Kabanata 1

1891 Words
NAKASIMANGOT si Justin habang kaharap niya ang mga magulang na seryosong nakatingin sa kanya. Katatapos lang ng kanilang hapunan at kasalukuyan silang nasa living room. Maya't-maya niyang naririnig ang buntong-hininga ng mga ito dahil may kasalanan na naman siyang nagawa. Umalis na naman ang private nurse na kinuha ng mga ito para alagaan at bantayan siya dahil sa kalokohang ginawa niya. "Ano na namang kalokohan ang ginawa mo, Justin? Pang-lima na siya sa mga private nurse na hindi nagtagal sa'yo ngayong buwan," hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ina na lalong ikinasimangot niya. "Wala akong kalokohang ginawa, Mom. Kasalanan din naman nila kung bakit sila nawalan ng trabaho," depensa niya dahil hindi naman niya kasalanan kung bakit ang mga ito umaalis. It's also their fault dahil nilalandi siya ng mga nagiging private nurse niya na katulad nitong naging huling private nurse niya na natagpuan lang naman niyang walang saplot sa kanyang ibabaw nang magising siya isang umaga. Kaya ang ginawa niya ay hinila niya ito palabas ng bahay habang wala itong saplot at pinagsaraduhan ng pinto. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sumuko ito bilang private nurse niya. Tss.. Isa iyon sa rason kung bakit walang tumatagal na private nurse sa kanya dahil sa halip na alagaan siya ng mga ito ay ibang trabaho ang ginagawa ng mga ito sa kanya. At iyon ay ang landiin siya. Ayos lang naman sa kanya kung araw-araw na may nakabantay sa kanyang nurse dahil hindi niya itatanggi na kailangan niya nang magbabantay at mag-aalaga sa kanya dahil sa depression na kinakaharap niya ngayon. Maayos na naman siya pero may oras na umaatake ang depresyon niya at delikado iyon dahil nagiging suicidal siya. Isang taon na ang mabilis na lumipas mula noong manirahan sila sa ibang bansa at kahit papaano ay maayos na ang kalagayan niya. Hindi na siya masyadong naaapektuhan kapag naiisip niya si Caren hindi katulad noon na halos mabaliw siya sa tuwing pumapasok sa isipan niya ang lumuluhang imahe nito. Naaapektuhan pa rin naman siya hanggang ngayon pero kahit papaano ay nagagawa na niyang pigilan ang sariling kitilin ang buhay niya. Sa tulong ng psychiatrist at mga gamot na inirekomenda nito sa kanya na nagagawang pakamalhin siya. Isang taon na siya sumasalang sa iba't-ibang session at kahit papaano ay malaki ang ipinagbago niya kumpara sa kalagayan niya noon na kulang na lang ay dalhin siya ng mga magulang sa rehabilitation center. Haggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on kay Caren at ang dalaga ang dahilan kung bakit siya pursigido na gumaling at bumalik sa dating siya. Kahit isang taon na ang lumipas ay hindi pa rin mabura ang magandang mukha nito sa isipan niya at mahal pa rin niya ang dalaga. At umaasa siya na sana sa pagbabalik niya ay napatawad na siya ni Caren at bigyan pa siya nito ng second chance. Sana.. "Fine. Isa na lang, Justin. Pagbibigyan pa kita ng isang beses. At oras na sumuko na naman ang ipapalit naming private nurse na mag-aaalaga sa'yo, wala kaming ibang choice kundi ang dalhin ka sa rehabilitation center," banta ng kanyang ina na ikinabilog ng kanyang mga mata. "What? Hindi pwede, Mom! Magaling na ako at hindi ko na kailangan pang manatili sa rehabilitation center. Ayaw ko, Mom, Dad.." pagtutol niya pero nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mga magulang niya. Ayaw niya sa ideya ng kanyang ina dahil baka tuluyan lang siyang mabaliw kapag dinala siya ng mga ito doon. "Kung ganoon, siguraduhin mong hindi ka lalayasan na naman ng magiging private nurse mo." "Pero sila ang may kasalanan kung bakit sila hindi tumatagal sa trabaho nila, Mom. Hindi nila ginagawa nang maayos ang trabaho nila at ang mas pinagtutuunan nila ng pansin ay ang magpapansin sa'kin at ang landiin ako. Hindi ba kayo natatakot na isang araw ay hindi na birhen ang anak niyo dahil ginapang nila ako habang mahimbing na natutulog?" seryosong wika niya na ikinahalakhak ng kanyang mga magulang. What? Seryoso siya sa sinabi niya.. "Wala ng pero-pero, Justin. Last chance mo na ito kaya umayos ka. At isa pa, wala ka bang nagugustuhan sa mga naging nurse mo?" tanong ng kanyang ina matapos pagtawanan ang sinabi niya dahilan ng lalong pagsimangot niya. "Alam niyo na ang sagot ko sa tanong na 'yan, Mom.." walang buhay na sagot niya. "Pero isang taon na ang nakalipas, anak. Siguro naman sapat na ang isang taon na iyon para makalimutan mo na siya. Bakit hindi ka na lang humanap ng ibang babaeng mamahalin? Kalimutan mo n-" "My answer is a big no, Mom. Mahal ko si Caren at kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi na mawawala at magbabago iyon. Siya ang dahilan kung bakit nagpapakatatag ako, gusto kong gumaling para balikan siya.." pagputol niya sa sasabihin ng kanyang ina na ikinahinga nito nang malalim. Tahimik lang naman ang ama niya dahil sa lahat ng desisyon niya ay suportado siya nito. Hindi lang ito makatutol sa gusto ng kanyang ina. "Hayaan mo na ang anak natin, hon. Malaki na si Justin, nasa wastong edad na. Kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya lalo na sa babaeng mamahalin niya. Suportahan na lang natin siya sa gusto niya at bago tayo kumilos pag alam nating nasa maling daan ang tinatahak niya," pag-singit ng kanyang ama na ikinangiti niya. Umakbay pa ito sa kanyang ina at napangiwi na lang siya nang magsimulang maglambingan ang mga ito sa harap niya. Umalis na lang siya sa living room at bumalik sa kanyang kwarto. Baka kung saan pa umabot ang paglalambingan ng kanyang mga magulang at makalimutan ng mga itong nasa harap siya ng mga ito. Ayaw niyang makasaksi ng live show kung sakali. Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang humiga sa kama. Sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga dahil muling nanariwa sa alaala niya ang babaeng minamahal niya. Kumusta na kaya ito? Naaalala pa kaya siya ni Caren? Napatawad na kaya siya nito? May sumilay na mapait na ngiti sa labi niya at pilit na pinigilan na kainin siya ng kanyang emosyon ng muling maalala ang mabigat na kasalanang nagawa niya sa dalaga. Umupo siya sa kama at bahagyang sinabunutan ang sarili dahil natatalo na naman siya ng kanyang emosyon. May namuong luha sa kanyang mga mata hanggang sa dahan-dahang umagos iyon sa kanyang mukha. Bumalik lahat sa alaala niya ang lahat ng nangyari noon. "f**k!" mariing mura niya at nanginginig ang katawang umalis siya sa kama para kunin ang kanyang gamot. Kailangan niyang kumalma dahil baka kung ano na namang magawa niya sa sarili. Sa isang taon na pananatili niya sa ibang bansa ay pabalik-balik na siya sa hospital at halos napuno na ng pilat (scar) ang pupulsuhan niya dahil sa ilang beses na niyang pinagtangkaang kitilin ang sariling buhay. Muli siyang humiga sa kama matapos niyang uminom ng gamot at unti-unti niyang naramdaman ang epekto no'n sa katawan niya. Kumalma ang pakiramdam niya hanggang sa dalawin siya ng antok. Iyon ang side effect ng gamot na iniinom niya at doon din siya umaasa para magkaroon siya ng payapang pagtulog sa gabi. Kinabukasan, maagang nagising si Justin dahil may therapy session siya ngayon sa psychiatrist niya. Thrice a month ay kailangan niyang kumunsulta sa psychiatrist o therapist para maiwasang sumpungin siya ng depression. Lumabas siya sa kwarto at nagtungo sa kusina kung saan niya nakita ang kanyang ina na kasalukuyang nagluluto ng magiging almusal nila. Dahan-dahan siyang lumapit rito at bahagya pang nagulat ang kanyang ina nang yakapin niya ito buhat sa likod. "Good morning, Mom.." nakangiting bati niya sa ina at hinalikan pa ito sa pisngi na ikinangiti nito. "Good morning, baby.." ganting bati ng kanyang ina na ikinasimangot niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito na mahinang ikinatawa ng kanyang ina. "I'm not your baby anymore, Mom. Eighteen years old na ako," nakasimangot na reklamo niya at umupo sa harap ng hapag. Humarap sa kanya ang ina at napangiwi na lang siya nang pisilin nito ang kanyang magkabilang pisngi. "Kahit eighteen ka na o kahit matanda ka na, you are still our baby, Justin. Unless.. bibigyan mo na kami ng apo para may magiging baby ulit dito sa bahay," malawak ang ngiting wika ng kanyang ina na lalong ikinabusangot ng kanyang mukha. "Huwag kayong atat pagdating sa bagay na 'yan, Mom. Hindi pa ako napapatawad ng babaeng gusto kong maging ina ng magiging mga anak ko," malawak ang ngiting anas niya habang binabalikan sa isipan ang imahe ng magandang mukha ni Caren. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at maging ina ng kanyang magiging mga anak. Napailing na lang ang kanyang ina sa sinabi niya bago nito ipinagpatuloy ang pagluluto. Saktong natapos ito sa ginagawa nang dumating ang kanyang ama at napailing na lang siya nang muling masaksihan ang paglalambingang ng mga magulang bago umupo sa harap ng hapag para simulang kumain. Umalis din kaagad sila pagkatapos nilang kumain ng almusal. Kasama niya ang mga magulang sa pagpunta sa psychiatrist niya at sadyang ipinagpapaliban ng mga ito ang trabaho para lang samahan siya sa bawat theraphy session. Hindi siya pinapabayaan ng mga magulang niya mula sa simula lalo na ng magkaroon siya ng depression. Halos isang oras din ang naging biyahe nila bago nakarating sa klinika at agad siyang sumalang sa kanyang therapy session. Tumagal din iyon ng isang oras at hindi niya mapigilan ang maging emosyonal dahil muling pinabalikan sa kanya ang nakaraan niya at kasama na roon ang tungkol sa nakaraan niya kasama si Caren. Pero kinaya niyang labanan iyon kahit na sobrang sakit at hirap para sa kanya ang balikan iyon lalo na sa parte kung saan siya nagkasala sa babaeng mahal niya. Nang matapos ang session niya ay parang gumaan ang kanyang pakiramdam. Labis siyang natuwa nang sabihin ng therapist niya na iyon na ang last session niya dahil nakayanan na niyang balikan ang nakaraan niya at ang dahilan ng kanyang depression. Binigyan lang siya nito ng gamot para magtuloy-tuloy na ang paggaling niya. Pinayuhan din siya nito na umiwas sa mga bagay na maaaring maka-depress sa kanya at isa na roon ay ang huwag masyadong isipin ang dalaga. "Mom! Dad! Magaling na po ako!" masayang balita niya sa mga magulang nang makalabas siya ng silid kung saan ginanap ang session niya. "Good to hear that, anak. But you are still not yet fully healed ayon sa therapist mo. Therapy session lang ang mawawala sa'yo but you have to continue drinking your medicine. At huwag matigas ang ulo, Justin. Kukuha pa rin kami ng private nurse na magbabantay sa'yo at makakasama mo sa bahay pag wala kami ng Dad mo," wika ng kanyang ina pero wala ang atensyon niya sa magulang dahil nakuha ng babaeng pumasok sa klinika ang atensyon niya na kasalukuyang kausap ng psychiatrist. Naka-side view ang babae mula sa gawi niya at nasisilayan niya lamang ay ang kalahati ng mukha nito. Pero ang mas nakakuha ng atenyon niya ay ang chubby nitong katawan at ang height nito na kung ikukumpara sa height niya ay hanggang dibdib lang niya ang babae. But he finds her cute. Hindi naman ito mataba, malusog lang and she's also beautiful. "I want her, Mom.. I want her to be my private nurse," tila wala sa sariling wika niya habang hindi inaalis ang mga mata sa babae. At sunod-sunod siyang napalunok nang tumingin ito sa gawi niya at parang kinapos siya ng paghinga nang magsalubong ang kanilang mga mata. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD