Kabanata 3

2189 Words
MABILIS na lumipas ang mga araw at natagpuan na lang ni Sunshine ang sarili sa tapat ng bahay ng mga Aragon. May dala siyang isang medyo malaking bag laman ang ilang gamit niya. Pwede naman siyang umuwi every weekend kaya kaunti lang ang kanyang dinalang gamit at karamihan doon ay damit-pambahay lang. Maayos din siyang nakapagpaalam sa kanyang Tita Rose at sinuportahan siya nito sa naging desisyon niya. Sa mga nakalipas na araw ay nakilala na rin niya ang kasintahan ng kanyang tiyahin na nagngangalang David. Half Filipino and half American ang lalaki at masasabi niyang nakabingwit ng jackpot ang tiyahin niya. Guwapo ito, matipuno ang katawan at higit sa lahat ay mahal ang tiyahin niya. Mabait din ito at nakuha agad nito ang tiwala niya sa ilang araw na nakasalamuha niya ito sa bahay ng tiyahin. Ilang araw na nanatili roon ang kasintahan ng Tita Rose niya at nagsasama na rin ang mga ito sa iisang kuwarto. Kulang na lang sa mga ito ay kasal at nakaplano na iyon sa susunod na taon. Lumapit siya sa gate ng bahay ng mga Aragon at pinindot ang doorbell doon. Hindi nagtagal ay bumukas ang gate at napanganga siya nang bumungad sa kanya ang pawisang si Justin. Medyo gulat din ang ekspresyon nito nang makita siya pero hindi nagtagal ay malawak itong ngumiti sa kanya. "Hi," malawak ang ngiting anas nito at pinapasok siya bago muling ini-lock ang gate. Hindi maalis ang mata niya sa binata lalo na sa katawan nitong basa ng pawis. Pawisan din ang mukha nito at halos dumikit na ang suot nitong manipis na sando sa katawan dahil basa na iyon ng pawis. He's just wearing a pair of boxer shorts and sando at malaya niya roong nasisilayan ang hubog nang matipunong katawan ng binata. "Staring is rude, Shine.." wika ni Justin na ikinapula ng kanyang mukha. Mabilis siyang nag-iwas dito ng tingin na mahina nitong ikinatawa. Bakit ba naman kasi ganoon lang ang suot nito? At bakit ito pawisan? "I'm not staring.. Nagtataka lang ako kung bakit pawisan ka," kaila niya na nginitian lang nito. "I was busy doing the household chores kaya ako pawisan. At kung itatanong mo rin kung bakit ganito lang ang suot ko, ganito ang kadalasang suot ko pag nasa bahay kaya dapat ngayon pa lang masanay ka nang masilayan ang matipuno kong katawan. Don't worry, libre lang akong titigan pero bawal nga lang hawakan.." mayabang at pilyong anas nito habang may mapaglarong ngiti sa labi. "Wala ba kayong ibang kasama rito sa bahay na pwedeng gumawa ng mga gawaing-bahay? Bakit ikaw ang gumagawa?" kunot-noong tanong niya at hindi binigyang pansin ang huling sinabi nito. She doesn't like the idea na libre niya lang itong titigan at bawal ang hawakan because she wants it both. She giggled naughtily at that thought. Sinimulan niyang maglakad papasok sa bahay para hindi nito mapansin ang pilyang ngiti sa labi niya dahil sa kapilyahang naiisip. At hindi na siya nakatanggi pa nang kuhanin nito sa kanya ang bag at ito ang nagdala. "Wala kaming katulong dito sa bahay. At kung inaalala mo na baka kasama sa magiging trabaho mo ang mga gawaing-bahay, hindi na iyon parte ng iyong trabaho. Ako lang ang magiging trabaho mo kaya sa'kin lang dapat nakatuon ang atensyon mo. Ako lang ang babantayan at aalagaan mo. Just bare with mood swings sometimes because I'm a little bit bipolar," wika ni Justin habang nakasunod siya sa likod nito. "Ayos lang naman sa'kin tumulong dito sa bahay. Hindi naman pwedeng sa'yo lang tatakbo ang oras ko habang nandito sa bahay. Pero bakit pala wala kayong katulong?" muling tanong niya at hinarap lang siya nito nang tuluyan silang makapasok sa bahay. "Hindi na namin kailangan ng katulong dahil mula pagkabata ay sanay at marunong ako sa mga gawaing-bahay. Tatlo lang naman kami kaya hindi na namin kailangang iasa pa sa iba ang trabaho na kaya naman naming gawin. Hindi rin naman nakatuon ang lahat ng oras ng mga magulang ko sa trabaho at lagi silang may oras kung may kailangang ayusin o gawin dito sa bahay," sagot ni Justin at humanga siya pamilyang mayroon ito. Idagdag pa sa nalaman niyang lumaking independent pala ang binata. "Wow.. Nakaka-inggit naman ang pamilya mo. Sana lahat mayroong pamilyang katulad ng sa'yo." Nalungkot siya nang sumagi sa isipan ang mga magulang na hindi nila nasilayang magkakapatid. Hindi niya maiwasan ang hindi mainggit sa pamilyang mayroon ang binata na ipinagkait sa kanilang tatlong magkakapatid. Pero pasalamat pa rin siya dahil may tiyahin silang tumayo at nagsilbi nilang pamilya. They are still lucky dahil hindi sila pinabayaan ng nasa itaas. "Bakit? Hindi ka ba masaya sa pamilyang mayroon ka?" Ito naman ang nakakunot ang noo at doon niya lang napansin na pareho na silang nakaupo sa sofa sa living room. At agad siyang nag-iwas dito ng tingin nang hubarin nito ang pang-itaas na suot. "Just don't mind me being topless. Kwentuhan muna tayo at mamaya na kita ihahatid sa magigig kwarto mo," dagdag nito at napakamot pa sa ulo. Oh, God. Papaano niya maiiwasang hindi pansinin ang hubad nitong katawan kung agaw-pansin iyon. He's so damn hot at parang may sariling buhay ang mga mata niya na kusang bumabalik sa six packs of abs nito. Nakakapagsala.. "Si Tita Rose na ang tumayo naming pamilyang magkakapatid. Wala kaming kinagisnang mga magulang dahil namatay ang ina namin matapos kaming maisilang. Wala naman kaming balita sa aming ama na iniwan si nanay matapos nitong mabuntis," wika niya at nakita niya ang pagdaan ng awa sa mga mata ng binata. Nag-iwas siya rito ng tingin. "I'm sorry to hear that. May mga kapatid ka pa? Nasaan sila?" he asked. "Ayos lang, sanay naman akong balikan ang masakit na katotohanang iyon. Yeah, may mga kapatid ako and we're triplets. Naiwan sila sa Isla Montellano kung saan kami lumaki," may tipid na ngiting wika niya na ikinabilog ng mga mata nito. "Triplets.. Wow!" manghang anas nito na mahina niyang ikinatawa dahil sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito. And she finds him cute habang bahagyang nakaawang ang labi nito at namimilog ang mga mata. Dumaan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at inabala niya ang sarili sa pagmamasid sa loob ng bahay. Ramdam niya ang matiim na titig sa kanya ng binata na hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin. May kakaibang epekto ang pagtitig sa kanya ni Justin na hindi niya mapangalanan. Hindi na lang din niya iyon binibigyang pansin dahil hindi lang siguro siya sanay na titigan ng ibang lalaki maliban sa dalawa niyang kapatid kaya naaapektuhan siya sa titig nito. Naglakas-loob siyang sulyapan ang binata at parang kinapos siya sa paghinga nang magsalubong ang kanilang mga mata. Agad din siyang nag-iwas dito ng tingin pero nakita pa niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. "Alin pala ang magiging kuwarto ko? Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko at tutulungan na rin kita sa ginagawa mo," tanong niya pero hindi niya magawang salubungin ang mga mata ng binata. "Sa taas ang magiging room mo katabi ng kuwarto ko. Come on, samahan na kita at ililibot na rin kita rito sa bahay," wika ni Justin bago tumayo at ito muli ang nagdala ng bag niya. Umakyat sila sa hagdan at katulad kanina ay nakasunod siya sa likod nito. Nanatili itong walang pang-itaas na saplot at tanging boxer shorts lang ang suot ni Justin. She can see his sexy butt at pilya niyang nakagat ang sariling labi bago napailing dahil sa kapilyahang tumatakbo sa kanyang isipan habang nakatitig sa pang-upo nito. Tumigil sila sa tapat ng isang kuwarto at mabilis siyang nag-iwas dito ng tingin nang humarap si Justin sa kanya. Muntik pa siya nitong mahuli na nakatitig sa pang-upo nito. "Are you fantasizing my ass?" pilyong tanong nito na ikinabilog ng mga mata niya. "H-Hindi ah.." nauutal na tanggi niya na mahina nitong ikinatawa. "Just kidding. By the way, this will be your room. Bumaba ka na lang pagkatapos mong ayusin ang gamit mo at total gusto mong tumulong sa mga gawaing-bahay, ikaw na lang ang magluto ng lunch natin. Nagugutom na rin kasi ako," natatawang wika nito na ikinangiti niya. "Sige. Ayusin ko lang muna itong mga gamit ko," nakangiting wika niya bago siya pumasok sa kuwarto. Iniwan siya ng binata nang makapasok siya at doon niya lang pinakawalan ang kanyang pinipigil na hininga dahil sa makapigil-hiningang epekto ng presensya nito sa kanya. Idagdag pa na inakala niyang nahuli siya ni Justin na nakatitig sa pang-upo nito. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng gamit at kalahating oras din ang ginugol niya bago siya natapos. Lumabas din siya kaagad sa kwarto pagkatapos niya at nakasalubong niya ang binata na kasalukuyang umaakyat sa hagdan. "Tapos ka na?" tanong ni Justin, she nodded. "Dumiretso ka na lang sa kusina at simulan mo nang magluto. Maliligo lang muna ako," he added at tahimik ulit siyang tumango. Nilampasan siya nito at nagpatuloy siya sa pagbaba sa hagdan nang mawala ito sa paningin niya. Dumiretso siya sa kitchen at sinimulang magluto. Wala namang sinabing putaheng lulutuin niya ang binata kaya nagluto na lang siya ng sinigang. Her specialty.. Lumipas ang ilang minuto at nakatuon lang ang kanyang atensyon sa pagluluto. Isa sa mga gustong-gusto niyang gawin ang pagluluto dahil iyon ang kadalasang ginagawa niya noong nasa Isla Montellano pa siya. Siya ang nagsisilbing cook ng dalawa niyang kapatid kapatid. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang presensya ni Justin sa loob ng kusina kasabay ng paghalimuyak nang mabangong panlalaking perfume nito. Napapikit pa siya nang malanghap niya iyon at kumabog ang dibdib niya nang maramdaman niya si Justin sa likod niya. "Ang bango naman ng niluluto mo. Nakakagutom lalo," puri nito sa niluluto niya bago tumabi sa kanya. Kumuha rin ito ng sandok at tinikman ang niluluto niya at siya ang napalunok nang pumikit ito habang ninanamnam ang sabaw ng sinigang. "Masarap?" hindi napigilang tanong niya habang nakatingin sa nagtataas-babang adam's apple ng binata. "Sobra.." he answered kasabay nang pagmulat ng mga mata nito dahilan nang pagsasalubong na kanilang mga mata. "Mahilig ka ba sa sinigang?" tanong niya at nag-iwas dito ng tingin. "Yeah, but this is the best sinigang I ever tasted," malawak ang ngiting anas nito bago muling kumuha ng sabaw ng sinigang. Lihim siyang napangiti sa papuri nito sa niluto niya at mas bumilis ang kabog ng dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan. Tinapos niya ang pagluluto at inihain niya iyon sa mesa. Nakaupo na sa harap ng hapag ang binata at parang batang excited na kainin ang luto niya. At hindi niya maiwasan ang hindi mailang dahil nakasunod ito sa bawat galaw niya habang naghahain siya. Hindi niya tuloy malaman kung sa pagkain ba ito natatakam o sa kanya. Just kidding.. "Sa pagkakaalam ko ay mataba ako. Pero bakit hindi ka nauumay na titigan ako," wika niya sa binata abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa. Sinalubong niya ang mata ng binata at namula ang kanyang mukha ng bumaba ang mga mata nito sa kanyang katawan. "Hindi ka naman mataba, malusog ka lang. And you're still cute and beautiful kahit chubby ka. Bagay sa'yo ang ganyang katawan at dapat maging proud ka pa dahil hindi lahat ng may ganyang katawan binabagayan. At hindi ka nakakaumay titigan, nakakagigil ka. Parang ang sarap mong yakapin at pisilin," wika nito at agad siyang nag-iwas dito ng tingin. Namula ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Masarap yakapin? Nakakagigil at pipisilin? Oh gosh.. "Kumain ka na nga lang," namumula ang mukhang wika niya na mahina nitong ikinatawa. "Kapag naging magkaibigan na tayo, pwede ba kitang yakapin at panggigilan? Walang malisya, promise. Gusto kitang maging kaibigan and not just my personal nurse," nakangiting tanong nito at pinigilan niya ang mapasimangot dahil na-friendzone lang ang beauty niya. Charrot.. Umupo siya sa harap nito at sinimulan niyang kumain. Hindi niya magawang sagutin ang tanong nito pero wala rin namang masama kung magiging magkaibigan sila. Magaan din naman ang loob niya kay Justin at ganoon din ito sa kanya. Nagtaka siya kung bakit hindi pa nito sinisimulang kumain at kumunot ang kanyang noo nang makitang nakatitig ito sa kanya. Pinapanood nito ang pagkain niya at nakanguso ito na parang bata. "Bakit hindi ka pa kumakain? Akala ko ba gutom ka na?" hindi mapigilang tanong niya na mas lalong ikinasimangot nito. "I'm waiting for your response. And I won't take no for an answer," nakangusong wika nito na ikinahinga niya nang malalim. Makulit din pala ang lalaking ito.. "Okay.." pagsuko niya na malawak nitong ikinangiti. Wala din naman siyang ibang choice dahil may nalalaman pa itong 'I won't take no for an answer'. Inikutan niya ito ng mata na mahina lang nitong tinawanan. Ipinagpatuloy niya ang pagkain at sinimulan na ring kumain ni Justin. Nahuhuli niya ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kanya na ipinagsawalang bahala na lang niya. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging tagpo sa pagitan nilang dalawa ni Justin sa pangalawang beses na pagtagpuin ang kanilang landas. At masaya siya sa friendship na mabubuo sa pagitan nila ng binata. Pagkakaibigan na hindi niya alam kung anong hahantungan pero sigurado siyang hindi niya pagsisisihan ang pakikipaglapit niya sa isang Justin Aragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD