NAKATUTOK ang mga mata ni Sunshine sa papel na hawak kung saan nakatala ang mga gamot na iniinom ni Justin pati na rin ang oras kung kailan iyon dapat inumin. Nakatala rin doon ang mga side effects na maaaring maramdaman ng binata at nakalagay doon na may isang gamot na iniinom si Justin na nagdudulot dito ng pagiging antukin.
Mayroon din siyang hawak na papel na kanyang pinag-aaralan dahil tungkol iyon sa depression na mayroon si Justin. Ibinigay iyon sa kanya ng tiyahin at halos ilang araw na niya iyong inaaral dahil gusto niyang matulungan ang binata.
Medyo malalim na ang gabi at kasalukuyan siyang nasa kanyang silid. Nasa bahay na rin ang mag-asawang Aragon na kasabay niya kaninang mag-dinner. Mabait naman ang mag-asawa at hindi na iba ang turing ng mga ito sa kanya. At masaya ang mga ito dahil palagay ang loob ng binata sa kanya.
Hindi siya dalawin ng antok dahil namamahay yata siya. Ganito rin siya noong unang araw niya sa bahay ng tiyahin niya rito sa ibang bansa pero makalipas ang ilang araw ay nasanay na rin siya. Kaya naisipan niya munang pag-aralan ang tungkol sa depression na mayroon si Justin habang hinihintay niyang dalawin siya ng antok.
Napatingin siya sa pinto nang makarinig buhat doon nang mahihinang katok. Malalim na ang gabi kaya nagtaka siya kung sino ang kumakatok.
Tumayo siya buhat sa pagkakaupo sa kama bago kunot-noong lumapit sa pinto para buksan iyon. At bahagya siyang natigilan nang masilayan si Justin na magulo ang buhok habang may suot na pajama pants at puting sando. Katulad niya ay parang hirap din itong makatulog.
"Did I disturb your sleep?" nakangiwing tanong nito at napakamot pa sa ulo.
"Hindi naman. May problema ba?"
Umiling ito at nag-init ang kanyang mukha nang bumaba ang mga mata ni Justin sa katawan niya. She's just wearing a pair of oversize shirt na hanggang sa mid-thigh niya and a short shorts na halos hindi na makita dahil natatakpan iyon ng pang-itaas niyang suot. And she's not wearing her brassiere. Oh gosh!
"Nothing. I just can't sleep without taking my medicine or sleeping pills at night. It's always hard for me to sleep at night and since you are here, gusto kong tulungan mo akong huwag umasa sa gamot para lang magkaroon ako nang payapang tulog sa gabi. Nakakasawa na rin kasi dahil halos isang taon na akong gano'n. Matutulungan mo ba ako? Bakit nga pala gising ka pa?" mahabang wika nito at nalungkot siya sa nalaman. Siguro may kinalaman ang depression nito kung kaya't nahihirapan itong matulog.
"Hindi rin kasi ako dalawin ng antok," sagot niya sa tanong ni Justin. "Hindi ko rin alam kung matutulungan kita sa gusto mo pero susubukan ko," dagdag niya na ikinangiti nito.
"Pwede ba akong pumasok?" he asked. Tumango siya at pinapasok si Justin. Magkaharap silang umupo sa kama at sinalubong niya ang mga mata nito na kasalukuyang nakatitig sa kanya.
"Since you want me to help you about your condition, pwede ko bang malaman kung kailan ito nagsimula. And I also want to know kung bakit ka nagkaroon ng depression," she started na ikinaiwas nito ng tingin sa kanya. She heard his deep sigh na parang nag-aalinlangan itong sabihin iyon sa kanya. "Forget it. Alam ko namang mahirap para sa'yo ang balikan ang dahilan ng paghihirap mo ngayon. Pasensya na," dagdag niya nang makita niyang tila nahihirapan ito.
"I will tell you everything but in one condition.." he said na ikinanganga niya. And because of her curiosity and she also wants to know all about him, she nodded.
"What condition?" kunot-noong tanong niya at nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Magiging magkaibigan na tayo. Pwede na rin kitang yakapin, panggigilan at pwede rin akong matulog sa tabi mo. Walang malisya, promise.." malawak ang ngiting wika nito na ikinabilog ng kanyang mga mata. Is he serious?
"Seryoso ka? Magkatabing matutulog?" hindi makapaniwalang tanong niya at sunod-sunod itong tumango habang hindi nawawala ang malawak na ngiti sa labi.
"I'm serious, Shine. And our agreement will start tonight. We'll just be in bed together and I won't do anything stupid. Hindi ko na kakayanin pang magkasala sa pangalawang pagkakataon sa parehong kasalanan," seryosong wika ni Justin at kumunot ang noo niya sa huling sinabi nito. Magkasala sa parehong kasalanan? What did he mean?
Pinag-isipan niyang mabuti ang gustong mangyari ni Justin at nakabuo siya ng desisyon. Papayag siya kung iyon ang makakatulong sa kalagayan ng binata, lalo na sa mga sleepless nights nito.
"Fine. Pero oras na gumawa ka ng kapilyuhan, I will quit as your personal nurse s***h maid. Are we clear?" pagpayag niya na malawak nitong ikinangiti. Kumislap ang mga mata nito sa tuwa at parang batang niyakap pa siya ni Justin bago sabay silang bumagsak sa ibabaw ng kama niya.
"Promise, Shine. Hindi ka magsisisi and I will be a good friend," he promised.
Lumipas pa ang ilang minuto at natagpuan na lang niya ang sariling nakahiga sa ibabaw ng kama habang katabi si Justin. Pareho silang bahagyang nakasandal sa headboard ng kama at walang naririnig sa silid kundi ang tunog na nililikha ng aircon at ang malalim nilang paghinga.
"Pwede mo nang simulan ang kwento baka tulugan mo pa ako mamaya," pagputol niya sa katahimikan na mahina nitong ikinatawa.
"May isang salita naman ako, bespren. And from now on, bespren na ang itatawag ko sa'yo because you are now my bespren. My one and only bespren," nakangiting wika nito at tumagilid ito ng higa at humarap sa gawi niya. May espasyo sa pagitan nila pero pakiramdam niya ay sobrang lapit pa rin nito. At hindi niya itatanggi na sobra siyang naaapektuhan ng presensya ni Justin.
"Ikaw ang bahala. Basta ako I will call you by your name," wika niya at pasimple itong inikutan ng mata.
"It's okay. Masarap namang pakinggan ang pangalan ko kapag sinasambit ng labi mo," pilyong wika nito dahilan nang pamumula ng mukha niya.
Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni Justin at ginaya niya ang posisyon nito. Pareho silang nakaharap sa isa't-isa at namilog ang kanyang mga mata nang hapitin ni Justin ang katawan niya dahilan nang pagdidikit ng kanilang mga katawan. Dumikit din ang mukha niya sa dibdib nito na halos dinig niya ang mabilis na t***k ng puso nito katulad ng sa kanya.
"Justin.." she whispered dahil naiilang siya sa posisyon nila. Lalo na at may nararamdaman siyang kung ano na nakadiin sa tiyan niya. At hindi naman siya gano'n kainosente para hindi niya malaman kung ano iyon dahil nasa crotch area iyon ng binata.
"Stay still, bespren.. Huwag ka ring mailang dahil walang malisya itong lahat. Isipin mo na lang na sobra tayong matalik na magkaibigan at hindi na big deal sa'tin ang ganito," wika ni Justin sa ibabaw ng ulo niya. Nakapulupot ang isang braso nito sa bewang niya at ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito.
"O-Okay.." she answered. She simply sniffed his chest at kagat-labi siyang napangiti nang malanghap niya ang mabangong natural na amoy ng binata.
Narinig niya ang paghinga nito nang malalim bago nito sinimulang ikuwento sa kanya ang nakaraan nito. Alam niyang mahirap iyong balikan para kay Justin at masaya siya dahil pinagkakatiwalaan siya ng binata.
"Nagsimula ang lahat noong makilala ko ang isang Caren Aldover. My first love..." simula ni Justin dahilan para matigilan siya.
"First love?" wala sa sariling nabigkas niya at narinig iyon ni Justin. Oh gosh! Taken na pala ang lalaking ngayon ay nakayakap sa kanya. Kaya pala para dito ay walang ibang kahulugan ang ginagawa nitong pagyakap at pagdikit sa kanya dahil may nagmamay-ari na pala sa puso ng isang Justin Aragon. Sayang.. Charr!
"Yeah, she was my first love and I'm still in love with her," he said at may panghihinayang siyang nabakas sa boses nito habang sinasabi iyon.
"Then what happened? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng depression?" she asked at bahagya siyang tumingala para salubungin ang mga mata ng binata. At nakita niya ang mga mata nitong puno ng kalungkutan, sakit at panghihinayang.
"Nakagawa ako nang malaking kasalanan sa kanya. Pinagtangkaan ko siyang halayin. Mabuti na lang at dumating ang mga magulang niya kaya hindi ko natuloy ang kahangalan ko. I didn't mean to do that stupid thing to her, I was just blinded by lust. Hindi ko sinasadya.." sagot ni Justin kasabay nang pag-agos ng luha nito. Sumubsob ito sa leeg niya at doon ito parang batang umiyak.
Alam niyang isang malaking kasalanan ang nagawa ng binata pero hindi niya maiwasan ang hindi maawa rito. At naniniwala siyang hindi 'yon sinadya ni Justin.
"Naniniwala ako sa'yo, Justin. At sana naiintindihan mo rin kung bakit siya nagalit sa'yo," malumanay na wika niya at hinayaang umiyak si Justin sa pagitan ng leeg at balikat niya.
"Galit siya sa akin, nandidiri siya sa akin. Sinubukan kong humingi ng tawad sa kanya at sa mga magulang niya pero hindi niya ako magawang harapin. Araw-araw akong nag-aabang sa labas ng gate ng bahay nila para magbakasakali na harapin niya ako pero nabigo lang ako. Hanggang sa napabayaan ko na ang sarili ko pati ang pag-aaral ko kaya nagdesisyon ang mga magulang ko na tuluyan akong ilayo kay Caren. Nag-migrate kami rito sa ibang bansa pero patuloy akong kinain ng konsensya ko. Kahit sa panaginip ay inuusig ako ng konsesya ko at nakikita ko ang umiiyak na mukha ni Caren dahil sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Umiiyak siya habang nagmamakaawa na huwag ko siyang hawakan.." mahabang wika ni Justin at hindi niya maiwasan ang hindi maawa sa pinagdaanan nito.
He's blaming himself too much, to the point na gusto na nitong wakasan ang sariling buhay para lang pagbayaran ang kasalanan nitong nagawa sa babaeng pinakamamahal nito.
"Napuno ng mga negatibong ideya ang isipan ko hanggang sa parang nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay at kasama na roon ang mabuhay. Pakiramdam ko wala na akong karapatang mabuhay pa dahil sa nagawa kong kasalanan sa kanya. At doon ko sinubukang wakasan ang sarili kong buhay hanggang sa naulit iyon ng ilang beses, " pagpapatuloy ni Justin at hindi niya mapigilang umagos ang kanyang luha habang pinakikinggan ang nakaraan ng binata.
"Hindi maitatama o maitutuwid nang ginagawa mong pagwakas sa sarili mong buhay ang kasalanang nagawa mo, Justin. Dahil isang malaking kasalanan din ang pagpapatiwakal. Huwag mong masyadong sisihin ang sarili mo. Palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan. Darating ang panahon na mapapatawad ka ni Caren. At hindi sagot ang pagpapatiwakal para takasan mo ang iyong nakaraan. The best way to solve a problem is by facing it. Lahat ng problema may solusyon at lahat ng pagsubok may hangganan. Hindi iyan ibibigay sa'yo ng nasa itaas kung hindi mo kayang lampasan," pangaral niya kay Justin at hindi niya alam kung saan niya napulot ang mga salitang iyon. Mula sa puso ang mga binigkas niyang salita sa binata at umaasa siya na maliliwanagan ito at makakatulong kahit papaano ang mga sinabi niya.
Katahimikan ang sumunod na namagitan sa kanilang dalawa. Wala siyang narinig na salita galing kay Justin matapos niyang sabihin ang mga pangaral niya. Hindi nagtagal ay hindi na niya narinig ang mahinang paghikbi nito at napalitan iyon nang payapang paghinga. At nang tingnan niya ito ay mahimbing na itong natutulog.
Tipid siyang napangiti at bahagyang napailing bago niya inayos ang pagkakahiga ni Justin. Basa ng luha ang mukha nito kaya pinunasan niya iyon bago siya muling humiga sa tabi nito. At nagpaubaya na lang siya ng muling hapitin nito ang katawan niya kaya muling nagdikit ang kanilang mga katawan.
"Caren.." he whispered na ikinailing niya. Napakasuwerte ng babaeng nagngangalang Caren Aldover dahil may nagmamahal ditong isang Justin Aragon.
Nagkamali man si Justin minsan pero sana dumating ang panahon na mapatawad ni Caren ang binata. Para sa kanya normal lang naman ang magkamali minsan, kasama na iyon sa buhay. Dahil hindi matututo ang isang tao kung hindi dumadaan sa pagkakamali. At habang may buhay, may pagkakataon pang ituwid ang pagkakamaling iyon. Pagsisihan o pagbayaran kung hindi na magawang maituwid pa dahil hindi naman lahat ng pagkakamali ay naitatama pa. Lalo na kung buhay ang naging kabayaran ng pagkakamaling iyon.
Ipinikit niya ang mga mata nang makaramdam ng antok. Binalikan niya sa isipan ang mga pinagdaanan ni Justin hanggang sa tuluyan siyang makatulog habang nakakulong sa mga bisig nito. She ignored the strange feeling she suddenly felt for Justin. Because it is not right to fall for someone who is madly and deeply in love for someone else.