THIRD PERSON POV:
KABADO ang dalagang si Richelle habang hinihintay siyang tawagin ng kanyang personal Yaya para sa family meeting nilang mag-anak.
Dahil sa pagkamatay ng Ate nitong magiging CEO ng kanilang kumpanya dahil sa sakit ay napasa sa kanya ang responsibilidad. Ayaw naman tanggapin ng Kuya Red nito ang posisyon kaya walang ibang pamimilian ang kanilang Lolo Johannes kundi ang ibigay kay Chelle ang posisyon.
Natatakot man ay pilit nilalabanan ni Chelle ang nadarama. Gusto niyang ipakita sa Lolo nila na handa na siya. Na hindi nagkamali ito na ipinagkakatiwala kay Chelle ang family company nila.
"You can do it, Chelle." Pagpapatatag nito sa sarili.
Maagang naulila ang magkakapatid dahil sa car accident. Kaya naman todo ingat ang matandang Don Johannes sa mga apo nito na siyang inaasahang magmamana ng kumpanyang itinayo nito. Dapat ang Ate Rihanna nito ang uupo sa trono bilang bagong CEO ng kanilang kumpanya. Pero dinapuan ng malubhang karamdaman ang kapatid at unti-unting bumagsak ang katawan dahil itinago sa lahat na may sakit pala ito. Kalauna'y namatay ang Ate Rihanna nila kaya napasa sa Kuya Red nito ang trono. Pero dahil tumanggi ang Kuya nito sa position ay kay Chelle na naipasa. Ayaw namang ma-disappoint ni Chelle ang Lolo nila. Kaya kahit alam niyang masyado pa siyang bata para sa position ay buong tapang nitong tinanggap ang trono.
MARIIN itong napapikit na kinakalma ang sarili. Sanang nito ang malakas na kabog ng dibdib na hindi malaman kung kinakabahan ba siya dahil ngayong gabi na siya ipapakilala ng Lolo nila bilang papalit sa posisyon ng Lolo nito sa family company nila? O may iba pang bagay.
Malakas kasi ang kutob ng dalagang may 'di kaaya-ayang mangyayari ngayong gabi. Bagay na ikinababahala niya. Kahit bantay sarado siya ng mga bodyguard nito at marunong naman sa labanan para protektahan ang sarili ay hindi pa rin maiwasan ni Chelle na kabahan.
Ilang beses itong huminga ng malalim na kinakalma ang isip at puso. Marahil dahil hindi pa nito napaghandaan kaagad ang pag-upo sa trono dahil ang Ate sana nito ang uupo sa pwesto ng kanilang Lolo. Pero dahil nagkasakit ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan ng maaga ay naipasa kay Chelle ang korona.
"Congratulations, couz!"
Napalingon ito sa may pinto na may masiglang boses ang bumati sa kanya mula doon. Napangiti itong makita ang pinsang si Analyn na siyang bagong dating.
Maging si Analyn na pinsan nito ay ulila na rin. Happy go lucky ang buhay ng dalaga kung kaya't hindi ito maaasahang magmana sa kumpanya nilang namamayagpag ng bansa. Ang Montenegro Empire Group of Company. Kaya kahit siya ang pinakabata sa pamilya ay sa kanya pa rin ipinagkatiwala ng kanilang Lolo ang pagpalit sa pwesto. Dahil kung sila lang ni Analyn ang pamimilian? 'Di hamak na mas matino at matalino siya kaysa sa pinsan.
"Thank you, couz. Honestly, I'm still nervous." Pagtatapat nito na sinalubong ng yakap ang pinsan.
Magmula pagkabata ay para na silang magkapatid ni Analyn. Dahil solong anak ito ay ang magkapatid na Chelle at Red ang kasa-kasama sa mansion. Lumaking masaya at magkakasangga ang mga ito.
"You can do it, coz. Ikaw ang pinili ni Grandpa na mamahala sa kumpanya natin. We all know Grandpa very well. Hindi no'n ipagkakatiwala sa'yo ang kumpanya kung alam niyang hindi mo ito kayang pamunuan." Nakangiting saad nito na hinagod-hagod sa likod ang pinsang kitang tensyunado.
"Let's go?" untag ni Analyn ditong ikinangiti at tango nito.
"Let's go." Saad nito na napahinga ng malalim.
Magkayakap ang dalawa na lumabas ng silid. Nangangatog pa rin ang mga tuhod ni Chelle dahil maila-live broadcast sa tv ang opisyal na pagpasa sa kanya ng trono. Kilala hindi lang dito sa bansa kundi maging sa Asia ang kumpanya nila. Kaya naman nakaabang din ang publiko sa mga kaganapan dito dahil kabilang ito sa mga namamayagpag sa industry.
NATIGILAN ang mga ito na biglang namatay ang ilaw sa hallway na ikinataranta nilang dalawa!
"What's going on?" bulalas ni Analyn na bakas ang takot.
Mahigpit na napayakap ang dalawa sa isa't-isa lalo na't sobrang dilim ng lugar at walang maaninag sa dilim. Dama nila ang mga yabag na pumalibot sa kanila na lalo nilang ikinabahala lalo na't wala silang maaninag sa dilim!
"Umpt!"
Nagpupumiglas si Chelle na bigla na lamang may tumakip na tela sa kanyang bibig at ilong na ikinanghina ng katawan nito. Naramdaman pa niya ang pagyakap sa kanya ng kung sino na parang magaang papel na isinampay sa balikat ng taong tumakip sa kanyang bibig.
Umiikot ang paningin nito na pilit nilalabanan. Pero sadyang mabilis ang kilos ng mga ito na parang napaghandaan ang magaganap na pagdakip sa kanya. Ni hindi siya makapanlaban para ipagtanggol ang sarili dahil unti-unti na itong nawawalan ng malay!
DINALA ng sindikato ang dalaga sa isang yate kung saan ito pansamantalang itatago. Paniguradong kikilos ang kapatid nito para mahanap kaagad si Chelle kaya naman sa dagat ito dinala para mahihirapan ang pamilya nitong ma-trace kung nasaan ang dalaga.
Matalino at palaban ang dalaga kaya naman dito sa laot siya dinala para wala ng kawala sa mga kidnappers. Tinitiyak talaga ng mastermind na mamamatay ngayong gabi si Princess Richelle Montenegro na hindi na makikita maski dulo ng daliri nito.
Nakaupo si Chelle sa isang silya habang nakatali ito sa kamay at paa. May busal sa labi na nakalupaypay pa rin ang ulo dala ng gamot na ipinaamoy ditong ikinahilo ng dalaga na wala pa ring malay.
Kanina pa natatakam sa kanya ang mga lalakeng nagbabantay sa kanya lalo na't nakalihis ang slit ng dress nito kaya nakalitaw ang makikinis at maputing hita nito. Litaw na litaw din ang malusog nitong cleavage sa lalim ng vline ng suot nitong dress kaya nag-iinit at natatakam ang mga lalake sa dalaga. Nanghihinayang man sila na papatayin lang nila ang gan'to kagandang Prinsesa pero. . .wala naman silang magagawa at iyon ang utos sa kanila ng amo nilang nagpadakip kay Princess Richelle para itumba ngayong gabi!
"Hello, Ma'am?" nakangising saad ng leader ng sindikato na tumawag na rin sa wakas ang boss ng sindikatong tumangay kay Chele.
"Siguraduhin niyong hindi na makakabalik ng mansion ang babaeng 'yan, Gringo," maawtoridad na utos ng babae sa linya.
"Sure, Ma'am. Kami ng bahala kay Chelle. Pagsasawaan ko na muna ito bago. . . ipakain sa pating ang katawan," paanas ng lalake na napapadila ng labi habang nakamata sa dalagang walang malay at nakagapos sa upuan.
"Do whatever you want to do with her. I don't care. Siguraduhin mo lang na mamamatay ang babaeng 'yan. Kuha mo?" mataray nitong saad na ikinangisi at tango ng binata.
"Areglado, Ma'am."
Matapos makausap ang amo ay ibinaba na nito ang linya. Lumapit naman si Gringo sa dalagang si Chelle na wala pa ring malay. Paniguradong sa mga oras na ito ay hinahagilap na ng Montenegro ang dalaga. At buhay nila ang magiging kapalit sa pagtangay dito. Kaya bago pa man sila maunahan ay dapat madispatya na ang dalaga at katawan nito.
Napahaplos ito sa nakalantad na binti ng dalaga sa taas ng slit ng dress nito. Nag-iinit ang katawan na napupuno ng pagnanasa at kasabikan ang binata na matikman ang dalaga lalo na't kitang. . . sariwa pa ito!
Naalimpungatan naman si Chelle na maramdaman ang paghaplos sa kanya ng kung sino at ang lamig na dala ng lugar na kinaroroonan! Nanindig ang mga balahibo nito sa katawan na kakaibang takot at pangamba ang lumukob sa dibdib!
"Where am I?" piping usal nito na naigala ang paningin sa kinaroroonan!
Bumilis ang kabog ng dibdib nito na malingunan ang lalake sa harapan nitong. . . naghuhubad!
"Oh my gosh! No!" impit nitong tili dahil nakabusal ng panyo ang bibig.
Napangisi naman ang lalake na malingunan itong gising na. Nangilabot si Chelle na mapatitig sa lalake. Sa uri pa lang ng tinging ginagawad nito sa kanya ay damang-dama niya ang matinding pagnanasa ng lalake sa katawan niya!
Tumayo ang mga balahibo sa katawan ni Chelle na hindi malaman kung anong gagawin! Sa nakikita kasi nito ay wala na siyang kawala. Kahit saang anggulo niya tignan ay isa lang ang kababagsakan niya. Ang kanyang. . . kamatayan!
"Hi, gorgeous. Hwag kang mag-alala. Paulit-ulit muna kitang paligayahin bago. . . patayin," paanas nitong ikinamilog ng mga mata ni Chelle!
Umiling-iling ito na namuo ang luha sa mga mata. Ngumising demonyo lang naman ang lalake sa harapan nito na lumapit at lumuhod sa paanan ni Chelle.
Napapadila pa sa ibabang labi na nakalarawan ang pagnanasa sa mga mata habang marahang hinahaplos ang nakalantad na hita ng dalaga! Naikuyom ni Chelle ang kamao. Pilit pinapatatag ang sarili na nag-iisip kung paano maililigtas ang sarili!
"Uhm. . . uhmp!"
Pagwawala nito na ikinaangat ng mukha ng lalake sa harapan nito na akmang didilahan na siya sa hita!
Tila nakuha naman ng lalake ang ibig nito na tinanggal ang pagkakabusal ng bibig ng dalaga. Matamis na ngumiti si Chelle na ikinatigil ng lalakeng mapatitig dito. Napangisi si Chelle sa isip-isip na may naisip na itong solusyon sa kanyang kinakaharap na problema.
"Do you want to play with me, lover boy?" paanas nito na pinalandi ang tono.
Napadekwatro ito ng hita na ikinalihis lalo ng slit ng dress nito na ikinalantad ng hita nito. Napapalunok naman ang lalake na napasulyap sa hita ng dalaga.
Ngumisi si Chelle dito na nang-aakit ang mga mata sa lalake. Lalo tuloy nag-aapoy ng pagnanasa at kasabikan ang lalake na matikman ang dalaga na ikinadidiwang ni Chelle sa isip-isip nito.
"You can have me all night long. Hindi ako manlalaban kundi. . . ikaw ang mapapalaban sa akin. Kaya mo kaya akong matagalan, hmm?" paanas pa ni Chelle dito.
Para namang nahihipnotismo ang lalake na mabilis kinalas ang pagkakatali ni Chelle na napapangisi. Nang makawala na ang kamay nito ay mabilis nitong inabot ang kahoy na silyang kinauupuan at buong lakas na inihampas sa lalake!
"Urghh! Fvck!"
Impit itong napadaing na sumubsob sa sahig at dumugo ang ulo! Muli itong hinampas ni Chelle sa hawak na nasirang silya hanggang sa mawalan ng malay ang lalake at umaagos na ang dugo sa sahig! Nangangal ang kamay na inabot ni Chelle ang baril ng lalake at hinanap ang labasan!
"Yong babae! Tumatakas!" sigaw ng lalake na ikinataranta ni Chelle.
"s**t!" bulalas nito na nakipag palitan ng putok ng baril sa mga lalakeng armado!
Napapatili itong pakubli-kubli na hindi na malaman ang gagawin. Kung hindi kasi ito nagkakamali ay nasa gitna sila ng laot!
"Damn! Saan ako pupunta?" anas nito na walang ibang mapuntahan!
"You can do it, Chelle! Hindi ka pwedeng mamatay dito!" pagpapanatag nito sa sarili.
Paubos na rin ang bala ng magazine nito kaya hindi na siya makakalaban pa sa mga sindikato. Maingat itong pakubli-kubli na lumabas sa pinagtataguan at lumabas ng fire exit. Napaawang ito ng bibig na bumungad. . . ang madilim at nanggagalaiting alon na humahampas sa sinasakyan nitong yate!
Mariin itong napapikit na tumulo ang luha. Kahit anong piliin kasi nito ay alam niyang. . . mamamatay na siya.
"Grandpa. I'm sorry. Hindi ko na. . . mapapangalagaan ang kumpanya mo," piping usal nito kasabay ng kanyang pagtalon sa dagat!
Napayakap ito sa sarili na mariing napapikit. Damang-dama nito ang nagyeyelong tubig na pinagbagsakan nito. Mapait itong napangiti na unti-unti na siyang hinihigop pailalim. Nauubusan na rin ito ng hangin sa baga at naninigas ang katawan dala ng lamig ng tubig. Naninikip ang dibdib na pilit lumalangoy ito pataas pero sa sobrang lamig ng tubig ay hindi ito makakilos. Naninigas ang katawan nito na pabigat siya nang pabigat! Kahit gusto nitong mabuhay pa at makaligtas ngayong gabi ay alam niyang. . . napaka-imposible ng bagay na iyon.
"If this is my faith. . . then so be it. I'm ready to face my destiny." Usal nito na unti-unting napapikit.
Naninigas ang katawan ni Chelle na nagpapatangay sa
malalakas na alon sa dagat. Kahit nilalabanan nito ang paninigas ng katawan at sinusubukang igalaw ang sarili ay wala siyang laban sa nagyeyelong tubig!
"Gusto ko pang mabuhay," piping usal nito na tumulo ang luhang tuluyang. . . nawalan na ng malay.