Chapter 2

3009 Words
NAPAPANGUSO ang binata habang nasa kalagitnaan ng dagat. Malayo ang tanaw ng mga mata nito na malalim ang iniisip. Stressed na ito sa halos isang buwan niyang pagresolba sa naging problema sa kumpanyang pinamumunuan nito kaya nagbakasyon na muna ito malayo sa lahat. Walang direksyon kung saan ito pupunta kaya sa dagat na lang siya lumayag sakay ng yate nito. Dito kasi ay tahimik. Maganda at payapa ang paligid. Higit sa lahat? Malayo sa mga tao. Wala kang ibang maririnig kundi ang paghampas ng mga alon. Inihinto nito sa gitna ng dagat ang yate at lumabas ng cabin na may dalang isang bote ng whiskey. Napakagwapo niyang tignan sa suot na puting polo at itim na short habang nakabukas ang mga butones ng polo nito at may suot na shades dahil may kalakasan ang ihip ng hangin. Napangiti itong inilibot ang paningin sa paligid. Kahit ang tila walang hanggang asul na dagat lang naman ang nakikita nito. Maaliwas kasi ang panahon kaya kalmado ang dagat. Pakiramdam niya ay unti-unting natatangay ng mga alon ang pagod at stressed nito sa nagdaang buwan. Palagay ang loob at gumagaan ang bigat sa dibdib nito. Naipilig nito ang ulo sa akmang pagtungga nito sa bote ng whiskey ay may nahagip ang mga mata nitong bagay sa 'di kalayuan! Napakurap-kurap pa itong nagtanggal ng shades sa mata para malinaw na makita iyon at hindi nga siya nagkakamali! "Fvck! Sinong walanghiya ang nagtapon ng katawan ng babae dito sa dagat!?" bulalas nito na makumpirmang babae nga ang palutang-lutang sa 'di kalayuan! Mabuti na lang at puti ang gown nito na umangat kaya kapansin-pansin kahit sa malayo. Walang katakot-takot na nag-dive ang binata sa malalim at kulay asul na dagat na nilangoy ang kinaroroonan ng dalagang wala ng buhay. Nang maabot na niya ang dalaga ay kaagad itong yumapos sa may dibdib nito at buong lakas na hinila palangoy sa kinaroroonan ng yate nito. Kahit nangangalay na ang mga braso nito at mukhang patay na ang dalaga ay kinuha niya pa rin ito na dinala sa yate. Hinihingal at pabagsak itong napahiga sa sahig na maipasok din ang dalaga sa loob ng yate. Nang makabawi-bawi ito ng lakas ay kaagad itong bumangon na sinuri ang dalaga. "W-wait. . . she looks familiar," bulalas nito na napatitig ng matiim sa dalagang namumutla na ang itsura. Naipilig nito ang ulo na inaalala kung saan nga ba niya nakita ito. Pero kung itsura at pananamit ng dalaga ang pagbabasehan niya ay tiyak itong hindi ito ordinaryong tao lang. Kita kasi sa kasuotan at itsura ng dalaga na mula ito sa kilalang angkan. Kung hindi siya nagkakamali ay ang dress na suot nito ay limited edition lang sa isang kilalang clothing shop abroad! "H-hey," anas nito na sinuri ang palapulsuan ng dalaga. Pero hindi na niya maramdaman ang pulso nito. Napayuko ito na itinutok sa ilong ang tainga at pinapakinggan kung humihinga pa ito pero parang hindi na. Napapalunok itong inilapat ang palad sa dibdib ng dalaga. Mariing napapikit na dinadama ang pulso nito at halos lumuwa ang mga mata na maramdamang tumitibok pa ang puso ng dalaga pero sobrang hina na! "Fvck! She's alive!" bulalas nito na kaagad umayos ng upo at sinimulang i-CPR ang dalaga. "C'mon, honey. Kaya mo 'yan. Come back to life. You're safe now," pagkausap nito na patuloy sa pagbomba sa dibdib ng dalaga at panay din ang pagbuga niya ng hangin sa loob ng bibig nito. Kahit nangangalay na ang mga braso niyang nagbobomba sa dibdib ng dalaga ay hindi niya ito sinukuan. Patuloy siya sa pagbuga ng hangin sa bibig nito na hindi tinatantanang ibomba ito sa dibdib hanggang sa. . .napaubo ang dalaga at sumuka ng tubig. "Fvck! Jesus!" bulalas nito na napalupasay sa sahig at naghahabol hininga. Nakahinga ito ng maluwag na napangiting napatitig sa dalagang nawalan muli ng malay. Pero kahit paano ay normal na ang paghinga nito na unti-unting bumabalik ang kulay ng magandang mukha. Maingat niya itong kinarga na ipinasok sa silid. Hindi niya ugaling mag-asikaso ng babae pero dahil wala siyang ibang kasama sa yate ay wala itong choice kundi asikasuhin ang dalaga. Kumuha ito sa kanyang locker ng pajama, boxer at tshirt nito bago bumalik sa daalagang nahihimbing sa sofa. Kagat ang ibabang labi na binihisan niya ito at saka lang napansin na may tama ito ng baril sa likuran at may malaking sugat sa ulo nito! Hindi niya nabigyan pansin ang mga iyon kanina dahil mas inuna niyang sagipin ito. Matapos niya itong mabihisan ay muling kinarga na dinala sa kama. Awa ang nararamdaman nito sa dalaga. Mukha kasing ini-salvage ito ng mga salarin at tiyak niyang malaki ang kinalaman ng katayuan nito sa buhay kaya siya ipinatumba at itinapon na lang basta ang katawan nito sa dagat para hindi na mahanap ng pamilya nito. Bihasa ang binata sa panggagamot. Hindi siya licensed doctor pero kung surgery lang ang pag-uusapan ay mas magaling pa itong gumamot ng mga sugat sa mga doctor. Kahit nga sarili niya ay kaya niyang tahiin ang sugat na kahit walang anesthesia na gamit. Matapos nitong gamutin ang dalaga at maalis ang bala sa likuran nito ay nagbihis na rin siya bago naghanda ng maipapakain sa dalaga mamaya. Tiyak niyang hinang-hina ito at gutom na gutom na rin. Habang nagluluto ito ng mushroom soup ay napapaisip ito sa katauhan ng dalaga. Pamilyar kasi ang itsura nito pero hindi niya maalala kung saang lugar niya ito nakita. "Saan ko nga ba siya nakita? Model ba siya? Beauty queen?" usal nito na naipipilig ang ulo. Natigil ang paghahalo nito sa soup na may sumagi sa isipan. Napalunok ito na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib na mapagsino ang dalaga! "Fvck! Mula siya sa angkan ng mga Montenegro!? Damnit! Bakit naman ako pa ang nakapagligtas sa kanya? Tiyak na malaking gulo kapag nalaman ng mga Montenegro na nasa pangangalaga ko siya," bulalas nito na parang sinakluban ng langit at lupa na makumpirmang. . . si Princess Richelle Montenegro lang naman ang dalagang sinagip niya! Ang pamilyang. . . mahigpit na katunggali ng kumpanya nila! Napasapo ito sa ulo na parang matatakasan ng bait sa nagawa. Gusto niyang magsisi pero wala siyang madamang pagsisisi na sinagip niya ang heredera ng pamilyang kalaban ng kumpanya nila. PANAY ang lunok ng binata habang matiim na nakatitig sa dalagang nahihimbing. Tama nga siya. Si Princess Richelle Montenegro ito. Hindi niya lang kaagad namukhaan kanina dahil namumutla ito at nasa bingit ng kamatayan ang dalaga. Kaya hindi na niya nabigyan pansin ang itsura nito kahit pamilyar na kaagad ang mukha ng dalaga. "Damn, sana lang hindi ko pagsisihang. . .sinagip kita, Princess Richelle Montenegro." ******** 1 Year Later: "TILAPIA! Bili na po kayo, mga suki! Dito siguradong hindi bilasa ang isda ko katulad ko!" Nangingiti ang mga dumaraang mamimili sa palengke na naghahari ang malamyos na tinig ng isang dalaga. Kung boses lang ang pagbabasehan mo ay para itong anghel sa amo at lamig ng boses. Hwag mo na lang titignan sa mukha. Dahil bukod sa Manang ito kung manamit? May suot din itong makapal na round reading glasses at parang namamaga ang nguso sa kapal ng suot nitong fake gum. May pabilog ding nunal sa kanyang baba at kulot ang mahabang buhok! Dinaig pa nito ang itsura ni Betty la Fea sa teleserye! Kaya naman kahit magiliw ito sa lahat ay hindi lahat nagugustuhan siya. Dahil sa itsura nito na pinandidirihan ng iba. Maliban sa mga taong hindi mapanghusga. "Chelle anak, kumusta ka na d'yan?" Napangiti ang dalaga habang kausap ang ina nito sa kabilang linya. Kahit paano ay naiibsan ang pangungulila nito sa ina na nagawang tawagan siya ngayon. "Okay naman po, Nanay. Maayos po ako dito. Malakas pa rin po ang benta natin sa palengke. Kayo po, kumusta na kayo, Nay?" nakangiting sagot nito. Kakauwi lang ng dalaga mula sa maghapong pagtitinda nito sa palengke ng isda. Habang ang ina naman nito ay nasa syudad na naninilbihang katulong sa isa sa mga kilalang pamilya dito sa bansa. Ang pamilya Madrigal. Baon sa utang ang mag-ina kaya naman todo kayod ang mga ito para makapag-ipon pambayad sa utang nila sa pamilya Madrigal. Dahil sa nangyaring aksidente sa kanya na dahilan ng ilang buwan nitong pagkaka-coma sa hospital. Kaya naman nabaon sa utang ang Nanay nito na hanggang ngayon ay binabayaran pa rin sa pamilya Madrigal. "Anak, nakausap ko na ang mga amo ko. Lumuwas ka ng Manila at dito sa mansion manilbihan. Para naman magkasama na tayo," paglalambing ng ina nito. "Talaga po, Nay!? Pwede po?" masiglang bulalas nito na napapairit at talon pa dala ng tuwa. Gustong-gusto na rin kasi ni Chelle lumuwas ng syudad. Bukod sa ang ina na lamang nito ang kasama sa buhay ay hindi rin naman maayos ang buhay nito dito sa probinsya. Dahil sa ka-nerd-an nito. Dalawa na lang sila ng ina nito sa buhay. Kaya naman gustong-gusto nitong makasama ang ina. Pero dahil hindi maiwan-iwan ng Nanay nito ang trabaho sa syudad ay hindi niya ito mapilit na dumito na lamang sa kanila at siya na ang maghahanap buhay sa kanila dito sa probinsya. Hindi rin maintindihan ng dalaga kung bakit gusto ng Nanay nitong binabago nito ang kanyang itsura. Dahil kapag inalis na ni Chelle ang maskara nito ay para siyang isang totoong prinsesa sa tindig at mukha! Pero dahil sa nangyaring aksidente dito noong nakaraang taon dahilan kaya nawalan ng ala-ala ay nag-iingat na sila ng kanyang ina. Hindi naman sinabi ng ina nito kung bakit may mga taong gusto siyang patayin. Kaya makakabuting magpanggap na muna itong ibang tao sa pamamagitan ng pagiging nerd nito. Sa pamamagitan no'n ay makatitiyak daw sila sa kaligtasan ng dalaga. Bagay na inuunawa na lang ni Chelle dahil ayaw naman nitong sumuway sa ina. "Oo kaya mag-impake ka na d'yan, anak. Para maaga kang lumuwas bukas, ha?" sagot ng ina nitong impit nitong ikinatili. "Sige po, Nay! Ngayon na po mismo!" masiglang sagot nito na napapairit pa. Hindi mapakali si Chelle na palakad-lakad ng silid nito. Hindi na makapag hintay ng bukas na luluwas na siya ng syudad. Kabado at excited itong lumuwas para makasama na ang ina sa mansiong pinagtatrabahuan nito. MAAGA pa lang ay matyaga ng naghihintay ng bus si Chelle sa gilid ng kalsada. Isang beses lang kasi may bumyaheng bus sa kanilang probinsya paluwas ng syudad. Napapalapat ito ng labi na hindi mapakali habang hinihintay ang pagdaan ng pampasaherong bus. Napatuwid ito ng tayo na mamataan na ang bus. Kaagad nitong dinampot ang malaking bag nito na pinara ang bus. "Kuya, Magandang umaga!" masiglang saad nito sa konduktor ng bus na inalalayan siya sa bagahe. Napangiti at iling na lamang ang konduktor dito. Kung hindi lang sana ito nerd at Manang ay bumagay ang maamong boses nito. Napapanguso si Chelle na nagtungo sa pinakadulo ng bus kung saan bakante. May mangilan-ngilan na kasing pasahero at kitang nandidiri ang mga ito sa dalaga na makatabi sa mahaba-habang byahe. Napayakap si Chelle sa backpack nito na naupo sa gilid ng bintana kung saan ang dulo ng bus. Dito kasi ay wala pang ibang nauupo kaya dito nito napili pumwesto. TAHIMIK ang dalaga na pumapapak ng chicharon habang nakamata sa labas ng bintana. Panay naman ang paghinto ng bus na nagsasakay ng mga pasahero. Sunod-sunod itong napalunok nang aksidendeng napasulyap siya sa isang lalakeng naka-all black mula sa suot na sweatpants at jacket. Nakasuot ang hoodie ng jacket nito na may suot ding sunglasses na itim at facemask. Bumilis ang kabog ng dibdib nito lalo na't sa tabi nito naupo ang binata! Mariin itong napapikit na masamyo kung gaano kabango ito na tila walang pakialam kung isang nerd ang katabi sa bus! Napapalapat ito ng labi na nagtanggal ng mask ang binata at kitang napakagwapo nito! Matangos din ang ilong at maputi na parang kpop ang datingan! "Stop daydreaming of me, Mis. Ihulog kita d'yan sa bintana." Napalunok itong kaagad nag-iwas ng tingin sa binata na magsalita ito. Impit itong napapairit sa isip-isip na pinansin siya nito kahit na nagbabanta ang masungit at baritonong boses nito. HABANG nasa kahabaan ng byahe ay hindi mapakali si Chelle sa kinauupuan. Namamangha sa mga nadaraanan dahil ngayon lang naman siya bumyahe. Excited na itong makarating ng Manila lalo na't ang sabi ng ina nito ay mala-palasyo daw ang bahay ng mga amo nito! Magagara ang kagamitan na dinaig pa ang mga supermarket sa bayan nila! Panaka-naka nitong sinusulyapan ang binatang katabi. Nakatulog na kasi ito na may suot na earphones. "Hindi ba masakit tainga nito? Ang lakas ng music," bulong ni Chello na pasimpleng napapatitig sa binata. "Haist ang gwapo naman. Antipatiko lang," bulong nito na napairap sa binata na maalala ang sinaad nito kaninang ihuhulog siya sa bintana. Panay ang lamon nito habang nasa kahabaan ng byahe. Samantala ang katabi ay himbing na himbing. Napapahagikhik pa ito sa tuwing tatangkaing subuan ng mani ang binata dahil bahagyang nakaawang ang lani nito. Napatuwid ito ng upo na kaagad bumaling sa bintana na gumalaw ang binata at umayos ng upo. Kahit nakatalikod ito sa lalake ay dama nito ang matiim na mga mata nitong nakatitig sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang kabahan na baka nahuli siya nitong pinagmamasdan siya. Baka mamaya ay totohanin nito ang banta kanina na ihuhulog siya ng bintana. "Umpt." Napatakip ito ng palad sa bibig na tila may humahakungkat sa kanyang sikmura at napapaduwal! Natataranta itong binuksan ang bintana pero hindi mabuksan! Panay na ang pagduwal nito at damang lalabas na ang mga nakain! "Hoy, don't you dare," nandidilat matang pagbabanta ng katabi nito na mapalingon siya dito. "Uwak!" Napasapo sa noo ang binatang si Leon Madrigal na tuluyang sa kanya sumuka ang katabi nitong weirdo sa paningin nito! Para itong masusuka na patuloy sa pagduwal at suka ang dalaga sa kanyang kandungan. "Damnit! Ingudngod kita d'yan eh!" mahinang asik nito sa dalagang nakayuko pa rin sa kandungan nito. Namimilog naman ang mga mata ni Chelle na ma-realize ang nagawa! Hindi siya makakilos lalo na't basang-basa na ng kanyang suka ang kandungan ng katabi! Umaalingasaw na rin ang baho ng suka nito sa mga halo-halong nakain. "S-sorry po, S-sir," nauutal na paumanhin nito na nagpahid ng bibig gamit ang laylayan ng blouse. Mariing nakapikit si Leon na kitang nagtitimpi lang. Namumula na ang mukha at leeg nito na nag-iigting ang panga. Kuyom ang kamao na malalalim ang paghinga. "Linisan mo 'yan o ipapakain ko sa'yo 'yan?" mahina pero may kadiinang asik nito sa dalaga. "L-lilinisan ko po, Sir. Pasensya ka na," natatarantang saad ni Chelle na kumuha ng damit sa backpack nito. Nagngingitngit ang mga ngipin ni Leon na nanatiling nakapikit. Kinakalma ang sarili dahil ayaw niyang maglikha ng scandal. Tiyak na may makakakilala sa kanya sa oras na magwala siya. "Demmit," mahinang mura nito na nasasagi ng dalaga ang alaga nito! At ang ikinaiinis nito ay nagigising na ang alaga na tila nagugustuhan ang hindi sinasadyang pagkakasagi ng dalaga dito! "S-sir, sorry po talaga. Ibibili ko na lang kayo ng maisusuot mamaya sa stopover." Nauutal na paumanhin ni Chelle sa binata. "Do you even have an idea kung magkano ang suot ko, huh? Mas mahal pa ito sa buhay mo," nanggigigil nitong asik sa dalaga na napapayuko. "Damn you. Kung maganda ka lang? Paparusahan kita sa ibang paraan." Banas nitong asik sa dalaga. Mapait na napangiti si Chelle na nangilid ang luha. Aminadong napahiya sa sinaad ng binata pero nanatiling nakayuko. Alam naman niyang kasalanan niya kaya hindi na lamang ito umalma pa. PAGKAHINTO ng bus ay nauna ng bumaba si Chelle para maibili ng maisusuot ang binata. Kahit mura lang ang kakayanin ng budget nito. Ang mahalaga ay komportable ang binata. Napapangiwi pa ito na umabot ng dalawang libo ang ginastos sa biniling jogger pants at brief para sa lalake. Pagkabili ng kailangan ay muli itong bumalik sa bus. Kabado na nilapitan ang binatang nag-iisang naiwan dito sa loob ng bus. "Uhm, heto na po, Sir. M-magbihis na muna kayo. Uhm. . . hindi po ito kasing mahal ng suot niyo pero. . . mas komportable po ito na isuot d'yan sa suot niyong puno ng suka," magalang saad nito na iniabot ang plastic bag. Marahas na napabuntong hininga si Leon na tumayo at hinablot ang plastic sa dalaga na napapayuko. Kitang natatakot sa kaharap. Napapangisi pa ito na nakamata sa dalagang kaharap at walang kakurap-kurap na hinubad ang kasuotan! Napanganga namang nanlalaki ang mga mata ni Chelle na masulyapan sa sahig ng kasuotan ng binata na naghubad nga sa harapan nito! Mahinang natawa pa ito na sunod-sunod nitong ikinalulunok at nanatiling nakayuko. Nag-iinit ang mukha na napapikit na lamang kaysa may masulyapan pa itong iba! "Pasalamat ka. . . hindi ka maganda, Mis. Dahil kung nagkataon. . . ? Lalapain ka nitong Leon na kaharap mo ngayon dito mismo sa bus na 'to," paanas ni Leon ditong ikinaatras ng dalaga. Lalo namang lumapad ang ngisi ni Leon na inayos ang suot. Marahang sinipa ang nagkalat nitong boxer brief at sweat pants sa sahig. "Itapon mo 'yan," walang emosyong saad nito na muling naupo pero ngayon ay sa pwesto na ni Chelle. "O-opo." Napapayuko namang dinampot ni Chelle ang damit ng binata na inilagay sa plastic bag. Muling lumabas ng bus at nagtungo ng restroom. Naiiling na nilabhan ang damit dahil alam at kita naman nitong mamahalin nga iyon. Nanghihinayang naman ito kung itatapon na lang katulad sa utos ng lalake. NAKAHINGA ng maluwag si Chelle na pagbalik ng bus ay natutulog na ang binata. Kitang komportable na rin ito na nakapag bihis na. Naiilang man ay naupo pa rin ito sa tabi nito at isinilid sa kanyang backpack ang basang damit ng katabi. Mariin itong napapikit na pinapakiramdaman ang katabi pero mukha namang tulog na nga ito. Napahinga ng malalim si Chelle na niyakap na lamang ang backpack nito. Di nagtagal ay nagsibalikan na rin ang mga kasamahan nilang pasahero at muling umandar ang bus. Nakahinga ng maluwag si Chelle na napasandal at pumikit na lamang para magpatangay sa antok. May ngiti sa mga labi na makakasama na nito sa wakas. . . ang ina sa syudad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD