Chapter Seven The Request Margareth Sandoval "So, I was just thinking... maybe we should open a new branch? Tutal naman ay malapit nang magdalawang-taon ng Margareth's Boutique." Suhestiyon ng aking kaibigang si Gaile habang narito kami sa loob ng office ko. My office isn't that big, sapat lang para makapag-trabaho ako nang maayos. Itinigil ko muna ang binabasa kong article at itinuon ang pansin sa kaniya. "Ganiyan din ang nasa isip ko, Gaile. Pero hindi pa sapat ang lahat ng kita at pera ko para makapagpatayo ng bago. Actually, mayroon na akong tinitignang pwesto. Malaki ito at malapit sa maraming tao kaya naman mahal talaga ang presyo. Mabuti na lang at kaibigan ko din ang may-ari kaya naman pinagbigyan niya ako na huwag munang ibenta ang pwesto." Nangalumbaba si Gaile sa mesa ko at