NAGPATULOY si Chelle sa daily routine nito sa loob ng unit ni Leon. Kung saan dinaig pa nito ang preso na hindi pinapalabas ni Leon. Kahit mag-grocery ay iniuutos na nito sa mga bodyguard nila. Para siyang dagang nakakulong sa lungga ng isang lion na inaalipin siya dahil sa kanyang itsura. Napapadalas na rin na napapanaginipan ni Chelle ang eksena kung saan tumalon ito sa dagat mula sa yate. Kaya nakatitiyak na itong. . . totoong nangyari ang eksenang iyon sa kanya. ISANG umaga. Napabalikwas si Chelle na makadama ng tila hinahalungkat ang sikmura nito. Panay ang duwal nito takip ng palad ang bibig na tumakbo ng banyo. Mahigpit na napakapit ito sa gilid ng countertop habang dumuduwal sa sink. Inaasahan naman na nitong makakadama siya ng symptoms ng pagbubuntis nito katulad ng pagsusuka