Sweet Revenge 3

1718 Words
MANDY Napamulagat ako at tuluyang nasemento sa aking kinatatayuan nang maramdamang lumapat ang labi ni Drake sa aking mga labi. Hinalikan niya ako sa harapan ng mga empleyado at investors na nakapalibot sa aming tatlo nang walang pasabi. Alam ko namang walang masama dahil mag-asawa kaming dalawa pero...for pete's sake! Ginulat niya ako ng sobra! Hindi ba pwedeng magpaalam muna? Nakauwi na kaming dalawa sa pagmamay-ari nitong presidential suite ngunit nahuli ko pa ring naglaban sandali ang mga panga nito saka napabuntong-hininga. Lumipat ang tingin ko dito. "How dare you do that in front of everyone, Drake!" I'm talking about the kiss, hanggang ngayon kasi ay parang nililiyaban pa rin ang mga labi ko dahil sa ginawa niya. "May karapatan naman ako, hindi ba? I just gave him a lesson," sabi nito na para bang nagpapaliwanag. Inis ko siyang tinitigan. "Kung gano'n, bakit parang pumuputok pa rin 'yang butse mo hanggang ngayon?" Humugot ito ng malalim na hininga bago napasandal sa kinauupuan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya at wala akong balak basahin iyon sa mga oras na ito. "You almost gave in, right? I saw your reaction, alam kong muntik ka nang bumigay sa mga sinasabi ni Vince." Mahina akong napatikhim. He saw right through me. Kahit kailan talaga hindi ako makakapagsinungaling sa lalaking 'to. Mas pinili kong huwag umimik dahil alam ko namang wala akong lusot. Totoo ang sinabi niya, totoong totoo. "May lumapit lang sa'yo, muntik mo nang makalimutang may asawa ka. Let me remind you that he's still that nerd, a nerd who became a womanizer." Kumunot ang noo ko. "I'm still with you. Isn't that enough?" sabi ko saka napabuga ng marahas na hininga. Sinamaan niya pa rin ako ng tingin. Hindi nga ito sumagot pero para niya naman akong papatayin sa pamamagitan ng tingin. Natapos na lang kaming kumain ng dinner pero hindi niya pa rin ako iniimik. Minsan, nahuhuli ko pang masama ang tingin niya sa akin na para bang may kasalanan talaga akong nagawa sa kaniya. "Are you somehow jealous?" Hindi ito umimik, harap-harapan niya talaga akong dinedma. "Makaligo na nga lang. Baka sakaling mabawasan pa ang stress na nararamdaman ko pagkatapos," sabi ko habang pinapakita sa kaniya ang hawak kong bathrobe. "Kung sino pa itong humalik sa akin sa harapan ng maraming tao, siya pa itong galit. Nakalimutan niya yatang siya rin ang first kiss ko!" Asar ko siyang tinitigan. Hindi ito umimik pero napansin kong bahagya siyang natigilan sa kinauupuan. Pakanta-kanta akong lumabas ng shower. I tried to divert my attention through singing pero paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang ginawa niya kanina. Kung hindi niya sana ako hinalikan ng gano'n, hindi babalik sa alaala ko ang first kiss naming dalawa. "Mandy..." Natataranta kong ibinalik ang bathrobe nang marinig ang boses niya sa aking likuran. What is he doing here? Akala ko ba may privacy kaming dalawa kapag ganitong bagay na ang usapan? Hinarap ko ito, akmang bubulyawan ko na sana siya pero bigla akong natigilan. "You're still keeping this?" Bahagya nitong itinaas ang hawak na naghatid naman ng kaba sa aking dibdib. "Give me back my locket!" sabi ko at nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ni Drake. Sinubukan kong abutin ang hawak niya pero hindi niya ako hinayaan. "Bakit mo ginalaw ang mga gamit ko? Ibalik mo sa akin 'yan!" Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mabawi ang locket sa kamay nito pero muntik na akong masubsob sa kaniyang harapan. Akala ko matatawa siya sa nangyari pero hindi niya ako inasar, bagkus may pag-aalala niya akong tinitigan. "Why don't you answer my question, Mandy?" Humina ang kaniyang boses. "I gave this to you fifteen years ago, right?" Bumaba ang kamay nito na sinamantala ko naman para bawiin ang hawak niya. Mahigpit kong hinawakan ang locket sa takot na baka kunin niya na naman sa akin. "Ano bang gusto mong gawin ko sa locket, itapon? Hindi ko ginawa dahil nanghihinayang ako sa gamit." Ipinagdasal kong sana paniwalaan niya ang naisip kong palusot. "Nanghihinayang ka sa gamit o ayaw mong kalimutan ang mga pinagsamahan nating dalawa?" Hindi ko alam kung saan ito kumuha ng lakas ng loob ngayong wala naman itong ibang ginawa simula kanina kung hindi iwasan ako. "I don't need to answer your question. Wala na rin namang magbabago kahit sagutin kita." Dahan-dahan akong umiwas ng tingin para matapos na ang usapan. Ayokong tumagal pa 'yon at baka kung ano pang masabi ko mamaya. Bumalik ang alaala ng aking first kiss at kasama na rin doon ang sakit na naranasan ko pagkatapos niya akong iwan kinabukasan para lumuwas ng Maynila. "Mayron, Mandy. Marami..." Napahugot ako ng malalim na hininga. Sinubukan kong pigilan ang aking sarili ngunit tuluyan na akong sumabog nang marinig ang sinabi niya. "Maraming magbabago?" natatawa kong sabi sa kaniya. "Tama na, Drake! Hindi mo na ako pwedeng paikutin dahil minsan na akong napagod sa'yo at sa mga pangako mo." Bahagyang kumunot ang noo nito sa akin. "Is that the real reason behind your hatred? Kaya ba nagbago ang babaeng walang ibang ginawa noon kung hindi purihin ako?" Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala na akong pwedeng gawin para makaiwas sa usapan. "Maraming nagbago, masyado ng mataas ang tingin mo sa sarili mo ngayon," sabi ko habang sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. Alam kong mawawalan din naman ng silbi ang usapan naming dalawa dahil parte na ng nakaraan ang mga nangyari, kasama na doon ang regalo niyang locket na itinago ko ng matagal na panahon. "We're talking about us here, Mandy. Walang kinalaman ang pagbabago ng status nating dalawa o kahit ang pagiging magkakumpitensya natin sa maraming bagay." Kumunot ang noo ko dito. "Ano pa bang gusto mong marinig mula sa akin?" "Sabihin mo sa akin ang buong katotohanan at magpapakatotoo rin ako sa'yo, Mandy." Pakiramdam ko ay tuluyan akong nakawala mula sa isang matibay na tanikala dahil sa sinabi nito. "You're my mortal enemy, Drake!" Hindi ito sumagot na para bang hinahayaan niya akong sabihin lahat ng mga hinanakit na matagal ko nang kinikimkim. "Sobrang daya mo naman kasing lalaki ka! Basta mo na lang ako iniwan kasama ang mga pangarap nating dalawa." Nawalan na ako ng pakialam kahit pababa na nang pababa ang tono ng pananalita ko. Mayroon na ring nangingilid na luha sa mga mata ko ngunit mas pinili kong balewalain ang lahat ng 'yon. "Sinubukan ko lahat, Drake. Ginawa ko ang best ko para habulin ka pero anong nangyari? Pinaramdam mo sa aking kailanman ay hindi ako magiging sapat para sa'yo." "Mandy..." mahina nitong bigkas sa pangalan ko. Tulala ko lamang siyang pinagmasdan. "You made me feel that I am not enough, Drake...na kahit anong gawin ko impossibleng mahabol kita, na kahit anong pagsisikap ang gawin ko malalamangan at malalamangan mo pa rin ako." Mariin kong kinagat ang pang-ilalim kong labi matapos ang tumingala. Sinubukan kong pigilan ang mga luha ko dahil ayaw kong masayang na naman ito sa isang tulad niya. "Pinagod mo ako nang pinagod hanggang sa tuluyang napalitan ng pagkamuhi ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo," sabi ko saka napahugot ng malalim na hininga. Muli kong pinigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Naiinis ako sa tuwing naaalala kong binago ko ang aking sarili para lamang mapantayan siya. "Holy—" Pinigilan ko ito sa pamamagitan ng tingin. "Huwag mo nang itutuloy ang pagmumura mo at baka mas lalo pang sumama ang loob ko sa'yong lalaki ka!" "Look, Mandy..." Pumikit ako nang mariin, parang gusto kong kumuha ng headset huwag ko lamang marinig ang mga salitang sasabihin niya sa akin. Baka mamaya ipamukha pa nitong may feelings pa rin ako para sa kaniya at kailangan ko nang ihanda ang aking sarili para sa magiging annulment naming dalawa. "I love you, Mandy!" Tila nanlamig ako sa narinig. "I'm sorry for what I did. Hindi ko ginustong maramdaman mo 'yon." Ibinaba ko ang tingin sa kaniya hanggang sa naluha na lamang ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. "Dapat sinabi ko sa'yong hindi mo kailangang gumawa ng effort para sa ating dalawa. Wala kang dapat habulin dahil tinatapos ko lang ang lahat ng mga responsibilidad ko kay Dad. Babalikan kita, siguradong babalik ako para sa'yo." Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nawalan ng lakas habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. "My God, Drake!" Muntik na akong mapasabunot sa aking sarili. "You can curse me all night, Mandy. You can curse me all you want. Tutal sinadya ko namang asarin at galitin ka dahil ayokong mapunta ang atensyon mo sa ibang lalaki. Gusto ko sa'kin ka lang nakatingin, kahit minsan parang gusto mo na akong patayin sa pamamagitan ng tingin, ayos lang. As long as I'll be the center of your attention, I'm willing to accept everything." Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko saka umiling sa harapan ni Drake. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Napahigpit ang hawak ko sa locket, hindi ko inakalang dahil lamang sa regalong ibinigay nito sa akin noon ay muli kaming magkakalapit sa isa’t isa. Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin ang buong katotohanan? Kung kailan muntik na akong maniwalang wala na itong nararamdaman para sa akin? “Drake…” Laking gulat ko na lamang nang natataranta siyang tumakbo sa kinaroroonan ko. “Don't throw that away, Mandy!" Kunot ang noo ko siyang tinitigan, umurong ang mga luha ko dahil muntik na akong matawa sa naging reaksyon nito. "Sinong may sabing itatapon ko 'to?” Bahagya siyang namutla. “I’m gonna keep this for the rest of my life, Drake. At alam mo ba kung anong ibig sabihin no'n? You need to stick with your sweetest enemy forever.” For fifteen years, buong akala ko ay nawala na ang pagmamahal ni Drake para sa akin. Kinamuhian ko siya, kinainisan ng sobra hanggang umabot sa puntong itinuring ko siyang kalaban at kakumpitensya sa lahat ng bagay. Pero sabi nga nila, hate is the opposite of love o mas maganda yatang pakinggan ang kasabihang the more you hate, the more you love. Dahil sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng mga alitan, lumamang pa rin ang pagmamahal na nararamdaman naming dalawa para sa isa't isa. "I promise to stay by your side...always and forever, Mandy. Just please treat me as the man you love and not as your enemy.” END

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD