The Unwanted Billionaire 3

1808 Words
Sa kabila nang pagkakamabutihan ng dalawa ay walang kaalam-alam si Zack sa nangyayaring gulo sa mansyon ng mga Montero. Galit na galit na umuwi ng Pilipinas ang nakatatanda niyang kapatid na si Sarina nang malaman ang nangyari sa kaniya. "What the hell did you do to my brother, Dad? I know you want to give him a lesson but this is unacceptable! It's too much!" hasik nito. Nalaman ni Sarina na magdadalawang-buwan na palang nawawala ang kaniyang kapatid matapos itong ipagpalit ng nobyang si Francine sa ibang lalaki. Hindi lang 'yon, nalaman din nitong matagal ng walang paramdam sa mansyon si Zack dahil sa kagagawan ng kanilang mga magulang. Naluluhang lumapit sa kaniya ang ina at sinubukang magpaliwanag. "Let me explain, Sari. Hindi namin ginusto na mangyari 'yon sa kapatid mo. I told your dad to be careful with his words and explained that Zack got depressed after the fire incident that happened in the cruise ship. But after discovering his business transaction with the Saavedra's kung ano-ano nang masasakit na mga salita ang binitawan ng daddy mo sa kapatid mo pagkatapos mawala ang ipinagkatiwala niyang sister company dito." Imbes na kumalma ay mas lalo lamang dumilim ang mukha ni Sarina. "This is all your fault, Dad!" walang takot niyang sambit sa kaharap. "I know, Sari..." mabilis na sabi ng ama, saka malalaki ang hakbang na naglakad papalapit. Sinubukan nitong hawakan ang kamay ng anak ngunit hindi siya nito hinayaan. "That's the reason why you're here. Kailangan ko ng tulong mo para maibalik si Zack. I want you to convince him to go home. Tell him that I am asking for his forgiveness, tell him that I was able to win the company back. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari dahil pinagplanuhan ng mga Saavedra ang lahat. He was tricked by them to enter into that agreement from the very beginning at naging kasabwat doon ang ex-girlfriend niyang si Francine." Hindi pa man ito nakakasagot ay may inilahad ng papel ang ina sa kaniyang harapan. Kunot ang noo iyong tinanggap ni Sarina saka binasa ang nakasulat. "I'm giving you his address, Sari. Alam kong makikinig sa'yo ang kapatid mo. Please, bring Zack back. Please, bring him back to us." Lumipas ang tatlong linggo magmula nang tuluyang hindi nagparamdam si Zack sa dalaga. Noong una ay inakala ni Tere na naging abala lamang ang binata sa trabaho kung kaya ginabi ito ng uwi, ngunit wala siyang kaalam-alam na iyon na pala ang magiging huli nilang pagkikita. "Halika muna dito, Tere! Hindi ba ka-boses ni Zack ang lalaking nagsasalita sa TV?" Nagmamadali siya lumapit sa ginang saka napatitig sa malawak na screen. Saglit nitong pinakinggan ang naturang interview saka matamlay na napailing. "Ano ka ba naman, manang! Hindi mo ba nakitang napakagwapo ng lalaking nasa TV? Oo, magkasing-boses at laki sila ng katawan ni Zack pero impossible namang siya 'yan!" Ginawa niya ang lahat para magmukhang masigla ang boses kahit ramdam niya ang matinding panghihina habang nagtatrabaho. Pakiramdam nito ay mayroong mabigat na sementong nakadagan sa kaniyang puso magmula noong bigla siyang iwan ni Zack. "Malay mo naman," pilya nitong sambit na ikinakunot ng kaniyang noo. Napailing-iling na lamang siya saka nagmamadaling kinuha ang remote control para ilipat sa ibang channel ang palabas. Mukhang a-absent na naman siya kinabukasan dahil biglang tumamlay ang katawan sa naging usapan nilang dalawa ng ginang. Isang buwan ang nakakalipas ay nandoon pa rin ang lungkot na nararamdaman ni Tere sa tuwing bumabalik sa alaala niya ang mga pinagsamahan nilang dalawa ng binata. Hindi nawala sa isipan niya ang pangako ni Zack na mag-de-date silang dalawa sa unang sahod nito, maging ang mga planong ginawa ng binata sa kaniyang harapan. 'Date mong napako? Para kang bulang bigla na lang nawala!' Pigil ni Tere sa inis at frustrasyong nararamdaman. Nakangiwi namang humarap dito ang kaniyang nanay nang marinig ang mahina nitong maktol. "Isang buwan na rin ang nakakalipas, Tere. Umaasa ka pa rin bang babalikan ka niya este babalik si Zack dito?" Hindi maipinta ang mukha niyang humarap dito. "Ako naghihintay, nay? Hindi ah!" kaila niya saka napasimangot. Mahinang natawa ang kaniyang nanay bago tumingin sa mga mata nito. "Huwag ka nang magkaila, anak. Alam ko namang may nararamdaman ka na rin para kay Zack. Minahal ka rin naman no'ng tao pero hindi ko alam kung anong nangyari at bigla niya tayong iniwan. Baka naman..." Bumagsak ang balikat ni Tere. "Minahal? Bakit bigla na lang siyang nawala? Hindi niya ba naisip kung anong mararamdaman ko? Kung mahal niya ako sana nag-iwan man lang siya ng sulat o kahit maiksing text kung nasasayangan siya sa papel." Makahulugan ang tinging ipinukol sa kaniya ng ina. "Hindi naman sa pinagbabawalan kitang magmukmok at maging malungkot sa nangyari, anak. Pero hindi naman pwedeng huminto ang mundo mo dahil sa matinding sama ng loob mo kay Zack. Pabalik-balik na nga si manang dito para kumustahin ka dahil miss na miss niya na raw ang pang-aalaska mo sa paresan. Parang kabute rin daw kasing naglaho ang maganda, sexy at makulit niyang assistant." Kinagat ni Tere ang pang-ibabang labi at pasimpleng tumikhim. Pagkatapos kasing may iturong lalaking ka-boses ni Zack si manang sa TV ay hindi na nito nagawang pumasok sa trabaho. Para siyang nawalan ng gana sa mga gawaing dati ay may tuwa niya namang ginagawa. "Masama lang talaga ang loob ko dahil para niya akong iniwan sa ere, nay!" paliwanag niya. Bumuntong-hininga lamang ang ina saka napailing. "Ang mabuti pa, bisitahin mo na lang si manang. Huwag ka nang magtangkang magkulong ulit sa kwarto mo dahil pinalitan ko ang lock kanina, mamaya ko na ibibigay sa'yo ang susi sa pagbalik mo." "Nay naman!" reklamo niya. Pero wala siyang nagawa nang ipinaypay nito ang kamay na para bang pinapalayas siya nito ng bahay. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi sumunod at baka mas malala pa ang kalokohang gagawin nito oras na magmatigas siya. Mabilis na narating ni Tere ang paresan lulan ng isang padyak. Tinamad siyang maglakad kanina ngunit wala pa rin itong nagawa kung hindi maglakad nang ilang pulgada dahil siksikan ang mga tao sa dinadaanan niya. "Bakit ang dami yatang tao, manang? May ayuda na naman bang pinamimigay ang barangay? Sinong artista ang may shooting?" sunod-sunod niyang tanong sa ginang. May tuwa sa mga mata naman siya nitong sinalubong, muntik pa nitong mabitawan ang hawak na sandok dahil sa pagmamadali. "Mabuti naman at bumisita ka, Tere. Kanina pa may naghahanap sa'yo." Kunot ang noo niya itong tiningnan. "Ha? Wala akong inaasahang bisita, manang. Pinapunta lang ako ni nanay dito dahil panay raw ang mukmok ko sa kwarto at miss na miss mo na ang beauty ko." Imbes na lambingin siya dahil isang linggo siyang hindi pumasok sa paresan ay sinamaan pa siya nito ng tingin. "Ang dami mo talagang satsat, Tere! Sarap mong tsinelasing bata ka!" Napakaseryoso ng mukha nito habang nagsasalita pero natawa na lamang siya. "Sino ba kasing naghahanap sa akin, manang?" Hindi sumagot ang ginang, bagkus napanguso na lamang ito sa kaniyang likuran. "Tere..." Sumikdo nang mabilis ang puso niya sa narinig. Kabado siyang humarap at literal na bumuka ang mga labi niya nang bumungad dito ang napakagwapong lalaking nakasuot ng kulay itim na mamahaling tuxedo. "Sino ka?" Hindi ito makapaniwalang nasa harapan nito ngayon ang lalaking itinuro ni manang sa TV kamakailan. "Isang buwan lang akong nawala, kinalimutan mo na agad ako?" Mas lalong nagwala ang puso niya nang inabot nito ang hawak na bouquet ng red roses na may kalakip pang mga tsokolate sa pagitan ng mga bulaklak. "Zack?" hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango lamang ito saka may lambing na sumagot, "Yes?" Tumigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya saka matiim itong pinakatitigan. "Umuwi ka na kasama ang flowers at chocolates mo, Zack! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!" Agad na napalitan ng simangot ang matamis na ngiti sa mga labi ni Tere. "Hala siya!" Narinig niyang malakas na natawa ang ginang sa likuran nilang dalawa habang gulat na gulat naman ang mga taong nasa paligid sa naging reaksyon niya. "I'm sorry, Tere. Alam kong inakala mong iniwan kita, but that's not true—" Sinubukan nitong sumingit kay Zack pero hindi siya hinayaan ng binata. "Pinilit ako ng kapatid kong umuwi pero nagmatigas ako kaya naging sapilitan ang pagkuha niya sa akin. Sabi ko babalikan kita agad pero maraming nangyari, and eventually it end up to this..." wika ni Zack sabay turo sa kaniyang mukha. "I had undergone plastic surgery, ibinalik ng doktor ang dati kong mukha kaya inabot ng halos isang buwan ang naging recovery ko." Inirapan lamang ito ni Tere saka humalukipkip. "Napansin ko ngang ang laki na ng pinagbago mo. Hindi na ikaw ang Zack na nakilala ko kaya naman..." Akmang tatalikuran na sana nito ang binata nang dali-daling pumasok sa loob ng paresan ang mga lalaking may bitbit na lechon at iba pang mga pagkain. "Sabi mo masamang tumanggi sa grasya. Kaya kailangan mong tanggapin lahat ng mga ibibigay ko sa'yo maging ang puso ko." Bumuntong-hininga siya at sinubukang pakalmahin ang naghaharumentadong puso, pero napanganga na lamang ito nang makita ang sariling ina kasama si manang na nakatayo habang abot tainga ang ngiti sa kaliwa't kanang mga groceries at ilang sakong bigas na binabagsak sa kanilang harapan. "Aba! Tuwang-tawa ang mga bruha!" Lalapitan niya na sana ang mga ito ngunit pinigilan siya ni Zack. Puno ng lambing itong nagsalita. "Maliit man o malaki kailangan nating matutong magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin. Tama ba, Darling?" Namilog ang mga mata niya sa narinig saka dinuro ang sarili. "D-Darling?" Tumango lamang ito saka malapad na ngumiti. "Yes, you are my darling." Napahugot siya ng malalim na hininga, subukan man nitong pigilan ang pinaghalong kilig at tuwang nararamdaman pero hindi niya kinaya. Unti-unting natunaw ang sama ng loob ni Tere habang pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal. Malayong-malayo na ang pisikal nitong anyo sa lalaking nakilala niya noon, pero sa kabila ng mga pagbabago nito, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya para sa binata. "I'm thankful, so thankful..." Hinaplos ni Zack ang kaniyang pisngi saka masuyo itong pinakatitigan. "Nagpapasalamat akong dumating ka sa buhay ko, Tere. Salamat dahil tinanggap mo ako noong mga panahong sirang-sira at walang-wala ako. Hindi mo ako pinagtulakan papalayo, hindi mo ako kinatakutan, but instead you accepted me." Nahigit ni Tere ang hininga upang pigilan ang mga namimintong luha sa kaniyang mga mata. "Dahil sa'yo marami akong natutunan, dahil sa'yo nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumangon at dahil sa'yo nagawa kong baguhin ang sarili ko. You're my greatest blessing from above and I wouldn't get tired of telling you how much I love you, Tere." Nagpatianod na lamang si Tere sa emosyong nararamdaman dahil alam nitong muling nabuhay ang puso niya sa pagbabalik ni Zack. Wala namang nagbago sa nararamdaman niya para dito bagkus mas lalo pa nitong minahal ang bilyonaryo niyang prince charming. END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD