Episode 02

1782 Words
Cierra Maureen's POV Kumagat ako sa sandwich na baon ko pero sa bawat kagat ko parang hindi ko kayang lunukin at hindi ko malasahan ng maayos. Mag-isa lang naman akong kumakain dito sa likod ng garden pero ang isip ko nasa klase pa rin ni Mr. Dedales. Nakaupo ako sa isang bench at nakaharap sa maliit na fish pond. Hindi 'to madalas na puntahan ng mga tao kaya rito ko talaga piniling kumain. Hanggang ngayon punong-puno pa rin ako ng kahihiyan dahil sa mga sinabi niya sa akin at kung paano niya ko sarkastikong kausapin. Hindi ba niya alam na anak ako ng isang senador kaya kung bastusin na lamang niya ko ay wala siyang katakot-takot. Siguradong mas lalo pa kong nagmukhang katawa-tawa sa mga mata ng mga studyante rito sa Manila University. "Bakit kasi kailangan pa nilang mamahiya ng studyante? Madadagdagan ba ang natutunan namin kapag pinahiya nila kami?" tanong ko sa sarili ko at ibinibaba na ang sandwhich na hawak ko. Wala na talaga kong ganang kumain. Hindi ko na kayang ubusin ang pagkain na hinanda sa akin kaya uminom na lamang ako sa lemon juice ko. "Kainan na pala ngayon ang garden, Ms. Celestino." Mabilis akong napatayo sa bench ko at napalingon sa likuran ko kung saan ko narinig ang boses ng professor ko na kanina ko pa iniisip. Narito lang pala sa likod ang taong kanina ko pa iniisip. Nakatayo siya habang presentableng nakalagay ang dalawang kamay niya sa likod niya. "Bakit dito ka kumakain?" tanong nito sa akin at naglakad pa palapit sa akin. "S-Sorry po, sir. Hindi ko naman po kinakalat ang mga pinagkainan ko. Aalis na lang po ako," natatarantang sambiit ko dahil ito na naman ako at kinakabahan sa presensya niya. Mabilis kong inayos ang mga pagkain ko at ipinasok ito sa malaking shoulder bag ko kung nasaan ang mga gamit ko. Nararamdaman ko pa rin ang tingin niya kaya mas lalo akong nataranta sa pagliligpit ng pagkain ko. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Ms. Celestino. Bakit dito ka kumakain?" ulit niya sa tanong niya sa akin. Sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at tumayo ng diretso para salubungin ang kanyang tingin sa akin. Ang lapit niya sa akin at tanging ang bench lang ang pagitan naming dalawa. "W-Wala naman po kasi akong makakasabay na kumain kaya rito ko na lang piniling kumain. Wala rin naman po akong bibilhin sa cafeteria dahil may baon ako," magalang na sagot ko. Hindi kasi ako hinahayaan ng papa ko na bumili ng pagkain sa cafeteria kaya naman si mama ay pinaghahanda talaga ko ng baon ko. Alam kong weird dahil nasa third year college na ko pero gano'n talaga kahigpit ang papa ko sa akin. Iniisip niya lang ang kaligtasan ko kaya minabuti na lang nila na pabaunan ako ng bento box. "Mag-isa kang kumakain dito araw-araw?" tanong niya sa akin at naglakad paikot sa bench at naupo rito. Itinaas niya ang kanang tuhod niya at nagdekwatro siya habang ako at nakatayo sa kanyang harapan habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa bag ko. Gusto ko nang umalis at maghintay na lang sa classroom na susunod kong klase pero hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kanya. Ang dami kasing tanong ni sir. "Yes po, sir. Dedales," sagot ko sa kanya at napatango naman siya sa akin habang masuyong nakatingin sa akin. Napatikom ang bibig ko at hinintay ang susunod niyang tanong sa akin pero nakatitig lamang siya sa akin. Mabuti na lamang at wala talagang ibang studyante rito dahil baka mamaya bigla na naman akong kausapin ni Mr. Dedales na puno ng sarkasmo. "Aalis na po ako, sir," magalang na sambit ko at yumukod. Itinaas ko muli ang ulo at tatalikod na ng muli siyang magsalita. "Why are you leaving? You haven't finished eating yet, have you, Ms. Celestino?" What? Hindi ba niya alam na nakakailang kaya na kumain kasabay ang bagong professor. Lalo na ang professor na katulad niya na ipinahiya talaga ako sa harap ng mga kaklase ko. Bakit ba parang trip ako ni sir? Hindi ba niya talaga alam na anak ako ng isang senador? Iwas na iwas sa akin ang lahat pero siya parang gusto pa na palaging nakasunod sa akin. Dapat na ba kong matuwa na may professor ng hindi naiilang na kausapin ako pero sarcastic naman masyado kung kausapin ako. "Tapos na po akong kumain, sir. At may klase na rin po ako kaya kailangan ko nang umalis," magalang na sambit ko. Tumayo si Mr. Dedales mula sa silya niya at inilagay niya ang dalawang braso niya sa tapat ng dibdib niya. Napatingala tuloy ako sa kanya dahil sa tangkad niya. "Ms. Cierra Maureen Celestino, ang alam ko isang oras pa bago ang susunod mong klase," blangkong sambit niya. Hindi man lang ba siya marunong ngumiti kahit konti? Simula nang makita ko siya kanina palagi na lang seryoso ang mukha niya. May pinagdadaanan siguro ang taong ito kaya gano'n at hindi dapat ako manghimasok sa buhay ng professor ko kung bakit palagi na lang siyang seryoso. "Tama po kayo, sir. Isang oras pa po pero kailangan ko pa pong mag-aral para sa oral recitation namin," magalang na sagot ko sa kanya. Ang totoo niyan, wala naman talaga kaming recitation. Gusto ko lang makaiwas sa kanya dahil masyadong intimidating ang dating niya sa akin. Pinahiya niya kaya ako kanina. Nakalimutan na ba n'ya agad 'yon? "Tamang-tama, Ms. Celestino. Kailangan kong pumunta sa library pero hindi ko pa kabisado ang university sa lawak nito. Maganda siguro kung sasamahan mo ko sa library dahil mukhang kailangan mo rin mag-aral do'n." Pilit akong ngumiti sa kanya dahil mali pala ang palusot na ginawa ko. Dahil sa palusot ko kaya mas lalo tuloy siyang nagkaroon ng dahilan para samahan ko siya. "S-Sige po, sir," sambit ko. Tumalikod na ko sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa library na pinakamalapit sa amin. Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa tote bag ko ng maramdaman ko siya sa gilid ko. "Napahiya ka ba kanina sa klase ko?" diretsahang tanong niya sa akin habang sabay kaming naglalakad. Ibang klase ang professor naming bago ngayon. Straight to the point siya kung magsalita. Para bang barkada niya lang ang kausap niya pero seryoso pa rin ang mukha niya. Hindi ba siya naging isang studyante para hindi malaman ang nararamdaman ko kanina sa klase niya? "H-Hindi naman po, sir. S-Sanay na," utal-utal na sagot ko sa kanya. Pumasok kami sa building ng nursing department at naglakad sa pasilyo ng unang palapag para makarating sa dulo kung nasaan ang library namin. Tingin nang tingin sa amin ang mga studyante na nakakasalubong namin at binabati pa siya ng lahat pero hindi naman niya binabati pabalik ang mga studyante. "Sanay ng mapahiya ang anak ng senador?" tanong niya sa akin na bahagyang kinasinghap ko. Akala ko hindi niya alam na anak ako ng isang senador pero mukhang mali ako dahil kilala niya ako. Siguro dahil sa apilyido ko. "I thought I am the first that makes you feel embarrassed inside the classroom." This professor is handsome, but somehow, he has this attitude that everyone will hate, especially me. It seems he intentionally wants me to feel embarrassed in front of everyone. Isa kaya siya sa mga taong may galit sa papa kong senador kaya niya ko pinapahiya sa klase? Sigurado kong tuwang-tuwa siya kapag nalaman niyang siya ang unang namahiya sa akin sa klase kaya hindi ko na lang aaminin na siya nga ang unang namahiya sa akin. "Alam n'yo po, sir, sana 'yong mga studyante rito sa university katulad mo," saad ko habang nakatinging ng diretso sa nilalakaran namin. "Kinumpara mo pa talaga kong bata ka hah," aniya. Agad ko siyang nilingon habang umiiling ang ulo niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko dahil mukhang lumabas pa na kinukumpara ko siya. "Sorry po, sir. Naisip ko lang naman po na kung ang mga kaklase ko ay katulad n'yo na walang takot sa akin kahit na anak ako ng senador baka marami na kong kaibigan," saad ko. Ang papa ko naman ang senador at hindi ako. Hindi rin naman kami na ngangain ng tao kaya bakit ba takot na takot sa akin ang mga tao na lumapit at makipag kaibigan? "Takot na lumapit sa'yo ang mga kaklase mo? 'Yang mukhang 'yan kinatatakutan nila?" Sabay kaming huminto sa paglalakad ni sir Francoise nang makarating kami sa tapat ng library kung saan may pila bago makapasok. Kailangan kasi munang mag fill-up ng form bago pumasok sa loob. "Bakit sila natatakot sa mga taong may kapamilya sa pulitika? Pantay-pantay lang naman ang mga tao. Pare-parehas tayo ng lupang tinatapakan at pare-parehas pa rin naman tayong mamatay sa huli." Tulala ako kay sir dahil sa sinabi niya. Kaya siguro wala siyang katakot-takot na ipahiya ako sa klase dahil ganito siya kung mag-isip. Baka nga hindi siya anak ng isang artistang si Mario Dedales at kaapilyido niya lang 'yon. Sa tingin ko kasi rito kay sir mukha siyang galing sa mahirap na pamilya. Sa bawat taon ko rito sa Manila University, ngayon pa lang ako nakaramdam ng pantay na pagtingin mula sa professor ko. Ang ibang professor kasi ay parang VIP kung ituring nila ako ng dahil lang sa may share ang papa ko sa paaralan na 'to at isang pa siyang senador. Pero si sir Francoise kakaiba. Ayaw na ayaw ko pa naman na may special treatment na natatanggap galing sa mga professor. Kahit pa paano ay nawala ang pagkailang ko sa kanya ng dahil sa nangyaring pamamahiya niya sa akin. Ang gaan na lang bigla ng pakiramdam ko ngayong nasa harapan ko siya dahil sa sinabi niya. Ang saya-saya ko na hindi siya natatakot na lumapit sa akin hindi katulad ng ibang professor ko. "Thank you po, sir," masayang sambit ko. "Para saan ka naman nagpapasalamat? Dahil sa pamamahiya ko sa'yo?" tanong niya sa akin at inayos ang salamin niya sa mata. "Hindi po, sir. Nagpapasalamat po ako sa inyo kasi hindi kayo natakot na lumapit sa akin at tinuring n'yo ako bilang isang normal na studyante rito." Ngayon pa lamang ako ngumiti ng abot tenga sa loob ng university namin at dahil 'yon kay sir Francoise. Ang tagal kong hinintay na may taong ituturing akong normal at hindi special bukod kila Minton. Sa isang professor ko lang pala makikita 'yon. "Normal ka naman hah. Hindi ka naman abnormal, Ms. Celestino," anito at ginulo ang buhok ko tsaka naglakad papunta sa front desk ng library na wala na palang nakapila ngayon. Pinagmasdan ko na lamang ang professor ko na nakatalikod sa akin at ngayon bigla kong hiniling sa sarili ko na sana naging kaklase ko na lang siya kesa maging isang professor ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD