The Unwanted Billionaire 2

3033 Words
ZACK "I'm sorry," mahina kong sambit saka sinubukang kumalas mula sa pagkakahawak nito pero hindi niya ako hinayaan. Dahil sa sobrang gutom ay kumulo na rin ang tiyan ko na ikinakunot naman ng kaniyang noo. Nakakahiya dahil sa harapan pa talaga ng isang babae nagwala ang sikmura ko. Napansin kong napahugot siya ng malalim na hininga saka dismayado akong tinitigan. "Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa pinapasukan kong paresan!" Paresan? What's that? Hindi ko naintindihan kung ano ang tinutukoy nito pero nagawa ko pa ring sumagot. "Hindi na kailangan, Miss. I can manage." Sinamaan niya ako ng tingin na para bang may nasabi akong masama. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita ibebenta sa mga mamasang." "Mamasang?" puno ng pagtataka kong tanong sa kaniya. May mga sinasabi itong hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Ginawa ko naman ang lahat upang maiwasan ang eye to eye contact sa pagitan naming dalawa. Tumango lamang siya saka mahinang natawa. "Mga matandang babaeng naghahanap ng binatang makakasama." "I see." Mukhang napansin nito ang bakas ng kuryusidad sa mga mata ko kaya napangiti siya. "Alam mo tunog mayaman ka kung magsalita at hindi rin naman madungis tingnan ang damit na suot mo." Magpapasalamat pa sana ako sa binitawan niyang compliment nang mabilis niya akong hinatak mula sa aking kinatatayuan. Saan naman ako dadalhin ng babaeng 'to? Hindi ba siya natatakot sa akin? Nanatili akong tahimik sa tabi niya hanggang sa marating namin ang isang maliit na kainan. May mga taong kumakain sa loob pero hindi ko naman masabing isang itong restaurant dahil masyadong simple at pangmasa ang setup. Walang ibang disenyo sa loob kung hindi kanin at parang may sabaw na ulam. Malalanghap din ang amoy ng fried garlic kahit saan ako humarap. Saglit kaming pinagmasdan ng mga taong kumakain pero hindi nagtagal ay tumalikod din sila na parang walang pakialam. Wala akong naramdaman na kahit konting pandidiri sa mga mata nilang nakatingin sa amin kanina. Malakas na sumigaw ng 'manang' ang babaeng nasa tabi ko na labis ko naman ikinagulat. "May naiwan ka na naman ba at bumalik ka, Tere? Masyado ka talagang makakalimuting bata ka!" sagot ng babaeng tinawag nito. Tumawa na lamang ito nang malakas habang hindi pa rin binibitawan ang braso ko. "Ito naman si Manang napaka-nagger, hindi ba pwedeng bumalik para kumain?" "Kumain?" bulyaw nito habang hindi pa rin humaharap sa aming dalawa. "Hindi ba nakaubos ka na ng dalawang bandehadong pares at bulalo bago ka umalis kanina? Huwag kang masyadong matakaw kung ayaw mong maging dambuhala. Ka-dalaga mo pa namang tao, Tere!" Mas lalo itong natawa, maging ang mga taong nakapaligid sa amin ay natawa na rin. "Hindi naman ako ang kakain, manang. May kasama ako. Tsaka kahit lumamon ako nang lumamon, maganda at sexy pa rin akong tingnan." Hindi ko alam pero muntik na akong mapangiti sa sinabi niya. Nakakatuwa kasi ang pagkakasabi niya at hindi mayabang pakinggan. "Harudiyosko ka, Tere!" wika ng babae pagkatapos nitong ilapag ang hawak na sandok saka humarap sa amin. Matagal siyang tumitig sa akin na para bang kinilatis nitong mabuti ang mukha ko. Parang nagtataka kung bakit may kasamang tulad ko ang babaeng kakilala nito. "Gulat na gulat?" ani Tere na ikinabigla ko na naman. "Hindi siya masamang tao, manang. Don't worry." Lihim akong napabuntong-hininga. Inasahan kong may sasabihing masama ang ale ngunit nanatili itong tahimik na para bang pinalampas niya ang gulat na naramdaman dahil sa pagmumukha ko. Mataray itong umirap kay Tere. "Ewan ko sa'yong bata ka! Pasalamat ka hindi ako tumatanggi basta customer ang dala mo at hindi libreng pares lang." Tuluyan kong naintindihan ang takbo ng usapan nilang dalawa kaya minabuti kong sumagot na rin. "Don't worry, Ma'am. I'll pay for it." Namamangha itong humarap sa akin, muntik pa akong matalsikan ng tinatakal nitong fried rice. "Aba! Spokening dollars naman pala ang kaibigan mong 'yan, Tere!" Mabilis naman itong inawat ni Tere. "Manang naman, eh!" aniya saka muling bumaling sa akin. "Huwag ka nang mag-abala. Ililibre kita ng pares dahil bagong sahod ako ngayong araw." Humalakhak ang ale saka hindi makapaniwala siyang tinitigan. "Akala mo naman milyones ang sahod ng batang 'to kung makapanglibre!" She faced her with a proud expression. "Maliit man o malaki, kailangan nating matutong magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin, manang. Hindi ba— ano nga palang pangalan mo?" sabi nito na para bang ngayon niya lang na-realize na hindi niya kilala ang lalaking basta na lang nito hinila mula sa kalye kanina. She's really funny. Pero hindi ako makangiti dahil tinamaan ako sa sinabi niya kanina. Naging ganito ang buhay ko dahil hindi ko nagawang magpasalamat at makuntento sa lahat ng mayroon ako. I always crave for more... I always wanted more... Hindi ako marunong makuntento kaya marahil pinarusahan ako ng Diyos dahil sa ugali ko. "Zacharias...Zack na lang ang itawag mo sa akin, Miss." "Ang gwapo ng pangalan," sabi ng ale saka mapang-asar na ngumiti kay Tere. Napailing ako. Pangalan ko na lang naman ang gwapo, hindi ako. Pinandilatan siya ng mga mata ni Tere. "Marites, manang? Ikaw ang kinakausap?" Itinikom ko ang aking mga labi habang pinapanood itong ayusin ang mesang uupuan naming dalawa. She let me sit down comfortably and prepared everything including our food. "Ako nga pala si Teresita Magsipoc a.k.a Tere. Ang mabuti pa kumain ka na lang nang marami, Zack dahil alam kong pagod at gutom ka. Masarap ang lutong pares ni manang kahit hindi halata kapag tinitigan mo ang nagluluto." Muntik na akong pamulahan ng mukha dahil bumalik sa alaala ko kung paano kumulo ang tiyan ko kanina. What a shame! "Kung hindi ka lang talaga paborito ng may-ari. Ligwak ka ng assistant ko, Tere!" banta nito. Natawa siya habang nagsasalin ng malamig na tubig sa basong nasa harapan naming dalawa. I really appreciate how she took care of everything. Sadya bang mabait at matulungin lang ang babaeng ito o may iba siyang pakay? Ano namang mapapala niya sa isang katulad ko? "Si manang naman hindi mabiro. Alam mo namang love na love kita, 'di ba?" anito saka humagikgik pa. Inutusan niya akong kumain kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang alok nito. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin o kung mayroon man, siguro oras na para manahimik ako at hayaang si kamatayan na lamang ang sumundo sa akin. "Siya nga pala, Zack. Napansin kong paikot-ikot ka simula kaninang umaga, naliligaw ka ba o may hinahanap ka dito?" Lihim akong napangiti dahil talaga namang makuwento siya habang kumakain. I found it informal pero nakakatawa siyang kasama kaya ayos na rin. "Mabuti na lang at napansin kong nahulog mo ang singsing kaninang hinatid ko ang order na pares ng mga empleyado sa may central district kung hindi baka nawala na 'yon. Pagmamay-ari ba ng girlfriend mo ang singsing?" "Ex-girlfriend," I corrected her. "Sorry, I wasn't able to thank you for the ring," sabi ko habang ngumunguya. It's my first time to eat pig intestines with fried rice, pero sabi nga nila walang masusuka sa taong kumukulo na ang sikmura dahil sa sobrang gutom. Masarap naman at malasa ang pagkakaluto kaya tuluyan na ring naglaho ang natitirang arte ko sa katawan. Mukhang hindi ko na rin kailangan pang maging pormal sa harapan nito dahil kaswal naman ang pakikitungo niya sa akin. "Naghahanap ako ng matutuluyan pero inabot na ako ng tanghali, wala pa ring tumatanggap sa akin. Maybe it's because of my appearance." Hindi ko maintindihan kung bakit awtomatikong kuminang ang mga mata niya. "Bed space ba kamo o kahit maliit na kwarto lang?" tanong nito. "Gusto mo sa amin ka na lang tumira? Perang-pera na kasi ang nanay ko kaya pinapabalandra niya sa akin ang room for rent sa poste ng kuryente kanina." Nahigit ko ang aking hininga. "Are you sure? She might get scared of—" Umiling siya kaya hindi ko na nagawang tapusin ang gusto kong sabihin. "Huwag kang mag-alala, hindi marunong tumanggi sa grasya ang nanay ko. Tsaka ramdam ko namang mabuti kang tao at responsable ka namang tingnan. Alam kong magbabayad ka," sabi pa nito saka napangiti sa akin. Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Wala namang sigurong masama kung magtitiwala ako sa kaniya dahil ramdam kong tunay naman ang pakikitungo niya sa akin. Sa isang masikip at madilim na eskinita kami dumaan bago namin narating ang sinasabi nitong tinitirhan nilang mag-ina. Noong una akala ko may lalabas para nakawin ang perang nasa bulsa ko pero hindi nagtagal ay narating namin ng safe ang tahanan nito. Hindi iyon makalat at tama lamang ang lawak para sa isang maliit na pamilya with I think three to four members. "Nay?" aniya nang magawa naming makapasok sa loob. She's quite talkative and noisy, but I found that cute about Tere's personality. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Tere. Nagawa mo ba ang pinapagawa ko sa'yo kanina? Wala man lang bumisita sa kwarto simula kaninang umaga o kahit nagtanong man lang kung magkano ang upa sa atin." Lihim akong napangiti, mukhang alam ko na kung saan namana ni Tere ang lakas ng boses at bilis ng pananalita nito. "Huwag kang mag-alala, nay. Mission accomplished na ako sa araw na ito. May dala akong tenant para sa'yo," aniya saka inilahad pa ang magkabilang palad sa aking harapan na para bang isa itong performer na may ipinapakitang surpresa sa kaniyang nanay. "Tere naman..." Talaga namang kinabahan ako nang maramdamang humagod sa buo kong pagkatao ang mapanuring tingin ng nanay ni Tere. Pakiramdam ko hindi totoo ang sinabi niyang hindi tumatanggi sa grasya ang nanay niya dahil nakakatakot ito kung tumitig. Hindi kaya ang nanay nito ang tinutukoy niyang mamasang kanina? "Nasa akin na ang bayad, nay. Two months advance at one month deposit. Kung hindi niyo mamasamain, ginawa niya pang two months deposit kanina para hindi kayo mag-alala," ani Tere saka makahulugang ngumiti sa akin. Pabiro pa nitong ipinaypay ang perang inabot ko sa kaniya kanina bilang paunang bayad sa kwartong uupahan ko. Daig pa ng nanay nito ang hinipan ng hangin sa bilis nang pagbabago ng ekspresyon nito. Tumawa ito nang malakas saka ngumiti pa nang pagkatamis-tamis sa akin. "Nako naman! Welcome na welcome ka sa munti naming tahanan, hijo! Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nangangain ng tao. Ang totoo, gusto ko lang magkaroon ng tenant dahil nangangati na akong makapag-grocery sa bagong mini-mart sa tabi ng convenient store sa may kanto." Matagumpay na napangiti si Tere kaya napangiti na rin ako. "Kaya naman pala nagmamadali! May hinahabol ka na namang buy 1 take 1, nay!" asar na sambit nito sa kaniyang nanay saka hindi makapaniwalang umiling. May diin naman itong sumagot. "Tere naman. Alam mong sobrang mahal na ng mga bilihin ngayon kaya kailangan nating maging madiskarte. Malaking tulong na ang buy 1 take 1 o kahit libreng kape sa budget natin. Kakarampot na nga lang ang mabibili mo ngayon sa halagang limang daan. Kapag napabaryahan mo ang pera mo ngayon, ubos na agad kinabukasan." Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng nanay ni Tere. Kung noon hindi ako nakaka-relate sa usaping budget dahil bilyones ang pera kong nakatago sa banko, ibang usapan na ngayong hindi man lang umabot ng fifty thousand ang perang hawak ko. Muli siyang humarap sa akin. "Ano nga palang pangalan mo, hijo? Ako nga pala si Tina, nanay ni Tere." Magalang akong yumuko sa harapan nito saka ngumiti. "Nice to meet you, Ma'am. I'm Zack, salamat po sa tulong niyo sa aking dalawa ni Tere." Sa pangalawang pagkakataon ay kinabahan ako nang magpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Tere. "Hindi ka ba boyfriend ng anak ko? Baka mamaya—" "Nay naman!" Muntik na akong matawa sa naging reaksyon ni Tere, kulang na lang kasi mamula siya na parang kamatis sa kinatatayuan. "Ang mabuti pa ihahatid ka na namin sa kwarto mo para makapagpahinga ka na. Nasa second floor ang kwarto mo, sa extension nitong bahay. Wala ka bang dalang gamit o kahit maliit na maleta man lang?" sunod-sunod na tanong ng nanay nito pero marahang iling lamang ang naisagot ko sa kaniya. Sa loob ng isang buwang pananatili ko sa tahanan nina Tere ay nagawa kong masanay sa simple nilang pamumuhay. Madalas akong sumabay ng umagahan sa kanilang dalawa pero most of the time kung hindi ako sumasaglit sa paresan para puntahan si Tere ay nagkukulong lamang ako sa kwarto. Huli na nang mapansin kong mas naging malapit na kaming dalawa sa isa't isa. Hindi lamang dahil nakatira kami sa iisang bubong kung hindi dahil sa kabutihang ipinakita nito sa akin magmula noong una kaming magkakilala hanggang ngayon. I found myself falling for her, kahit alam kong imposibleng masuklian nito ang pagmamahal na nararamdaman ko. Sino ba namang magkakagusto sa isang katulad ko, hindi ba? And knowing Tere's golden personality, I know she deserves someone better. She deserves someone who can love her unconditionally and give her a bright future. At alam kong hindi ako ang lalaking nararapat sa kaniya. "Bakit ayos na ayos ka yata, Zack? Maghahanap ka ba ng mapapasukang trabaho?" Para akong nasemento sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ni Tere mula sa aking likuran. "What are you doing here, Tere?" Balak ko sanang ilihim sa kaniya ang gagawin kong ito pero mukhang wala akong kawala. Ayoko rin namang magsinungaling kay Tere. Matamis siyang ngumiti sa akin. "Nakalimutan mo bang day-off ko ngayon? Syempre, kailangan ding mag-beauty rest ng prinsesa mo!" Mahina akong natawa. That's right! I allowed her to consider herself as my princess while I considered myself to be his servant. I know I don't deserve to be his prince charming, kaya ako na mismo ang nagbigay ng limit sa sarili ko. "Saan ka maghahanap ng trabaho?" tanong pa nito nang mapansin niyang natahimik ako. I just smiled at her. "Anywhere?" Tumaas ang kilay niya saka mabilis na lumapit sa akin. Ramdam ko namang dumikit ang braso nito sa tagiliran ko kaya mabilis akong lumayo nang konti sa kaniya. "Patingin naman ako ng mga papeles mo," puno ng lambing niyang sambit. "Mabuti na lang at hindi ka naligaw sa dami ng mga pasikot-sikot ni nanay. Nasa kabilang kanto lang ang printing shop pero parang nasa Mindanao na kung makapagsalita, eh." Mahina akong natawa habang nakatingin sa kaniya. Bumaba ang tingin nito sa hawak kong envelope pero hindi pa rin nawawala ang atensyon ko sa kaniyang maamo at magandang mukha. If only I could turn back time, I would really treat her like a real princess. I'll let her live in a mansion where she can do everything she wants. "Hindi ako nagkamali ng hula." Tumingala ito saka tumingin sa akin. "College graduate ka nga talaga dahil ang galing mong magsalita ng English, Zack. Pero imposible naman yatang wala kang kahit isang work experience simula noon." "Sinadya kong huwag ilagay, Tere. Maraming nangyari, you know that." Ngumiti siya sa akin. Alam kong hindi na nito uungkatin ang nakaraan ko dahil naikuwento ko na sa kaniya ang lahat. Wala akong inilihim dito kahit konti tulad na rin nang pagpapakatotoong ipinapakita niya sa akin. "Huwag na lang nating pag-usapan 'yon, Zack. Sinabi ko naman sa'yong lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Mabuti man o masama parte iyon ng plano ng Diyos para sa atin." Lihim akong napangiti sa kaniya. "I'm so lucky to have you, Tere." "May sinabi ka, Zack?" namimilog ang mga mata niyang tanong. Mabuti nalang dahil mahina ang pagkakasabi ko, ayoko kasing marinig niya at baka mamaya magkaroon pa ng lamat ang pagkakaibigan naming dalawa. "I'm done being ambitious, Tere. Masaya na akong matanggap sa kahit anong trabahong pwede kong pasukan." Napabuntong-hininga siya, alam kong mataas ang expectation nito dahil sa nabasa niyang credentials ko ngunit mas pipiliin kong maging low profile kung kapalit no'n ay ang katahimikan ng bago kong buhay kasama siya. May lambing kong inilahad ang kamay sa harapan nito nang mapansing medyo nalungkot siya sa narinig. "In my first salary, I want you to have a date with me." Napalunok ito. "D-Date?" pag-uulit niya. Gusto ko sanang tumango bilang tugon pero naunahan ako ng takot na baka rejection lamang ang matanggap ko mula rito. "Yes, a date. Pero maiintindihan ko naman kung ayaw mo—" Lumalim ang paghinga nito saka sunod-sunod na umiling. "Sinong may sabing ayaw ko? Syempre, gusto kong lumabas tayong dalawa! Walang bawian okay? Magde-date tayong dalawa!" Hindi ko na napigilan ang tuwang nararamdaman ko. Lumiwanag ang aking mukha at kulang na lang maipinta ang ngiti sa mga labi ko. Mabuti na lang at hindi isang malakas na ayoko ang natanggap kong sagot mula sa kaniya. "Fine, let's go anywhere you want." Naningkit ang mga mata nito na para bang saglit siyang napaisip. "Paano kung pares pa rin ang gusto kong kainin? Papayag ka ba?" tanong niya nang may pilyang ngiti sa mga labi. Imbes na mainis ay natawa na lamang ako sa sinabi ni Tere. "If that will make you happy, then yes. It's okay." "Ano ka ba, Zack! Binibiro lang naman kita!" mabilis nitong sabi nang mapansing sineryoso ko ang joke niya. Tumawa pa ito nang malakas sabay bawi ng kalokohang naisip. Hindi nagtagal ay parang bata nitong inilagay ang isang daliri sa kaniyang sintido saka muling pinag-isipan ang aking alok. "Hmm. Gusto kong pumunta tayo sa isang restaurant, 'yong may ihawan at mainit na sabaw?" Kung hindi ako nagkakamali, isang koren restaurant ang tinutukoy niya. She wants to experience how to eat samgyupsal. Gustuhin ko mang sumang-ayon agad ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Nangako akong pupuntahan namin kahit saan nito gustong pumunta pero... "Hindi ka ba mahihiyang makasama ako doon? Matao—" sabi ko bilang paalala sa kaniya ngunit umiling lamang ito. Kunot ang noo akong tinitigan. "Wala tayong dapat ikahiya, Zack. Magbabayad naman tayo at tao rin naman ang mga makakahalubilo nating kumain doon, may cubicle rin naman kung gusto mo ng privacy habang kumakain." Pagpupumilit niya kaya wala akong nagawa kung hindi mapatango na lamang bilang pagsang-ayon dito. Matatanggihan ko ba ang babaeng ni minsan ay hindi ako ikinahiya sa kabila ng hitsura ko? "So, it's a date?" may ngiti kong tanong. Tumango lamang siya at parang kinilig pa nang bahagya sa paraan ng pagkakasabi ko. "Oo naman, may karapatan ba akong tumanggi sa prince charming ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD