Pinilit kong alisin sa isip ko ang mga sinabi nina Leo at Rick. Alam ko sa sarili ko na tanging pagkakaibigan lang ang meron sa amin ni Alex. I have Allison in my life. Yes, I have Allison. Yan ang tinatanim ko sa isip ko.
“ Kamusta na nga pala ang barkada?” Alex asked while we’re both busy drafting a design.
I took a glance at her and answered “Okay naman.They’re actually asking kung kelan ka daw ba ulit sasama. Actually,excited silang matikman ang recipes mo,” Napatingin siya sa akin with wide eyes. “Y-you told them?” Aniya sa mataas na tono.
“Well I had to. I can’t think of reason why we’re always together,” hindi sinasadyang nasabi ko. I shouldn’t have told her.
“Is that a bad thing?” Malungkot na tanong niya. I knew she would take it seriously. May agam-agam at pag-aalala sa mukha niya.
“No. Of course not,” Maagap na sagot ko. Ayokong isipin niya na may masama sa pagiging close naming dalawa. Paano kung umiwas siya sa akin? Thinking about her avoiding me sent a familiar ache and fear in my heart. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na wari’y may malalim na iniisip.
“We’re friends Alex,” ani ko sa kanya. Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa kanyang labi.
“Yeah, of course” sagot niya pagkatapos ay muling itinuon ang atensyon sa kaninang ginagawa.
**************************************************
Nasa isang site kami ngayon sa Tagaytay kung saan itatayo ang isang rest house ng panibagong client namin ni Alex. Naging maganda ang mga nauna naming project kaya nakakuha kami ng mga recommendation which specifically asks me and Alex to work together. Kaya mas lalong napadalas ang pagsasama naming dalawa.
Isang middle aged couple ang client namin at may dalawang anak na bata pa.
“Oh Hi little one!” Masayang bati ni Alex sa bunsong anak na babae nila Mr. And Mrs. Ventura. Kasalukuyan kaming nag-b-brainstorm ni Alex sa maaari naming gawin sa landscape nang ang batang babae ay marahang hinaltak ang laylayan ng blouse ni Alex. Agad kaming napatingin sa napakacute na bata.
“ Elle! I told you not to roam around too much! Baka madapa ka, ako pa ang sisisihin nila Mommy!” Saway sa kanya ng panganay naman na si Bella. I think she’s eight years old already while Elle is around 3 years old.
“ I just want to play,” nahihiyang sagot ni Elle sa kanyang ate at nagtago sa likod ng binti ng Alex. Ikinatawa naman yun ni Alex.
“Do you want to play little one?” Lumuhod si Alex upang magpantay silang dalawa ng bata. Nahihiya naman itong tumango.
“Then Ate Alex will play with you. Would you like to play with us bella?” Malambing na tanong niya sa dalawang bata. Sa una ay nahihiya pa si Bella pero agad din namang ngumiti at humawak sa nakalahad na kamay ni Alex.
“Aren’t you going to play with us mister?” Baling ni Bella sa akin. Ngumiti at tumango naman si Alex sa akin sumenyas na sumali din ako sa kanila. Maglalakad na sana ako papalapit sa kanila pero bigla naman nagring ang phone ko. Nakangiti silang tatlo sa akin at nag-aabang na samahan ko sila. I took out my phone and saw who’s calling—- Allison. I felt torn between her and Alex with the two kids. F*ck! You know what to do Justin!
“B-babe,” I answered her call. Because that’s what is right. Right?
Nagkatinginan kami ni Alex at agad naman siyang nakauunawang tumango lamang sa akin.
“Let’s go girls. Kuya Justin needs to talk to someone on the phone,” narinig kong paliwanag ni Alex sa dalawang bata bago sila inakay palayo sa kinatatayuan ko.
“Babe? Are you still there?” Nakabalik ako mula sa panunuod sa papalayong sila Alex nang muling magsalita si Allison sa kabilang linya.
“Y-yes babe,” sagot ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit kausap ko ang babaeng inalayan ko ng singsing at inayang makasama habang buhay pero may damdamin na nagsasabi sa akin na gusto kong samahan si Alex sa simpleng pakikipaglaro sa mga batang hindi nga namin kaanu-ano.
“Great! I sent you a picture on your messenger. Check it now!” She said. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong sobrang excited siya base sa boses niya. Nag-open ako ng messenger and there I saw a high rise buildings. Kuha iyon mula sa isang kwarto sa isang mataas na gusali na napapaligiran ng iba pang matatayog na gusali.
“Did you like it?” She asked again with an excited tone.
“Ano ba yun?” Sa halip ay tanong ko.
“It’ s the penthouse in daddy’s new high rise building here in Singapore. Yun sana yung project na ihahandle mo kaso tinanggihan mo.” Aniya. Ilang beses akong kinulit ni Allison na gawin ko ang project na ‘yun pero ilang beses ko ding tinanggihan dahil nagsimula nang magkasakit si Lola. Nag-alala ako sa kanya and I knew that I would be needing to go back to the Philippines anytime so I cannot afford to commit myself in a long term project. And I was right. Ilang beses naospital si Lola Mercedes.
“And what about it?” Tamad na tanong ko.
“Daddy’s giving it to us once we get married. Imagine! We will live in a penthouse. Sobrang ganda ng view at the heart of the city! I’m really excited babe,” nagpatuloy pa siya sa pagkukuwento..
“Ate Alex, it tickles!” Naagaw ang atensyon ko sa pakikinig sa mga sinasabi ni Allison sa kabilang linya ng masayang tawanan at harutan ni Alex at ng dalawang bata. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung gaano sila nag-e-enjoy sa paglalaro. Nakaramdam ako ng feeling na hindi ko mapangalanan. I just found myself smiling just by watching them, just by watching her. From there I imagined myself playing around with my own family, laughing and giggling with my own children, and then there’ s this woman, happy and contented just by having her family, by having me. I imagined myself living a simple life in a home surrounded by this beautiful nature. Cold breeze blowing, sunshine peeking. I imagine me, I imagine us. Me and —— Alex.
“Isn’t it beautiful babe?” I heard Allison in the background.
“Yes, so damn beautiful,” i said. While looking at Alex.
Credits: Araw- Araw by Ben & Ben
Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, oh, mahiwaga
Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?
Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin
Sa minsang pagbali ng hangin
Hinila patungo sa akin
Tanging ika'y iibiging wagas at buo
Payapa sa yakap ng iyong hiwaga
Payapa sa yakap ng iyong...
Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw
Mahiwaga
'Wag nang mawala araw-araw
Mahiwaga
Pipiliin ka araw-araw
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Author’s Note:
This is an uneditedaw chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.