Cierra Maureen's POV
Hindi ko kayang alisin ang ngiti sa labi ko habang kumakail ng almusal sa lamesa kasama ang daddy ko. Simula kagabi ay iniisip ko na ang professor. Kahit anong gawin ko kahapon pag-uwi ko ng bahay namin ay siya at siya pa rin ang iniisip ko.
"Cierra, ito na ang baon mo." Agad akong napatayo sa silya ko sa hapag kainan at sinalubong si mama na palabas ng kusina.
Kinuha ko kaagad sa kanya ang dalawang bento box at inilagay ko ito sa tote bag ko. Ngumiti ako ng malawak kay mama at hinalikan siya sa pisngi niya.
"Than you, mama!" masayang sambit ko at tumalikod na.
Naglakad ako papunta kay papa na nakataas ang dalawang kilay sa akin. Lumapit ako sa kanya na nakaupo sa kabisera ng lamesa. Ginawaran ko ng halik ang papa kosa pisngi nito at agad naman hinawakan ang kamay ko.
"Ang saya mo yata ngayon, anak at bakit dalawa ang baon mo? Mauubos mo ba 'yan?" tanong sa akin ni papa.
"Ewan ko ba diyan sa anak mo na nag request na pabaunan ko siya ng dalawang bento box," singit ni mama at naupo na sa pwesto niya sa hapag kainan.
Hindi ko kasi sinabi kay mama kung para kanino ang isa pang bento box na pinagawa ko. Ang alam din nila na konti lang ako kumain at minsan hindi ko pa nga nauubos ang isang bento box na hinahanda sa akin ni mama.
"Bawal po bang maging masaya, papa?" natatawang tanong ko. "Ang ganda-ganda ng panaho para pumasok sa University. Maaga rin akong nagising at gusto ko pong maaga na pumasok."
Ilang oras lang naman ang tulog ko dahil napuyat ako dahil sa kakaisip kay Sir Francoise pero ang aga-aga ko pa rin nagising. Masyado akong excited na pumasok dahil sa kanya.
"Pero para saan ang isa pang bento box? Hmm? May boyfriend ka na ba, Cierra?" tanong sa akin ni papa habang naniningkit pa ang mga mata niya.
Agad ko naman inilayo kay papa ang kamay ko at napailing.
"Wala po, Papa. Ibibigay ko lang po kay Ynah ang isang bento box dahil nagustuhan niya ang baon ko," pagsisinungaling ko kay papa at tumingin kay mama na nakangiti sa akin. "Ang sarap po kasi ng luto n'yo, mama."
Alam nila mama at papa na close na close kami ni Ynah at ng iba ko pang mga kaklase pero hindi nila alam na wala talagang gustong tumagal na kasama ako.
"Mabuti naman kung gano'n. Sabihan mo si Ynah at ang iba mo pang kaibigan na minsan pumasyal naman sila rito sa bahay," magiliw na saad ni mama.
Parehas na galing sa mahirap na pamilya ang mama at papa ko. Dati silang mga nakatira sa Tondo Maynila kaya walang kaarte-arte sa pananalita ang mama at papa ko kahit na medyo nakakaangat na kami ngayon sa buhay.
"Opo, Mama," nakangiting sambit ko. "Sige po. Papasok na po ako."
Sabay na tumango sa akin ang mga magulang ko kaya tumalikod na ko at naglakad palabas ng malaki naming bahay. Ang buong atensyon ng mama ko ay nasa akin lang at ang papa ko naman ay nasa pulitika at sa amin ni mama. Ako lang kasi ang nag-iisa nilang anak kaya grabe sila kung mag-alala sa akin. Nahirapan na kasing mabuntis si mama kaya hindi na ko nasundan pa.
Siguro maigi na rin 'yon na wala akong kapatid dahil baka masaktan lang ako kapag nakita ko ang kapatid ko na nararanasan ang nararanasan ko sa university ngayon. Mabuti na nga lang at may isang tao ng nagpapagana sa akin e. Laking pasasalamat ko talaga kay Sir. Francoise kahit na sobrang sarcastic n'ya kung kausapin ako.
"Magandang umaga, Kuya Danny!" bati ko sa driver kong naglilinis ng salamin ng sasakyan.
Matanda na si Man Danny pero maayos na maayos pa rin ang pagmamanehon n'ya. Bata pa lang ako si Mang Danny na ang driver ko kaya malaki ang tiwala sa kanya ng daddy ko para sa kaligtasan ko sa pagpasok university.
"Magandang umaga rin po, Ms. Cierra," bati pabalik ni Mang Danny sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse sa back seat.
Sumakay naman agad ako sa kotse at dahan-dahan na inalis sa balikat ko ang tote bag ko. Malaki naman ang tote bag ko at konti lang ang gamit ko dahil halos lahat ay nasa locker ko na sa university.
Nagsimulang umusad ang sasakyan kaya inilabas ko naman ang cellphone ko. Binuksan ko ang f*******: app at pinindot ang search bar.
Sinubukan kong i-search ang pangalan ng professor ko pero walang lumabas. Napailing na lamang ako sa ginagawa ko dahil para akong stalker sa professor ko.
"Kuya Danny," pagtawag ko sa driver kong nasa driver seat at tahimik na nagmamaneho.
"Bakit, Miss?"
"Mukha bang ang OA ko ngayong araw?" tanong ko bigla kay kuya Danny.
Miski ako na ninibago na rin sa sarili ko. Hindi naman kasi ako excited na pumasok noon at never din naman akong naging totoong masaya sa tuwing pumapasok ako sa Manilang University. Ngayon lang talaga.
"Bakit naman n'yo naman po natanong 'yan, Miss? Ang saya-saya n'yo nga po ngayon," nakangting sambit in kuya Danny habang nakatingin sa rear view mirror.
Bumalik ang tingin ni kuya Danny sa daan habang ang ang mata ko ay na kay kuya Danny pa rin na nagmamaneho.
"Wala naman po. Kalimutan n'yo na po," sagot ko at ipinasok na sa bag ko ang cellphone ko.
Wala naman sigurong masama kung excited akong pumasok 'no? Gusto ko kasing maaga sa university para mailagay ko ang isang bento box na pinagawa ko para kay sir Francoise.
Nahihiya naman akong ibigay sa kanya ng personal kaya iiwanan ko na lang sa lamesa niya. Sana lang at wala pang tao sa faculty ng mga professor.
"Miss, nasa tapat na po tayo ng university. Hindi pa ba kayo bababa?" tanong sa akin ni kuya Danny.
Napatingin ako sa labas at ngayon ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng University. Wala pang masyadong sasakyan at wala pa rin masyadong studyante. Ala-sais pa lang kasi ng umaga. Masyado akong maaga para sa pang seven-thirty na klase.
"Bababa na po. Salamat, kuya Danny." Sinukbit ko ang tote bag sa balikat ko at bumaba na ako ng kotse.
Naglakad ako papalapit sa gate ng university at itinapat ko ang I.D ko sa scanner kaya agad bumaba ang bakal na harang. Dumaan ako at tuluyan nang nakapasok.
Paikot-ikot ako habang naglalakad papunta sa building namin dahil pakiramdam ko sobrang malaya ako sa lahat ng bagay. Wala pa kasing mga studyante at hindi rin naman ako takot sa dilim.
Umakyat ako sa hagdanan papasok sa building namin at sinalubong ang malakas na hangin sa tumatama sa kulot kong buhok na hanggang bewang ko. Natural na kulot na ang buhok ko mula ng bata pa ko dahil kulot din ang mama ko.
"Hello! May tao na ba!" sigaw ko sa unang palapag ng nursing department namin pero mukhang wala pa kaya nagpatuloy na ko sa paglalakad papunta sa faculty ng mga professor ng nursing department.
Tinignan ko pa ang bawat room na madadaanan ko para lang makasigurado na wala pa ngang ibang tao sa department namin.
Pagkaratig ko sa tapat ng faculty, sinilip ko kaagad ang salamin na pintuan at laking pasasalamat ko ng wala pang kahit na sinong professor ang narito.
Dahan-dahan kong binuksan ang sliding door ng faculty ng mga professor at dali-dali akong pumasok sa loob. Hinanap ko kaagad ang table ni Sir Francoise at ng makita ko ito agad kong inilabas mula sa tote bag ko ang isang bento box.
"Salamat sa pagtuwing mo sa akin bilang isang normal na studyante kahit na pinahiya n'yo po ako," nakangiting sambit ko at tumalikod na sa lamesa niya bago pa may makakita sa akin.
Lumakad ako patungo sa pinto ng faculty na nakabukas at hahakbang pa lang ako palabas ng makasalubong ko ang dalawang professor.
"Sir!" gulat na gulat na sambit ko. "Good Morning po sir Topher. Good Morning po sir Francoise," magalang na bati ko sa dalawa.
Hindi ko professor si sir Topher pero kilala ko siya dahil bilang nursing student dapat kilala ko ang lahat ng professor sa department namin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni sir Francoise imbes na batiin ako.
Si Sir Topher naman ay nginitian lang ako at nilagpasan na ako. Naiwan tuloy kami ni sir Francoise sa may pinto ng faculty.
"N-Nagpasa lang po ng l-late requirements ko," naiilang na tanong ko.
Tumango siya sa akin na parang nag-aalangan pa sa sagot ko pero sa huli ay nilagpasan niya rin ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil gumana ang palusot ko.
Hahakbang na sana ulit ako ng marinig ko ang sinabi ni sir Topher.
"Ang aga-agad may secret admirer ako. Sino naman kaya ang nag-iwan ng bento box dito?"
Agad akong napalingon kay sir Topher at nakita kong hawak niya ang bento box na para sana kay sir Francoise. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil baka ako naman ang mabisto.
"That's mine," Sir Francoise said.
Basta na lang niyang kinuha mula sa kamay ni sir Topher ang bento box at ibinalik niya ito sa lamesa n'ya kung saan ko inilapag.
"Nasa ibabaw ng lamesa ko kaya akin," madiin na sambit ni sir Francoise.
Napangiti ako dahil mukhang hindi naman nasayang ang pagod ni mama sa paggawa ng bento box. Tumalikod na ko sa kanila at tuluyan nang naglakad palabas ng faculty. Parang isang plaster na nakadikit sa mukha ko ang ngiti dahil sa sobrang saya ko.
"Ms. Celestino."
Napahinto ako sa paglalakad ko at agad na nilingon si sir Francoise na siyang tumawag sa pangalan ko.
"Bakit po, sir?" magalang na tanong ko habang pinagmamasdan ko siya na maglakad papalapit sa akin.
Sana naman hindi siya magtanong tungkol sa bento box sa lamesa n'ya.
"Para saan ang binigay mo?" tanong niya sa akin.
Mukhang nabisto kaagad ni sir ang ginawa ko. Ano ba naman 'yan.
"Ano pong binigay?" kunot noong tanong ko sa kanya para mas kapanipaniwala.
"Do you think I am a dumb, Ms. Celestino? I am your professor, remember that. Now, tell me. Why you gave that bento box?"
"B-Bawal po ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko siya ng bento box. Pasasalamat lang naman at walang ibang meaning.
"Gusto ko lang naman pong magpasalamat sa inyo pero kung ayaw n'yo pwede n'yo pong ibalik sa akin. Ibibigay ko na lang po sa iba na gusto ang bento box—"
"Never mind, Ms. Celestino. Just focus with your studies."