The Unwanted Billionaire 1

1715 Words
ZACK “I’m sorry, Zack but I think breaking up with you is the right decision. Look at you! Look at yourself! You've change a lot! Hindi na ikaw ang lalaking minahal ko at dahil doon nawala na rin ang natitirang pagmamahal ko para sa’yo,” mabigat ang tonong sambit ng aking girlfriend sa aking harapan. Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. Nagpanggap na lamang akong manhid sa ginagawa nitong paulit-ulit na pagtataboy sa akin. Ginusto kong magmukhang matibay sa harapan ni Francine kaya pinigilan ko ang panginginit ng aking mga mata kahit parang dinudurog na nang pinung-pino ang puso ko sa sobrang sakit. Daig ko pa ngayon ang namatay sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib o kung may dahilan pa ba para bumangon ako kinabukasan. Saka ko na lamang hinayaang malayang tumulo ang aking mga luha nang magawa ko ng makalayo sa kinaroroonan nito. I can't blame her for leaving a nobody like me. Sino bang magtitiis sa isang taong walang-wala, hindi ba? I lost everything— my company, my money, my inheritance, my so-called family and even my own face because of how ambitious and greedy I am. Magmula nang mangyari ang trahedyang nagpabago sa buhay ko ay hindi ko na rin magawang kilalanin ang sarili ko sa harapan ng salamin. I'm broke and ugly, o mas maganda yatang pakinggan ang salitang 'basura' para ilarawan ang isang tulad ko. Sa loob ng tatlong buwan ay pinaniwala ko ang aking sarili na matatanggap ako ni Francine sa kabila ng mga nangyari. Akala ko sapat na ang pagmamahal na nararamdaman nito upang manatili siya sa aking tabi ngunit nagkamali ako. Araw-araw niyang ipinaramdam sa aking wala akong silbi, nakakasura akong tingnan at pabigat lamang ako sa kaniya. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na ring nawala ang nag-iisang pinagkukunan ko ng lakas. Minabuti kong huminto sa paglalakad upang sa huling pagkakataon ay masulyapan ang kinaroroonan ni Francine ngunit hindi ko inaasahang mas lalo palang guguho ang mundo ko sa aking masasaksihan. Nag-unahan ang luha sa aking mga pisngi habang pinagmamasdan ang nakaparadang kotse sa harapan ng building kung saan isang taon kaming nagsama ni Francine sa pinangarap nitong condominium unit. Hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag ang panghihinang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdang yakap-yakap ng iba ang babaeng minahal ko ng tatlong taon. Mas pinili kong lumayo at tanggapin na lamang ang aking nakita hanggang sa mas lalong bumaha ang mga luha ko nang makapa ko sa aking bulsa ang nag-iisang bagay na naisalba ko mula sa lumubog na cruise ship noon— ito ang diamond engagement ring na pinasadya ko pa mula Germany para sa kaniya. Balak ko sanang yayain ng magpakasal si Francine noon sa aking pagbabalik mula sa isang buwan kong business trip mula sa ibang bansa. “I should have propose to her and listen to my business consultant that time. Hindi sana ako pumirma sa isang kasunduan kasama ang mga Saavedra kung saan ako pala ang magiging talunan sa huli. Kung hindi sana ako naging ganid sa pera at kapangyarihan ay baka sakaling hindi naging ganito ang kapalaran ko,” mahina kong bulong saka pinakiramdaman ang naninikip kong dibdib. Parang gusto nang magpahinga ng katawan ko sa lahat ng hirap na nararanasan ko ngayon. Maliban sa wala na akong mukhang maihaharap sa lahat ay wala na rin akong magagawa pa para bawiin ang lahat ng mga nawala sa akin. Naiyukom ko na lamang ang aking kamao dahil sa matinding pagkadismaya. Ayoko mang kamuhian ang Diyos sa aking sinapit ngunit hindi ko magawang pigilan ang sariling huwag magtanong sa Kaniya. Bakit pa ako nabuhay? Bakit hindi na lang ako nasunog sa barko nang sa gano'n ay baka paglamayan pa ako ng mga taong malalapit sa akin? Bakit kailangan kong magdusa nang ganito sa pangalawang buhay na ipinagkaloob Ninyo sa akin? Alam kong naging makasarili akong tao at makasalanan noon pero kailangan bang maging ganito kahirap ang parusang matatanggap ko?” Tuloy pa rin ang agos ng aking mga luha habang walang pag-iingat kong pinupunasan ng kamay ang aking mukha. Hanggang sa natigilan na lamang ako nang hindi sinasadyang mabitiwan ko ang singsing. Sinubukan ko itong sundan ngunit kusang huminto ang mga binti ko nang mapansing dumaan ang kotseng minamaneho ng lalaking ipinalit sa akin ni Francine. May kaya rin ang lalaking ipinalit niya sa akin ngunit hindi hamak na mas mayaman ako noon. Napabuntong-hininga na lamang ako sabay iling. Kunsabagay higit na kailangan ng isang babaeng tulad ni Francine ang lalaking kayang ibigay ang mga luho nito tulad na lamang ng ginawa ko sa kaniya. Magmula sa mamahaling mga alahas, imported luxury bags at condominium unit, hindi biro ang halagang nailabas ko para lamang mapasaya ito. Hindi ako nagdamot dahil nangako akong ibibigay ko ang lahat sa kaniya sa abot ng aking makakaya. “Excuse me..." Natigilan ako nang marinig ang malambing at malumanay na boses sa aking likuran. "Sa'yo ba 'to?” Mula sa aking kinaroroonan ay lumapit ang isang babaeng nakasuot ng simpleng puting t-shirt at maong jeans. Magulo nang konti ang buhok niya marahil dahil kanina pa ito naglalakad sa kalye at medyo maalinsangan din sa kinaroroonan naming dalawa. Tumayo siya sa aking harapan kaya nasilayan ko kung paano namilog ang mga mata nito nang masilayan ang mukha ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya pero ramdam ko pa ring nakatuon ang mga mata nito sa akin. Mabuti na lang at hindi ko masyadong tinitigan ang mukha niya at baka bangungutin pa ito mamayang gabi. Malamang natatakot na ito ngayon dahil mukhang halimaw ang lalaking nasa kaniyang harapan tulad na lamang ng batang nakasalubong ko kanina na umiyak at namutla pa kaya nagmamadali itong binuhat ng kaniyang mommy papalayo sa akin. “Mukha ka namang desente at hindi mambubudol. Sa’yo ba ang singsing na 'to?” tanong niya habang nakalahad sa palad nito ang singsing na nabitawan ko kanina. Medyo mataray ang tunog ng boses niya pero bagay naman iyon sa mala-porselana nitong kutis at petite na pangangatawan. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko siya tinitigan, hindi rin ako umimik at tumango lamang ako bilang tugon sa tanong nito. Nanatili akong tahimik hanggang sa namilog na lamang ang mga mata ko nang marinig ang mahina nitong pagtawa. Marahil pinagtatawanan na nito ngayon ang pagmumukha ko. “Hindi ba sumasakit ang batok mo? Kanina ka pa nakadumog diyan? Kunin mo na lang ang singsing sa kamay ko para makaalis na ako. Okay?" kaswal nitong sambit. Maingat ko namang kinuha ang singsing mula sa kamay niya. “Salamat." Iyon na lamang ang nasabi ko. Hindi ko na nagawang sundan pa ng tingin ang babae dahil nagmamadali siyang umalis sa harapan ko. Siguro papasok pa iyon sa trabaho, baka naman call center agent o sales lady siya sa isang mall. Hindi ko namalayang huminto na pala ang mga luha ko dahil sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Ang masasabi ko lang ay mabait ang babaeng 'yon, nakakasigurado ako. Mabigat man sa loob ko ngunit minabuti kong pumunta sa pinakamalapit na pawnshop para isangla ang engagement ring naming dalawa ni Francine. Wala akong ibang choice dahil hindi niya ibinigay ang mga gamit ko, nakakahiya na rin kung babalik ako sa unit niya dahil malaking eskandalo na ang ginawa nito para lamang mapaalis ako kanina. Nagmukha akong kalaban sa mata ng mga taong nakapaligid sa aming dalawa dahil pinilit ko lang namang manatili sa tabi niya. Halos ipagtulakan ako palabas ni Francine kanina at wala man lang akong kaalam-alam na mayroon na palang naghihintay sa kaniya sa labas ng condominium. Matagal niya na kayang akong niloloko? Bakit hindi ko man lang napansin? Hindi ko alam kung papaano uumpisahan ang buhay ko ngayong wala na ako sa puder ni Francine. Para na akong naliligo sa sarili kong pawis habang naglalakad sa eskinita at patingin-tingin sa paligid. Naghahanap ng matutuluyan sa gitna ng tirik na sikat ng araw. Malalim ang bulsa ng suot kong cargo short kung kaya naman nagawa kong maitago nang mabuti ang perang pwede kong gamitin para sa lahat ng aking pangangailangan. Binalewala ko muna ang nararamdaman kong gutom kahit napadaan ako sa isang convenient store at kilalang fastfood chain. Kumakalam man ang aking sikmura pero mas gusto kong umiwas sa maraming tao at makapagtipid muna dahil hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang perang hawak ko. “Mommy! There’s a monster!” sigaw ng isang batang babae nang makita akong nakaupo sa katabi nitong bench. Nasaksihan ko kung paano nandiri ang mga magulang nito at nagawa pang takpan ang mga mata ng anak hanggang sa kusa akong umalis sa aking kinauupuan. Kaya mas nanaisin ko pang lumayo dahil alam kong matatakot lamang ang mga bata sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko ring pumasok sa lugar na iyon dahil alam kong maiilang lamang ang mga taong nasa paligid at baka umiwas pa ang mga ito. Kinakatakutan ng lahat ang nasunog na bahagi ng aking mukha at ang balat kong nagmukhang nahati sa dalawang bahagi, namumuti na parang r****h at mamula-mula ang iba pero wala silang kaalam-alam na nakakaramdam din ako ng takot sa uri ng reaksyong natatanggap ko mula sa kanilang lahat. Pinandidirihan nila ako na para bang mayroon akong nakakahawang sakit kahit wala naman, tinataboy na parang aso at nilalayuan kahit hindi naman dapat. Nagmukha akong halimaw sa mata ng mga tao na para bang tuluyan na nilang nakalimutan ang bilyonaryong minsan nilang hinangaan at pinagpantasyahan mula sa malayo. “Hoy!” Nabigla na lamang ako nang marinig ang malakas na hiyaw mula sa aking likuran. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maramdamang may kamay na mahigpit na nakahawak sa aking braso. Masyado akong nalunod sa lalim ng mga iniisip ko kaya hindi ko napansing may sasakyan na palang nakahinto sa aking harapan. “Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo? Bakit ba naman kasi palagi kang nakayuko?” may pangamba nitong sambit habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ako nakasagot kahit ramdam ko ang matinding concern nito habang kinakausap ako. Siya pa rin ang babaeng tumulong sa aking maibalik ang nawala kong singsing kanina. Pagkatapos ng isang mahabang taon, ito ang unang beses na may taong naglakas-loob na titigan nang matagal ang mga mata ng isang halimaw na tulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD