"NAG-AAWAY ba kayong dalawa? Pansin namin hindi na kayo masyadong nagpapansinan the past few days. May hindi ba kayo napagkasunduang dalawa?" Napalingon si Justin sa ina nang marinig ang sinabi nito. Saglit na nagtagpo ang mga mata nila ni Shine pero agad din silang nag-iwas ng tingin sa isa't-isa. "Wala po, Mom. We're fine, masyado lang kaming busy sa school kaya wala na kaming masyadong time para mag-bonding. Right, bespren?" wika niya at tumango si Shine sa kanya. Na-convince naman ang mga magulang sa sinabi niya at muli niyang sinulyapan si Shine na nakatuon ang atensyon sa pagkain. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan at nakaupo siya sa harap ni Shine. Dati ay sa tabi siya nito nakaupo kapag kumakain sila pero simula noong araw na nag-usap sila ay sinimulan na niyang dumistansya