Kasalukuyang nagluluto ng hapunan si Sunshine pero lumilipad ang isip niya sa kahihiyang nangyari kanina sa silid ni Justin. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap sa binata matapos niyang tumakbo kanina palabas ng kuwarto nito nang subukan nitong lumapit sa kanya. At parang nakatatak na sa kanyang isipan ang nasilayan niyang hubad nitong katawan dahil hindi na iyon maalis sa kanyang isipan. Hindi pa lumalabas si Justin sa silid nito na malaking ipinagpapasalamat niya. Hindi niya alam kung paano niya ito haharapin at hindi niya rin alam ang sasabihin niya sa binata. Iiwasan na lang niya si Justin pagkatapos niyang magluto ng hapunan nila at hindi siya sasabay ditong kumain. Magkukulong na lang siya sa kanyang kuwarto. Pilit niyang iwinaglit sa isipan ang binata at itinuon na