Sweet Revenge 1

1449 Words
MANDY "I'm willing to play with you, Drake. Pagsisisihan mong pinakasalan mo ang isang tulad ko." Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, I should have played my part to destroy his sanity. Isang araw palang ang nakakalipas magmula noong umuwi ako ng probinsya without winning our fierce battle in Manila pero sumasakit na ang ulo ko. Bakit ako umuwi? To accept our wedding arrangement with the thought of winning against him completely. Buong akala ko pa naman ay matutuldukan na ang laban namin ni Drake ngunit umpisa pa lang pala ng mas matinding banggaan sa pagitan naming dalawa. And unfortunately, ako ang nahulog sa plano nito hanggang sa nagising na lamang ako kinaumagahan bilang si Amanda "Mandy" Saavedra - Generoso. Magmula kasi noong pagkabata, his emotionless and sleepy eyes were a pissed off to me. Minsan tinatanong ko rin ang aking sarili kung ipinanganak bang may sapak ang lalaking ito o sadyang ipinanganak lamang siya para sirain ang mundo ko. Matalim kong tinitigan ang mga mata niya bago napagpasiyahang kausapin ito nang masinsinan. "You can lower your guard now, Drake. Don't be too stiff. Ako na lang ang kasama mo ngayon sa kwarto kaya hindi mo na kailangang magpanggap. Masyado mo namang pinapahalata na takot ka sa akin," may panunudyo kong sabi sa kaniya. Sinadya ko pang asarin si Drake nang naka-cross legs akong maupo sa kama habang nanatili naman siyang nakaupo sa sofa. Pakiramdam ko takot na takot siyang lumapit sa akin dahil sa nagawa nitong kasalanan para lamang maikasal kaming dalawa. Based on his skills, hindi na ako nagtaka dahil alam kong madali lang para sa kaniya ang makuha ang approval ni Dad na ikasal kaming dalawa sa lalong madaling panahon. "Are you scared of me?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi umimik si Drake pero nakatuon pa rin ang malamlam niyang mga mata sa direksyon ko. Ano bang problema ng lalaking 'to? Daig ko pa kasi ngayon ang may nakakahawang sakit kung dumistansya siya sa akin. Sinubukan ko itong lapitan pero laking gulat ko nang mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan at naglakad papalayo. Para tuloy akong nakikipaglaro ng patentero sa loob ng isang malawak na master's bedroom. "Stop avoiding me, jerk! Sabihin mo na kung ano ang mga kondisyon mo nang matapos na tayo. You know I'm beautiful and rich, kaya naman kaya kong ibigay ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal nating dalawa," singhal ko. I'm confident in my own way. Dahil kahit anong subok nitong talunin ako noong nasa Maynila palang kaming dalawa ay hindi man lang siya nanalo. Madali lang para sa aking tapatan ang mga business proposal na ginagawa niya. Minsan pirma na lang ang kulang pero nagagawa ko pa ring sulutin ang mga investors nito. At kahit sa simpleng habulan, mabilis ko pa ring naabot ang kwelyo nito hanggang sa buong-lakas ko siyang hinila papalapit sa akin. "Hindi kita iniiwasan, Mandy. I'm just protecting myself from you." What the hell! Gano'n na ba ako kasama sa tingin niya? Mamamatay-tao ba ako para kailanganin niya ng self-defense? Kung balibagin ko kaya ito hanggang sa hindi na siya makagalaw? "Then, what are you doing?" hinihingal kong tanong. Bumuntong-hininga ito saka matiim akong tinitigan. "Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko? Hindi kita iniiwasan at wala akong balak gawin 'yon. I'm just trying to understand the situation." He's trying to understand the situation? Seryoso kong pinagmasdan ang mukha nito saka sinubukang basahin ang nilalaman ng isipan niya. Masasalamin ang matinding panghihinayang sa kaniyang mga mata. Mayroon ba itong unfinished business na naiwan sa Maynila o baka naman may nililigawan siyang babae bago ang biglaang kasal naming dalawa? I don't really care about his problem. I'm more concerned with my future because we're both stuck in this situation. Pareho lang naman kaming naipit sa arrange marriage na napagkasunduan ng aming mga magulang. At ang mas malala pa doon, ginusto kong makipaglaro sa isang tulad niya habang sinamantala naman nito ang pagkakataon para mahawakan ako sa leeg. More or less, maybe he wanted to expand his trashy company for his selfish ambitions. Possible din namang naisip nitong gumanti nang maalala niyang ako pala ang babaeng nakatakda nitong pakasalan. "You can't escape from me, Drake. You are now my husband, whether you like or not." Nanatili itong tahimik habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay kung ano ang sunod kong gagawin. Alam ko namang hindi aatrasan ni Drake ang hamon ko dahil masyadong mataas ang prinsipyo nito sa buhay. Nakakasigurado akong handa siyang gawin ang lahat maipakita lamang sa lahat na mas matalino at mas makapangyarihan siya kesa sa akin. "How can I escape? You're on top of me, Mandy," aniya saka pinasadahan ako ng tingin. Sumibol ang pilyong ngiti sa mga labi ko nang makitang namumula ang mukha niya habang nakahiga sa kulay puti at malawak na kama sa gitna ng silid. Mahina akong natawa. Ganito pala ang epekto kapag nasa ibabaw ako ng lalaking tinuturing kong kalaban. Binasa ko ang aking labi sabay hawi ng humaharang na hibla ng buhok sa aking mukha. "Are you turned on?" I asked him using a seductive tone. Sinuklian niya naman ako ng masamang tingin sabay tulak nang malakas sa akin. Mahigpit akong napahawak sa itim na tuxedo ni Drake huwag lamang akong mahulog pero huli na ang lahat. "What the heck! Mapipilayan ako sa ginagawa mo, jerk!" singhal ko habang nanlilisik ang mga mata. Bakas ang matinding inis sa mukha ko habang nakahawak sa aking balakang. Nakakapanghinayang talaga ang angking kaguwapuhan at katalinuhan ng lalaking ito dahil wala man lang siyang kahit konting respeto sa katawan. He's not a gentleman...not even a little. Pero hindi ako susuko. Kailangan kong gawing miserable ang buhay nito habang kasal kaming dalawa. "Tumalikod ka, Drake. Baka nakakalimutan mong honeymoon natin ngayong gabi?" istrikto kong wika. Mabilis naman itong sumunod sa sinabi ko kaya sunod-sunod akong napailing. Muntik ko nang makalimutan na lalaki pa rin pala ang kasama ko kaya wala man lang itong kahit konting pagtutol sa katawan. Gusto pa yatang maka-home run ng unggoy na ito sa akin. Hindi ganito si Drake noong nasa Maynila palang kaming dalawa, halos pandirihan pa nga ako nito sa tuwing lumalapit ako sa kaniya. Iwas dito, iwas doon. Kaya hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa tuwing pinaparamdam nitong wala man lang siyang kahit konting interest sa akin. Kulang na lang pakasalan nito ang kompanyang pagmamay-ari ng kaniyang pamilya dahil sa pagiging sobra niyang workaholic. Lihim akong napangiti nang makita kong dahan-dahang nahulog sa sahig ang mamahalin kong wedding gown na nasundan naman ng makapal na petticoat. Sa mga oras na ito, tanging ang mamahaling white lingerie na lang ang nagtatakip sa maselang bahagi ng aking katawan. "Humarap ka sa 'kin, Drake," nanunukso kong sambit. "Just tell me how beautiful I am at baka magbago pa ang tingin ko sa'yo." Mas pinili kong dedmahin ang sinabi nito hanggang sa naisipan kong ipakita ang aking alindog sa kaniyang harapan. 'Tingnan natin kung sino ang maglalaway sa ating dalawa, Drake!' "Huwag kang maghuhubad ng ganyan, Mandy. Baka magkaroon ka ng pulmonya dahil sa ginagawa mo," sabi nito sa malamig na boses habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa akin. Mabilis nitong hinila ang makapal na puting comforter at ginawang pantakip sa katawan ko. Sinubukan kong magmatigas at sinadya pang ihulog ang comforter na ibinigay niya sa akin sa sahig. May panunudyo ko pa itong tinitigan nang makitang nakatingin ang asul nitong mga mata sa aking dibdib. "Let me pleasure you tonight, Drake." Sinadya kong landian ang boses ko para maakit siya. "Hindi ka ba nagagandahan sa akin? Hindi ka man lang ba naaakit kahit konti?" Umiling ito saka dahan-dahang pinulot sa sahig ang comforter. Akala ko tatakpan niya ulit ang katawan ko ngunit huminto ito saka tinitigan ako nang taas-baba. "Sorry, hindi man lang ako kinikilabutan sa ginagawa mo." Ano raw? Hindi siya kinikilabutan? Wala man lang kahit konting epekto ang ginagawa ko sa kaniya ngayon? The nerve of this guy! Daig ko pa ang nanigas sa aking kinatatayuan nang tinitigan niyang muli nang mabuti ang aking katawan sabay takip sa'kin ng comforter. "Bulag ka ba talaga o nagbubulag-bulagan ka lang, Drake? Impossibleng—" Hindi ko nagawang tapusin ang gusto kong sabihin dahil pinigilan niya ako sa pamamagitan ng isang mahina at nakakainsultong tawa. "Sino bang maaakit sa mala-pandesal sa liit mong dibdib, Mandy? Alam kong maganda, edukada at mayaman ang pamilya mo pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko." Pinamulahan ako hindi dahil sa sobrang kilig kung hindi dala ng matinding inis na nararamdaman. "How dare you, Drake!" Napadabog ako sa aking kinatatayuan saka galit itong itinuro. "Simula sa araw na ito, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD