She's right. I can also recognize that girl. She was the Miss HU of the former year before I got the title myself.
"Yeah. They are not poor but talking with a cheap person? They also look cheap! Hinahayaan silang gamitan ng kagwapuhan at charm niya para makuha niya ang gusto sa mga may kayang mga babaeng ito!" si Tamia ulit.
I just rolled my eyes at how judgmental this friend of mine could be!
"I know right. Eh, ikaw Francine? Anong masasabi mo ngayon? We already warned you a lot of times about him and his background when it comes to girls, pero hindi ka nakikinig sa amin! 'Yan tuloy ang napapala mo! Ano ngayon? Nganga ka!" marahas namang pahayag sa akin ni Almira.
"Almira's right! Ayaw mo kasing maniwala sa amin eh! Sasaktan ka lang niya at kukunin lang niya ang gusto niya sayo! Ilang months na nga ulit kayong friends? Matagal na! But until now, wala pa ring label! Maybe, ikaw lang talaga ang may gusto sa kanya at siya ay hindi ka nakikita sa kung paano mo siyang nakikita!"
"Girls, tama na 'yan. Hindi naman natin kontrolado ang puso't-isipan ni Francine eh." si Haesel na pinagtanggol ako.
"Yes, but at least, we make her aware that Ice Marcelino is no good for her!"
"I bet, kukunin lang talaga niya ang gusto niya sayo, Franny!" patuloy ni Almira. "Both of your body and the things you have like money that could support him financially!"
Umiling ako at tumalikod. This is too much. Ang sakit-sakit na.
"Hey! Where are you going now?"
"Anywhere. Leave me alone." sabi ko habang nagmamadaling lumayo sa kanila pero nakasunod sila sa akin.
Sinubukan kong pigilan pero tumulo na talaga ang traydor kong luha! And as much as possible, ayoko nang makita pa nila ito. Ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako over that guy! Over Ice!
"But Franny-"
Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi pa rin sila nililingon. Tinigasan ko ang boses ko para malaman nilang seryoso ako sa sinasabi ko. "I don't wanna hear your judgmental opinions anymore! I'm getting sick of them. Now, leave me alone!"
"Oh!" para namang inatrasan ng buntot sina Tamia at Almira.
Umiling ako't umirap saka tuluyan nang lumayo.
Simula noon ay sinubukan ko lahat ng makakaya ko para iwasan si Ice. Maybe, it's time for me to listen to my friends Tamia and Almira that Ice is no good for me. Maybe, it's better if I would start getting out of his way.
"Francine!"
Naglalakad akong mag-isa sa kalawakan ng campus nang makita bigla ako ni Ice at tinawag ako nito. Nakangiti at magiliw akong kinakawayan.
'Di tulad ng dati na natutuwa ako at ngingiti rin saka gaganti ng kaway sa kanya, umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad na animo'y wala akong narinig o nakita sa kanya.
"Francine!"
Binilisan ko sa paglalakad at hindi siya pinansin, nagkunwari lamang na walang naririnig. Sumunod naman siya. Sinundan niya ako sa paglakad.
"Francine, teka." nang maabutan niya'y marahang hinawakan niya ako sa braso, bagay na nagpatigil nga sa akin sa paglalakad.
Pumikit ako ng mariin at gusto kong maiyak. Ayokong gawin ito pero alam kong masasaktan lang ako kapag nagpatuloy ako sa kahibangang ito!
"Bitawan mo ako, Ice." mahina ngunit nakikiusap kong sinabi, hindi siya nililingon.
"Francine, may problema ba tayo?"
"Tayo? May problema? Haha! Ice, wala!" pineke ko ang aking tawa sa sariling pekeng biro.
Hindi siya tumawa. Nanatiling seryoso. "Kung gano'n, bakit mo 'ko iniiwasan? Kaninang umaga ko pa napapansin, iniiwasan mo ako."
"Iniiwasan? Hindi naman ah!" sinubukan ko pang magkaila.
"Kung hindi mo ako iniiwasan, papansinin mo ako katulad ng lagi. Ngayon ay talagang naninibago ako sa kinikilos mo, pakiramdam ko parang hangin ako na ramdam mo naman ang presensya ko pero hindi mo pinapansin."
"Ice, masyado akong busy ngayon sa requirements namin lalo pa't paparating na ang Finals. Maybe, I am just stress and tired-"
"Kung ganoon ay hayaan mong tulungan kita. Is there anything I can help you to?"
"Wala, Ice."
"See? Galit ka nga sa akin! Kung hindi ay hahayaan mong tulungan kita sa requirements mo kagaya ng pagtulong ko sayo sa mga assignments mo na nahihirapan ka. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Francine, bakit mo ba ako iniiwasan ha? May nagawa ba akong mali o may nasabi ba akong hindi tama? Sabihin mo, may problema ba tayo ha?" naging mas masuyo ang kanyang tinig.
Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang luha sa pagpatak. Inuumpisahan ko palang na iwasan siya pero parang hindi ko na kaya! I missed him so much already!
"Ice, wala. I just want you to leave me alone."
"Sige, kung ayaw mo talagang tulungan kita, at least ay hayaan mo nalang na ihatid kita. Tara, saan ba ang punta mo?" ngayon ay pinapa-cool ulit niya ang atmosphere sa aming dalawa.
Frustrated na naisabunot ko ang aking mga daliri sa aking buhok at hinarap siya. I had no other options but to raise my voice on him! "Ice, I said leave me alone! Ang kulit mo! Nakakairita ka na! Hindi ka ba nakakaintindi, ha?! Mahirap bang intindihin 'yon, ha! Na gusto ko ngang mapag-isa! Look, you don't even have your own car to have the guts para ihatid ako sa kung saan man ako pupunta!"
Nagulat siya't natigilan nga sa lahat ng mga sinabi ko. Parang ayaw pang pumasok sa isip niya at ayaw pang tanggapin ang lahat ng masasakit na mga salitang narinig sa akin. The sudden sadness drawn on his handsome face made me feel like I suddenly wanted to withdraw my words that caused him pain like this!
Masakit na tumango-tango siya at namula ang kanyang mga mata, indikasyong pinipigilan niyang maluha sa sakit. "Gano'n ba? Ngayon naiintindihan ko na. Nakukulitan ka sa akin. Sorry kung makulit ako. Sorry, Francine, kung naiirita ka na sa akin dahil sa pangungulit ko sayo. Hayaan mo at simula ngayon wala nang susunod-sunod at mangungulit sayo."
Oh, Ice! Why do I feel like breaking when I chose to break you with my stabbing words! It feels like causing you pain is just causing myself pain even more!