NAHULOG ang librong hawak-hawak ko habang naglalakad ako sa huling bahagi ng bookshelf na pinagkuhanan ko nito sa loob ng library. Walang katao-tao sa bahaging ito at tahimik. Mayamaya ay may napansin akong parang paa sa may duluhan.
Nakaramdam bigla ako ng kaba... Naaalala ko pa man din ang usap-usapan dito noon na may kung ano raw na nagpapakita.
Gumalaw ng bahagya ang paa, hindi na talaga mawari ang aking kaba!
"May tao ba riyan?" tanong ko habang mahigpit na yakap-yakap ang libro at tinatapangan ang loob na lumapit doon.
"May tao ba riyan! Huwag mo akong takutin!" ayan ulit ako sa pagtatapang-tapangan.
Tuluyan akong nakalapit. Pumikit ako ng mariin bago tuluyang sinilip ang may ari ng paa. Nakahinga ako ng maluwag at bahagya pa ngang natawa nang mapagtantong isa lamang pala sa mga schoolmates kong natutulog.
Wait! He looks so familiar!
Sinilip kong muli at nakumpirmang kilala ko nga ito.
"Ice..." marahang sabi ko para huwag siyang magising.
Mukha pa namang gandang-ganda siya sa kanyang tulog at napagod ng husto sa trabaho kaya hinayaan ko na lamang.
Maingat akong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang harapan para tingnan siyang maigi na tulog na tulog.
Kahit tulog ay napakaamo ng kanyang mukha... para siyang anghel na natutulog!
Parang may sariling buhay ang aking kamay at kusa itong naglakbay sa kanyang mukha para marahang maglandas doon. He has perfect brows, beautiful lashes, well-lifted nose, and lovely lips. I slid my forefinger through his flawless cheek.
"Baka matunaw ako..." salita bigla niya.
Napaatras ako ng wala sa oras sa pinaghalong gulat at hiya.
Nagsalita siya pero hindi naman nakamulat ang kanyang mga mata.
Is he sleep talking?
Kinalma ko ang aking sarili.
Hindi ka niya nahuli, Francine! He's just sleep talking!
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga nang maingat na tumayo na at sinikap na huwag makagawa ng ingay para hindi siya magising bago pa man niya ako tuluyang mahuli kapag nagising siya.
"Oh, aalis ka na?" patuloy niya ngunit hindi pa rin nagmumulat.
Natigilan ulit ako. Nagsi-sleeptalking lang ba 'to o gising talaga? Mukhang alam ang nangyayari sa paligid eh!
Nasagot lamang ang aking tanong nang ngumiti siya saka makulit na binuksan ang isang mata.
"Ice!" natawa na rin ako ng tuluyan.
Tuluyan din siyang nagmulat.
"You weren't sleeping!"
"I was... until you came and I felt you." marahang aniya.
Napangiti pa lalo ako. "Talaga lang ha? So, dito pala ang taguan ng isang Ice kapag inabot ng antok ha!"
"Sa katunayan, this is my biggest secret here in our school but it isn't a secret anymore since you knew it now."
"Anong nangyayari diyan? May tao ba riyan?" mayamaya ay salita ng terror na matandang dalaga at nakasalamin na librarian.
Nanlaki ang aking mga mata. Mamaya ay mahuli kami ni Ice nito at isipin na may ginagawa kaming hindi maganda, lalaki pa naman siya't babae ako tapos ay working student pa siya! Baka kung mapaano ang trabaho niya!
"Paktay na!" mahinang naibulalas naman ni Ice.
"Anong gagawin natin ngayon?" nag-aalala kong tanong.
"We have to stay quiet and pray na hindi tayo mahuli." aniya saka tuluyang lumapit sa akin para akbayan ako.
Napapikit nalang ako sa kaba at tahimik ngang nagdasal habang naririnig ang papalapit na papalapit na talagang heels ng nerd na librarian.
"Maam?" bigla ay may tumawag na estudyante rito.
Nilingon nito ito. "Yes?"
"Manghihiram po sana ako noong Afro-Asian book sa may Reserved Center. Available po ba 'yon ngayon?"
"Ah, that one? Yes."
Narinig namin ang sa wakas ay pag-atras ng mga takong ng librarian.
"Come here. Follow me." at tuluyan silang nakalayo.
Kapwa naman kaming nakahinga ng maluwag ni Ice. Buti nalang! Buti nalang talaga ay hindi kami nahuli!
Nag-angat ako ng tingin kay Ice at nagkatitigan kaming dalawa... mga ilang segundo tapos ay nagkangitian. Ilang sandali pa'y naalala kong nakaakbay pa pala siya sa akin at ang lapit-lapit namin sa isa't-isa. Nahihiyang lumayo ako at siya rin naman ay natantong nakaakbay siya sa akin kaya ibinaba niya ang kanyang braso.
"Sorry." aniya.
Umiling ako. "No way. I should be the one to say sorry since ako yung pumunta rito at ginulo ang sekreto mo."
Ngumiti siya't umiling. "Sekreto na nating dalawa simula ngayon at hindi na lamang sekreto ko kasi alam mo na."
Napangiti rin ako. Sharing a secret with him awakens my interest and the thrill within me.
"Nga pala, ano bang ginagawa mo rito saka ano 'yan?" turo niya sa librong hawak-hawak ko.
"Naghahanap ako nitong libro kanina para sa assignment namin sa history nang makita ko 'yang paa mong nakalabas. Kinabahan ako dahil alam mo naman 'diba? Yung nakakatakot na story umano dito sa library na nagpapakita raw. Sa kaba at curiousity ko na rin, tiningnan ko na. Pasalamat naman akong ikaw lamang pala 'yan at hindi multo." bahagya akong natawa sa kinuwento ko.
"Ang ibig mong sabihin yung sabi-sabi tungkol dito sa library na may magpapakita? Hahaha. Naniniwala ka do'n?" tumatawa rin siya.
Hindi ako sumagot. Natatakot nga ako kaya malamang naniniwala ako!
"Alam mo, huwag kang maniwala roon sa mga sabi-sabi. Dito ka maniwala sa ikukuwento ko ngayon. Isang araw-"
"Hay teka!" pigil ko sa kanya. "Nakakatakot na naman ba 'yan?"
"Oo, nakakatakot. Sobrang nakakatakot." aniya na mukhang nanunukso pa nga lalo.
"Huwag mo nalang ikuwento, please!"
Ang mokong ay hindi ako pinakinggan at nagpatuloy pa nga. "Yon na nga. Isang araw, may isang lalaking may malaking sekreto sa loob ng library pero dahil may dumating na isang babae, ang sekreto niya'y hindi na sekreto pa."
Tiningnan ko nga siya at nawala bigla ang takot ko. Parang alam ko 'yang kinukuwento niya ha!
"At ito pa, muntik na silang mahuli no'ng matandang dalagang librarian pero hindi natuloy. Simula no'n, hindi na sekreto lang nung lalaki ang malaking sekreto niya kundi sekreto na rin nung babaeng nakasama niya."
"Ice naman eh! Pinaglololoko mo 'ko!" childish kong saway sa kanya.
"Hahaha. Great tale, 'diba?"
"Hahaha. Super!" sarkastiko ko namang sagot sabay irap sa kanya.
Humalaklak siyang lalo.
"Anyway, 'yang libro palang 'yan ang dahilan ng pagkakapadpad mo rito. Ano ba 'yan?" tanong niya ulit tungkol sa libro.
"Ah, ito? Rizal's life. Dito raw hahanapin yung assignment namin na ipapasa bukas."
"Ganoon ba? Tara. Tulungan na kita sa pagsagot."
Nagningning ang aking mga mata sa tuwa. "Talaga? Tutulungan mo 'ko?"