Cierra Maureen's POV
Bawat paghakbang ng mga paa ko sa napakaputing tiles parang hinuhubaran ng mga tao ang pagkatao ko. Sa araw-araw na naglalakad ako sa napakahabang hallway ng Manila University, palaging ganito ang eksena. Hiniling ko na nga lang na sana maging invisible ako sa kanilang lahat.
Ang hirap maging isang anak ng senador na palaging kinukutya ng lahat. Wala naman akong nakikitang mali sa paninilbihan ng ama ko bilang isang senador pero ang mga tao sa paligid ko ay iwas na iwas sa akin. Mabait ang papa ko kaya hindi ko magawang isisi sa kanya ang nararanasan ko na diskriminasyon sa paaralan na 'to. Hinahayaan ko na lang dahil kaya ko pa naman.
"Cierra!"
Hindi na ako nagulat ng bigla na lamang sumulpot sa harapan ko ang isang lalaki na matangkad sa akin ng limang pulgada.
"Minton," nakangiting sambit ko at pinagpatuloy lang ang paglalakad para sa susunod na subject ko na Biochemistry. Third year college na kasi ako at nursing ang gusto ko para sa papa ko. Wala kasing tiwala si papa sa mga nurse kaya gusto ko na ako ang maging personal nurse niya.
Kaya nakakaya kong pagtiisan ang mga pag-iwas sa akin ng mga ibang studyante rito sa university dahil narito si Minton. Anak din kasi siya ng isang senador katulad ko pero siya naman ay maraming kaibigan na kapwa niya lalaki.
"Tinatamad na kong mag-aral. Pwede bang mamatay na lang?" sambit sa akin ni Minton.
Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil ito naman palagi ang sinasabi niya sa tuwing magsasalubong kami sa hallway ng university.
"Katatapos lang ng first sem natin oh. Konting tiis na lang naman," mahinang saad ko.
Maraming tao ang gustong mag-aral sa university namin kaya hindi dapat siya nagsasalita ng ganyan. Mahalaga pa rin ang edukasyon para kahit saan ma makarating may ipagmamalaki ka. Tsaka ang daming tao na gustong mabuhay ng matagal tapos siya hindi niya man lang alam kung paano pahalagahan ang buhay n'ya?
"Hindi mo naman kasi ako kagaya na masipag," aniya pa.
Napairap na lamang ako sa kanya ng bigla na lang may isang babae na tumabi rin sa akin. Sabi na nga ba at tatabi ito sa akin lalo na at katabi ko na naman sa paglalakad si Minton.
"Hi Cierra! Hi Minton!" bati sa amin ni Ynah habang may nginunguya pa itong bubble gum at putok na putok ang labi niyang pulang-pula.
Parang gusto ko na lang tumakbo para lang makarating agad sa classroom ko. Naiilang kasi ako kay Ynah. Anak kasi siya ng congressman at alam kong dumidikit lang siya sa akin kapag kasama ko si Minton na gusto niya at dahil na rin inuutusan siya ng daddy niya. Kasangga kasi ni papa ang daddy ni Ynah sa pulitika at ayokong kaibiganin siya dahil alam kong hindi ako ang tipo niyang gawing kaibigan.
Ang mga tipo kasi ng tulad ni Ynah ay 'yong mga babaeng maiikli ang suot at kinulang sa tela. Gusto niya rin ang babaeng palaging nakaayos at puno ng make up ang mukha. Gano'n kasi ang mga nakikita ko sa mga kaibigan na kasama n'ya. Ayoko naman pilitin ang sarili ko at baguhin ang style ko para lang sa kanya.
Komportableng-komportable na kasi ako sa suot kong ripped jeans at plain blouse na pinaresan ng flat shoes.
"Una na ko, Cierra," pagpapaalam sa akin ni Minton at bigla na lamang siyang lumiko sa kaliwang pasilyo. Pagkalingon ko naman sa kabilang bahagi ko kung nasaan si Ynah, wala na kong makita.
Nagpakawala ako ng hangin at lumiko na lamang ako sa kanang bahagi ng pasilyo at nakayukong naglakad patungo sa pintuan ng classroom namin. Nang makita ko na ang pinto ng classroom namin, humito ako sa paglalakad at hinawakan ang pihitan.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng may humawak sa kamay kong nasa doorknob. Isang mabilis na kuryente ang dumaloy sa katawan ko bago ko inalis ang kamay ko sa doorknob. Agad kong itinago ang kamay ko sa likod ko at napatingala sa taong humawak sa kamay ko.
Laglag ang panga ko nang makita ko ang isang napakatangkad na lalaki sa harapan ko habang suot nito ang isang salamin sa mata na mas nakagwapo sa kanya. Hindi siya nagmukhang nerd dahil mas nagmukhang seryoso ang hugis puso niyang mukha.
"Ah sorry," nahihiyang sambit ko at napalunok ng sariling laway bago pa ito tumulo.
Sobrang tangos ng ilong niya at may pinagkakapitan talaga ang salamin sa mga mata niya. Ang mapupungay naman niyang mga mata na nakatingin pa rin sa akin ngayon habang ang dalawang kilay niya na nakataas na para bang inaantay ang mga susunod ko pang sasabihin. Ngayon ko lang siya nakita rito.
"Hi po. Ang gwapo mo," diretsahang saad ko ng punong-puno ng paghanga sa kanya. "Bago ka rito? Nursing ka rin?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Pero tanging blangkong ekspresyon lamang ang natanggap ko mula sa kanya. Nabalik ako sa realidad nang mapagtanto ko na iniiwasan pala ako ng mga tao rito dahil anak ako ng senador. Kaya siguro hindi siya makasagot. Bakit ba kasi masyado akong naging exaggerated nang makita ko siya.
"Sorry talaga," nahihiyang sambit ko at binuksan na ng tuluyan ang pintuan.
Napakagat labi ako dahil sa kahihiyan. Dire-diretso lang ako sa pagpasok sa classroom namin at nagtungo sa pinakadulong bahagi kung saan walang masyadong studyante. Hinubad ko kaagad ang bag ko at naupo na sa silya.
"Nakakahiya. Bakit ba kasi kinanusap ko pa siya?" bulong ko sa sarili ko habang umuugoy ang tuhod ko sa kaba.
Nakalimutan ko na wala nga pa lang gustong kumausap sa akin dito maliban kila Minton. Nakalimutan ko ng dahil lang nakakita ako ng gwapong katulad niya?
Bumukas muli ang pintuan na pinasukan ko at nakita ko ang lalaki na pumasok na rin. Pinagmasdan ko ang perpekto niyang paglalakad na nagbigay katahimikan sa lahat ng studyante na nasa loob ng classroom na 'to. Lahat ay gulat sa kanya dahil bago lang siya rito.
"Good Afternoon," tipid na saad niyo at inilapag ang mga gamit na dala niya sa professor table.
Mas lalo akong nahiya dahil professor pala siya. Siya pala ang bagong professor na sinasabi sa amin noong nakaraan. Hindi kasi halata sa kanya na isa siyang professor. Mukha lang siyang college student.
"I am Francoise Shawn Dedales, your new professor in biochemistry." Tipid na pagpapakilala nito sa amin.
Nakakatakot ang tono ng boses niya dahil punong-puno ito ng otoridad. Kahit ang mga kaklase kong babae na palaging bastos sa mga professor ay natameme. Hindi ko alam kung natakot ba sila kay sir Dedales o baka nahulog na rin sila sa kagwapuhan ng bago naming professor.
"Sir, anak po ba kayo ng artista?" tanong kaklase kong lalaki. "Si Mario Dedales. 'Yong action star," dagdag na sambit pa nito.
Tinignan lang siya ni Sir ng blangkong ekspresyon at hindi sinagot ang tanong. Natahimik muli ang buong klase na para bang may dumaang isang daang anghel.
"I don't attend to any of you to ask about my personal life. I am here as your professor in biochemistry, and we are not on a talk show."
Sabay-sabay kaming napatango ng mga kaklase ko sa kanya. Hindi ko mabuka ang bibig ko dahil mukhang panibagong mahigpit na professor na naman ang kakaharapin ko sa bawat araw.
"I want to know all of you because I am your new professor. Anyone want to start introducing themself?" he asked.
I can't help myself but stare at him. He has eyes that so severe and perfect jawline. Somehow, I want to touch every part of his face. I will admit to myself that I want a handsome guy like him. All of the boys in my generation are a jackass, even the uglier ones. So, I will choose to be with a handsome guy.
Mas maiging magpaloko sa gwapo kesa sa pangit na lolokohin ka rin naman. Ang hirap pa naman makakita ng lalaki na katulad ng papa ko.
Sayang nga lang pero siguradong iiwasan din ako nito tulad ng ibang professor ko na alam na anak ako ng isang senador. Hindi lang 'yon dahil professor ko rin siya kaya mas lalong hindi pwedeng maka-date ang tulad niya. Baka rin magalit sa akin ang papa ko.
"Do you want to begin to introduce yourself?"
Bigla akong napatayo sa sobrang gulat ko nang magsalita siyang muli habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakalingon na pala sa akin lahat.
"A-Ako po ba?" nag-aalangan na tanong ko.
"Nakatayo ka na. Malamang ikaw nga," sambit nito na punong-puno ng sarkastiko.
Narinig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko kaya mas lalo akong nahiya. Ngayon ko lang na experience na mapahiya ng ganito. Siya ang kauna-unahang professor na namahiya sa akin.
"I am Cierra Maureen—"
"Did I allow you that you can start to introduce yourself?"
Mas lalo akong napahiya sa sinabi niya. Ang panginginig ng tuhod ko ay nagsimula na at ang pintig ng dibdib ko sa kaba ay mas dumoble pa. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko lalo na ng magsimula siyang maglakad papalapit sa akin.
Sabi nila hindi raw kumpleto ang college life mo kung hindi ka napahiya ng professor mo. So, ngayon kumpleto na ang college life ko.
Parang gusto kong kunin ang bag ko at tumakbo palabas ng klase ng huminto siya sa pinakaharapan ko.
"Relationship status?" he asked directly to my face.
I can't understand why he is asking about my relationship status. For what? Will he give me a high grade if I answer the first question? By his first question, it looks like we are on a blind date.
"I am single," I answered.
Muntikan na kong pumiyok pero mabuti na lamang at napigilan ko. Napalunok ako ng laway ko ng humakbang pa siya ng isa papalapit sa akin.
"Age?" he asked again.
"Twenty-one," tipid na sagot ko.
Ayoko ng habaan pa ang isasagot ko sa kanya dahil baka pumiyok na talaga ko. Nakakahiya 'yon at siguradong madadagdagan lang ang kahihiyan ko.
"And name?"
"Cierra Maureen Celestino po," magalang na pagsagot ko sa kanya.
Sinalubong ko pa rin ang tingin niya at hindi nagtangka na mag-iwas. Ayaw na ayaw ng mga professor na wala sa kanila ang tingin ng studyante kapag kinakausap nila ito kaya naman pinanatili ko ang mga mata ko sa kanya hanggat kaya ko.
"That's good to hear, Ms Celestino. Next time, 'wag sanang matutulala kapag may nakitang gwapo. Hindi ka mapapakain ng gwapo lang."