MALAWAK ang ngiti ni Justin habang nakatingin siya sa repleksyon sa malaking salamin. Maayos at presentable ang hitsura niya idagdag pa ang humahalimuyak na mamahaling perfume na halos ibinuhos na niya sa katawan para lang maging mabango siya sa babaeng nagugustuhan niya.
Ilang buwan na ang nakaraan mula nang makilala niya si Caren at sa unang sulyap pa lang niya sa magandang mukha ng babae ay nahulog na agad siya rito. She's beautiful like an angel at na-love at first sight yata siya sa dalaga. Kung in love nga bang matatawag ang malakas na pagkabog ng dibdib niya kapag nakikita at kasama niya ito at ang malakas na epekto ng presensya nito sa kanyang buong pagkatao.
Business partner ng ama niya ang ama ni Caren at nakilala niya ang dalaga noong minsang isinama siya ng kanyang ama sa bahay ng mga Aldover. Nakuha agad ng dalaga ang atensyon niya at sinubukan niyang makipaglapit dito at labis ang tuwang naramdaman niya nang pansinin siya ng dalaga.
Nakuha niya ang tiwala nito at doon nagsimula ang pagiging magkaibigan nilang dalawa. Tumagal ang pagkakaibigan na mayroon sila hanggang sa magtapat siya ng nararamdaman kay Caren. Hiningi niya ang permiso ng mga magulang ng dalaga na liligawan niya ang anak ng mga ito at sobrang saya niya nang pumayag ang mga ito. At doon niya sinimulang ligawan si Caren.
Ilang linggo na mula nang ligawan niya si Caren at ngayon ay pupuntahan niya ang dalaga sa bahay ng mga ito. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay bago kinindatan ang sariling repleksyon sa salamin bago siya tumalikod para lumabas ng kwarto.
"Saan ang punta mo, anak?" tanong ng kanyang ina at nagtaas-baba ang mga mata sa kabuuan niya. Napakamamot siya sa batok dahil sa mapanuring mga mata ng ina.
"Pupuntahan ko po si Caren, Mom.." nahihiyang sagot niya na ikinalawak ng ngiti ng kanyang ina. Tumili pa ito na parang kinikilig na ikinangiwi niya.
"Binata na talaga ang anak ko," medyo naluluha pang wika nito na ikinailing niya. Umarte pa itong nagpupunas ng luha na ikinasimangot niya. Umiral na naman ang pagiging playful ng kanyang ina. Tss..
Nagpaalam siya sa ina bago lumabas sa bahay. Pumitas muna siya ng bulaklak sa munting hardin ng kanyang ina at iyon ang ibibigay niya kay Caren. Gustong-gusto iyon ng dalaga dahil iyon ang ibinibigay niyang bulaklak mula noong ligawan niya ito.
Sumakay siya sa sariling sasakyan na bigay sa kanya ng kanyang ama. Excited siyang muling makita at makasama si Caren dahil ilang araw na niya itong hindi nakikita dahil may pasok siya sa school. Hindi naman niya ito maanyayahang lumabas dahil sa kakaibang sakit na mayroon ito. Tanging sa bahay lang ng mga magulang ng dalaga niya ito pwedeng makita at makasama.
Hindi lingid sa kanya ang tungkol sa sakit ni Caren dahil ipinagtapat iyon nito sa kanya. Pero hindi nito ikinuwento sa kanya kung paano at bakit ito nagkaroon ng sakit na ganoon.
Noong una ay nagulat siya pero kalaunan ay natanggap rin niya ang ipinagtapat nito. Mas humanga pa nga siya sa dalaga dahil nakakaya nitong labanan ang pagiging isang nympho nito. Hindi niya alam kung paano nito nilalabanan iyon at umaasa siya na sana dumating ang araw na matulungan niya sa kalagayan nito ang dalaga.
Mabilis lang siyang nakarating sa bahay ng pamilyang Aldover at napangiti siya nang makita si Caren. Pinagbuksan siya nito ng gate at pinapasok sa bahay. Iniabot niya rito ang bulaklak at malawak ang ngiting tinanggap nito 'yon.
"Thank you.." pasasalamat nito bago sinamyo ang sariwang bulaklak na ibinigay niya.
Pinatuloy siya ni Caren sa living room at ikinuha pa siya nito ng juice. Wala sa bahay ang kapatid at mga magulang ng dalaga at saglit daw ang mga itong lumabas para bumili ng ilang kailangan sa bahay ayon kay Caren.
Nagsimula ang kuwentuhan nila hanggang sa may napansin siyang kakaiba sa dalaga. Bigla rin itong naging tahimik at parang hindi ito mapakali. Pansin niya rin ang biglang pamumungay ng mga mata nito. Kaakit-akit para sa mga mata niya ang masilayang ganoon si Caren dahilan ng panunuyo ng kanyang lalamunan kaya sunod-sunod siyang napalunok.
"Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya kahit na may hinala na siya kung ano ang nangyayari sa dalaga. Pero kailangan niya munang makasigurado.
Lumapit siya sa kinauupuan ni Caren at bahagyang idinampi ang kamay sa noo at leeg nito para alamin kung tumaas ang temperatura nito at umani iyon ng ungol sa dalaga. Bahagya siyang natigilan matapos marinig ang ungol nito at sobra ang naging epekto nang pag-ungol ni Caren sa kanyang katawan. f**k!
Nagising ang natutulog na pagnanasa sa katauhan niya at sunod-sunod siyang napalunok habang pilit na pinipigilan ang sariling huwag samantalahin ang kalagayan ng dalaga. Pero nabigo siya dahil natagpuan na lang niya ang sariling sobrang dikit sa katawan ni Caren at nagsisimula nang humaplos ang mga kamay niya sa braso nito.
Tuluyan siyang nadaig ng kapusukan at kahit tutol ang kanyang isipan sa ginagawa niya ay parang may sariling isip ang kanyang katawan na walang ibang gustong gawin kundi ang maangkin si Caren.
Iyon ang unang beses na masaksihan niya sa ganoong kalagayan ang dalaga at sobra ang epekto nito sa kanya. Nakakaakit ito at kahit sinong lalaki ang tumayo ngayon sa kalagayan niya ay mahihirapang pigilan ang sariling huwag magkasala dahil sa malaking tukso sa katauhan ng dalaga. At iyon ang nangyayari sa kanya ngayon.
"Huwag, Justin.. Nakikiusap ako, huwag mo nang ituloy ang binabalak mo," umiiyak na pagmamakaawa ni Caren pero tila naging bingi siya ng mga oras na iyon sa pag-iyak at pagmamakaawa ng dalaga.
Parang naging ibang tao siya at may kung anong masamang espiritu ang sumapi sa kanya. At kahit siya ay hindi niya kilala ang sarili sa mga oras na iyon at hindi niya rin akalain na magagawa niya iyon sa dalaga.
Hanggang sa ihiga niya ito sa sofa at mabilis siyang pumaibabaw sa katawan nito. Naramdaman niya ang pagtulak nito sa katawan niya at ang sampal at kalmot nito sa kanyang mukha kaya hinuli niya ang mga kamay nito at idiniin iyon sa sofa sa ibabaw ng ulo nito. Bumaba ang ulo niya para angkinin ang labi ni Caren pero sa isang iglap ay nawala siya sa ibabaw ng dalaga.
Natagpuan na lang niya ang sariling nasa sahig habang dumudugo ang labi dahil sa natamo niyang malakas na suntok galing sa ama ni Caren. At doon lang siya tila nagising sa kahibangan niya. Masama ang tinging ipinupukol ni Mr. Aldover sa kanya habang umiiyak si Caren na yakap ng ina nito.
"Oh, s**t! Anong nagawa ko.." hindi makapaniwalang anas niya sa isipan kasabay nang pag-agos ng kanyang mga luha.
"C-Caren.. I'm sorry, hindi ko sinasadya," umiiyak na wika niya at sinubukang lapitan si Caren pero pinigilan siya ng ama nito.
"Huwag mong subukan muling lumapit sa anak ko, Aragon. Hindi lang 'yan ang matatamo mo," seryosong babala ng ama ng dalaga na ikinahagulhol niya.
"Patawad po, tito.. Hindi ko po sinasadya. Nadaig po ako ng kapusukan, nagpatalo po ako sa tukso. Hindi ko po alam ang ginagawa ko kanina, patawarin niyo po ako.." humahagulhol na wika niya at lumuhod sa harap nito.
"Pinagkatiwalaan kita, Justin. Pero bakit mo sinira agad ang tiwalang 'yon? Simula ngayon hindi ka na makakalapit pa sa anak ko. Hindi ka na rin makakatapak pa sa loob ng pamamahay ko. Makakaalis ka na. Huwag na huwag ka nang babalik pa rito," may panunumbat na wika ni Mr. Aldover na ikinabagsak ng balikat niya. It's his fault. It's his damn fault.
Sinulyapan niya si Caren at sobra siyang nagsisi sa kanyang nagawa nang makitang umiiyak ito at tila natatakot sa kanya.
"Caren.." anas niya sa pangalan nito at mas humigpit ang pagkakayakap nito sa ina na parang kahit ang boses niya ay kinatatakutan nito. "I'm sorry, Caren.." huling sambit niya bago tumayo at lumabas ng bahay dala ang pagsisisi sa nagawang kasalanan sa dalaga.
Patuloy sa pag-agos ang kanyang luha nang sumakay siya sa sasakyan at mabilis na minaneho iyon paalis sa bahay ng mga Aldover. Umuwi siya at nagtatakang sinalubong siya ng kanyang mga magulang at umiiyak niyang ikinuwento sa mga ito ang kahangalang ginawa niya.
I'm sorry, Caren. I'm really really sorry..
Mabilis na lumipas ang mga araw at araw-araw siyang pumupunta sa bahay ng mga Aldover para paulit-ulit na humingi ng tawad sa mga ito. Pero tanging mga magulang lang ni Caren ang humaharap sa kanya at hindi siya harapin ng dalaga.
Labis siyang nagsisisi sa ginawa niya kay Caren at kahit sa pagtulog ay inuusig siya ng kanyang konsensya. Walang gabing nagkaroon siya ng maayos na tulog at laging bukambibig niya ay pangalan ng dalaga.
Ulanin at arawin na siya sa labas ng gate ng mga Aldover pero hindi siya magawang harapin ni Caren. Napabayaan na niya ang pag-aaral at kalusugan niya. Mula umaga ay nagbabantay na siya sa harap ng gate ng mga Aldover at nagbabakasakali na haharapin siya ni Caren pero hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi ito nagpapakita sa kanya. Tanging ang mga magulang lang nito ang hindi makatiis na pagbuksan siya ng gate para pauwiin siya.
Ganoon ang tagpo niya sa araw-araw hanggang sa sumuko na ang kanyang katawan. Ilang araw siyang na-confine sa hospital dahil sa kapabayaan niya. Pero nang makalabas siya ng hospital ay nagpabalik-balik ulit siya sa harap ng bahay ng mga Aldover para magbakasakali na kaya na siyang harapin ni Caren pero bigo pa rin siya.
Malaki ang ipinagbago niya at nag-aalala na sa kanya ang kanyang mga magulang. Kaya nagdesisyon ang mga itong dalhin siya sa ibang bansa na tinutulan niya.
Hindi pwede, ayaw niyang malayo kay Caren. Ayaw niyang malayo sa babaeng mahal niya. Hindi niya kaya..
Pero kahit anong pagtutol niya ay buo na ang desisyon ng kanyang mga magulang. Tuluyan siya ng mga itong inilayo sa babaeng mahal niya pero kahit malayo na siya kay Caren ay hindi pa rin ito mawala sa sistema niya lalo na ang kasalanang ginawa niya sa dalaga.
Patuloy siyang inusig ng kanyang konsensya at sobrang sinisisi niya ang sarili dahil kung hindi siya naging hangal ay baka magkasama sila ngayon ni Caren, baka magkasintahan na silang dalawa.
Lumipas ang mga araw na hindi siya lumalabas ng bahay at nagkukulong lang siya sa kanyang kwarto. Habang maraming mga negatibong bagay at katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan at ilan doon ay kung paano kung hindi na siya magawang mapatawad ni Caren? Paano kung pagbalik niya ay may iba ng lalaki ang nagmamay-ari sa dalaga? Paano na siya? Paano na ang future na naisip niya kasama ito?
Araw-araw ay ganoon ang tumatakbo sa kanyang isipan hanggang sa naisipan niyang wakasan ang sariling buhay dahil tila may bumubulong at nag-uudyok sa kanyang iyon ang magandang gawin at kapalit ng kanyang kasalanang nagawa. Iyon ang kasagutan para takasan niya ang panghuhusga na matatanggap niya sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa babaeng mahal niya.
Hanggang sa isang araw, natagpuan na lang niya ang sariling may hawak na matalim na bagay at parang wala sa sariling idiniin iyon sa kanyang pupulsuhan. Muling bumalik sa kanyang isipan ang imahe nang umiiyak na dalaga kasabay nang pag-agos ng dugo galing sa pupulsuhan niya at ang pag-agos ng luha galing sa kanyang mga mata.
I'm sorry, Caren. Paalam..