpapalo ko siya sa dibdib pero unti-unti na akong nakakaramdam ng panghihina.
Nakita ko ang paghihirap sa mukha niya dahil sa nakikitang paghihirap ko. Pero ano ba ang karapatan niyang masaktan o mahirapan gayung ako ang niloko niya?
"Lalaki lang ako Marga. May pangangailangan akong hindi mo kayang ibigay."
Natigilan ako sa sagot niya at napatitig lang ako sa kaniya. Nang rumehistro sa utak ko ang sinabi niya ay sinampal ko siya kasabay ng pagbagsak ng panibagong luha.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin na ako pa ang nagkulang. Kung mahal mo talaga ako katulad ng sinabi mo ay maghihintay ka. Akala ko totoo ang sinabi mo na kaya mo akong hintayin pero hindi pala! Nagpapasalamat ako na hindi ko iyon ibinigay sa isang katulad mo. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo," with one last glare ay tumalikod na ako sa kaniya pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ng kaibigan kong si Gaile. Muli ko siyang hinarap. "Ah. Happy anniversary." Pagkasabi ko niyon ay itinaas ko ang tuhod ko kasabay ng paghitak ko sa kaniya at buong lakas iyong itinama sa p*********i niya.
Nang makita ko siyang namilipit ay tinalikuran ko na siya at pumasok na sa elevator. Bumuntong-hininga ako at pinigilan ang sariling muling mapaiyak.
Nang makasakay ako sa kotse ko ay pinaandar ko ito papunta sa pinakamalapit na bar. Hindi ako ang tipo ng babaeng magpapakalango sa alak but what the hell? I'm broken hearted and I got cheated on. Siguro naman ay may karapatan akong lumimot. Kahit ngayong gabi lang ay gusto ko siyang kalimutan. Gusto kong maging manhid para hindi ko maramdaman ang sakit.
Devlin Montgomery
Mula sa kinauupuan ko ay pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw ng babae. Mulhang hindi siya sanay sa mga ganitong lugar at mas lalong hindi siya marunong uminom dahil base sa sabi sa akin ni Isaiah ay nauna lamang ang dalaga sa akin ng sampung minuto pero mukhang tinamaan na siya.
Ramdam ko ang inis sa bawat lalaking lumalapit sa kaniya pero lahat sila ay umaalis na laglag ang balikat. I can't help it but I am interested.
Nang tumayo siya at gumegewang-gewang na pumunta sa dance floor ay agad namang naglapitan ang mga kalalakihan sa kaniya para makasayaw ang babae. Nakita ko kung paano siya magsayaw and f*ck those sexy hips, ass and legs. She sure knows how to move them. I can feel myself getting hard.
"Mukhang may biktima ka na, Devlin."
"Nah. She's not my type." Tanggi ko kay Isaiah kahit pa alam kong may nararamdaman akong paghanga sa estranghera. Pero bakit ko nga ba pinipigilan ang sarili ko? Maybe because she looks so innocent and naive even if she's dancing like a pro?
"Could've fooled me."
I just grin at him at muling ibinalik ang tingin sa babae lang makita na pilit siyang nagpupumiglas mula sa isang lalaki. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na tumayo at lumapit. Namg makalapit ay hinila ko palayo ang lalaki sa kaniya.
"Leave her the f*ck alone." From the corner of my eye, I saw the bouncers are ready to protect me but I held up my hand.
"And if I don't?" Mayabang na sabi nito.
"You'll regret it." I said with dangerous tone.
He held up his hands in surrender. "Whatever, man." Tumalikod na ito habang tinitignan kami ng mga tao sa paligid.
Hindi ko sila pinansin at agad na binalingan ang babae. Mukhang bahagya siyang nahimasmasan dahil sa nangyari. "Are you alright, Miss?"
She looked up, startled. Nang tignan niya ako ay nakita ko ang takot sa mga mata niya. For some reason ay ayaw ko siyang matakot sa akin. "Y-yeah. Uh, thanks and I... Have to go." Nagsimula na siyang maglakad pero base sa lakad niya ay hindi niya kayang mag-isa.
Tumingin ako sa direksyon ng mga pinsan ko at nakita kong tumango si Isaiah na para bang sinasabing ayos lang na umalis ako. Tumango din ako at mabilis nang siundan ang babae. Paglabas ng bar ay nakita ko siyang naglalakad na parang wala sa sarili. With a small smile, nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ko at sinundan siya sa paglalakad.
She's mumbling to herself pero naririnig ko ang inang sinasabi niya. Mukhang tama nga ang hinala ni Zay na broken hearted ang dalaga.
"I gave him everything. Nagawa ko pang suwayin ang sarili kong mga magulang para sa kaniya pero bakit niya ako niloko? Bakit siya naghanap ng iba?" Narinig ko siyang humihikbi at nakaramdam naman ako ng awa para sa kaniya.
Oh, dear. Am I seriously doing this?
Natapilok siya at bago pa siya matumba ay nahawakan ko na siya sa baywang dahilan para mapaharap siya sa akin. Ilang saglit kaming nagtitigan at kinuha ko rin ang pagkakataong iyon upang pagmasdan ang mukha niya. Kahit na nasira na ang make-up niya at kahit puno ng luha ang mukha niya ay napakaganda pa rin niya.
"Oh, it's you. My knight and shining armor."
I chuckled and nodded. "It's me."
"Stranger... Can I ask you a question?"
I shrugged. "Sure."
"Am I beautiful?"
I gulped and said. "Fu-- I mean yes. You are."
"Prove it."
I frowned down at her. "How?"
"Kiss me."
Oh, f*ck I'm screwed.