LUMIPAS ang weekend na sana ay day off ni Sunshine pero mas pinili niya ang manatili sa bahay ng mga Aragon para bantayan ang isip-batang si Justin. Hindi lang pala isip-bata dahil ubod din ito ng kulit at pilyo. Idagdag pa ang kalandian nitong taglay. Hindi na lang niya iyon binibigyang pansin dahil alam niyang nagiging mapaglaro lang ito sa kanya. He's just doing it dahil kumportable ito sa kanya at alam nitong hindi niya ito papatulan. Kaya hinayaan na lang niya itong maglaro dahil hindi niya itatanggi na gusto niya ang pagtrato sa kanya ng binata na parang sobrang open nito sa kanya. Sabagay papaano pa nga ba hindi magiging open sa kanya ang isang Justin Aragon kung ang lahat-lahat nito ay nakita na niya. She blushed. "Kailan daw babalik ang mga magulang mo?" tanong niya kay Justin