6- “How cheap!”

1080 Words
Days passed after that day, the library in the University becomes my most favorite place in our school and of course, my favorite secret along with the man I share this secret with. Nasanay na rin ako na kada punta ko roon ay makikita ko si Ice sa secret place namin. Kung hindi ko siya maaabutang tulog, malamang ay gumagawa ng assignments niya o kaya nama'y nagmumuni-muni lang. There were times na tinutulungan ko din siya sa assignments niya, if there's something I can contribute like do some research or scan the books he needed. But most of the time, he is the one who helps me with the things I don't know. "Ice?" Nadismaya ako nang isang araw ay hindi ko siya nakita sa secret place namin. Naupo ako sa sahig at sumandal sa wood-wall ng likod ng isang shelf kagaya ng palagi naming ginagawa kapag nandito kami. I waited for him, but there was no trace of him or even a single sign that he would come. He may be busy to something about his studies or may be about his work 'cause he's a working student. Binuklat ko ang aking libro at inumpisahang sagutan ang assignment ko sa subject naming Contemporary Math. I actually love Math while taking up Business Administration but this one's just so hard, and so our super boring professor! Traditional way of teaching method kasi ang ginagamit niyang approach sa amin, plus he is teaching so fast and he is making the digits complicated instead of the easier ones! Idagdag pang ang laki-laki ng expectations niya sa amin na dapat lahat kami ay matalino sa subject niya! Hindi pa 'ko nakakalahati sa sinasagutan kong problem ay hinila na 'ko ng antok. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip basta ang alam ko lang, parang may naramdaman akong marahang humaplos sa aking pisngi. "Ice..." am I dreaming? Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata at tuluyang nagising. I searched everywhere in this secret place and still found no one but myself alone. Ganoon ba kahaba ang pagkakaidlip ko para mapanaginipan ko si Ice? But why does it feel so real? Why do I feel like he really has carressed my cheek? Tiningnan ko ang sinasagutan kong assignment at ganoon na lamang ang aking gulat nang makitang tapos na itong lahat, and he even left an easier solution to the given problem! I knew it! I wasn't just dreaming! Nandito talaga si Ice! Pumunta talaga siya rito! Dali-dali akong tumayo at lumabas ng lungga para hanapin si Ice. I searched the shelves and every table but I can't seem to find him! "Ah, excuse me, may nakita ba kayong lalaking lumabas kanina mula sa dulong iyon?" tanong ko sa grupo ng mga nursing students na naggu-group study sa isang table. Umiling sila. "Uhm, excuse, may nakita kayong lalaking dumaan dito mula sa bahaging 'yon ng shelf?" tanong ko sa mukha namang magnobyong sabay na nag-aaral. Umiling sila. "Wala eh." "Gano'n ba? Sige. Salamat nalang." Lumabas ako ng library at lumingon-lingon sa paligid para hanapin ang taong hinahanap ko. Alam ko eh, nararamdaman ko. Nandito lang talaga siya, malapit sa akin! Isang lingon ko pa sa may bahaging harapan at nakita kong naroon si Ice na tahimik at mag-isang nagma-map ng tiled-floor corridor. Napangiti ako. "Ice!" I called him. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti rin. I waved at him while holding my notebook with the assignment he answered for me when I was sleeping awhile ago inside the library on our secret place. He waved back while still having that smile on his face that I adore since the first day I laid my eyes on him. I gratefully mouthed him my "Thank you!" and he smiled even more and nodded. Hay... Ice, what are you doing to me... NAPANGITI ako ng palihim nang maramdaman ang pasimpleng pag-akbay sa akin ni Ice at marahang pagdausdos ng kanyang palad sa aking braso. Kasalukuyan kaming nasa may ilalim ng puno ng balete at nakaupo sa iisang bench. We are both studying for our incoming Midterm examinations. Times, days, and few months passed and our friendship grew more and became a lot more beautiful. He is such a treasure, what we have is such a treasure for me. "Hi, Ice!" Napatingala ako sa babaeng dumaan at bumati sa kasama ko. Nginitian at tinanguhan naman niya ito. "Ice!" ayan, may isa pa! Halata pang nagpapa-cute at si Ice, mukhang gustong-gusto rin na binabati ng mga babae at nagpapa-cute ang mga ito sa kanya. Tuluyang nawala ang ngiti ko. Kanina pa kami rito at nagsa-study tapos wala akong maalalang may babaeng dumaan na hindi siya pinansin! Lahat yata ng babae sa mundo ay kilala si Ice at hindi ko mawari ang inis na nararamdaman ko! Nadagdagan pa ito nang mga sumunod na araw ay naabutan ko siyang tinutumpukan na naman ng mga babae sa isang sulok ng paaralan at tawa sila nang tawa. Aliw na aliw ang mga ito sa kanya. Natigilan ako sa paglalakad at napahigpit ang yakap sa aking mga libro pagkatapos ay pinili na lamang na tumalikod at umiwas dahil may kung anong tumutusok na karayom sa aking dibdib. "Hey, what's wrong!" pigil naman ng maarte kong kaibigang si Tamia. Nagtataka marahil sa biglang pag-atras at pagtalikod ko habang naglalakad kami. "Dito nalang tayo dumaan." walang kaemo-emosyon kong sinabi. "Why? What's wrong?" 'Ni hindi ako makatingin ng diretso sa mga kaibigan ko! "Basta dito nalang tayo." I tried to divert them to other way but Tamia seems to be so curious. "Bakit? May ano ba rito at hindi tayo makaraan? Oh!" she exclaimed in shock when she saw what I have seen. Imbes na sundin kasi ako ay pilit pa ring tiningnan ang iniiwasan ko nang makasalubong. "Ano ba 'yan? Oh!" si Haesel ay pareho din ng reaction. Not to mention, Almira too! "See?" nasapo ni Tamia ang kanyang ulo. '"Yan na nga ba ang sinasabi ko!" "The third year Accountancy student, Ice Marcelino, a working student, is really a notorious playboy!" si Almira. "Right. He gets his way to the girls. Look, how cheap he is!" "Uy, maka-cheap naman kayo sa tao!" marahang saway naman ng tanging mabait na si Haesel sa dalawa. "Tingnan ninyo nga 'yang mga kasama niya ngayon oh! They don't look cheap at all, they even look rich kids too! 'Yang isa diyan ay natatandaan ko pang former Miss HU bago naging Miss HU ng taon natin si Francine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD