Sweet Revenge 2

1950 Words
MANDY Lalo siyang natawa na para bang isang malaking joke ang mga salitang binitawan ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tuwang-tuwa ang lalaking 'to sa tuwing nakikita niyang stress na stress ako, alam na alam niya kung paano pakuluin ang dugo ko hanggang umabot sa puntong napapasigaw na lamang ako dahil sa sobrang inis. "Isisigaw mo na naman ba ang pangalan ko, Mandy?" I rolled up my eyes. Hindi ko na isisigaw ang pangalan niya dahil buong buhay ko nang ginagawa 'yon. Magmula pagkabata wala akong ibang ginawa kung hindi tawagin ang pangalan ni Drake. Bakit? Dahil sabay kaming lumaki at nagkaroon ng muwang, siya bilang tagapagmana ng mga Genoroso at ako naman bilang nag-iisang anak ng pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalawak na taniman ng pinya sa gawing norte. We were childhood sweethearts, minsan kong hinangaan si Drake dahil sa pagiging complete package nito. He grew up into a dropped dead gorgeous man, a genius and a hard worker while I became a beauty. Hindi mabilang ang mga lalaking humanga sa taglay kong kagandahan at katalinuhan, and that includes him. Kaya naman walang mapagsidlan ang tuwa ng mga magulang ko nang makita nilang nagkakamabutihan kaming dalawa ni Drake. And because of that, nagising na lamang kaming dalawang nakatali sa kasal na pinagplanuhan ng aming mga pamilya. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Tinikom ko ang aking mga labi at tahimik na naupo sa sofa habang nakatingin sa kaniya. Ang bilis naman yata akong na-miss ng lalaking 'to. Hindi pa nga ako inabot ng isang oras sa pag-iikot, hinanap niya na ako agad? Siya naman itong parang mantika kung matulog kaya hindi niya napansing lumabas ako ng master's bedroom. Nakakaloko ko siyang tinitigan. "Secret." Mabilis na sumama ang timpla nito, mahahalata sa mukha nitong hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. "Tell me," may diin niyang sambit na para bang nag-uutos. Marahas akong humarap. "Kailangan ko bang mag-report sa'yo oras-oras? Hindi ba gumagana ang CCTV cameras ng mansyon mo?" Humugot siya ng malalim na hininga na para bang napagtanto nitong tama ang sinabi ko. Nagpagod pa siyang hanapin ako ngayong pwede niya namang tingnan ang CCTV footage para mabilis akong mahanap. One point for you, Amanda. "Eat your breakfast. May pupuntahan tayo pagkatapos." Natulala ako sa breakfast in bed na nasa aking harapan. "Where?" Wala akong natanggap na sagot mula dito. Diretso siyang naglakad papuntang shower nang hindi man lang lumilingon sa direksyon ko. Hindi ko naman napigilan ang huwag kabahan dahil ito ang unang beses na lalabas kaming dalawa bilang mag-asawa. How should I prepare myself? Wala naman itong nabanggit kung may mahalagang tao kaming kikitain. Wala rin akong alam kung anong klaseng lugar ang pupuntahan naming dalawa. "Are you ready?" Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin saka napahugot ng malalim na hininga. "Not yet..." sabi ko habang maingat na tinatago ang locket sa ilalim ng suot kong damit. Hindi ko man ito nakikita pero narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin mula sa labas. Ten minutes more, paniguradong sermon na naman ang aabutin ko mula sa kaniya. Mayabang akong tumayo sa harapan nito pagkatapos kong mag-ayos. Siguro naman hindi na siya mahihiyang ipagyabang ako in public, baka nga kainggitan pa siya ng mga lalaking makakakita sa amin mamaya. "What the hell, Mandy!" Dismayado niya akong tinitigan habang napanganga naman ako nang makita ito. "What are you wearing?" tanong ko habang nakatingin sa suot niyang simpleng white t-shirt at jogger. Napabuntong-hininga ito. "Hindi ba ako ang dapat magtanong sa'yo n'yan? What the hell are you wearing, Mandy? Bakit bihis na bihis ka with matching make-up pa?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga tanong ni Drake. Sinamaan ko na ito ng tingin pero hindi pa rin nawala ang disappointment sa mga mata niya. "You're overdressed, Mandy. Lalabas lang naman tayong dalawa para bumili ng groceries." Napaawang ang mga labi ko. "Groceries?” “Yes, groceries.” Humugot ako ng malalim na hininga. “You should've ask your maid to do that!" Agad naman itong napailing sa kinatatayuan saka mabagal na naglakad papunta sa kinatatayuan ko. "Eh, 'di mawawalan ng sense ang pagiging mag-asawa nating dalawa kapag ginawa ko 'yon? Gusto ko lang namang pumunta tayo ng mall at mamili nang magkasama, just like what normal married couples do." Pinigilan ko na lamang ang aking sarili at tahimik na tinanggap ang aking pagkatalo. Ano bang magagawa ko? Eh, 'di magbihis at maghilamos na lang dahil gusto yata ng lalaking 'to na maglaro kaming dalawa ng bahay-bahayan ngayong araw. I'm giving you one point, Drake. Siguro kung ibang lalaki ang kasama ko ngayon baka kinilig pa ako kahit papaano, pero impossible 'yong mangyari ngayong si Drake ang harang nang harang sa dinadaan ko. Kulang na lang kasi magkaroon kaming dalawa ng debate habang namimili ng mga gulay. Lettuce na lettuce na nga lang ay nagkagulo pa kaming dalawa kung iceberg or wideleaf variety ang bibilhin. Halos hindi rin ako mapakali nang mapansing dalawang push cart na ang napupuno nito. Akala ko ba mamimili lang kami ng groceries? Bakit parang gusto yata nitong magpa-impress at bilhin ang buong supermarket? "Don't tell me tutulong akong magbuhat ng mga pinamili natin?" Bumaba ang tingin ko sa mga kartong nasa aming likuran. Mahina siyang natawa. "Why would I do that to my wife?" aniya saka pinagalaw ang mga braso na tila ba may balak siyang solohin ang trabaho. Bumaba naman ang tingin ko sa katawan ni Drake hanggang sa lihim na lamang akong napalunok nang mapansin ang laki ng pinagbago nito. Pinasadahan ko ng tingin ang maugat niyang braso na para bang ilang taon din ang ginugol nito sa gym para maging gano'n iyon ka-firm. Mahahalata na rin ang mala-pandesal niyang abs sa suot nitong t-shirt lalo na't hindi iyon masyadong makapal. Nahigit ko na lamang ang aking hininga nang muli itong magsalita. "Nag-e-enjoy ka ba sa nakikita mo, Mandy? Do you want me to show you more?" Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa sahig. "Shut up, Drake! Kunwari ka pang magbubuhat, 'yon naman pala susunod ang security mo para kunin ang mga pinamili natin." Muli itong natawa. "Victim?" Pinagmasdan ko siya dahil napakarami kong naalala sa salitang 'yon. Victim kasi ang palaging sinasabi ni Drake sa tuwing nagbibiruan kaming dalawa. Madalas niya rin akong napapaniwala sa mga kalokohan niya noon saka ito sisigaw at tatawa nang malakas. I'm talking about his childish side fifteen years ago, na buong akala ko ay matagal niya nang ibinaon sa limot. Isang buwan matapos ang kasal naming dalawa ni Drake ay nanatili kaming aso't pusa sa loob at labas ng kaniyang mansyon. Walang araw na wala kaming sagutan at kahit sa harapan ng mga kasambahay nito ay nag-aasaran pa rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit sa kabila no'n, walang ni isa sa amin ang nakapag-isip na mag-file ng annulment. Kahit kung tutuusin ay pwede naman naming sabihin sa aming mga magulang na sinubukan naming bumalik sa dati pero marami na talagang nagbago. Hindi na ako ang dating Amanda at hindi na rin siya ang dating Drake. Matured na kaming dalawa ngayon kaya marami na rin kaming hindi napagkakasunduan, mapa-buhay mag-asawa man o plano para sa aming kinabukasan. Kaya naman mas mabuti pa siguro kung maghiwalay na lang kaming dalawa habang maaga kesa magsayang pa kami ng oras. Napabuga na lamang ako ng marahas na hininga habang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina. Sinabi ko namang gusto kong magpaiwan sa probinsya pero hindi siya pumayag. Mas mabuti raw kung magkasama kaming babalik ng Maynila pagkatapos ng mahaba-haba naming leave. Para tuloy kaming nagsinungaling sa lahat. Dahil buong akala nila ay nagkaroon kaming dalawa ng unforgettable honeymoon abroad pero nagpakabulok lang naman kami sa mansyong regalo ng mga magulang nito. Halos dalawang oras na siyang nasa meeting kaya napagpasiyahan kong lumabas na muna para magpahangin. Hindi naman ito ang first time ko sa kompanya ng mga Generoso dahil pabalik-balik na ako rito magmula pa noong daddy niya ang nag-ma-manage hanggang sa tinanggap niya ang responsibilidad na ibinigay nito. "Amanda?" I shut my eyes firmly. Wala sana akong balak kausapin ang taong nasa harapan ko kung hindi siya muling nagsalita. "Long time no see, Amanda." Saglit kong pinagmasdan ang mukha niya hanggang sa natandaan ko ang ngiting ipinakita nito sa akin. "Vince? Is that really you?" Nahigit ko ang aking hininga. "Why are you here, nerdy? Akala ko pa naman mabubulok ka na sa States kasama ang mga magulang mo. Hindi ka man lang nagparamdam, nawalan tuloy kami ng balita tungkol sa’yo.” "I came back for you— I mean, I came back for an official business," aniya saka makahulugang ngumiti sa akin. Hindi ko naman naiwasang titigan ang mukha nito dahil sobrang laki na nang pinagbago niya. Those almond eyes, madalang ko lang silang makita noong mga bata pa kami nina Drake dahil madalas silang natatakpan ng makapal niyang eyeglasses. Matagal ko nang alam na kissable ang lips niya pero mas nakaka-enganyo na silang tingnan ngayon. Tumangkad din siya pero mas matangkad pa rin si Drake and to tell you honestly, well built na rin ang katawan niya ngayon. Nakakahiya dahil tinawag ko pa siyang nerdy kahit hindi naman dapat. Mas bagay na sa kaniya ang Mr. Yummy ngayon. "How long will you stay in the Philippines? Kasama mo ba sila tita? How about your little sister?" sabi ko saka napasilip sa likuran nito. Umiling ito habang nakapako pa rin ang mga mata sa akin. Magtatanong pa sana ako ulit pero mabilis akong natigilan nang walang pasabing inabot ni Drake ang kamay ko. "I know the truth, Amanda. Pinakasalan mo lang si Drake dahil ipinagkasundo kayong dalawa but you don't really love him. Hindi mo na siya mahal, matagal na," bulong nito nang magawa niyang makalapit sa akin. Pigil ang hininga ko naman siyang tinitigan. "Vince..." "I came here to save you. Just leave him and I'll do everything to make you happy. Hindi mo na kailangang magtiis sa lalaking hindi mo mahal." I'm about to answer Vince when a pair of hands suddenly grabbed me away from him. Gano'n na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ang galit na galit na imahe ni Drake sa aking likuran. Hindi ko maintindihan pero parang handa ng kumain ng tao ang dilim ng facial expressions niya. "You said, you came back to the Philippines for a partnership. Bakit asawa ko yata ang gusto mong makasama, Vince?" Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito pagkalipas ng mahabang panahon. Hindi lang mukha niya ang galit, kasama na rin ang kamao nitong nakayukom nang mahigpit. "Leave my wife alone!" Kumurap lang ako nang mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa aking balikat na para bang wala itong balak ibigay ako sa taong nasa harapan namin. "You don't deserve her, Drake. Amanda deserves better." Kagat-labi akong yumuko, halo ang emosyong naramdaman ko sa sinabing 'yon ni Vince. "Stop feeding my wife's mind with malice. Let me remind you that you're inside my property, I can sue you anytime I want!" hasik ni Drake. Pinagmasdan ko ang mukha ni Vince at nakita ko ang matinding pagsusumamo sa mga mata nito. Ano kayang mangyayari kung tatanggapin ko ang alok niya? Magiging masaya ba ako? Siguro... "Be mine, Amanda. You can be my second wife and I swear you'll be happier with me." Second wife? Gosh! Mabilis na sumama ang timpla ko sa narinig. Pinigilan ko muna ang aking sariling huwag makapagsalita ng hindi maganda kay Vince nang makumpirma kong may suot nga itong wedding ring sa kaniyang kamay. Okay na sana ang pasok niya sa eksena, eh. Aba, gusto pala akong gawing kabit ng hinayupak! "Let me show you how we're madly in love with each other, Bastard!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD