5- “Matteo.”

1026 Words
Ice smiled and nodded at me. "Basta ba nadala mo yung questionnaires niyo!" Masigla akong tumango-tango at pinakita sa kanya ang mga pictures ng assignment namin sa cellphone ko na kinuhanan ko kanina. Muli kaming naupo at sumandal sa may likod ng shelves para gawin nga ang aking assignment. "Ano ba 'tong number one question?" binasa niya ang question sa notebook ko. "Give the full name of Jose Rizal. Ang dali-dali naman nito eh! Hindi na 'to kailangan pang hanapin sa libro! Ang buong pangalan ni Rizal ay José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda." Tiningnan ko nga siya. "Sigurado ka?" Siguradong-sigurado naman siyang tumango. "Trust me, hindi kita bibigyan ng maling sagot. Kahit tingnan mo pa riyan sa libro o kaya'y i-research mo." May tiwala ako sa kanya gayunpama'y tiningnan ko pa rin sa libro at ni-google ko sa cellphone ko. Tama nga siya! "See? Tama ako 'diba!" tiningnan naman niya ang pangalawang tanong. "How many women did Rizal have a relationship with? O ito pa, alam ko din 'to. Ang dali nito eh! The answer is nine." "Weh? Sigurado ka?" tatawa-tawa ako. "Bakit? Hindi ka naniniwala? Sige, papangalanan ko isa-isa nang maniwala ka. As far as I know, there were at least nine women linked with Rizal and they were Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga, O-Sei San, Gertrude Beckette, Nelly Boustead, Suzanne Jacoby and Josephine Bracken." Weird na tiningnan ko siya at hinanap ulit sa libro ang sagot. It's accurate! It's nine and the names he mentioned were exactly what's written on the book! I looked at him again and now, there's a grin on his lip. Okay, siya na talaga! "Number three. Where did Rizal write the last few chapters of Noli Me Tángere? Alam ko 'to eh. Nakalimutan ko lang yung eksaktong pangalan nung lugar pero alam ko 'to dati. Wi-wi..." parang nasa dulo na ng dila niya yung sagot pero nakalimutan lang niya at hindi niya mabigkas-bigkas. "Ano nga ulit 'yon? Basta alam kong municipality 'yon sa Germany eh!" Madali niyang binuksan ang libro para hanapin ang sagot at tuwang-tuwa siya nang makita kaagad iyon. "Wilhelmsfeld pala! Tama! Sabi ko na nga ba! Hindi ko lang talaga masambit-sambit kanina pero nasa dulo na ng dila ko!" aniya. Tumango ako at marahang natawa nalang sa babaw ng kaligayahan niya. "Number four question. What is the sequel of Rizal's Noli Me Tangere? Ang dali nito! Walang Pilipino ang hindi nakakaalam nito!" Tumango ako at sabay kaming sinabi ang sagot. "El Filibusterismo." Nagpatuloy siya sa pagsagot sa mga tanong nang walang kahirap-hirap. Ako nama'y magiliw na pinanunuod na lamang siya. Parang wala na rin naman akong maitutulong pa dahil alam na niya ang lahat! Nangingiti nalang ako na tinititigan siya na animo'y parang mas assignment pa niya ang assignment ko. Sinulyapan saglit niya ako sa kalagitnaan ng pagiging abala niya at muling sinulyapan bago napangiti rin na nagtanong. "Oh? Ba't mo ako tinititigan ng ganyan?" "Alam mo, you're so clever!" prangka at natutuwa kong sinabi. Napangiti pang lalo siya't napailing. "Hindi naman, sadyang napagdaanan ko lang talaga 'to dati noong first year din ako kaya medyo alam at naaalala ko pa." NAALIW pang lalo ako sa kay Ice. "And now, you're humble!" Natapos ang buong klase sa hapon na pakiramdam ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko at ang dali-dali ng lahat nang makasama ko si Ice kanina sa library. "Francine anak!" "Daddy!" tuwang-tuwa ako nang bumukas ang kotse ng sundo ko at iniluwa noon si daddy. "How's your day, my princess?" malambing niyang tanong nang yumakap ako't humalik sa kanyang pisngi. "Great, daddy. Everything's great." masaya ko namang sagot. Totoo 'yon. My day has never been this greater without Ice being a part of it and now, daddy is fetching me from school! Pumasok ako sa backseat ng kotse at nagulat ako nang hindi pala ako nag-iisa rito. "Matteo? Matteo!" tuwang-tuwa akong makita muli ang aking kaibigan. He's my childhood best friend and six years older than me. He graduated in the same University two years ago and he after that, he came to Cebu to handle their Cente-Mall business na pag-aari pa ng kanyang mga magulang. He's currently the General Manager in their branch there, a preparatory for him to become the next Chairman after his father of their whole company. Finally, after a year, kasi ang huling alala ko ay noong nakaraang taon pa ang huling bisita ulit niya rito sa Maynila, nakabalik ulit siya. And he surprised me and I am happy for him! Happy to see him again 'cause he's like a brother to me! "Hi, Francine! Surprise!" masaya namang sinabi niya. He hugged me and I hugged him too. Pakiramdam ko ay nagkaroon ulit ako ng kuya dahil sa pagbalik niya ngayon. "Kumusta ka na? Kumusta ang Cebu?" "As usual, I am fine. Cebu is still beautiful but if I were to choose? I would still be grateful to stay here in Manila for a long period of time." Tumango ako. Naiintindihan ko naman siya. There's really no place like home and Manila, where he grew up, is his home. "Ikaw? Kumusta ka naman? Kumusta ang pag-aaral mo?" "Okay lang din." "You're now first year college, dati third year high ka pa lang no'ng iniwan ko ang Manila for Cebu. Parang kailan lang talaga, ang bilis ng panahon." Tumango ako. Sang-ayon. "Parang kailan lang din, sipunin pa 'yan ngayon ay tingnan mo naman dalagang-dalaga na!" nakangiti namang singit ni daddy na nasa front seat. "Daddy!" saway ko kaagad rito. Naghalakhakan naman silang dalawa. Umirap nga ako at nag-cross arms! Kapag talaga nagkakasama kaming tatlo, kawawa ako sa kanila! "Pero kahit dalaga ka na, you will always stay my princess, hija!" bumawi naman agad si daddy. Napangiti ulit ako. Alam na alam kung paano babawi eh! Imbes na sa bahay kami dumiretso ay dinala muna ako ng dalawa sa Cente-Mall, one of the most competing mall here in Manila na isa lamang sa maraming mall branches na pag-aari ng Cente-Company, owned of course by Matteo's family. The Vicentes. Naglibot-libot kami sa malaking mall pagkatapos ay kumain kami sa isang sikat na restaurant na nasa loob din nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD