Kabanata 2

2213 Words
MALAWAK ang ngiti ni Sunshine habang pinagmamasdan niya ang magandang tanawin sa labas ng bintana ng kanyang silid. Isang buwan ang mabilis na lumipas buhat noong isinama siya ng kanyang Tita Rose sa ibang bansa para doon siya pag-aralin at para may kasama ito sa bahay. At kahit isang buwan na mula noong manatili siya roon ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mamangha sa mga tanawin na bago sa paningin niya. Lalo na ang mga nagtataasang gusali na sobrang gandang pagmasdan lalo na sa gabi. Habang namamanghang pinagmamasdan niya ang tanawin, pumasok sa isipan niya ang dalawang kapatid na naiwan sa Isla Montellano kung saan siya lumaki. Siguro mas magiging masaya sana siya kung kasama niya ang mga ito. Pero mas mabuti na rin palang naiwan ang mga ito sa Pilipinas dahil pasasakitin lang ng dalawang kapatid ang ulo ng Tita Rose niya. Lalo na sa pagiging playboy ng mga ito. Tatlo silang magkakapatid at katunayan ay triplets sila. Siya ang bunso sa kanilang tatlo at siya lang ang babae. Dark at Light ang pangalan ng dalawang kapatid niya at wala na silang mga magulang. Namatay sa pagsisilang sa kanila ang kanilang ina at ang kanilang ama naman ay hindi niya kilala dahil iniwan nito ang kanyang ina noong magdalang-tao ito. Ang Tita Rose nila ang kumupkop at nagpalaki sa kanilang tatlo at pinag-aaral sila ng tiyahin nila. Kaya malaki ang utang na loob nilang tatlo sa Tita Rose nila na tumayong magulang nilang magkakapatid. Psychiatrist ang tiyahin niya at may klinika ito sa ibang bansa kung kaya't hindi ito masyadong nagtatagal sa Pilipinas kapag binibisita silang tatlo nito. Hanggang sa isinama siya nito sa ibang bansa at naiwan ang dalawa niyang kapatid sa Isla Montellano para doon ipagpatuloy ng mga ito ang pag-aaral. Sa ibang bansa na niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral at kasama siya ng kanyang tiyahin sa bahay dahil nag-iisa lang ito at silang tatlo lang magkakapatid ang nagsisilbing pamilya nito. Pumayag ang dalawa niyang kapatid na isama siya ng tiyahin sa ibang bansa para na rin may makasama ang Tita Rose nila sa bahay. Iyon ang unang beses na nagkahiwalay silang tatlo at sobra na niyang namimiss ang mga ito. Lalo na ang pag-aalaga ng dalawang kapatid sa kanya. Lumabas siya sa kanyang kwarto nang maalala na pupunta nga pala siya sa klinika ng Tita Rose niya para magsilbing temporary assistant nito dahil on-leave pa ang assistant ng tiyahin niya sa munti nitong klinika. Siya ang nag-volunteer na tulungan ang tiyahin para na rin magkaroon siya ng experience dahil katulad ng Tita Rose niya ay gusto niya ring maging isang psychiatrist. At kung hindi man papalarin ay nursing ang kursong kukunin niya. Tapos na naman siya sa mga gawaing-bahay at pumupunta lang siya sa klinika kapag may libreng oras na siya. Kumain muna siya bago umalis ng bahay at halos kalahating oras ang naging biyahe niya bago nakarating sa klinika. Pumasok siya sa klinika at kaagad niyang nakita ang tiyahin na parang katatapos lang ng session sa isang pasyente. Nasa tapat pa ito ng silid kung saan ginaganap ang session nito sa pasyente at nakuha niya agad ang atensyon ng tiyahin nang maglakad siya papalapit sa puwesto nito. "Nandito ka na pala, Sunny.." nakangiting wika ng Tita Rose niya at inayos ang medyo nagulo niyang buhok nang tuluyan siyang makalapit dito. Sobrang lapit ng loob niya sa tiyahin dahil sobrang bait nito. Actually, malapit lahat ang loob nilang magkakapatid sa tiyahin dahil itinuring sila ng mga itong parang tunay na anak. Wala na nga yata itong oras para bumuo ng sarili nitong pamilya dahil ibinuhos nito ang oras at atensyon sa pagtataguyod sa kanilang tatlo at sa trabaho nito. Nasa early thirties pa lang naman ang tiyahin niya at sa kanyang pagkakaalam ay may boyfriend ang tita niya at five years na ang relasyon ng mga ito. "May ipapagawa po ba kayo?" tanong niya sa tiyahin. "Dito ka muna sa clinic. Lalabas lang ako saglit at gustong makipagkita ni David," sagot ng tiyahin niya at tumango siya bilang sagot. Ang tinutukoy nitong David ay ang kasintahan nito at kilala niya lang ang lalaki sa pangalan pero hindi pa niya ito nakikita sa litrato o kahit sa personal. May ilang bagay pang sinabi sa kanya ang tiyahin at naputol lang ang pag-uusap nila ng may mga taong lumapit sa kanila. At agad na tumuon ang atensyon niya sa binatang kasama ng mga ito at mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin ito sa kanya. Hindi lang basta nakatingin dahil nakatitig ito sa kanya. "Pasensya na sa abala, doc. May favor lang na gustong hilingin itong anak ko.." panimula ng ginang na sa tingin niya ay ina ng binata. At doon niya lang nalaman na buhat rin pala ito sa bansang kanyang pinagmulan dahil hindi iyon halata sa mga kutis at tindig ng mga ito. "It's okay, Mrs. Aragon. Tapos na rin naman kaming mag-usap nitong pamangkin ko. Anong favor pala 'yon, hijo?" wika ng Tita Rose niya sa binata kaya naputol ang pagtitig nito sa kanya. Nakahinga siya ng maayos nang mawala sa kanya ang atensyon ng binata dahil pigil niya ang paghinga habang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya maiwasan ang hindi mailang sa nakakapanindig-balahibo na pagtitig ng binata. "I want her to be my private nurse, doc.." wika ng binata na ikinanganga niya pero agad din niyang isinara ang bibig ng muling bumalik ang atensyon sa kanya ng binata. "H-Huh? A-Ako?" hindi makapaniwala at nauutal na anas niya habang may gulat na ekspresyon. "Pasensya na, Mr. Aragon. Pero hindi nurse ang pamangkin ko. Temporary assistant ko lang siya rito sa clinic," wika ng kanyang tiyahin at pansin niya ang tila pagbagsak ng balikat ng binata na tila nalungkot sa sinabi ng Tita Rose niya. May dumaan ding lungkot sa mga mata nito at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng awa sa binata. "Hindi ba namin pwedeng pakiusapan itong pamangkin mo, doc? Hindi naman trabaho ng nurse ang gagawin niya. Gusto lang namin na may magbabantay at mag-aalaga sa anak namin dahil sa kanyang depression. Para na rin may kasama siya sa bahay na kayang bantayan ang kalagayan niya at may alam sa sakit niya habang nasa trabaho kami ng asawa ko," may pakiusap na wika ng ginang at lalo siyang naawa sa binata ng malamang may kinakaharap pala itong depression. At bahagya siyang natigilan nang dumako ang mga mata niya sa pupulsuhan ng binata pero agad iyong itinago nito sa likod nang mapansin nitong doon siya nakatingin. Oh, God! Ibig sabihin hindi biro ang depression na mayroon ito dahil sa mga pilat na nakita niya sa pupulsuhan nito. Suicidal depression.. "Nag-aaral ang pamangkin ko at hindi pa sapat ang mga nalalaman niya tungkol sa depression na mayroon ang anak niyo, Mr. and Mrs. Aragon. Mas mabuti kong totoong private nurse na lang ang kukunin niyo at hindi ang pamangkin ko," pagmamatigas ng tiyahin niya at may punto naman ang sinabi nito. Pero parang may kung anong bumubulong sa kanya na tulungan niya ang binata. "Kami na ang bahala sa pag-aaral niya, doc. Sasagutin na namin ang lahat ng kakailanganin niya bukod pa ang kanyang magiging salary. Every weekend naman ay nasa bahay lang kami ng asawa ko kaya pwede siyang umuwi sa'yo tuwing araw ng Sabado at Linggo," pilit na pangungumbinsi ng ginang at tumingin ito sa kanya gamit ang nangungusap na mga mata. "Mapagbibigyan mo ba ang gusto ng anak namin, hija?" Napahinga siya nang malalim ng sa kanya tumuon ang lahat ng atensyon ng mga ito. Kasama na ang atensyon ng binata na may malamlam na mga mata na tila pinapakiusapan siyang pumayag sa pabor na hinihingi nito. Tumingin siya sa kanyang tiyahin at nagkibit-balikat lang ito sa kanya na parang ibinibigay nito sa kanya ang kanyang magiging desisyon. Naisip niyang magandang opurtunidad na sa kanya ang alok ng ginang sa kanya at hindi rin masama kung tatanggapin niya iyon. Maganda rin ang pagkakataong iyon dahil magkakaroon siya ng experience sa kursong tatahakin niya. Idagdag pa na hindi na ang tiyahahin niya ang sasagot sa kanyang pag-aaral at makakaipon pa siya. Buo ang loob na tumango siya bilang sagot sa tanong ng ginang na ikinatuwa nito. Pansin niya rin ang pagliwanag ng mukha ng binata at agad siyang nag-iwas dito ng tingin nang ngumiti ito sa kanya. Mas lalo itong naging guwapo sa paningin niya dahilan nang pamumula ng kanyang mukha. "Salamat, hija.." pasasalamat ng ginang at nagpasalamat din sa kanya ang asawa nito. Bahagya pa siyang natigilan nang humakbang papalapit sa kanya ang binata at iniabot nito ang kamay sa kanya. "Hi. I'm Justin Aragon, nice meeting you.." nakangiting wika nito at wala sa sariling inabot niya ang kamay nito at namilog ang kanyang mga mata ng tila parang may kuryente siyang naramdaman sa magkahawak nilang mga kamay. Hindi niya alam kung ganoon din ang naramdaman ng binata dahil bahagyang bumukas ang labi nito at namimilog ang mga mata habang nakatingin sa mga kamay nila. "I'm Sunshine Langusta, nice meeting you too.." nahihiyang sambit niya at agad na binawi ang kamay sa pagkakahawak nito. Nagpaalam ang Tita Rose niya na aalis na at naiwan siya sa opisina nito kasama ang pamilya Aragon para kausapin siya sa kanyang magiging trabaho. Naiilang siya habang kausap ang mag-asawang Aragon dahil nakatitig sa kanya si Justin at pag nagsasalubong ang kanilang mga mata ay inosente siya nitong nginingitian. Mukhang friendly naman ang binata pero may ibang epekto sa kanya ang bawat pagngiti nito. Lalo na ang bawat pagtitig nito na parang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao. Naiilang siya dahil may kung anong epekto sa loob niya ang bawat nakakapasong pagtitig ng binata. At hindi niya maiwasan ang pamulahan ng mukha kapag nagsasalubong ang kanilang mga mata. Natapos ang pag-uusap nila na parang wala siyang masyadong naintindihan dahil okupado ng binata ang isip niya. Tumayo ang mga ito at nagpaalam na aalis na bago lumabas ng opisina. Ilang minuto ang lumipas buhat nang makaalis ang pamilya Aragon at natampal niya ang sariling noo dahil nakalimutan niyang itanong kung kailan siya magsisimula bilang personal nurse s***h maid ng anak ng mag-asawang Aragon. Mabilis siyang tumayo para habulin ang mga ito at bumangga siya sa isang matigas na bagay nang buksan niya ang pinto. "Ouch!" daing niya at muntik pa siyang nawalan ng balanse kundi lang may mga brasong pumulupot sa bewang niya at hinapit siya papalapit sa katawan nito kung saan siya bumangga. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ng taong ngayon ay nakayakap sa bewang niya at bahagya pa siyang napasinghap nang makitang si Justin iyon. "J-Justin.." nauutal na bigkas niya sa pangalan nito at kaagad na may sumilay na ngiti sa labi ng binata. At mabilis siyang dumistansya sa katawan nito nang mapagtanto niyang nakapulupot pa rin ang mga braso nito sa bewang niya. Oh gosh.. Namula ang kanyang mukha nang makitang nakatingin sa kanilang dalawa ang mag-asawang Aragon na pawang may mga ngiti sa labi. Nag-iwas siya sa mga ito ng tingin at nakagat niya ang sariling labi dahil nahihiya siya sa nangyari. "Uhm.. Nakalimutan ko po palang itanong kung kailan po ako magsisimulang i-babysit itong anak niyo?" wala sa sariling tanong niya at natakpan niya ang sariling bibig nang mapagtanto ang kanyang sinabi. I-babysit? Oh my.. Bakit iyon ang nasabi niya? Narinig niya ang pagtawa ng mag-asawang Aragon at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsimangot ni Justin. Hindi niya magawang masalubong ang mga mata nito dahil sa nangyari kanina at idagdag pa ang salitang lumabas sa madaldal niyang bibig. "It's up to you kung kailan mo gustong magsimula, hija. Pero mas mabuti kung magsisimula ka na rin agad bukas," sagot ng ginang. "Pwede po bang next week na ako magsimula?" medyo nag-aalangan na tanong niya. Hindi niya kasi pwedeng iwan ang tiyahin niya kaagad at gusto niyang makapagpaalam muna rito ng maayos bago siya magsimula sa trabaho. "Sure, hija. Mauuna na kami. Bumalik lang kami dahil hindi makatiis itong anak namin na itanong kung kailan ka raw magsisimulang i-babysit siya," natatawang wika ng ginang na ikinaiwas ng tingin sa kanya ni Justin. "Mom!" tila nahihiyang reklamo nito sa ina at muling sumimangot. May nanunudyong ngiti sa labi ang mag-asawang Aragon nang tumalikod ang mga ito bago lumabas sa klinika. Naiwan ang binata sa tabi niya at kunot ang noo niya itong tiningnan dahil nagtataka siya kung bakit hindi pa ito umaalis. Nagsalubong ang kanilang mga mata at sunod-sunod siyang napalunok nang humakbang ito papalapit sa kanya. Wala sa sariling napaatras siya na mahina nitong ikinatawa. "H-Hindi ka pa ba aalis?" nauutal na tanong niya. "Aalis na rin ako. I just want to say goodbye and nice meeting you again, Shine. See you next week.." malawak ang ngiting wika nito at namilog ang kanyang mga mata kasabay nang pagbukas ng kanyang bibig nang mabilis siya nitong halikan sa pisngi bago tumalikod sa kanya. Naiwan siyang nakatulala at natulos sa kinatatayuan. Tila wala sa sariling hinawakan niya ang pisnging hinalikan ni Justin. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha habang hindi makapaniwalang nakasunod ang mata sa papalayong binata. "Did he call me Shine?" tanong niya sa sarili nang makabawi sa ginawa ni Justin. Napailing na lang siya at iwinaksi sa isipan ang binata bago siya muling pumasok sa opisina ng Tita Rose niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD