HINDI maalis ang mga mata ni Sunshine kay Justin na kasalukuyang lumalangoy sa pool. Malaya niya itong napagmamasdan habang gumagawa siya ng sandwich na meryenda nito. Nakikita niya sa glass wall ang kabuuan ng pool buhat sa kitchen at kanina pa niya pinagsasawa ang mga mata sa taglay na kakisigan ng binata.
He's just wearing a black swim trunks at halos makita na niya ang hindi niya dapat makita dahil hapit iyon sa pang-ibabang bahagi ng katawan ng binata. At hindi niya maiwasan ang pamulahan ng mukha dahil hindi niya maalis ang tingin doon. Agaw-atensyon kasi ang nasa pagitan ng mga hita nito at talagang may maipagmamalaki ang binata base sa malaking umbok sa trunks na suot nito.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Justin nang lumingon ito sa gawi niya. Nagkunwari siyang abala sa ginagawa at nakagat niya ang sariling labi dahil ramdam niya ang titig ng binata sa kanya. At nang muli niya itong tingnan ay nagsalubong ang kanilang mga mata na bahagya niyang ikinagulat. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito na tila alam nitong pinapanood niya ito kanina pa na lalong ikinapula ng kanyang mukha.
Si Justin ang unang nag-iwas ng tingin sa kanya bago nito muling ipinagpatuloy ang paglalangoy. Tinapos naman niya ang ginagawa bago pumunta sa pool side para dalhin ang meryenda ng binata. Sakto namang umalis ito sa pool at natulala siya sa katawan nito habang naglalakad ito papalapit sa kanya.
Nakasunod ang mga mata niya sa bawat pag-agos ng butil ng tubig buhat sa buhok ni Justin pababa sa mukha nito. Dumaloy iyon pababa sa baba ng binata at pumatak iyon sa dibdib nito dahil medyo nakatungo si Justin.
Nakagat niya ang sariling labi kasabay nang pag-iinit ng kanyang mukha nang bumaba ang mga mata niya sa tiyan ng binata habang sinusundan niya ang maliit na butil ng tubig na umaagos pababa sa katawan ni Justin. Hanggang sa dumako iyon sa abs nito pababa sa waistband ng swim trunks na suot nito at agad niyang iniiwas ang tingin bago pa dumako ang mga mata niya sa pribadong parte ng binata.
Parang slow motion na nag-angat ng tingin sa kanya si Justin at sinuklay nito patalikod ang basang buhok gamit ang sariling kamay. Nagsalubong ang kanilang mga mata at tumaas ang sulok ng labi nito habang siya ay nanatiling tulala at natulos sa kinatatayuan niya. He's damn sexy and hot...
Parang biglang nag-zoom in sa kanyang mga mata ang kabuuan ng binata dahil lahat ng parte ng mukha at katawan nito ay napakalinaw sa paningin niya.
"Kung matutunaw ako, kanina pa akong natunaw. Quit staring, bespren," nakangising wika ni Justin na ikinaputol ng pagpapantasya niya sa angkin nitong kagwapuhan at kakisigan.
She stepped backward dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya kaya pala parang nag-zoom in sa kanyang mga mata ang binata. Narinig niya ang pilyo nitong pagtawa dahilan nang pamumula ng kanyang mukha. Nakakahiya..
"I-I'm not staring. May iniisip lang ako at nagkataon na nasa harap kita kaya sa'yo nakatuon ang mga mata ko," pagdadahilan niya na ikinailing nito at muling tumawa.
"Talaga?" tila hindi naniniwalang tanong nito. "Pero bakit naglalakbay ang mga mata mo sa katawan ko? Ang pagkakaalam ko ang taong nag-iisip ay isip o diwa ang naglalakbay at hindi ang mata," dagdag nito na ikinapula ng kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. Tumaas ang sulok ng labi nito at napasimangot siya nang pitikin nito ang kanyang noo.
Umupo si Justin sa wooden bench sa tabi ng pool at sinimulan nitong kainin ang sandwiches na ginawa niya. Umupo siya sa tabi nito at tila wala sa sariling kumagat sa sandwich na inilapit nito sa bibig niya.
"Masarap?" he asked. Tumango siya at narinig niya ang pilyo nitong pagtawa. Kunot-noo niya itong tiningnan at nakagat niya ang sariling labi nang makitang iyong kinagatan pala nitong sandwich ang isinubo nito sa kanya.
"Ang pilyo mo," kunwaring inis na wika niya sa binata kahit na deep inside ay kinikilig siya sa indirect kiss nila ni Justin. Umiral na naman ang kapilyuhan nito.
"What? Magkaibigan naman tayo at wala naman akong virus," tumatawang wika nito. Muli nitong inilapit sa bibig niya ang sandwich at humalakhak si Justin nang walang pagdadalawang-isip na kinagat niya iyon.
Naubos nilang dalawa ang ginawa niyang sandwiches at muling bumalik sa paglalangoy si Justin pagkatapos nitong magmeryenda. Samantalang naiwan naman siyang nakaupo sa gilid ng pool habang nakababad ang mga paa niya sa tubig.
Muling naglakbay ang isip niya buhat nang manatili siya sa bahay ng mga Aragon. Silang dalawa lang ni Justin ang tao sa bahay at ilang araw pa lang silang nagkakasama ay sobrang lapit na agad nila sa isa't-isa.
Sa mga araw na nakasama niya ang binata ay kahit papaano ay nakilala niya ang isang Justin Aragon. Mabait ito, maalaga at masyado itong clingy pagdating sa kanya. 'Yong tipong kung may magkikita sa kanilang ibang tao na walang alam kung ano ang tunay na ugnayan nila ng binata ay mapagkakamalan silang magkasintahan.
Minsan ay isip-bata rin ito, papansin at higit sa lahat ay marami rin itong alam na kalokohan lalo na pagdating sa kapilyuhan. Kung hindi lang maliwanag pa sa sikat ng araw na in love pa rin ito sa first love nito ay iisipin niyang nilalandi siya ni Justin. Pero alam naman niyang malabo iyong mangyari dahil sobrang mahal pa nito ang babaeng nagngangalang Caren Aldover at hindi kakayanin ni Justin na muling magkasala sa babaeng kinababaliwan nito.
"Ayaw mo bang maligo?" tanong ni Justin dahilan para maputol ang paglalakbay ng isip niya.
Nasa tabi na niya ang binata habang nanatili sa tubig ang katawan nito. Nakapatong lang ang mga braso ni Justin sa gilid ng pool at nakapatong naman sa braso ang baba nito habang nakatingin ito sa kanya.
"Hindi ako marunong lumangoy," nahihiyang sagot niya.
"Problema ba 'yon? Come on, tuturuan kita. Magaling akong lumangoy at pagsisid ang isa sa mga paborito kong gawin. Ito ang madalas kong gawing libangan kapag naiinip ako rito sa bahay," nakangiting wika ni Justin at agad siyang nag-was dito ng tingin dahil baka mapansin nito ang pamumula ng kanyang mukha. Iba kasi ang naisip niya sa pagsisid na sinabi nito.
"Oh my gosh! Titigil na talaga akong magbasa ng erotic-romance stories," anas niya sa isipan.
Isa kasi sa libangan niya ang magbasa at hindi niya itatanggi na erotic-romance ang kadalasang mga nababasa niya. Hindi naman sa bedscene nakatutok ang atensyon niya kundi sa plot at twist ng story. At syempre binabasa na rin niya ang mga bedscene dahil isa rin iyon sa pinaghirapan at binigyang effort ng mga authors kaya dapat lang na basahin, hindi ba?
"Next time na lang," pagtanggi niya sa alok ng binata.
"Uuwi ka ba bukas sa bahay ng Tita Rose mo?" Pag-iiba nito sa usapan at doon lang sumagi sa isip niya na araw na pala ng Sabado bukas. At every weekend ay day off niya sa trabaho.
"Oo, baka kasi hanapin ako ng tiyahin ko at inaasahan niyang uuwi ako every weekend," sagot niya sa tanong ng binata at nakita niya ang pagkadismaya nito sa sagot niya nang sulyapan niya ito.
"Pero wala akong kasama sa bahay," nakasimangot na anas nito with paawa effect pa. Inikutan niya ito ng mata dahil umiiral na naman ang pagiging isip-bata ni Justin.
"Huwag mo akong daanin sa pagsimangot at paawa mo, Justin. Hindi 'yan uubra sa akin," ismid niya rito at nag-iwas dito ng tingin.
Pilit pa siya nitong kinumbinsi na huwag siyang umuwi pero hindi siya pumayag sa gusto ni Justin. Lahat na ng pwedeng idahilan ay idinahilan nito pero bigo pa rin itong makumbinsi siya.
Nakakahiya sa Tita Rose niya dahil nangako siyang tutulungan niya ito sa clinic every weekend. At isa pa ay ang tiyahin niya ang dahilan kung bakit siya naroon sa ibang bansa tapos hindi naman niya magawa ang obligasyon niyang samahan at tulungan ito sa bahay at sa clinic nito kahit tuwing weekend lang.
Sumuko rin si Justin sa pangungulit sa kanya pero labag sa loob nito ang gagawin niyang pag-uwi bukas. Tumigil na rin ito sa paglalangoy at kasalukuyan siyang nakasunod sa likod nito habang papasok sila sa bahay.
Umakyat ito sa hagdan para magtungo sa silid nito habang siya naman ay dumiretso sa kusina para dalhin ang plato at basong nilagyan ng juice at sandwich na meryenda nito kanina. Niligpit na rin niya iyon bago siya lumabas sa kusina bago niya naisipang puntahan ang binata sa silid nito para itanong kung ano gusto nitong ulam for dinner.
Ilang beses siyang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Justin pero hindi siya nito pagbuksan ng pinto. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago muling kumatok sa pinto pero wala pa ring Justin na nagbubukas sa kanya.
Naisip niyang umiral na naman ang kalokohan nito at pinagtitripan lang siya ng binata kaya binuksan niya ang pinto ng kuwarto nito dahil hindi naman iyon naka-lock. Sumilip muna siya sa loob dahil baka kung anong makita niyang ginagawa ng binata kaya hindi siya nito magawang pagbuksan ng pinto pero hindi niya roon nakita si Justin. Sa halip ay tunog ng tubig galing sa shower ang narinig niya.
Aalis na sana siya dahil baka magalit si Justin kapag pumasok siya sa silid nito pero may isang litrato ng babae ang nakakuha ng atensyon niya. Hindi lang pala iisang litrato dahil marami iyon na halos lahat ng picture frame roon ay ang magandang mukha ng babae ang nakalagay.
"Siya ba si Caren?" tanong niya sa sarili at parang may sariling isip ang mga paa niyang humakbang papasok sa loob ng kwarto ni Justin.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato at kahit siya ay namangha sa taglay na kagandahan ng babae sa larawan. Kulot ang mahaba nitong buhok at bilugan naman ang pisngi nito. Napakainosente ng mukha nito and she's really beautiful.
Hindi na siya magtataka kung bakit patay na patay at halos mabaliw dito si Justin dahil sa taglay nitong kagandahan. At sigurado siyang hindi lang ito sa panlabas na anyo pinagkalooban dahil nakalarawan sa magandang mukha nito ang kabutihan at kabaitan nitong taglay.
Naputol ang pagtingin niya sa mga litrato ng babaeng kinababaliwan ni Justin nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Namilog ang kanyang mga mata at bumukas din ang kanyang bibig dahil sa hindi niya inaasahang masisilayan nang inosente niyang mga mata.
"Oh my God!" hindi makapaniwalang anas niya sa isipan pero hindi naman niya magawang iiwas ang mga mata sa kahubdan ng binata lalo na sa bagay na nasa pagitan ng mga hita nito.
Walang saplot na lumabas sa bathroom si Justin habang pinupunasan nito ang basang buhok. Bahagya itong nakatungo kaya hindi siya nito nakikita at sobrang nag-iinit ang kanyang mukha dahil malaya niyang nasisilayan ang kahubdan nito. Lahat ng pinakatatago ni Justin ay nakita niya.
Nag-angat ito ng tingin at agad na nagsalubong ang kanilang mga mata at tulad niya ay namilog din ang mga nito. Saglit pang natigilan si Justin na parang hindi makapaniwalang makikita siya nito sa loob ng silid bago nito mabilis na tinakpan ng puting tuwalyang hawak ang pribadong parte nito nang ma-realize na wala itong saplot sa katawan.
"S-Shine? W-What are you doing here?" nauutal na tanong nito at ang tanging gusto niyang mangyari sa mga oras na iyon ay maglaho siya sa kinatatayuan niya. Dahil sa sobrang kahihiyan ay wala na siyang mukhang maihaharap sa binata.
Oh, God! Bakit nangyari ang malaking kahihiyan na ito sa kanya?