Chapter 10

2004 Words
NAUNANG bumangon si Chelle kay Leon. Mabuti na lang at nahihimbing pa rin ito na makagisnan nito. Mapait itong napangiti na marahang hinaplos sa pisngi ang asawa. Mag-iisang buwan na silang nagsasam pero ngayon lang niya naranasang humiga sa kama ni Leon at bonus pang. . . may namagitan sa kanilang dalawa. "Sana magawa mo ring mahalin ang tunay na ako, Leon. Hindi 'yong panlabas ko lang na anyo," bulong nito na magaang hinagkan sa noo ang asawa. Ilang minuto pa itong nanatili sa bisig ni Leon. Nakadapa kasi ito sa ibabaw ni Leon at damang-dama ang nakabaong kargada ng asawa sa loob nito. Maingat nitong hinugot ang sarili na tumayo. Mabuti na lang at hindi siya naramdaman ni Leon dala na rin marahil ng nainom nito. Maingat itong bumaba ng kama at pinulot ang nagkalat na damit sa sahig bago lumabas ng silid. Nagtungo ito sa banyo na naglinis ng katawan kasabay. . . ng pagdi-disguise nitong muli. Mag-uumaga pa lang kaya napagpasyahan nitong matulog pa sa sofa. Tiyak na kapag nagising si Leon ay magtataka ito na wala siya sa unit kaya kailangan niyang umarteng nandoon lang siya sa unit. NASA kasarapan ng tulog si Chelle nang may mapanaginipan ito mula sa kanyang nakaraan! Nanigas ito na makita ang sarili na nakagapos sa isang silya at nasa madilim na silid! Malabo man ang mga mukha nila sa panaginip nito pero malinaw naman sa kanya na nakikita ang mga naganap sa loob ng silid na iyon. Kung saan inakit nito ang isang lalakeng may armas at buwis buhay na nilabanan nang makalasan na nito ng tali ang dalaga. Pabaling-baling ng ulo si Chelle na namumuo na rin ang butil-butil nitong pawis sa noo at leeg! Kunot ang noo na pilit inuunawa ang mga kaganapan! Kitang-kita nito na nakipag palitan pa ng putok ng baril ang sarili na nakikipag laban para sagipin ang buhay. Pero sa huli ay. . . pinili nitong tumalon sa madilim, malamig at malalim na dagat! "Hwag!!" Napabalikwas ito sa higaan na pinigilan ang sarili sa panaginip nito na hwag tumalon ng dagat. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib nito at naliligo na rin ng pawis kahit malamig ang silid! Nagtungo ito ng kusina na kumuha ng malamig na tubig na ininom. Sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib nito na parang totoong nangyari ang napanaginipan! Magmula noong magising siya sa hospital na walang maalala maski pangalan niya ay ngayon lang siya nanaginip ng gano'n! Na tila konektado sa buhay niya ang pangyayaring iyon. Napasapo ito sa ulo na nanghihinang napaupo ng silya. Inaalisa ang mga napanaginipan baka sakaling maalala iyon ng isipan kung nangyari ba o hindi? Napayuko ito na tumulo ang luha. Heto na naman ang puso nito na parang pinipiga. Damang-dama niya ang malaking puwang sa puso niya na nangungulila. Hindi naman niya matukoy kung ano o sino ang pinangungulilahan ng puso nito. Na dama nitong maraming kulang sa kanya. At hanggang wala siyang maalala ay wala siyang magagawa kundi ang magtiis sa kamay ni Leon. "Chelle, sino ka ba kasi talaga?" piping usal nito. Naniniwala naman siya sa ina na nasa panganib ang buhay niya kaya siya nito tinatago. Lalo na't wala itong matandaan sa kanyang nakaraan. Hindi nito matiyak kung sino ang mga kakampi niya. . . at totoong kaaway. Napahilot ito sa sentido na parang tumutugma ang kwento ng Nanay Lorna nito na natagpuan na lamang niya ang katawan nitong palutang-lutang sa dagat at sa napanaginipan nitong. . . tumalon siya sa dagat! "No way. Hindi kaya. . . nangyari talaga iyon? Kung gano'n. . . nasa panganib nga ang buhay ko. Pero sino. . . ? Sino ang gustong magpapatay sa akin? Sino ba kasi talaga ako? Bakit gusto nila akong patayin?" sunod-sunod nitong tanong na natutulala sa kawalan. NAPABALIK ang ulirat nito na marinig ang pagkatok ni Leon sa mesa. Saka lang nito napansing maliwanag na pala! Bagong gising pa lang si Leon na kitang inaantok pa. Sabog-sabog pa nga ang buhok na tanging boxer brief lang ang suot. "Kape ko," malamig nitong utos na napakalalim ng baritonong boses. "S-saglit lang po, Sir." Nauutal nitong sagot. Kkahit nababalisa pa rin siya sa mga napagtatagpi-tagpi sa isipan ay pilit itong umakto ng normal sa harapan ni Leon. Ayaw naman nitong maghinala sa kanya ang asawa at baka mabisto pa nito. . . ang totoong itsura niya. "Kape niyo po, Sir." Magalang saad nito na maingat inilapag sa harapan ni Leon ang kapeng tinimpla nito. "Uhm, S-sir Leon?" "What?" malamig nitong tugon na napasimsim ng kape nito na sinasabayang magkape ng pandesal. "Ah. . . lalabas po kasi ako mamaya. Para sa. . . ob GYN check-up ko." Pagpapaalam nito. Napahinga ng malalim si Leon na walang emosyon ang mga matang napatitig dito. Napalunok naman si Chelle na kaagad nagbaba ng paningin. Hindi matagalan ang matiim na pagtitig sa kanya ni Leon. "No need." "Pero kailangan ni baby na monthly ko siya dadalhin sa ob doctor ko, Sir." "Dito ka lang. Tawagan ko na lang ang doctor mo na puntahan ka dito. Hindi mo kailangang lumabas, okay?" pagalit na saad ni Leon na ikinaatras nito bahagya. "S-sige po, S-sir." Nauutal nitong sagot na napapayuko. "Tsk. Siguraduhin mong inaalagaan mo ang anak ko, Chelle. Oras na may mangyari d'yan? Ililibing kita ng buhay. Kuha mo?" "Opo, Sir!" kaagad nitong sagot na may kasamang pagtango-tango. Napairap naman si Leon dito na inubos ang kape bago bumalik ng silid. Kung hindi lang kumakalam ang sikmura ay hindi pa sana ito babangon ng kama. Muli itong humilata na napaunan sa kanyang braso. Nakanguso na nakamata sa kisame. "Ang weird. Bakit parang may iniuwi akong babae kagabi? Damang-dama ko namang may nakaniig ako dito sa unit ah. Hwag naman sanang. . . si Chelle iyon na gumanda sa paningin ko dala ng kalasingan ko katulad noong una?" usal nito na umasim ang mukha. Iisipin niya pa lang na hinalikan nito ang asawa ay para na itong maduduwal sa pandidiri! "No way. Damnit!" asik nito na nag-igting ang panga. Hindi ito mapakali sa kama. Pagulong-gulong ito na kahit gustong matulog ay hindi naman siya dalawin ng antok. Muli itong bumangon na lumabas ng silid. Naabutan naman nito si Chelle na abala sa paglilinis ng sala. Napasandal ito ng pinto. Humalukipkip na matamang pinapanood ang pagkilos ni Chelle. "Sexy kaya siya sa likod ng Manang niyang kasuotan?" piping usal nito na nakamata kay Chelle na abalang nagma-mop ng sahig. As usual ay nakasuot ito ng maluwag na t-shirt na kupas at mahabang palda. Kung titignan naman nito ang kamay ni Chelle ay maputi ito. Naalala naman nito ang itsura ni Chelle noong nakaraan. Kung saan naka-short ito. Doon lang niya nakita na makinis at maputi ang bilugang mga hita ng dalaga. Maging ang hinaharap nitong may kalakihan na bumabakat noon sa basang damit nito. Napatuwid ito ng tayo na pinapanood pa rin si Chelle. Inaaral ang kilos nito at ang hugis ng katawan. Hindi kasi nito makabisa kung anong size ng cocomelon nito dahil palaging maluwag ang mga damit. Kaya hindi rin niya mawari kung may kurba ba ito sa baywang o wala. "May kailangan po kayo, Sir?'' Napakurap-kurap ito na magsalita ang dalaga sa harapan niya. Sa lalim ng iniisip nito ay hindi namalayang tapos ng maglinis ni Chelle na ngayo'y nakatayo na sa kanyang harapan. "Ahem! Maglinis-linis ka din kaya ng katawan mo, hmm? Papupuntahin ko dito ang family doctor namin. Magkaroon ka naman ng hiya," ismid nito na muling pumasok ng silid. Mapait na napangiti si Chelle na napasunod na lamang ng tingin kay Leon na pumasok ng silid at pabalang isinarado ang pinto. "Hindi ka pa ba sanay, Chelle? Ano pa nga bang aasahan mo sa kanya?" kastigo nito sa sarili. Matapos mailigpit lahat ng mga ginamit nitong panglinis ng unit ay naligo na ito dahil naliligo na rin siya ng pawis. Tapos naman na ang gawaing bahay nito kaya pwede na niyang asikasuhin ang sarili. Pagkatapos nitong makaligo at disguise muli ay lumabas na siya ng laundry room. Sakto namang dumating na ang bisita nilang ob GYN doctor na kasalukuyang kausap ni Leon sa sala. "Good am po, Doc." Magalang pagbati nito na ikinangiti at tango ng doctor na babae. Kitang nagpapa-cute pa ito kay Leon na hindi niya alam kung napapansin ni Leon o maang maangan lang. Naupo ito sa tabi ng doctor na kaharap si Leon. "Anyway. . . Eunice, this is Chelle my personal maid. She is two months pregnant now. Chelle, meet Doc Eunice. She is your ob GYN doctor from now on," pagpapakilala ni Leon sa kanila sa isa't-isa. Napalunok si Chelle na kahit inaasahan na nito kung ano siya kay Leon ay hindi nito maiwasang masaktan na sinabi ni Leon ng harapan na. . . katulong siya nito. Matamis namang ngumiti ang doktora kay Chelle na kinamayan pa ang dalaga. Magiliw na nakipagkilala dahil pinapanood sila ni Leon. Kaagad nitong sinuri ang mga vital signs ni Chelle at maayos naman ang lahat dito. Iniwanan na lamang niya ng vitamins at calcium para sa kanila ni baby. Tinandaan naman ni Chelle ang mga ibinilin sa kanya ng doctor nito na nangakong buwan-buwan itong dadalaw para i-monitor ang improvement ng baby ni Chelle. "Uhm, Leon. Pwede mo ba akong ihatid sa parking, hmm?" paglalambing ni doktora Eunice dito na ngumiti at tumango sa doktora. "Sure." Walang pag-aalinlangang pagpayag nito na basta na lamang iniwan ang asawa. Mapait na napangiti si Chelle na nangilid ang luhang napasunod ng tingin sa dalawa. Kaagad din kasing yumakap sa braso ni Leon ang doktora na inakay ni Leon palabas ng kanilang unit na hindi manlang umangal. . . ang kanyang asawa. "Hwag kang magselos doon, Chelle. Wala kang karapatan kay Leon kahit ikaw ang asawa. Wala kang. . . halaga kay Leon," kastigo nito sa sarili na nagpahid ng luha. Pilit nitong nililibang ang sariling isipan pero. . . sadyang sa dalawa ang laman ng isipan nito. Na parang nakikinita pa niya ang ka-sweet-an ng dalawa. Para siyang sinasaksak sa puso sa kaisipang. . . kaya naman ni Leon maging mahinahon at clingy na tao. 'Yon nga lang ay sa mga magaganda lamang. At bilang si Chelle na nerd at Manang na na napangasawa ay hindi siya kabilang sa mga babaeng 'yon. Mapait itong napangiti na nahaplos ang puson. Tumulo ang butil-butil niyang luha na hindi mapigilang masaktan sa sitwasyon. Kahit gusto na lamang niyang lumayo kay Leon ay hindi niya naman malaman kung saan tutungo. Alam ni Leon ang probinsya nila. At bukod sa kanyang ina na nasa mansion ng mga Madrigal ay wala na siyang ibang mapuntahan. Natatakot naman itong maglayas dahil wala siyang kaalam-alam dito sa syudad. Kaya kahit nahihirapan siya sa poder ni Leon ay wala siyang ibang pamilian kundi. . . ang magtiis at hintaying magsilang siya. Doon pa lamang ito magkakaroon ng kalayaan. Kapag naisilang na ang anak nila ni Leon at saka siya nito tuluyang hihiwalayan na dala. . . ang anak nila. "Anak, patawarin mo si Nanay, ha? Kung ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa'yong hindi mo ako makakasama sa iyong paglaki. Kahit gustuhin ko man ay wala naman akong magagawa. Mas mapapabuti ang buhay mo kapag nasa poder ka ng ama mo. Mabibigyan ka niya ng maayos na buhay. Lahat ng gustuhin mo ay kayang ibigay ng Daddy Leon sa'yo. Hindi katulad ni Nanay na mas mahirap pa sa daga. Kaya gano'n na lamang kung kutyahin ng Daddy. Mahal na mahal kita, anak ko. Sana paglaki mo. . . hindi ka kasing arogante ng ama mo," pagkausap nito sa anak na panay ang pagtulo ng luha. Mariing napapikit si Chelle na ilang beses huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Napalingon ito sa gawi ng pinto. Ilang oras na ang nakakalipas pero. . . wala pa ring Leon ang bumabalik. Napalapat ng labi si Chelle na sumagi sa isipan ang dahilan kung bakit hindi pa rin bumabalik si Leon. Hindi niya yata lubos maisip na. . .may ibang babaeng pinapaligaya na naman ng asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD