Cierra Maureen's POV
Hindi ko alam na ganito pala kasaya mag-aral kapag gwapo ang professor at batang-bata pa. Sobrang seryoso niyang magturo tungkol sa topic namin sa cell biology pero hindi ko na malaman kung saan ba ko dapat tumingin. Kung sa lesson ba o sa nagtuturo na lang.
Ilang araw ko na siyang professor pero palagi pa rin akong excited na makita siyang nagtuturo. Palagi ko rin pinagdadasal na sana humaba pa ang oras ng klase ko kasama siya. Kung pwede nga lang na Biochemistry na lang ang subject ko buong taon baka rito na lang ako at 'di na umalis.
"Do you understand, Ms Cierra?"
Ako na naman! Hala, Diyos ko! Ano bang gagawin ko nito?
"I'm asking, Ms. Cierra."
Agad akong tumayo sa silya ko dahil sa tono ng boses niyang napaseryoso talaga. Kapag nasa loob talaga ng klase mas lalo siyang nagiging seryoso.
"Yes po, sir, I understand the lesson," sagot ko ng puno ng paggalang.
Ang dami namin dito sa loob ng classroom pero palagi na lang ako ang napapansin ni sir. Nakakakaba pa naman siya kasi baka bigla niya kong inutusan na mag recitation e hindi nga ako nakiinig.
"That's good. You may sit down," he said.
Agad naman akong bumalik sa silya ko ng wala na siyang sumunod na tanong sa akin. Mabuti na lang dahil wala talaga kong maisasagot sa kanya. Tingin lang ako ng tingin sa seryoso niyang mukha kaya baka ang maisagot ko lang ay ang pogi mo, sir.
"Okay, everyone. I want you to group yourself into 3 to 5 because you will make a cell biology model. I want it as soon as possible. So, the deadline is following Monday."
Ang dali lang pala nang pinapagawa niya at sa Lunes pa ang pasahan. Wednesday pa lang ngayon oh. Pwedeng-pwede kong gawin mamayang pag-uwi ko pero ang problema is wala akong ka-grupo.
Sanay naman ako na wala akong ka-grupo at pumapayag naman ang mga naging Professor ko noon na mag solo ako. Hindi ko lang alam kung papayag si sir Francoise na mag solo ako pero sa tingin ko, hindi siya papayag dahil sa ugali niyang gusto na pantay-pantay.
"'Dismiss."
Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko at parang isang bula na nawala na lang. Ang bibilis talaga nila lalo na at break time ang sunod pero ako nakaupo pa rin sa silya ko habang si sir Francoise ay nag-aayos pa rin ng gamit niya sa lamesa.
"Hindi ka pa lalabas?" tanong niya pero ang mga mata naman niya ay nakatingin lang sa gamit na inaayos niya.
Napatingin tuloy ako sa buong paligid ko para siguraduhin kung ako na lang ang ang natitirang tao rito na kausap niya. Mukhang ako nga ang kausapi niya dahil wala namang ibang tao.
"Ms. Celestino?" pagtawag niya sa apilyido at this time nakatingin na siya sa akin.
"May t-tanong lang po ako, sir," sambit ko.
Sinukbit ko kaagad ang bag ko sa balikat ko at naglakad pababa mula sa dulong silya na palagi kong pwesto. Nakahawak ang kanang kamay niya sa ibabaw ng lamesa habang inaatay ako na bumaba kaya naman mas binilisan ko pa ang pagbaba ko dahil mukhang aalis na si sir.
"Ano 'yon?" tanong niya nang makarating ako sa harapan ng table niya.
"Pwede po bang mag solo na lang ako para sa model ng cell biology—"
"Three to five member, Ms. Celestino. Maghanap ka ng kamyembro mo kung gusto mong tanggapin ko ang gawa mo," matigas na saad niya at basta na lamang akong tinalikuran
Sabi na nga ba at tama ako ng iniisip ko. Hindi niya talaga ko hahayaan na gumawa lang ng solo dahil tingin niya sa akin ay normal na studyante lang. Masaya ko na gano'n ang tingin niya sa akin pero mahirap pala talaga. Ang challenging lalo na at wala naman akong kaibigan sa mga kaklase ko kaya sino ang magiging kagrupo ko nito?
Napabuntong hininga na lamang ako bago siya tuluyang mawala sa pangin ko. Naiwan akong mag-isa sa loob ng classroom namin at hindi ko alam kung paano na ang model na gagawin ko nito.
"Pero ayos lang dahil gwapo naman si sir," nakangiting sambit ko at naglakad na papalabas ng classroom namin.
Kailangan kong pumunta ngayon sa canteen at mamaya na ko kakain dahil uunahin ko muna na makahanap ng kagrupo ko. Sigurado kong nasa canteen ang mga kaklase ko at kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Ayokong mabigo kay sir kaya gusto kong sundin ang gusto niya. Ang lakas kasi masyado sa akin ni sir kahit na nakakakaba talaga siya.
Nakangiti lang ako na naglalakad sa hallway papunta sa canteen kahit na ang mga tao sa paligid ko ay bigla na lang napapaiwas. Hindi naman sila papatayin ng papa ko pero sobrang OA nila. Wala rin naman ginagawang masama ang papa ko bilang senador pero para silang mga nakakita ng multo sa tuwing dumadaan ako.
"Bakit narito si Cierra? Hindi naman 'yan kumakain dito," narinig kong sambit ng isa sa mga kumakain sa labas ng canteen.
Bukod kasi sa lamesa sa loob ng canteen, mayroon din sa labas. Pero pinagsawalang bahala ko na lang ang naririnig ko kahit na ako ang pinag-uusapan nila. Kung papatulan ko pa sila baka mas lalo lang silang lumayo sa akin.
"Nariyan na si Cierra. Alis na tayo," sambit ng kaklase kong babae na nakaupo sa silya niya.
Napahinto tuloy ako sa gitna ng canteen dahil para akong may sakit. Lalapitan ko pa lang sila pero umaalis na sila.
"Busog na ko. Tara na, guys," sambit naman ng lalaki kong kaklase sa kabilang lamesa.
Kaya ang hirap makigrupo sa kanila dahil susubukan ko pa lang pero lumalayo na agad sila sa akin. Paano pa kaya kapag naging presidente pa ang papa ko? Malamang mas lalo nila akong layuan nito.
"Paano na ang cell biology ko nito? Unang activity pa nga lang pero mukhang legwak na agad ako kay sir," bulong ko sa sarili ko.
Tumalikod na ko sa mga kaklase kong nagmamadaling mag-ayos ng gamit nila sa lamesa at lalabas na sana ng canteen ng makita ko ang grupo ng mga kaklase kong matatalino. Kumakain sila habang nag-aaral kaya hindi nila napansin na narito ako. Ito na ang ginawa kong daan para lumapit sa kanila na may ngiti sa labi.
"Hi," masayang bati ko sa kanilang apat.
Sabay-sabay naman nilang naibaba ang librang hawak nila at ang kutsara sa kanang kamay nila. Hindi lang 'yon dahil sabay-sabay din silang napalingon sa akin.
"Pwede bang makisali sa grupo n'yo sa gagawing cell biology? Promise hindi ako magpapabigat at tutulong ako. Kung gusto n'yo pwede rin tayo sa bahay namin na gumawa—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang silang tumakbo palayo sa akin. Iniwan pa nila ang mga bag, gamit at pagkain nila. Napakamot ako sa ulo ko habang pinagmamasdan sila na ang bibilis tumakbo palayo sa akin. Mukhang wala na talaga kong pag-asa nito. Nakakahiya naman kay sir Francoise.
"Alam niyang takot ang mga studyante sa kanya rito dahil sa papa niyang mahigpit na senador kaya bakit pa ba siya nakikisali?" narinig kong sambit ng kaklase kong babae sa likod ko.
Hindi ko na lang ulit pinansin at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Nagmumukha lang akong sardinas na pilit pinagsisiksikan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan na matakot sa papa ko porket ang plataporma nito ay magsugpo ng mga drug dealer at mga namumuno na ngungurakot. Takot ba silang madamay ang pamilya nila? Kung takot sila malamang gumagawa sila ng illegal.
"Ang unfair naman..." mahinang saad ko at lumikho papasok sa rest room ng mga babae.
Agad na nagtakbuhan palabas ang mga babaeng nag-aayos ng make up nila kaya ako na lang ang naiwan mag-isa sa loob ng rest room. Gusto ko ng lumipat sa ibang university pero natatakot ako na malaman ni papa at mama ang nararanasan kong diskriminasyon dito sa loob ng university. Ayaw ko rin naman iwanan dito ang professor na unang tumuring sa akin na isa akong normal na studyante kahit na siya ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayaon.
Ganito pala talaga ang pakiramdam ng normal na college student. Stuggle is real pero gustong-gusto ko naman.
"Alam n'yo, girls, si Cierra ang trying hard na ipagsiksikan ang sarili niya sa iba," natatawang sambit ng isang babae na kilalang-kilala ko.
Napatingin ako sa pintuan kung saan ko narinig ang boses na 'yon at pagkabukasn nito nakita ko kaagad ang pagpasok ni Ynah. Si Ynah na siya rin na narinig kong nagsalita. Sabi na nga ba at ayaw n'ya talaga sa akin.
"C-Cierra," gulat na gulat na saad niya sa akin.
Nakita kong natakot kaagad siya dahil alam niyang narinig ko ang sinabi niya. Napahawak ako ng mahigpit sa tote bag ko at naglakad papalapit sa kanya at binigyan ko siya ng isang ngiti.
"'Wag kang matakot, Ynah. Hindi ko naman sasabihin kay papa na ayaw mo talagang makipagkaibigan sa akin para hindi ka pagalitan ng daddy mo."
Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya kaya agad ko siyang nilagpasan. Ang papa ko ang tumulong sa daddy niya kaya nanalo ito bilang congresman. Malaki ang utang na loob sa amin ng pamilya niya kaya siguradong malalagot siya kapag nalaman ni papa ang sinabi niya. Pero ayoko ng malaking gulo kaya ititikom ko na lang ang labi ko.
"Ms. Celestino!"
Napalingon kaagad ako kay sir Francoise na siyang tumawag sa pangalan ko. Humahangos siyang naglakad papalapit sa akin habang nakangiti pa rin ako.
"Bakit po, sir?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa butil-butil na pawis mula sa noon n'ya.
Para siyang tumakbo ng napakalayo dahil sa pawisan niyang noo ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kapawis dahil palaging pa-cool ang datingan ng seryoso niyang mukha.
"May kailangan po ba kayo?" masayang tanong ko sa kanya.
Kahit na pinahihirapan ako ni sir sa paghahanap ng mga magiging kagrupo ko masaya pa rin ako sa tuwing magka-uusap kaming dalawa. Palagi naman siyang sarcastic kung kausapin ako pero sa kabilang banda ang saya-saya ko pa rin.
"I heard about you in the canteen. Are you okay?" he asked in a very somber tone.
Sobrang bilis talagang kumalat ng chismis dito sa Manila University. Iba talaga kapag mga taga-Manila. Pero nakakapanghinayang din kasi akala ko concern na siya sa akin pero sa nakikita ko sa kanya mukhang guilty lang siya dahil pinaghanap niya ko ng mga kagrupo ko at nagmukha akong kawawa kanina sa canteen.
"Hey, Ms. Celestino! I'm asking. Lumilipad na naman sa kung saan-saan ang isip mo!" anito at pumitik pa sa harapan ko.
"Ayos lang po ako, sir. Sanay na rin," nakangiting sambit ko.
Hindi naman na bago sa akin ang ganito. Hindi rin naman ako nasasaktan sa pag-iwas nila sa akin.
"Sa tingin ko sobra na sila. Mabuti siguro kung kakausapin na ang mga kaklase mo ng hindi ka na makatanggap ng diskriminasyon," seryosong saad niya.
Agad na nanlaki ang mga mata ko kay sir Francoise at sunod-sunod na napailing ang ulo ko.
"'Wag na po. Ayos lang talaga ko. Please po, 'wag na lang. Ayos na ayos lang po talaga ako. Sorry po talaga, sir. Aayusin ko na lang ang pakikipag-usap sa mga kaklase ko para mapapayag ko sila," pakiusap ko.
Hindi pwedeng kausapin ang mga kaklase ko dahil paniguradong malalaman nila mama at papa ang nangyayari sa akin dito sa university. Ayokong mag-alala pa sila sa akin lalo na si papa. Maraming inaasikaso si papa kaya ayokong dumagdag pa sa kanya. Mahal na mahal pa naman ako no'n at siguradong magagalit lang siya. Kilalang-kilala ko pa naman ang papa ko.
"Why are you saying sorry, Ms. Cierra? Wala kang kasalan dito. Masyadong malambot ang puso mo kahit na puro diskriminasyon naman ang natataggap mo. Hindi ka ba magrereklamo?"
"'Wag na po, sir. Sa inyo na rin po nang galing na pantay-pantay lang ang mga studyante rito. Baka ayaw lang talaga nilang makipag-close sa akin. Ayos lang po ako. Hindi n'yo naman po kaillangan na kaawaan ako ng ganito," naiilang na saad ko.
Hindi ko na magawang ngumiti sa harapan n'ya dahil pakiramdam ko isa akong madungis na tuta na dapat kaawaan. Hindi nga ko naaawa sa sarili ko kahit na palaging ganito ang eksena ko sa loob ng university pero siya awang-awa siya. Ayokong nakakatanggap ng awa lalo na sa kanya.
"May sasabihin pa po ba kayo, sir?" tanong ko kay sir Francoise na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Walang masyadong studyante na dumadaan sa gilid namin dahil halos lahat ay nasa canteen. Mabuti na rin 'yon dahil ayokong may makarinig pa ng usapan naming dalawa ng professor ko.
"Do your activity alone, Ms. Celestino. I will accept it even you do it alone."
Napataas ang kilay ko kay sir dahil kanina lang ayaw niyang pumayag at ang higpit pa nga ng tono ng pananalita niya kanina. Akala ko ba gusto n'yang bigyan ang mga studyante niya ng pantay-pantay na karapatan at pagtingin? Pero bakit pinapayagan na niya ko ngayon na gawin ang activity ng individual?
"Pumapayag na po kayo, sir—"
"Just do it, Ms. Celestino," matigas na sambit niya at tinalikuran ako pero hindi pa rin siya umaalis. Nakatalikod lang siya sa akin. "Ayokong nagmumukhang tanga ang studyante ko na pinagpipilitan ang sarili n'ya."
Naglakad na siya palayo sa akin habang laglag naman ang panga ko na pinagmamasdan ang likuran niya. Ayaw niyang mamukhang tanga ako? Ano ba talaga, sir?
Naaawa ka lang ba sa akin o concern ka na sa nararamdaman ko?