Chapter Six
Status: In a Relationship
Devlin Montgomery
Four months later
Sa loob ng apat na buwan ay pinilit kong tapusin lahat ng trabaho ko dito sa Vegas dahil gusto ko nang hilingin kay Mommy na ang kompanya na lang sa Pilipinas ang pamamahalaan ko at ang pinsan ko na lang na si Dexter ang mamamahala ng kumpanya dito. Gusto ko nang manatili sa Pilipinas para makasama siya.
Kahit magkalayo ay gumagawa ako ng paraan para lang makita at makausap siya. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na ginagawa ko lang ito para sa sarili kong kapakanan pero hindi ako nagtatagumpay. I know that deep inside of me... I actually care for her, more than I should.
Natatandaan ko pa nang umuwi ako sa bansa para ang makita siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. I told her that I missed her and she rewarded me with her smile. I took her out on a date and even gave her a necklace. Nakapagkit pa sa aking isipan ang masayang mukha niya nang isuot ko sa kaniya ito. It was a simple paper plane necklace. I remember her blushing nang sabihin ko sa kaniya na gusto kong maaalala niya ako kapag nakikita niya ang kwintas. But then a familiar face with blushing cheeks came up in my head.
Nang oras ring iyon ay naalala ko na kung saan ko siya nakita. She was the girl who’s mumbling to herself about not having a boyfriend. Naalala ko noon dahil may kausap ako sa cell phone at nang matapos ito ay narinig ko ang sinabi niya. Nakaramdam ako ng simpatiya sa kaniya dahil alam ko ang pakiramdam ng kinakawawa kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na tulungan siya.
Hell, I never thought I will see her again! When I told her that I remember what happened two years ago, she started blushing again.
After our little reminiscing, isinuot ko sa kaniya ang kwintas. “I want you to wear this and always remember na kahit nasaan ako ay pupuntahan at pupuntahan kita. Kahit gaano pa ito kalayo, just like this paper plane.”
Maging ako ay nagugulat sa mga bagay na ginagawa at sinasabi ko. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay hindi ko ito ginawa. I will buy them gifts and have my wicked way with them after a day or two. Maaari nga kayang unti-unti ko na siyang nagugustuhan?
Anong meron sa kaniya na wala sa mga babaeng nakilala ko? She’s naive, too kind for my liking and sweet pero hindi iyon ang tipo ko sa babae. I want them feisty, hot, sexy at susunod sa gusto ko.
Pinirmahan ko na ang huling kontrata at inilipag ang sign pen ko. I leaned back and piched the bridge of my nose. This feeling is worse than this damn work. It’s... too familar. I shook my head and press the intercom. Ilang sandali pa ay pumasok na ang sekretarya kong si Rina, she’s American with pretty blue eyes pero kahit kailan ay hindi ako naging interesado sa kanila. Americans are pretty and sexy, sure. Pero iba pa rin ang karisma ng mga Filipina.
“Yes, Mr. Montgomery?”
“I want you to cancel all my appointments for today. I’m going home now.” I said and stood up. Inayos ko ang suit ko at binitbit ang attache case.
“Sure, Sir.” she said politely at sabay na kaming lumabas ng opisina ko.
“WHAT do you mean you want to quit? Tama ba ang narinig ko na gusto mo nang manatili sa Pilipinas, Devlin?” nakataas ang kilay na tanong ni Mommy sa akin habang nakaupo siya sa mahabang sofa at ako naman ay nakatayo sa harap niya. Pagkarating niya ay binuksan ko kaagad ang paksang ito dahil gusto ko nang matapos ang lahat at makauwi na.
“Yes, Ma.” umikot ako sa sofa at naupo sa katapat niyang sofa.
“Para saan? Para mas malaya kang makapag-liwaliw? Akala ko pa naman nitong nakaraang buwan ay nagse-seryoso ka na, Devlin.” she said with a hint of disappointment in her voice.
Here we go again.
“Mom, hindi ako magliliwaliw. Uuwi ako at ako na lang ang mamamahala sa ating kumpanya dahil si Devon na ang may hawak sa mga Hotel. At... may isa pang dahilan.”
“Ano naman iyon?”
Napakamot ako sa batok ko. “May isang babae akong nagustuhan at sinusuyo ko siya. I want to stay there because the distance is killing me. I want to be with her.”
Sa pagkakataong ito ay natigilan si Mommy habang nakatingin lang sa akin. Maya-maya pa ay muli siyang nagsalita. “Who is this girl? Isa ba siya sa mga babaeng lolokohin mo lang?”
Here goes nothing. “No, Mom. I... like her. Kung hindi ko siya gusto ay hindi ako maghihintay ng ilang buwan para lang mapasagot siya. Her name is Margareth Sandoval.”
Seryosong tumayo si Mommy at lumapit sa akin para maupo sa tabi ko. Ilang saglit pa ay ngumiti siya nang ubod ng tamis kaya naman parang may humaplos sa puso ko. Mas madalas na seryoso si Mommy at palagi akong kinagagalitan kaya naman ang ngitian niya ng ganito ay masarap sa pakiramdam.
“You actually like this girl. I can feel it. I’m so proud of you, son.” hinawakan niya ako sa pisngi kaya naman niyakap ko siya para hindi niya makita ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Napakasaya ko dahil narinig ko rin mula sa kaniya na proud siya sa akin.
“Thanks, Mom. I do like her... a lot.” na-sorpresa ako sa sinabi ko at natigilan. F*ck, I like her. I actually like her!
“I want to meet her.” ramdam ko ang paghaplos niya sa likuran ko kaya naman lalo akong napangiti.
“You will Mom. Soon enough.”
MATAPOS ang isang linggo ay sakay na ako ng eroplano pabalik ng bansa. Siniguro ko munang natapos ko na ang lahat ng dapat tapusin at nagawa ko na ring magpaalam kay Daddy na hindi naman ako tinutulan at tulad ni Mommy ay natutuwa siya dahil may napupusuan na akong babae. Labis ang nararamdaman kong kaba at pagkasabik na makita siyang muli. Gusto ko siyang sorpresahin at gusto kong makita ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na hindi na ako aalis pa. Mas madalas na kaming magkakasama at mas madalas ko na siyang makikita.
Ilang beses sinubukan ng stewardess na makuha ang atensyon ko pero hindi ko ito binibigay sa kaniya. Before I will not waste any minute and I will have my way with her inside the bathroom pero hindi na ngayon. Their eagerness turns me off. I want someone who will respect herself, I want someone who will not open their legs in front of me. I want... her. Just her.
Matapos ang mahabang byahe ay lumapag na ang eroplano. Ilang sandali lang ay sinalubong ako ng driver namin at imbes na sa Mansion ako magpahatid ay nagpahatid ako sa boutique ni Margareth pero nagpadaan ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak.
Huminto sa harap ng Margareth boutique ang sasakyan at mabilis na akong bumaba dala ang bulaklak. Naglakad na ako para pumasok sa loob pero natigilan ako sa labas. Imbes na siya ang masorpresa sa pagdating ko ay ako ang nagulat sa nakita ko. Nakaramdam ako ng labis na galit kaya naman nasira ang bulaklak na hawak ko.
Paano niya ito nagawa sa akin? Oo, wala kaming relasyon pero hindi ibig sabihin nun na pwede na siyang makipaghalikan sa lalaking tumarantado sa kaniya!
Nakita ko kung paano dumilat ang mga mata niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at mabilis na itinulak ang lalaking kahalikan niya. Gusto kong pumasok sa loob para suntukin ang lalaking ngayon ay nakangising nakatingin sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko imbes ay tumalikod na ako para sumakay sa kotse. Narinig ko pa ang tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako huminto sa paglalakad. Pumasok na ako sa kotse at bago ito masara ay may biglang tumama sa akin dahilan para mapahiga ako sa likod ng kotse pero nagawa ko siyang hawakan bago kami mahulog sa lapag.
Mahigipit ang hawak niya sa suot ko at naramdaman kong unti-unting nawawala ang galit ko dahil sa pakiramdam na niyakap niya ako at nang masamyo ko ang mabango niyang buhok. Umayos ako ng upo at siya naman ay nakaupo sa kandungan ko. Isinara ko ang pinto at sumenyas sa driver na paandarin ang kotse.
“D-don’t leave me, please. P-pangako na hindi ko siya hinalikan. Dumating siya at pilit akong hinahalikan. Tinutulak ko siya palayo nang dumating ka. M-maniwala ka, Devlin. HIndi ko siya ginustong halikan.” rinig kong sabi niya sa pagitan ng paghikbi.
I relaxed a little and resisted the urge to go back and kill the bastard. My woman needs me now. Ang tanga ko dahil pinairal ko ang selos at galit. Hindi ko siya hinintay na makapagpaliwanag.
“Ssh, breathe beautiful. I believe you.” bulong ko sa kaniya habang hinahaplos sa buhok niya para patahanin siya. “Hindi kita iiwan. Kahit palayasin mo ako ay hindi ako aalis.” biro ko sa kaniya at natawa ng mahina nang marinig ko siyang tumatawa.
Umayos na siya ng upo kaya naman napagmasdan ko ang maganda niyang mukha. Inayos ko ang buhok niya at pinunasan ang mga luha sa mukha niya. “Why were you crying though?” malumanay kong tanong sa kaniya.
She bit her lip and I groaned a little. “F*ck, don’t do that beautiful. This position is dangerous, you know?” I teased her with a grin. Namula ang pinsgi niya at gumalaw para umalis sa kandungan ko pero pinigilan ko siya. “Don’t move baby. You’re not helping my problem.” I forced my hard on to go down because now is not the right time.
She gasped when she felt it at huminto sa paggalaw. “S-sorry.”
I smiled a little and caressed her cheek. “Don’t be. Just tell me why you’re crying.”
“I..I... was afraid. Labis na takot ang naramdaman ko nang tumalikod ka at naglakad palayo. Natakot ako na baka hindi ka na bumalik na baka hindi mo na ako balikan pa. Natakot akong mawala ka.”
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nasaktan ko siya at pinaiyak. I pressed my forehead to her and peck her lips. “I’m sorry, beautiful.”
Tumingin siya sa mga mata ko at umiling. “Wala kang kasalanan. Nagpapasalamat na rin ako sa nangyari dahil may na-realize ako.”
“Ano ’yun?”
“I realized that I can’t stay away anymore. I can’t wait anymore. I can’t keep on thinking that you will find someone better than me and you’ll le---”
Inangkin ko ang mga labi niya para patigilin siya sa sinasabi niya. “Stop it. No one else is better than you.”
Ngumiti siya sa akin. “Thank you. I realized that I’m ready to open my heart for you. Handa na akong bigyan ka ng pagkakataon. I am ready to start a new relationship with you, Devlin.”
Sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at muling inangkin ang mga labi niya pero sa pagkakataong ito ay mas mariin at marubrob ang paghalik ko sa kaniya. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng halik.
Nang kapwa na hindi makahinga ay isinandal ko siya sa dibdib ko at niyakap ng mahigpit. “Thank you, beautiful. I promise that I will never break your heart like that bastard did to you.”
Speaking of the bastard, panahon na para tigilan na niya si Margareth. Gusto niya ng away pwes ibibigay ko sa kaniya ang gusto niya.