NANGINGITI sa isip-isip si Chelle na dinala siya ni Leon sa isang exclusive restaurant! Pagdating nila sa Edzel's Restaurant, isa sa mga kilalang restaurant ng pamilya Montereal. Naunang bumaba ng kotse si Leon na umikot sa gawi nito. Nangingiti namang inabot ni Chelle ang kamay ni Leon na nakalahad sa kanya. "Careful, sweetheart," malambing saad ni Leon na kaagad yumapos sa baywang nito. Ni hindi niya alintana ang mga taong nakatingin sa kanila. Ang iba ay nakikilala ito at pasimple na ring kinukunan na sinasaway ng mga bodyguard nito. "Hindi ba't masyadong mamahalin dito?" bulong ni Chelle na pumasok na sila ng restaurant. Sa gara ng lugar ay masasabi mong hindi basta-basta ang presyo ng mga pagkain doon! "Nah, it's okay, sweetheart. Anything for you," sagot ni Leon na ikinalapat