Chapter 3

2104 Words
NAIILING na lamang si Leon na nakatulog na ang dalagang nerd na katabi nito na napasandal pa sa kanyang balikat. Nakanganga pa ito na mahinang humihilik. Dahil sa pagkamatay ng Nanay nito ay napauwi siya ng probinsya nila. Noong nakaraang taon lang ito lumuwas ng syudad na pumayag sa pangungilit ng Daddy Dwight Axelle Madrigal nito kasama ang mga kapatid. Kung ang ama lang ay kaya nitong tiisin at balewalahin. Pero noong ang mga kapatid na nito ang nanunuyo sa kanya araw-araw. Salitang pinupuntahan ito na sinusuyong umuwi na sa tahanan nila ay kusang lumambot ang puso nito. Lumaking basagulero si Leon sa kanilang probinsya. Kinakatakuran at kilalang maginoong barumbado ito ng mga tao. Dakilang babaero din na lahat ng magbababa ng panty para sa kanya ay pagbibigyan nito. Lalo na ngayon na kilala na siya bilang si Leon Madrigal na isang certified womanizer at batang bilyonaryo. Happy go lucky lang ito sa mansion. Isang malaking sakit sa ulo ng Daddy Dwight nito dahil palagi na lamang nasasangkot sa gulo ang binata. Kung hindi lang dahil sa impluwensiya ng pamilya Madrigal ay labas masok sana ito sa kulungan. Ilang beses na kasi itong napapasali sa mga rambol at illegal na car racing. Sa casino at kung saan-saang club ito pakalat kalat. Palagi namang naka-back up ang mga kapatid at bodyguard nito kaya malakas ang loob na sumugod kahit saang lungga. Parang haring lion na walang kinakatakutan. Bagay na bagay nga nito ang pangalang Leon dahil katulad ng isang lion ay para itong hari. Kakatapos lang ng libing ng kanyang ina dala ng katandaan na rin. Ang Tyahin naman nito ay hindi nito napilit na lumuwas ng syudad kasama nito. Mas pinili ng Tyahin nito na maiwan sa kanilang bahay at pangalagaan ang naiwang maliit na sari-sari store ng kanyang ina. Sakto namang nasiraan ito ng sasakyan kaya itinawag na lang niya ang kotse nitong iniwan sa gilid ng daan at sumakay ng pampasaherong bus. Kung saan nga ay nakatabi nito ang isang nerd na babae. NAALIMPUNGATAN si Chelle na muntikan itong sumubsob sa katabing upuan ng bus na iwinalin ito ng nasasandalan. Sasamaan sana nito ng tingin at sisinghalan ang katabi nang ma-realize ang nagawa! Nag-init ang mukha nito na napaayos ng upo na dinampot ang backpack ko. Nauna naman na itong lumabas ng bus na parang hari kung maglakad. "Ang yabang porke't gwapo, hmfpt!" ismid ni Chelle na nagdadabog lumabas na rin ng bus. Inayos nito ang nahuhulog nitong malaking salamin sa mata na napapagala ng paningin. Namamangha pa ito na ngayon lang makakita ng mga nagtataasang building at mga magagarang sasakyan sa paligid! "Chelle anak? Dito!" Napagala ito ng paningin na marinig ang tumatawag sa kanya. Ang kanyang ina! "Nay!" tili nito na malingunan ang inang palapit! Napapatili itong sinalubong ng mahigpit na yakap ang ina na natatawang niyakap din ito. Mangiyak-ngiyak itong napapikit na makayakap na sa wakas ang inang nandidito sa syudad! "Kumusta ang byahe mo, hmm?" saad ng ina nito na magkayakap na naglakad. "Okay naman po, Nay. May bwisit lang akong nakatabi." Nakangusong saad nito. Natawa naman ang ina na hinaplos sa likod ang anak. "Wow. Dito po tayo sasakay, Nay!?" gimbal na bulalas nito na huminto sila sa isang black limousine! "Oo. Nakisabay lang tayo sa anak ng amo ko, Chelle. Nagkataon kasi na dito sa terminal na 'to namin sinundo si Sir Leon kaya nakiusap akong isabay ka namin. Pumayag naman," sagot ng ina na inakay na ang dalaga papasok ng limousine. Namamangha naman si Chelle na naigala ang paningin sa loob. Napakaluwag ng espasyo at parang hindi sasakyan ang kinaroroonan! Napakabango ng air freshener at ang lambot din ng upuan! "Wow! Ang big time naman talaga ng amo niyo, Nay!" bulalas pa nito. "Hinaan mo ang boses mo, anak. Nasa harapan si Sir Leon," bulong ng ina. "Uhm, sorry po, Nay." Napatikom ito ng labi na hindi pa rin mapigilang mamangha sa sinasakyan. Ngayon pa lang kasi ito nakakasakay sa gan'to kagarang sasakyan! "Okay lang po kayo, Sir?" Napalingon si Chelle sa harapan na magsalita ang driver nila. "Yeah. May mambabarang lang akong nakatabi. Ang babaeng 'yon. Sinukaan pa ako." Sagot ng baritonong boses na pamilyar ang tono sa dalaga. Naipilig ni Chelle ang ulo na nakiusyoso sa usapan ng dalawang lalake sa harapan. "Naku. Ang malas mo naman, Sir." Bulalas ng ina ni Chelle na marinig ang sinaad ng amo. "Maybe it's my bad day, Manang. Kaya minalas lang. Mabuti na lang at ilang oras ko lang naman nakatabi ang bruhang 'yon. Para akong mangangati sa balat na may katulad niyang nerd akong nakatabi. Sinukaan na nga ako, nilawayan pa ang balikat ko. Ginawa ba namang unan ang balikat ko sa himbing ng tulog,' naiiling bulalas ng binata na sunod-sunod ikinalunok ni Chelle! Bumilis ang kabog ng dibdib ng dalaga na napagtatagpi-tagpi nito ang kwento ng binata sa harapan! Napasilip tuloy ito sa rear view mirror na ikinamilog ng mga mata nitong magtama ang paningin nila ng binata na nagulat din! "You, witch!? What are you doing here!?" bulalas ni Leon na napalingon sa likuran. Napakurap-kurap naman ang mga kasama na palipat-lipat ng tingin sa dalawa. "A-ako? W-witch? Aba. . . ang kapal mo naman para tawagin akong bruha!" bulalas din ni Chelle na pinandidilatan ang binata. "Anak, ikaw ang tinutukoy ni Sir na nakatabi sa bus?" tulalang tanong ng ina nitong ikinatikom ni Chelle ng labi. Napangisi at iling naman si Leon na umayos ng upo. "Looks like. . . this is one of my unlucky day. Manang, hindi mo naman sinabing nerd ang anak mo," bulalas pa nito na ikinangiwi ng nga kasama. Pinaningkitan naman ito ni Chelle na nakangisi sa kanya habang nagkakatitigan sila sa rear view mirror ng sasakyan. "Eh. . . pasensya na kayo, Sir Leon. Uhm. . . bababa na lang po kami at mag-taxi ng anak ko," magalang saad ng ina ni Chelle na inilingan lang ni Leon. "No need, Manang. Para sa'yo po. Walang issue sa akin na isabay ang anak niyong mukhang. . . mangkukulam," saad pa nito na nginingisian ang dalaga sa salamin! "Ikaw, sumusobra --" Natigilan si Chelle na kinalabit siya ng ina nito. Umiling ito na pinapahiwatig na hwag ng umapila pa ang anak. Mariing napapikit si Chelle na humingang malalim. "May sinasabi ka?" sarkastikong tanong ni Leon dito. Ngumiting hilaw naman si Chelle sa nakangising binata na nakatitig sa kanya sa salamin. "Wala ho, Sir." Labas sa ilong sagot nito na ikinatango-tango naman ni Leon. "Good." PAGDATING nila ng mansion ng mga Madrigal ay nagpatiuna nang bumaba si Leon. Napaismid na lamang si Chelle na napasunod ng tingin sa binatang kitang arogante. "Pagpasensiyahan mo na si Sir Leon, anak. Mabait naman ang batang 'yon eh. Kapag walang sumpong," bulong ng ina nito na inakay na si Chelle papasok ng mansion. "Okay lang po, Nay. Hindi ko rin naman gustong makipag lapit sa mga aroganteng katulad niya," magalang sagot ni Chelle na ikinangiti ng ina. "Sa may maids quarter na muna tayo, huh? Tatawagin kita mamayang hapon para formal na ipakilala sa mga amo natin dito sa mansion. Wala pa kasi sila ngayon eh. Mamayang hapon pa ang datingan nila," saad ng ina nito na iginiya ang dalaga sa tinutuluyan nilang nga katulong dito sa mansion. "Sige po, Nay." Namamangha namang halos mabali na ang leeg ni Chelle sa kakatingala sa kisame. Naglalakihang chandelier lang naman kasi ang mga ilaw na kitang magagara at mamahalin! Lahat ng kagamitang nahahagip ng paningin nito ay namamangha ito. Kahit nga ang sahig ay napakakintab na parang sa salamin! Para kang pumasok sa isang five star hotel sa gara at laki ng lugar. "Grabe naman, Nay. Nagkikita-kita pa ba ang mga tao dito?" bulong ni Chelle na ikinahagikhik ng ina. "Alam mo, anak. Ganyan din naman ako sa'yo noong unang dating ko dito. Natatakot akong gumala dahil tiyak akong mawawala ako. Pero unti-unti ay nakasanayan ko na ang mansion at nagamay na ang pasikot-sikot dito. Makakabisa mo rin ang mansion, anak. Ang talino mo kayang bata," nakangiting saad ng ina nitong ikinangiti ni Chelle sa ina. "Dito ka na muna, ha? May makakain naman tayo dito. Dito kasi ang silid ko at magkakasama tayo dito sa quarter ko." Saad ng ina nito. Namamangha namang naigala ni Chelle ang paningin sa kabuoan ng quarters nilang mag-ina. Para kasi itong mini studio type na may dalawang silid, kusina at mini sala. May sarili ding banyo. Kahit may kaliitan ang lugar ay sapat na para sa kanilang mag-ina. Malinis, maayos at magara pa rin namang tignan na hindi mo aakalaing mga katulong ang nakatira. "Sige po, Nay. Magpahinga na muna ako dito. Medyo nahihilo pa rin po kasi ako mula sa mahabang byahe ko," magalang saad ni Chelle na ikinatango ng ina. "Oh, basta. Kapag nagugutom ka? May pagkain dito sa kusina. Buksan mo lang ang refrigerator natin at initin sa oven ang ulam. Babalik na ako ng mansion at marami pa kaming gagawin," habilin pa ng ina nito. Humilata naman si Chelle sa may sofa na napapahikab. "Sige po, Nay." Nangingiti namang iniwan ng matanda ang anak na lumabas na ng silid. Kaagad ding nakatulog si Chelle dala ng pagod na komportable sa malambot na sofa. Idagdag pang malamig ang silid at tahimik ang paligid. ILANG oras nakaidlip si Chelle sa sofa. Kung hindi pa kumalam ang sikmura ay hindi ito babangon. Napapangiti itong maganang kumain kahit malamig ang ulam nitong fried chicken at buttered shrimp. Gutom na gutom na ito kaya hindi na ininit pa ang mga ulam. Matapos kumain ay napagpasyahan nitong lumabas na muna ng quarters nila. Nasa likurang bahagi kasi ito ng mansion at sa harapan nila ay ang swimming pool at garden ng mansion. Nangingiti itong marahang naglakad na napapagala. Namamangha sa ganda ng pagkaka-landscape ng mini garden dito na katabi ang may kalawakang pool. Naupo ito sa gilid ng pool na inilublob ang mga paa sa tubig. Napapangiti na nakamata sa repleksyon sa tubig na kay linaw. "What the--" Natigilan si Leon na mabungaran ang dalagang nerd na nandidito sa kanilang pool! Maliligo sana ang binata pero tila nandiri ito na makitang nakalublob sa tubig ang paa ng dalaga. "Damnit! Sinong may sabing magpagala-gala ka ditong daga ka, huh?" asik nito sa dalaga na napatayo at yumuko dito dala ng takot at hiya! "S-sorry po, Sir. Nagpapahangin lang po," nauutal nitong sagot. Nagpamewang naman si Leon na naniningkit ang mga matang nakatitig sa dalaga. "Maliligo ako. Pero dinumihan mo ang pool. I-drain mo ang tubig!" asik nito na ikinakurap-kurap ni Chelle. "Po?" "Bingi ka ba? O tanga ka lang, huh?" asik pa nito sa dalaga. "I-drain mo ang tubig! Palitan mo ng bago at ayokong makasagap ng mikrobyo mo!" asik nito. "Drain? S-sir, hindi po ako marunong," nauutal nitong sagot sa binata na napasapo sa ulo. "Hindi ka marunong?" sarkastikong tanong nito na ikinatango ni Chelle. Napangisi naman ito na yumuko bahagya sa dalaga. "Nakikita mo 'yong timba doon sa gilid," nguso nito na ikinasunod ng tingin ni Chelle. "O-opo, Sir." "Good. Go get it. 'Yon ang gamitin mo para pang-drain ng tubig ng pool. Itapon mo ang tubig sa labas. Kuha mo?" Napaawang ng labi si Chelle na parang maiiyak! Sa lawak ng pool ay kahit abutin siya ng magdamag ay hindi nito mauubos ang tubig sa pool! "S-sir, wala po bang ibang paraan?" naluluhang tanong nito sa binata na napangisi. "Meron naman. Inumin mo lahat ng tubig na 'yan. Kaya mo?" "P-po?" "Tsk. Stupid rat," ismid ni Leon dito na bahagyang binunggo sa balikat ang dalaga. Napatili si Chelle na nahulog ito sa pool na ikinatawa at iling lang ni Leon na basta na lang iniwan ang dalagang nalulunod sa pool! "Umpt! Tulungan mo ako!" Napailing at ngisi lang si Leon na marinig ang pagpapasaklolo ng dalaga na hindi na lamang pinansin pa. Sisinghap-singhap namang panay ang pagkawag ng mga binti at braso ni Chelle hanggang sa pakarating ito sa gilid ng pool! Napayakap ito sa sarili na panay ang ubo sa dami ng nainom na tubig. Nataranta naman ito na mapansing nabura na ang disguise niya. Kaya kahit nanghihina at naghahabol hininga pa ito ay umahon na ng pool na yakap ang sariling tumakbo ng kanilang quarters. "Napaka bruhildo mong lion ka!" asik nito na naniningkit ang mga mata habang nakamata sa repleksyon sa salamin. Hindi mapigilang mangilid ang luha nito na inaalala ang takot na nadama kanina nang pumailalim siya sa tubig sa pool. Nanginginig pa rin ang katawan nito dala ng trauma sa pagkakahulog niya kanina. Akala niya ay malulunod na siya. "Ang sama mo. Wala kang puso," anas nito na tinitiris sa isipan ang among lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD