Chapter 4

2104 Words
NAGNGINGITNGIT ang loob ni Chelle na umahon ng pool. Mabuti na lang at nalabanan pa nito ang takot at panginginig ng katawan at nakalangoy paahon sa may kalalimang pool. Hindi pa maalala ni Chelle kung bakit natatakot ito sa malalalim. Na tila may phobia ito sa isip at puso kaya magmula noong nagising siya sa ilang buwang pagkaka-coma sa hospital ay umiiwas na siya sa dagat. Na kusang manginginig sa takot ang katawan nito kaya hindi na ito lumalangoy pa kahit sa mga pool. Mabuti na lang at padilim na. Wala ring pagala-gala sa likod ng mansion kaya mabilis itong tumakbo pabalik ng quarters nila ng ina. Natanggal kasi ang salamin, wig, fake gum, at nunal nito. Kaya kita ang totoong mukha nito na kanyang ikinabahala. Mabilis itong naligo pagpasok ng quarters nila. Nagngingitngit pa rin ang loob sa ginawa ng amo nito kanina. "May araw ka rin sa aking damuho ka. Apaka yabang!" asik ni Chelle na inaayusan ang sarili. Hindi naman sinasabi ng ina nito kung bakit niya kailangang baguhin ang itsura. Basta ang sabi ng ina ay para mapanatili ang kaligtasan nito ay kailangan niyang magpanggap na ibang tao. 'Yon daw ang dahilan kaya siya pinagtangkaan noon. Kaya naman sumusunod na lamang siya sa ina. Napatitig ito sa singsing nitong naka-pendant sa kanyang kwintas na mumurahin. Nakaukit sa singsing ang pangalang Richelle na may korona sa magkabilaang gilid ng kanyang pangalan. Sa uri ng singsing ay kitang mamahalin ito. Kaya naman hindi ito isinusuot ni Chelle at tinatago. Natatakot na manakaw sa kanya dahil 'yon daw ang susi na magpapatunay ng katauhan nito pagdating ng tamang panahon. Minsan ay nahihiwagaan na rin ito tungkol sa nakaraan niya. Naiisip na hindi talaga ang Nanay niya ang tunay niyang ina. Pero dahil wala itong maalala sa nakaraan ay hindi na lamang ito nagtatanong. Mabuting tao ang Nanay niya na tinuturing siyang totoong anak. Doon pa lang ay maswerte at kuntento na si Chelle. Na mayroon siyang mapagmahal na ina. Matapos nitong mag-disguise ay lumabas na ito ng silid. Sakto namang papasok na ang ina nito na napangiting makita ang dalaga. "Mabuti naman at nakaligo ka na, anak. Dumating na kasi ang mga amo natin. Ipapakilala kita sa kanila." Nakangiting saad ng ina nito na niyakap pa ang dalaga. "Namis kita, anak ko." "Salamat po, Nay. Namis ko din po kayo," naluluhang sagot nito na panay ang halik sa ulo ng ina. May kaliitang babae kasi ang ina nito na mataba. Kumpara kay Chelle na may katangkaran at kitang may lahi siya sa itsura kung hindi siya naka-disguise. Madalas ay maluluwag na blouse at mahabang palda ang suot nito na sasayad na sa sahig sa sobrang haba. Kaya naman Manang na Manang ang itsura. Sa mukha man o sa pananamit. "Handa ka na ba? Hwag kang mag-alala, anak. Mababait naman ang mga amo natin dito. Si Sir Leon lang ang may pagkasungit." Saad ng ina nitong ikinatango nito. "Sige po, Nay." Magkayakap pa ang mga ito na lumabas ng maids quarter at nagtungo sa mansion. Naghihintay naman ang pamilya Madrigal sa magarang sala nila habang hinihintay ang mag-ina. Nasabi na kasi ng ina ni Chelle sa mga amo na ngayon ang dating ng anak nito mula sa probinsya. Hindi naman itinago ni Lorna sa mga amo na ampon niya ang dalaga. Dahil sa mansion ng mga Madrigal na siya tumanda. Kabado naman si Chelle na mapasulyap na nandidito ang buong pamilya Madrigal sa sala. Kahit nakangiti ang mga ito ay kabado pa rin ang dalaga lalo na't alam naman nitong kilalang tao ang mga ito. Kaagad tumayo ang pamilya na malingunan ang mag-inang Lorna at Chelle na papalapit. Maliban sa isa na prenteng napadekwatro ng binti at walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Si Leon. Ang lakas pa ng music nito na kahit naka-headphones ay naririnig ng mga katabi. "Magandang gabi po," magalang pagbati ni Chelle sa mga ito na ngumiti at tumango. "Magandang gabi din sa'yo, hija. Feel at home, huh? And welcome to family Madrigal," nakangiting saad ni Mr Dwight Madrigal na ikinangiti ni Chelle. "Salamat po, Sir." Maluha-luha ito na isa-isang nginitian ang buong pamilya na kaharap. Kita naman kasi ang sinseridad sa mga ito. Maliban sa isa na hindi manlang nag-aangat ng mukha. "Don't hesitate to ask us if you need something, okay?" saad pa ni Mrs Anastasia na ikinatango nito. Nagsilapit pa ang mga ito na isa-isang niyakap ito at tinapik sa balikat bilang pagbigay respeto at pag-welcome sa dalaga sa kanilang tahanan. "This is your new home. So feel at home, Chelle." Nakangiting saad ni Delta na panganay sa magkakapatid na Madrigal. "Salamat po, Sir." "Delta. You can call me Kuya if you want," kindat pa nito na hinaplos sa ulo ang dalagang nag-iinit ang mukha. "Nice to meet you, Chelle. Welcome to family. I'm Drake. It's up to you kung anong itatawag mo sa akin. I won't mind," kindat nito na kinamayan ang dalaga. "Salamat po, Sir Drake." "I'm Sharanaya. You can call me Ate Naya. It's up to you, dear," magiliw na saad ng dalagang tila prinsesa ang tindig. Nahihiya namang nakipag kamayan si Chelle lalo na nang madama nito kung gaano kalambot ang palad ng dalagang amo. "Salamat po, Ma'am." Napapayukong pasasalamat ni Chelle na ikinangiti ng mga kaharap. Parang hinahaplos sa puso ang dalaga na makitang mababait nga ang mga amo. Kahit ang mga anak. Maliban sa isa. Napaismid ito na masulyapan ang binatang si Leon na walang pakialam sa paligid. "I'm Noah, Chelle, right?" Napapamaang namang nakipag kamayan si Chelle sa isa pang binata na napakakisig at gwapo din ng itsura. Napapalunok pa ito na bahagyang pinisil ng binatang nagngangalang Noah ang kamay nito. "Opo, Sir. Nice meeting you po." "Darren, sweetie." Nahihiyang ngumiti si Chelle na kumindat pa sa kanya ang isang binata na katabi ang ama. Para tuloy siyang nahihiyang kuting na hinaplos ng binata sa ulo. Pawang matatangkad katulad ng ama nila na mas lamang ang hawig sa ama kaysa sa ina nila. "Welcome home, Chelle. Ituring mong bahay mo na rin dito, okay?" saad pa ni Mr Madrigal na ikinatango-tango ni Chelle. Sabay-sabay pang napalingon ang mga ito kay Leon na nanatili sa kinauupuan. Napailing na lamang ang ama nilang si Mr Madrigal sa inaasta ng anak nito. Sa lahat ng anak kasi ay ito ang pinakasuwail. Ayaw na ayaw pa naman nitong pinapakialaman siya lalo na ng ama nito kaya tahimik lang si Dwight na inuunawa palagi ang binata. Hanggang ngayon kasi ay sinusuyo pa nito si Leon. Dahil kahit nakatira na ang binata sa mansion niya ay hindi naman ito pinapansin ni Leon. Pinapamukha palagi sa ama na hindi niya ito kailangan. "He's our brother named Leon. Pagpasensiyahan mo na lang, Chelle. May sumpong 'yan ngayon eh," pabulong saad ni Delta dito na napatango at pilit ngumiti. "Okay lang po. Nakilala ko na po siya kanina, Sir." Mahinang sagot ni Chelle na ikinatango-tango ng mga kaharap. Aksidente namang nagkalingunan sila ni Leon na napangising aso lang sa kanya bago bumaling muli sa cellphone nito. MATAPOS makilala ni Chelle ang mga amo ay bumalik din ito ng quarters nila. Bukas pa naman ang simula ng trabaho nito sa mansion kaya wala pang nakatokang trabaho sa kanya sa mansion. Madali lang naman ang trabaho nitong paglalaba. May mga kasamahan naman siya kaya hindi ito mahihirapan sa trabaho. Napapanguso itong nakahiga ng sofa habang nakamata sa puting kisame. Mamaya pa kasi ang balik ng Nanay nito at abala pa sila sa mansion. Kahit pinipilit na niyang matulog ay hindi naman siya makatulog na natulog na siya kanina. Bumangon itong muli na pumasok ng banyo para maglinis ng mukha. Kahit sanay na siya sa itsurang nerd ay naglilinis naman ito ng katawan at mukha kapag matutulog na siya. Napangiti ito na pinakatitigan ang mukha sa repleksyon sa salamin. Sa tuwing gabi lang kasi nito nakikita ang tunay na itsura. Dahil pagsapit ng liwanag ay kailangan niya ulit baguhin ang itsura para protektahan ang sarili. Na hindi niya alam kung hanggang kailan niya gagawin. Dahil wala namang may alam kung kailan manunumbalik ang memorya nito sa kanyang katauhan. "Chelle," sambit nito na nakangiti sa sarili. Matapos maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog ay lumabas na ito ng banyo. Sakto namang pumasok na ang Nanay nito na napangiting malingunan ang anak. "Napakaganda naman talaga ng anak kong 'yan," papuri pa ng ina nitong ikinangiti ni Chelle na inakay ang ina maupo ng sofa. "Ang Nanay talaga," natatawang saad nito na napasuksok sa ina. "Totoo naman ah. Aba. . . kung wala lang banta sa buhay mo, anak. Hindi kita itatago. Dahil dito sa mundong ginagalawan natin, maraming mapanghusga. Na inuuna kang husgaan sa iyong itsura. Kaysa ang kilalanin ka muna." Maalumanay na saad ng ina nito. Mapait na napangiti si Chelle. Tama naman kasi ang tinuran ng ina. Katulad na lamang kung paano siya itrato ng among si Leon. Dahil sa itsura niyang sobrang nerd ay tila nandidiri sa kanya ang binata. Kung paano siya itrato, tignan at kausapin. "Salamat po, Nay." "Hmm? Para saan naman, anak?" Tumuwid ng upo si Chelle na hinawakan sa kamay ang ina. Matamis na ngumiti habang nakatitig sa mga mata ng ina. "Sa lahat-lahat po ng tulong at sakripisyo niyo para sa akin. Kung hindi dahil sa inyo ay baka namatay na po ako. Ni hindi niyo alintana na nabaon kayo ng utang dito para maipagamot ako noong comatose ako. Hindi kayo sumuko na mabubuhay pa ako. Na makakaya ko 'yon. Dahil sa mga dasal niyo at tulong sa akin ay nabuhay ako, Nanay. Kaya maraming salamat po. Alam kong hindi sapat ang salitang pasasalamat sa mga nagawa niyo para sa akin pero. . .nagpapasalamat pa rin po ako. Dahil sa ngayon? 'Yon na muna ang kaya kong isukli sa inyo." Puno ng sensiridad nitong saad sa ina na naluluhang nakangiti sa kanya. "Walang anuman, anak. 'Di ba, gano'n naman talaga ang mga magulang? Gagawin ang lahat para sa anak nila?" "At gano'n din ho ako sa inyo, Nanay. Pangako po. Hinding-hindi ko kayo pababayaan. Makakaasa kayong hanggang pagtanda niyo ay kasama niyo ako. Ako po ang mag-aalaga sa inyo kapag hindi niyo na kaya ang sarili niyo," nakangiting sagot ni Chelle na ikinatango-tango ng ina at naluluhang niyakap ang anak. "Sige na po, Nay. Alam kong pagod kayo. Magpahinga na po kayo," saad nito na napakalas sa ina at marahang pinahid ang luha nito. Nangingiti namang napapikit ang Nanay Lorna nito na hinagkan pa siya ng dalaga sa noo. "Magpahinga ka na rin, hmm?" "Opo. Goodnight po, Nay." "Goodnight, anak ko." MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin nakakatulog si Chelle. Pabaling-baling ito sa malambot niyang kama. Nasanay kasi ito na sakto lang ang lambot ng kutson nito sa bahay nila sa probinsya. Hindi katulad ngayon na sa sobrang lambot ng kama ay lumulubog na ang katawan nito. Maingat itong lumabas ng silid na kumuha ng malamig na tubig. Napagpasyahang lumabas para magpahangin. Napapanguso ito na palakad-lakad sa gilid ng pool. Pilit iniisip ang kanyang nakaraan. Kung paano nanganib ang buhay nito na naging sanhi ng amnesia nito. Kung paano siya makakabalik sa totoong pamilya. Kung sino nga ba talaga siya. Ang dami niyang katanungan na masasagot lang kapag nakaalala na siya. Hindi namalayan ni Chelle na nakarating na siya ng mansion sa pagkakatulala nito habang naglalakad. Sakto namang bumukas ang main door ng mansion na ikinalingon nito doon. Parang sinabuyan ng malamig na tubig na mabungaran ang binatang amo na pasuray-suray maglakad! Lasing na lasing na halos sumubsob na sa sahig dala ng kalasingan! "Sir!" tili nito na napasubsob ang among si Leon na kaagad nitong dinaluhan. "Fvck," malutong mura ni Leon na tumama ang noo sa sahig. Natigilan ito na may biglang dumalo sa kanya na inalalayan pa siyang makatayo. Awang ang labi na tila nabuhusan ng malamig na tubig na mapatitig sa mukha ng dalagang nakaalalay dito. Para itong anghel na bumaba sa kalangitan para damayan siya sa amo at ganda ng mukha! Napapalunok si Chelle lalo na't iba ang dating ng pagtitig sa kanya ng among si Leon. Kabado ito lalo na't mukhang lango sa alak ang binata! Nangunot naman ang noo ni Leon na mas pinakatitigan ang kaharap. Napapakurap-kurap pa ito na nag-iiba ang mukha ng kaharap nito. Dala ng kalasingan ay nakikita nito ang dalagang iniibig sa katauhan ng iba na nakangiti sa kanya ang mahal! "B-bhelle," sambit nito na napakapit sa batok ng dalaga. "S-sir L-Leon --umpt!" Nanigas naman si Chelle na napakapit sa laylayan ng polo ni Leon na walang pasabing. . . sinunggaban siya nito at ngayo'y malayang nilalamutak siya sa kanyang mga labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD