Kabanata 8

2382 Words

KINABUKASAN, wala na si Shine sa tabi ni Justin nang magising siya. Inakala niyang umalis na ito na ikinasimangot niya dahil natiis nga siya nitong iwanang walang kasama sa bahay. Hindi man lang siya nito hinintay na magising para magpaalam sa kanya. Plano pa naman niya sanang sumama na lang sa dalaga dahil wala rin naman siyang kasama sa bahay. Tinatamad pa siyang bumangon sa kama kaya kinuha niya ang unang ginamit ng dalaga at niyakap iyon. Agad na may sumilay na ngiti sa labi niya nang malanghap ang mabangong natural na amoy ni Shine. Ibinaon pa niya ang mukha sa unan para mas langhapin iyon dahil sa nakakaadik na amoy ng dalaga. Parang gusto niyang manatili na lang sa loob ng silid na inuukupa ni Shine dahil humahalimuyak doon ang mabangong amoy nito. Pakiramdam niya ay isa iyon sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD