Kabanata 5

2394 Words
KINABUKASAN, maagang nagising si Justin at bahagya pa siyang natigilan ng mukha ni Shine ang kanyang unang nasilayan pero hindi rin nagtagal ay may malawak na ngiting sumilay sa kanyang labi. Mahimbing pa rin itong natutulog habang nakakulong ito sa mga bisig niya. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ni Shine at napangiti siya ngang mapagtanto niya ang kanilang posisyon. Nakapulupot ang braso niya sa bewang nito at ganoon din ang braso ng dalaga sa katawan niya. Sobrang magkadikit ang kanilang katawan at mahihiya ang hanging dumaan sa pagitan nila. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ni Shine at mahina siyang napatawa nang magsalubong ang mga kilay nito na parang ayaw nitong maistorbo sa pagtulog. Bahagya ring gumalaw ang labi nito at agad siyang nag-iwas doon ng tingin dahil tila may bumubulong sa kanyang idikit ang sariling labi sa labi ng dalaga. They are just friends at ayaw niyang magkasala na naman sa ikalawang pagkakataon sa parehong kasalanan. Sobra na nga ang ginagawa niyang pagdikit sa dalaga at ayaw niyang i-take advantage ang kabaitan nito. Ayaw niyang mabahiran ng malisya ang mga ginagawa niya kay Shine. Inaamin niyang attracted siya kay Shine na una niyang beses naramdaman sa isang babae buhat noong magkasala siya kay Caren. Pero wala siyang ibang motibo sa ginagawa niyang pagyakap at pakikipaglapit sa dalaga ngayon. He just wanted to be friend with her, wala ng iba. Sobrang gaan ng loob niya sa dalaga at may kung anong emosyon sa dibdib niya ang biglang nabuhay ng unang beses niya itong masilayan. Pero mas pinili niya ang makipagkaibigan dito dahil ayaw niyang pangalanan ang 'strange emotion' na bigla niyang naramdaman kay Shine dahil alam niya sa sarili niyang mahal pa rin niya si Caren. And he's still hoping na may chance pa silang dalawa. Tumatak sa isipan niya ang mga sinabi ni Shine kagabi at nakatulong iyon para maliwanagan ang isipan niya. Tama ang dalaga, lahat ng problema may solusyon at lahat ng pagsubok may katapusan. Hindi sagot ang pagpapatiwakal para takasan ang nagawang kasalanan dahil isang malaking kasalanan din sa Diyos ang pagpapatiwakal. Ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa mga tao kaya Siya rin lang ang may karapatan para bawiin o wakasan iyon. Payapa at mahimbing ang naging pagtulog niya kagabi sa tabi ni Shine at iyon ang unang beses na hindi siya nagkaroon ng masamang panaginip. Hindi niya alam kung dahil iyon sa mga pangaral at payo ng dalaga o dahil katabi niya ito. Basta ang alam lang niya ay sobrang sarap sa pakiramdam habang katabi niya ito sa ibabaw ng kama at yakap niya ang katawan nito. Naputol ang pagtitig niya sa magandang mukha ni Shine nang bahagya itong gumalaw at nakagat niya ang sariling labi nang mas isiksik nito ang sarili sa katawan niya. Naramdaman niya ang malambot nitong katawan at napahinga siya nang malalim at pilit na inignora ang epekto ng dalaga sa katawan niya. Lalo na sa kaibigan niya sa pagitan ng kanyang mga hita. Dahan-dahan niyang kinalas ang pagkakayakap nito sa kanya at medyo idinistansya ang katawan kay Shine. He's already hard down there because of the morning erection, idagdag pa ang epekto ng dalaga sa kanya. Lalo na at hindi lingid sa kaalaman niya na wala itong suot na bra. Damn! She's so damn soft at pinipigilan niya lang ang sariling huwag itong yakapin at panggigilan. Gusto niyang maramdaman ang dalaga sa mga bisig niya at marami siyang gustong gawin dito na hindi dapat. At sana ay makapagpigil siya nang matagal kahit na alam niyang sobrang hirap labanan ng epekto ni Shine sa kanya. Her presence affects him too much.. Kahit ayaw niya ay umalis siya sa tabi ng dalaga. Habang tumatagal ay lalo siyang nahihirapang magpigil at baka makagawa siya ng kasalanan na sobra niyang pagsisisihan. Ayaw niyang magpadaig sa tukso na nasa katauhan ni Shine. Lalo na at unti-unti na naman siyang tinatalo ng pagnanasa. Kailangan niyang limitahan ang sarili at kailangan niyang itatak sa kanyang isipan na magkaibigan lang sila ni Shine. Pwede niya itong yakapin at hawakan pero hanggang doon na lang iyon. Ayaw niyang umasa at masaktan ang dalaga dahil alam niya sa sarili niyang sobrang mahal pa rin niya si Caren. Attracted lang siya kay Shine pero si Caren ang mahal niya. Umalis siya sa ibabaw ng kama at iniwan niya si Shine na mahimbing pa rin na natutulog. Maaga pa naman kaya hindi niya muna ito ginising. Muli niyang tinitigan ang maganda nitong mukha bago niya binuksan ang pinto ng kwarto ng dalaga para lumabas at natigilan siya nang makita ang mga magulang sa harap ng kwarto ni Shine na tila binabantayang lumabas siya. Isinarado niya muna ang pinto ng kwarto ng dalaga bago niya hinarap ang mga ito. "What are you doing here, Mom.. Dad?" kunot-noong tanong niya at napasimangot siya nang nagtaas-baba ang mga mata ng mga magulang sa katawan niya. "Hindi ba ikaw ang dapat naming tanungin kung ano ang ginagawa mo rito sa kwarto ng personal nurse mo?" nakataas ang isang kilay na tanong ng ina niya na mahinang ikinatawa ng kanyang ama. "How was it, son? Ginalingan mo ba? It was your first time kaya dapat ginalingan mo," nanunuksong saad ng kanyang ama na lalong ikinasimangot niya. What are they thinking? Iniisip ba ng mga itong ginapang niya si Shine at may nangyari sa kanilang dalawa? "What are you talking about, Dad?We didn't do anything. We just slept and nothing happened. I just came here because I couldn't sleep last night. We just talked about my depression until I fall asleep. And we're also friends kaya malabo ang iniisip niyong nangyari," he explained at nagkatinginan ang kanyang mga magulang sa isa't-isa. "So it means you're still virgin?" "Ano pong ginagawa niyo rito ng ganito kaaga?" sa halip ay tanong niya at hindi na lang pinansin ang tanong ng kanyang ina. "Magpapaalam sana kami ng Dad mo na maaga kaming aalis at ilang araw kaming mawawala. Total naman ay may kasama ka na rito sa bahay at may magbabantay at mag-aalaga na sa'yo. Nagpunta kami sa kwarto mo at wala ka roon kaya nagpunta kami rito at sakto namang lumabas ka sa kwarto ng private nurse mo. Sigurado ka bang walang ibang nangyari?" nanunuksong wika ng kanyang ina. "Mom!" nakasimangot na wika niya sa ina dahil sa kakulitan nito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kanyang ama na napapailing na lang sa kakulitan ng kanyang ina. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng Mom mo, anak. So paano, ikaw na ang bahala rito sa bahay. Solo niyo itong bahay at medyo tatagalan na naming bumalik para may sapat na oras kayong dalawa ng private nurse mo. Siguro naman pagbalik namin hindi ka na birhen." "Pati ba naman ikaw, Dad!" nakasimangot na anas niya na tinawanan lang ng mga magulang. Ginulo pa ng ama niya ang kanyang buhok bago ito bumulong sa kanya. "Kilala kita, Justin, and I know that you are attracted to your private nurse. At nagdadalawang-isip ka ngayon na bumalik sa loob ng kwarto para tabihan siya muli sa kama at alam ko rin na higit pa roon ang gusto mong gawin sa kanya. Papunta ka pa lang pabalik na ako, anak.." nakangising anas ng ama niya na ikinapula ng kanyang mukha dahil nabasa nito ang laman ng isip niya. At tama ang kanyang ama. Umalis din kaagad ang mga ito matapos magpaalam sa kanya at naiwan siyang mag-isa sa tapat ng kwarto ni Shine. Ilang minuto pa siyang nanatili roon bago siya umalis para magtungo sa sariling kwarto. Baka kapag nagtagal pa siya roon ay hindi siya makatiis na muling pasukin si Shine sa kwarto para tabihan ito sa kama. At baka sa pagkakataong iyon ay muli siyang magkasala. Dumiretso siya sa bathroom at agad na inalis ang lahat ng saplot niya sa katawan bago siya tumapat sa shower. Hinayaan niyang pumatak at umagos ang malamig na tubig sa kanyang katawan para humupa ang init na kanyang nararamdaman. Pero parang lalong sumisiklab ang init na kanyang nararamdaman at hindi pa nakatulong ang paulit-ulit na pagbalik sa isipan niya ng tagpo nila ni Shine kanina sa ibabaw ng kama habang sobrang magkadikit ang katawan at magkayakap. "Damn! I never thought that I would do this while thinking of other woman besides Caren. And this is your fault. Ang hina mo sa tukso," parang baliw at inis na anas niya sa kaibigan niya sa pagitan ng kanyang mga hita. He's damn hard and for the first time ay hinawakan niya iyon at sinimulang laruin. "f**k!" Pagkatapos niyang paligayahin ang sarili ay tinapos niya ang kanyang pagliligo. Kahit papaano ay nabawasan ang init na kanyang nararamdaman at sa unang beses ay naramdaman niya ang tinatawag nilang orgasm. It felt really good pero ang tumatakbo naman ngayon sa kanyang isipan ay kung ganoon din ba ang pakiramdam kapag inangkin niya si Shine. Masarap sa pakiramdam ang naidulot na ligaya ng kamay niya at alam niyang higit na mas masarap sa pakiramdam kung... f**k! Kinakain na naman siya ng curiosity niya. s**t! Alam niyang normal na makaramdam siya ng ganito dahil bago ang lahat sa kanya pero ang hindi tama ay pinagnanasaan niya ang private nurse niya. It's just the first day na nakakasama niya si Shine sa bahay tapos umabot na siya agad sa ganito. Paano pa kaya pag nagtagal pa? Lalo na ngayong solo niya ang dalaga sa bahay at magagawa niya ang mga kapilyuhang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Damn! Malala na talaga siya. At mukhang magkakaroon ng bagong kaibigan ang kaibigan niya sa pagitan ng kanyang mga hita. His hands, dahil alam niyang hindi ito ang magiging una at huling paliligayahin niya ang sarili hangga't nasa tabi niya ang dalagang nagngangalang Sunshine Langusta, his bespren. Walang saplot siyang lumabas sa bathroom matapos niyang maligo. Pinupunasan niya ang basa niyang buhok habang wala siyang saplot na pumasok sa walk in closet. Simpleng puting shirt lang ang isinuot niyang pang-itaas at itim na shorts lang ang kanyang pang-ibaba. Nakaayos na rin ang kanyang buhok at humahalimuyak ang mamahaling pabango niya nang lumabas siya sa kanyang silid. At agad na may sumilay na ngiti sa labi niya nang makitang bumukas ang pinto ng kwarto na inuukupa ni Shine at lumabas ito habang sinusuklay ang basa pa nitong buhok. "Good morning, bespren.." malawak ang ngiting bati niya sa dalaga at agad na tumuon ang atensyon nito sa kanya. "Good morning.." anas nito at natulos ito sa kinatatayuan nang lumapit siya at niyakap ito. Pero agad din siyang bumitaw nang malanghap niya ang mabangong amoy ng dalaga na sunod-sunod niyang ikinamura sa isipan. s**t! She smells damn good, sweet and intoxicating.. Pinilit niyang umaktong normal sa harap ng dalaga at pilit niyang itinago ang epekto nito sa kanya. Mukhang hindi rin naman iyon napapansin ni Shine na malaki niyang ipinagpasalamat. Ayaw niyang mas mailang ito sa kanya.. "How was your sleep last night? Nanaginip ka pa ba nang masama?" tanong nito at umiling siya. Sinimulan nitong maglakad at nakasunod lang siya sa likod nito habang pababa sila sa hagdan. "I slept well last night at hindi ako nagkaroon nang masamang panaginip. Salamat pala sa mga advice mo kagabi at salamat din dahil pumayag kang matulog ako sa tabi mo," wika niya habang nakasunod kay Shine. "You're welcome.." tipid nitong sagot na ikinakamot niya sa ulo. Nakarating sila sa kitchen at nagtimpla ito ng kape. Nakamasid lang siya sa bawat galaw nito habang nakasandal siya sa kitchen island counter. "I think nakatulong sa akin ang mga payo mo kagabi kaya hindi ako nagkaroon ng masamang panaginip. Idagdag pa na katabi kita kaya from now on, magkatabi lagi tayong matutulog pag nandito ka sa bahay," wika niya na ikinatingin ni Shine sa kanya. "Hindi pwede ang gusto mong mangyari, Justin. Ano na lang ang iisipin ng mga magulang mo? At isa pa kahit na sabihin mong magkaibigan na tayo pero hindi pa rin magandang tingnan na magkasama tayong natutulog sa iisang kwarto," pagtanggi nito sa gusto niya na ikinasimangot niya. Napahinga siya nang malalim dahil may punto naman ang sinabi nito. "Fine.. Kahit twice o thrice a week na lang. And don't worry about my parents, kakausapin ko sila." Tumango ito sa sinabi niya bago nito ibinigay sa kanya ang isang tasa ng kape. "Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya pero pangako mong tutulungan mo rin ang sarili mo. Huwag kang umasa sa mga taong nasa paligid mo o sa mga gamot na iniinom mo. Hindi ka makakawala sa depression mo kung mananatili kang nakakulong sa iyong nakaraan," seryosong wika ni Shine at marahan siyang tumango. Kaya niyang palayain ang sarili niya sa nakaraan pero hindi niya kayang kalimutan ang babaeng parte nito. "Susubukan ko. Pero gusto kong manatili ka sa tabi ko habang nagpapagaling ako. Tulungan mo ako at hanggang kailangan kita ay dito ko lang sa tabi ko, pwede ba 'yon?" "Hangga't nagtatrabaho ako bilang personal nurse s***h maid mo, mananatili ako sa tabi mo.." she answered na lalong ikinasimangot niya. "Trabaho lang pala ang tingin mo sa'kin.." nagtatampong wika niya na ikinailing nito. "Fine. Dahil nga sabi mo magkaibigan na tayo, pwede mo akong lapitan o tawagan oras na kailanganin mo ako." bahagyang nakangiting anas nito na malawak niyang ikinangiti. "Talaga? Sabi mo 'yan, huh. Wala nang bawian," masayang wika niya at naiiling na lang ito habang bahagyang nakangiti sa kanya. "Oo na. At dahil ang dami mo nang hininging favor sa akin, ikaw ang magluto ng breakfast natin ngayon," wika ni Shine na mahina niyang ikinatawa. "No problem, bespren. Gusto ko ring matikman mo kung gaano kasarap magluto ang isang Justin Aragon. Hindi ka magsisisi na naging kaibigan mo ako dahil araw-araw kitang bubusugin," he said that made her laughed. "Mukha naman akong laging busog. Ang taba ko kaya," natatawang wika nito. "How many times do I have to tell you that you're not fat. Malusog ka lang at para sa akin you are sexy and hot. Maganda pa. Kaya huwag mo laging sasabihin na mataba ka dahil oras na marinig ko pa 'yang namutawi sa labi mo, paparusahan kita. Kakaiba akong magparusa kaya huwag mo akong susubukan. Naiintindihan mo ba?" seryosong wika niya at ipinakita niya rito ang kislap ng pagnanasa sa kanyang mga mata. Sunod-sunod itong tumango at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya na ikinataas ng sulok ng kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD