Day Three of our tour here in Ilocos Norte. Itinerary is to visit several museums. I've always had an interest on historical and cultural artifacts; including arts and anything related to it. I remember enjoying my spare time roaming the famous art galleries, historical museums and even art science museums in Singapore. I just love expanding my horizons and knowledge about civilization. Ano na naman kaya ang kalokohang gagawin nitong si Alex? I thought to myself. She never fails to surprise me every day. She's like an energy ball. Kahit sa pagkakataon na nakikita kong malungkot siya ay pilit niyang itinatago yun. Like, she's afraid to become vulnerable.
Nang makaakyat ako sa bus ay wala pa si Alex. That's weird. Lagi siyang nauuna sa akin. The team waited for everyone to arrive, but still Alex is not here. Is she still asleep?
" Good Morning Everyone! Are you all excited?" tanong ng tourist guide and everyone answered in joy. "So, let's go!" Full of energy nitong sabi but I raised my hand.
"Excuse me," I interrupted her and all of the people here in bus turned their eyes on me.
"The girl sitting beside me is not here yet", I informed them lalo na't baka maiwanan si Alex sa tour ngayon.
"Oh! You mean Alex? She left early this morning", I was shocked. Upset rather.
"She said she can no longer finish the tour as she needs to go back to Manila ASAP. So, shall we go?" huling paliwanag nito bago tuluyang umabante ang sasakyan. She just left without even telling me. Oh, c'mon Justin! Why would she tell yah? It's not like you’re friends. I just feel disappointed. So, the tour went on and on but I found myself not interested in any of the art pieces displayed. Suddenly, I missed her presence.
"Dude anong problema mo? Kanina ka pa walang imik diyan" Leo tapped me in back while I just boringly scroll my phone searching for nothing specific.
"Masakit ang ulo ko", pagdadahilan ko na lang. I wasn't really feeling good.
"You want to go to a nearby clinic?" Althea asked.
"No, I'll just go to the comfort room to wash my face. Baka sa init lang," I started to walk to the nearest CR while my friends continued with their tour inside the gallery.
Matapos mahilamusan ang mukha ay hindi muna ako bumalik sa mga kasama ko. Wala na ako sa mood na ipinagtataka ko dahil mahilig talaga ako sa mga art exhibits pero ngayon ay ni hindi magawang agawin ng naggagandahang paintings ang atensyon ko.
"Haaayy" I released deep sigh while looking at myself in the mirror. What the f*ck is wrong with you man? I hissed. Lumabas na ako sa CR to join my friends. Maybe I should divert my attention to other things kesa nagmumukmok. Nakailang hakbang pa lang ako papalayo sa CR nang may narinig akong sumitsit sa akin. Napabalik lingon ako. Halos iilang tao lang naman ang nandito dahil ito ang bahagi na kakaunti pa lang ang mga nakalagay na paintings. Must be my imagination. I shrugged my shoulder.
"Psst, psst!" muling tawag ng atensyon ko. Then, I saw a figure hiding behind one of the buildings foundations. Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro may sa "haunted" ang museum na ito noh? Out of curiosity, I walked slowly towards it. Kailangan kong malaman kung sino ang taong iyon. May mangilan ngilang tao na din na papunta dito sa area na ito na malamang ay magsisipag CR din.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa pundasyon na iyon. Ilang hakbang na lamang ay kumakalabog ang dibdib ko sa kaba. Bago ko pa man maharap ang tao sa likod ng poste ay siya na mismo ang naunang nagpakita. She was wearing a ripped off pants, white shirt, white rubber shoes and a black cap. Nakalugay din ang buhok na tila sinadyang matakpan ang mukha upang hindi siya makilala dahil may suot din itong black shades.
"Boo!" halos mapatalon ako sa gulat at nang akmang mapapasigaw ako ay agad niyag tinakpan ng kamay ang bibig ko.
"sshhh" senyas niya habang inilagay ang kanang hintuturo sa bibig niya.
Iginaya niya ako upang makapagtago din sa likod ng matayog na poste.
I gently removed her hand from my mouth. She welcomed me with her bright smile that brought warmth to my chest.
"Alex? I thought you already left for Manila?" naguguluhan man ay pinilit kong itinago ang galak na makita siya dito.
" Yes. I'm going back tonight. But I just thought I wanted to bunk off first before heading back to Manila. Come, join me," naguguluhan man ay alam kong hindi ko magagawang tanggihan ang paanyaya niya. And honestly, it excites me.
"Teka, magpapaalam la---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinaltak na niya ako kaagad. " Tara na! Wala na tayong oras,' aniya.
Nagtext na lang ako kay Leo na nauna na akong bumalik sa hotel para makapagpahinga. Siya na ang bahalang magpaliwanag sa mga tour guides namin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya na parang may tinataguan habang palinga-linga sa paligid.
"Nakita mo ba ang schedule ng tour ngayon? Puro museum at gallery. Ang boring..." sagot nito sa akin na abala pa din sa paglinga sa kung saan saan.
"Yes. But I don't think it's boring," sagot ko sa kanya. Tinitigan niya ako saglit. What? art is good and fascinating.
"Says you Mr. Art Lover," wala iyong halong panunudya. Just plain remarks.
"Let's go,” muli niyang hinila ang braso ko papalabas ng museum at mabilis na naglakad.
"Saan ba tayo pupunta?" ulit kong tanong.
"Sa real adventure," sagot nito na may malawak na ngiti pero nakakapanghinala. Hindi ko alam kung maeexcite ako o kakabahan sa kanya.
" Welcome to Paoay Sand Dunes!” Itinaas pa niya ang dalawang kamay na akala mo ay kasali sa Ms. Universe nang ipakilala ang lugar kung nasaan kami. Nasa itinerary naman din namin ito pero bukas pa.
" I've always wanted to try this," buong galak niyang sabi. She looks like a child with that extreme excitement.
"Then let’s... goooo" hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patakbo sa registration. Nakakahawa ang excitement ng babaeng ito sa katawan.
We rode in a 4×4 jeepney while it stirred dust across the vast arid area. As per my research, Paoay Sand Dunes is an 88 sq km dry paradise that lies next to Suba Beach. It is one of the most popular sand dunes here in Ilocos. This is really an adventure to remember. Habang bumibilis ang takbo ng sasakyan ay mas nagiging exciting. Maya maya ay tumigil ito at ang sabi ng driver ay maaari kaming mag sand boarding. Hindi kami tumanggi ni Alex. We were really enjoying these adventures like this is the last and this will never happen again. I felt a sudden ache when it crossed my mind. This might never happen again--it stuck in my head.
"Sumakay kami sa board at pilit na pinatikas ang mga tuhod namin habang mabilis na dumudulas pababa ang board.
Kahit mangilang ulit na nasemplang at nalaglag kami ay hindi iyon pumigil sa amin at paulit ulit na sinubukan. Sandali ding ipinarada ang jeep malapit sa Suba Beach at pinanuod namin ang sunset. Parehas kaming tahimik ni Alex na pinagmamasdan ang paglalaban ng araw at gabi.
"Look at yourself, you're so dirty" I reached for her cheeks and gently rubbed away the small trace of dirt. Hindi ko na malayan ang ginagawa ko. Pinagmamasdan ko na pala ang mukha niyang maamo na kahit may kakaunting dumi doon ay hindi man lang nagawang bawasan ang kagandahan niya. Nagkatitigan kami. Then I felt my heart beat so fast and felt like it's sound is the only thing I hear right at that moment.
I don't know what went into my mind. But slowly, I bowed down to bring my face close to hers. Unti unti ay mas lalo iyong lumalapit at halos gahibla na lamang ang naghihiwalay sa aming mga labi. I was about to kiss her. But we both went back to our senses when we heard a loud beep.
"Sir,Ma'am. balik na po tayo sa booth," agad niyang inilayo ang sarili sa akin. D*mn! What went into this stupid head of your Justin? I whispered to my thoughts. Muli siyang lumingon sa akin.
"Let's go Justin," she gave me another smile na parang wala lang nangyari.
"So, this is goodbye', may tipid na ngiti sa kanyang mukha. Nasa Laoag Airport kami ngayon. Nakapagpalit na si Alex ng damit at ako naman ay medyo marungis pa dahil wala naman akong dalang extrang damit dahil bigla na lang naman niya akong kinaladkad kanina.
" Yes, I guess it is," May kirot sa dibdib ko nang isagot ko iyon sa kanya.
" It was really nice meeting you Justin. I-I really enjoyed spending time with you," Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagdala ng magkahalong saya at lungkot ito sa akin.
"Same here Alex, it was fun bunking off with you," I answered.
"God Alex! Where have you been?!" napalingon kami sa tinig ng isang babaeng tumawag sa pangalan ni Alex.
" I've been looking for you all day! You're da---"
"Nandito na ako Tanya. No need to make a fuss about it," malamig na sagot ni Alex. It was the first time that I saw her so cold like this. Napasimangot lang ang babae na kung tatantsahin ay nasa mid 30's na.
"Let's go," aya nito na sinuri pa ako mula ulo hanggang paa bago ito tumalikod.
" Take care Justin," muling sabi niya na matiim ang tingin sa akin.
"Take care, Alex" I reached for her and hugged her lightly. I wanted to make it tighter. But I realized that I do not have the right to do that. We're just two strangers who happens to spend time together for a few days.
Humiwalay na kami sa pagkakayakap at maya maya ay naglakad na siya papasok sa loob ng airport. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Bago tuluyang mawala ay muli siyang bumaling ng tingin sa akin at kumaway. I waved my hand too. Kumirot ang puso ko while watching her figure slowly fading away.