PROLOGUE!

3756 Words
PROLOGUE! KABADO ang dalaga habang hinihintay ang costumer nitong bumili sa kanya mula sa auction party na sinalihan nito. Isang stripper si Lorna Suarez na bagong salta sa syudad. At dahil likas itong maganda at perpekto ang hubog ng pangangatawan ay madaling nakapasok sa in-apply-ang Bar ang dalaga. Ilang buwan na rin ito sa Bar bilang isang stripper pero ni minsan ay hindi ito humarap sa mga costumer. Hanggang pagsasayaw lang sa stage ang ginagawa nito. Pero ngayon ay kailangan niyang sumugal dahil nasa hospital ang ama nitong nasa probinsya. Inatake ito sa puso kaya naman kailangan niya ng malaki-laking halaga para may maipadala sa kapatid nitong nasa probinsya. Kahit labag sa loob ay kinakailangan nitong kumapit sa patalim para masalba ang buhay ng kanyang magulang. Handa siyang mawalan ng dangal kung kapalit naman ay madudugtungan ang buhay ng minamahal nitong ama. Nangangatal ang mga kamay nito dala ng kaba at lamig ng silid na kinaroroonan. Kanina pa niya hinihintay ang bumili sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa ang lalake. Mapait itong napangiti na napatitig sa repleksyon sa salamin. Naka-suot ng red lingerie na may light make-up na lalong ikinaganda nito. Halos lumuwa na nga ang bilugang hinaharap nito sa sobrang daring ng suot. Nakalantad din ang may kahabaang hita nito na halos makita na nga ang singit sa sobrang iksi at nipis ng suot nito. Nanunuot hanggang buto nito ang malamig na hanging binubuga ng aircon na nakakadagdag sa tensyong nadarama. "Kaya mo 'to, Lorna," piping usal nito na napabuga ng hangin. Lumabas na ito ng banyo at natuod na mabungaran ang lalakeng nakatalikod sa gawi nito. Nakaharap ito sa glass wall ng VIP room na kinaroroonan nila at kita mula dito sa loob ng silid ang mga taong nagkakasiyahan sa dance floor sa ibaba nila. Bumilis ang kabog ng dibdib nito na nakahingang maluwag dahil kita naman nitong bata-bata pa ang costumer nito at hindi isang matandang mayaman katulad sa inaasahan. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa binata na nakapamulsa ng isang kamay at may hawak namang beer sa kabilang kamay. Matangkad at kitang batak ang pangangatawan nito. Maayos din ang high cut hair nito maging ang pananamit. Naka-all black ito mula sa sapatos, pants at long sleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Kahit malamlam ang ilaw dito sa silid ay kitang maputi ang binata. Natuod naman ito sa kinatatayuan nang dahan-dahang pumihit paharap ang lalake at nakilala nito kung sino ito! Namilog ang kanyang mga mata na natutop ng palad ang bibig na makilalang. . . isang sikat na model at artista ang binata! Walang iba kundi ang tinaguriang certified playboy ng showbiz! Si Dwight Axelle Madrigal! Napangisi naman si Dwight na makita ang pagkagulat ng dalagang binili nito. Kanina pa sa labas ng auction ito nanggigigil na makuha ang dalaga. Na unang kita niya pa lang dito ay nakuha na nito ang kanyang attention. Kaya naman walang paligoy-ligoy na binili kaagad ang dalaga para sa isang gabing pagsasalo nilang dalawa. . . sa kama. "You look surprised, baby. Are you okay?" Tumayo ang mga balahibo sa katawan ni Lorna na marinig ang husky baritone voice ng binata. Napapalunok ito na nakamata lang sa kaharap. Hindi pa rin makapaniwalang kaharap na niya. . . ang isa sa pinakasikat na modelo ng bansa at pantasya ng mga kababaihang makilala! Pero siya ay heto. . . kaharap na niya ito at. . . makakasama pa sa buong magdamag sa kama! Napipilan ito na marahang nakagat ang ibabang labi. Kitang napasunod naman ng tingin si Dwight sa labi nito na napalunok din. Inilang hakbang nito ang pagitan nila ng dalaga na natuod sa kinatatayuan. Mas lalo namang bumilis ang kabog ng dibdib nito na mapasadaan sa malapitan kung gaano kaganda ang dalaga! Kitang bata pa ito at sariwang-sariwa ang itsura! "Do you know me?" sensual nitong paanas sa dalaga. "Uhm. . . S-sir D-Dwight," nauutal na sagot ni Lorna ditong ikinangiti lalo ng binata. "You don't have to call me Sir, baby. You can call me by my name or better call me. . . baby too," paanas pa nito na napakalandi ng tono. Napapalunok naman ang dalaga na hindi masalubong ang matiim na pagkakatitig sa kanya ng binata. Nanunuot hanggang buto nito ang pagtitig nito na tila nilalapa na siya sa isipan nito! "I hope you don't mind if I ask you this question, baby, but. . . are you healthy? Are you still clean?" diretsong tanong ng binata na dahan-dahang kinalas na ang mga butones ng polo. "Uhm. . . v-virgin pa po, D-Dwight," nauutal pa ring sagot nito. Napangiti naman si Dwight na tuluyang hinubad lahat ng kasuotan sa harapan ng dalaga na nag-iwas ng tingin. Kahit nagtatrabaho naman kasi ito sa Bar ay hindi pa nito naranasang magpakama sa lalake. O kahit makakita ng hubo't-hubad na lalake. Kaya naman hindi niya kayang mapasadaan ang kabuoan ng kaharap kahit kitang napakakisig ng binata. Napapitlag ito na pumisil si Dwight sa baba nito at marahang itiningala sa kanya. Lalo namang nangatog ang mga tuhod ng dalaga na mapatitig sa mapupungay na mata ng binata. Tila nanghihigop ang mga iyon na bakas ang pagnanasa at kasabikan sa mga iyon! Unti-unti itong napapikit kasabay ng pagbigat ng kanyang paghinga na tuluyang sinakop ng binata ang mga labi nito ng isang malalim at mapusok na halik! BUONG magdamag nga itong inangkin ng binata na tila walang kapaguran! Kahit nanlalata na ang dalaga ay pilit itong bumangon na naglinis ng nanlalagkit niyang katawan. Sinulit talaga ng binata ang nasa dalawang daang libong piso na ibinayad para sa katawan niya. Puno ng panggigigil at kasabikan ang bawat pag-angkin sa kanya ni Dwight na talaga namang nagustuhan nito. Hindi na nga nakapagtataka na pinipilahan ang binata dahil bukod sa sikat ito, makisig, matangkad, sobrang gwapo, mayaman ay napakagaling nga naman nito pagdating sa kama. Napangiti itong hinagkan sa noo ang binatang nahihimbing na dala ng pagod. Hubo't-hubad pa ito na nangingintab sa pawis ang pangangatawan. Sa sobrang antok at pagod ay hindi na nga nito nagawang maglinis ng katawan. "Salamat sa isang gabing pinalasap mo sa akin ang langit sa piling mo, Dwight. Hindi kita makakalimutan." Bulong nito sa binata na muling hinagkan sa mga labi bago tuluyang nilisan ang VIP room na kinaroroonan nila. Dala ang perang pinangbayad sa kanya ay tumuloy na ito ng terminal para makauwi sa kanilang probinsya. Dala ang pag-asang madudugtungan pa ang buhay ng kanilang ama dahil sa perang ibinayad sa kanya ni Dwight. Pero pagdating nito sa kanila ay huli na ang lahat. Dahil nalagutan na ng hininga. . . ang kanilang ama. DAHIL sa pagkamatay ng ama ni Lorna ay hindi na ito nakabalik pa ng syudad. Nanatili na muna ito sa probinsya nila dahil hindi maiwan ang kapatid nitong labis na nangungulila sa pagpanaw ng kanilang ama. Hanggang sa lumipas na ang mga araw na hindi nito namamalayan. Isang umaga. Napabalikwas ito mula sa kama na maramdamang tila humahakungkat ang mga lamang loob nito! Dali-dali itong nagtungo ng banyo at doon dumuwal nang dumuwal. Para itong mawawalan ng balanse sa biglang panghihina matapos magsuka nang magsuka ng tubig na mapait at malapot! Kumabog naman ang dibdib nito na may mapagtanto! Mahigit isang buwan na nga pala siyang nandidito sa probinsya nila at. . . hindi pa rin dinadatnan ng monthly period nito! Natutop nito ng palad ang bibig na namimilog ang mga mata. "H-hindi. . . b-buntis kaya ako?" piping usal nito. May kung anong parte sa kanyang puso na natutuwang malaman na. . . buntis ito kay Dwight! Kahit hindi na niya muling makaharap ang binata ay ayos lang sa kanya. Ang mahalaga ay may bunga ang isang gabing pinagsaluhan nila nito. At ngayon ay. . . dala-dala na niya sa sinapupunan ang anak ng nag-iisang. . . Dwight Axelle Madrigal! MAKALIPAS ang ilang buwan ay nagsilang na nga si Lorna. Hindi na rin ito bumalik ng syudad para sa kapakanan nilang mag-ina. Kahit pinagtatawanan siya ng mga tao na nanganak na dalaga ay walang pagsisisi itong nadarama dahil. . . mahal na mahal nito ang anak. Karamay naman nito sa pagpapalaki sa kanyang anak ang kapatid nitong babae. Si Loraine. Napangiti ito habang marahang sinasayaw ang anak na kalong-kalong nito sa kanyang bisig at binibilad sa papasikat na araw. Kahit bagong silang pa lang ang anak ay kitang-kita nito na kamukhang kamukha niya ang ama. Napaka-cute nito na namumula ang makinis at maputing kutis! Kahit ang maliit nitong ilong ay napakatangos. Na namana sa kanyang amang isang artista! Hindi na rin ito naghangad na lumapit sa binata dahil naibalita ng. . . ikinasal na ito sa nobya. Maluwag sa dibdib na tinanggap niya ang katotohanang hindi para sa kanya ang isang Dwight Axelle Madrigal. Sapat na sa kanya na may anak siya mula sa binata. At 'yon ay walang iba kundi. . . si Leon Madrigal. ****Twenty Five years later***** LUMAKING basagulero at barumbado ang binatang si Leon Madrigal. Madalas itong napapasali sa mga rambulan sa kanilang compound at ito ang madalas pasimuno ng gulo. Nakapagtapos naman si Leon sa kolehiyo. Pero mas gusto nitong magpasada ng jeep at malaki din naman ang kinikita nito sa pamamasada. Alam naman ng binata kung sino ang ama nito. At wala siyang pakialam dito. Nakatatak na kasi sa isipan niya ang mga pangungutya sa kanya ng mga tao. Na isa lang siyang bastardo. Putok sa bungo at kung ano-ano pang pang-iinsulto sa kanyang pagkatao dahil sa pagiging. . . anak niya sa labas. HANGGANG isang araw. Pagdating nito sa kanilang tahanan ay nagulat na lamang itong maraming tao ang nasa bakuran nila. Lahat naka-formal attire ng itim na tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Bumilis ang kabog ng dibdib nito na napapalunok. Dahan-dahang naglakad palapit ng kanilang tahanan at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na mapagsino ang kanilang bisita. Si Dwight Axelle Madrigal. . . ang kanyang ama. Naikuyom nito ang kamao na pinaningkitan ang lalakeng napatayo na makita siya. Kaharap nito ang kanyang Tita Loraine at Nanay Lorna na kinakausap ng masinsinan. "Uhm, anak, k-kilala mo naman siya, 'di ba?" mahinahong saad ng ina nito. "Oo naman po, Nay. Bakit ko naman makakalimutan ang taong. . . ginawa kayong parausan," sarkastikong sagot nito na nakamata sa kanyang ama. "L-Leon, hwag ka namang ganyan sa ama mo, anak." Ani ng ina nito. "It's okay, Lorna. Naiintindihan ko siya," sagot naman ni Dwight na sa anak nakamata. Kahit hindi nito ipapasuri ang binata ay kitang-kita ang ebidensyang. . . anak niya ito. Dahil kuhang-kuha lang naman nito ang mukha ng ama lalo na noong kabataan nito. Hindi nga maipagkakailang. . . dugong Madrigal ang kaharap nito. "Tsk. Hwag ka ng magpakadakila, Dwight. Anong ginagawa mo dito?" sarkastikong tanong nito. Namilog naman ang mga mata ng ina at Tita nito na tinawag niya ang ama sa pangalan na wala manlang kagalang-galang! "Leon!?" madiing asik ng ina nito. Ngumisi lang ito na tinaasan ng kilay ang ama nitong napapalunok at namutla habang nakamata sa anak nito. "Bakit, Nay? Kailangan na naman ba niya ang katawan mo para malabasan ng init niya?" "Leon, ano ba!?" asik ng ina nito. "Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo, Leon. Hayaan mo akong makabawi sa'yo at sa Nanay mo. Please, anak," puno ng pakiusap na saad ng ama nito. Pagak namang natawa si Leon na napapalakpak pa ng palad habang nang-uuyam ang mga matang nakamata sa ama nito. "Anak? Hoy, Madrigal Hindi mo ako anak, okay? Dahil mula umpisa ay hindi ka naman na nagpakaama sa akin. Kaya nga binansagan ako ng mga taong. . . bastardo." Pang-uuyam pa nito. Humakbang ito palapit sa ama na binunggo sa balikat at bumulong sa punong-tainga nito. "Hindi kita kailangan. Umalis ka na, Dwight. Baka magdilim ang paningin ko at. . . lapain ka ng Leon na kaharap mo," pagbabanta nito. Ngumisi ito ng nakakaloko habang magkatapat ang mukha nila ng ama nitong namumutla at pinagpapawisan. Napasipol pa ito na tinaasan ng kilay ang ama bago tuluyang iniwan at sinadya pang bungguin sa balikat. PABAGSAK itong nahiga sa kama nitong pang dalawahan lang ang size. Napadantay ng braso sa noo na nagngingitngit ang mga ngipin. Galing ito sa pamamasada ng kanyang jeepney at hindi lubos akalaing makikita niya dito sa tahanan nila ang kanyang ama. Maya pa'y bumukas ang pinto at niluwal no'n ang ina niyang kita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Napahinga ito ng malalim na makita ang anak na nakangusong nakamata sa kisame. Naupo ito sa gilid ng kama na kinuha ang kamay ng anak. "Leon, hindi ko nagustuhan 'yong inasal mo kanina, anak." Maalumanay nitong saad. Napabuga ng hangin si Leon na kita ang iritasyon sa gwapong mukha nito na marahas na napaupo ng kama at sumandal ng dingding. "Ma, paalisin mo nga ang taong 'yon dito. Sana naman tinanong mo muna ako kung gusto ko siyang makita. Alam niyo namang abot langit ang inis ko sa taong 'yan, hindi ba?" iritadong saad ni Leon sa ina. Napahinga ng malalim ang ina nito na kinuhang muli ang kamay ng binata na marahang pinipisil-pisil iyon. "Leon, anak. Makinig ka naman sa akin, oh? Si Sir Dwight, ama mo siya. Pagbalik baliktarin man natin ang mundo? Umabot man sa buwan ang galit mo sa kanya? Anak, ama mo pa rin siya. Hindi no'n mababago ang katotohanang. . . dugong Madrigal ang umaagos sa iyong mga ugat. Nand'yan na ang ama mo, Leon. Gusto ka niyang. . . kilalanin." Maluha-luhang saad ng ina nito. Napabuntong hininga ng malalim si Leon na naihilamos ang palad sa mukha. "Mama, Mahigit dalawang dekada na akong nabubuhay sa mundong ito na wala siya. Nakaya naman nating mabuhay na wala ang taong 'yan. Bakit ngayon kung kailan malaki na ako saka siya magpapakita dito, huh?" naiinis na saad ni Leon sa ina. Nag-iigting ang panga nito na kita sa mga mata niya ang inis at galit sa kanyang ama. "Leon, matanda na ako. Kailangan mo ang ama mo. Paano na lang kapag namatay na ako, ha? Nand'yan ang Daddy mo na handa kang kunin sa poder ko. Anak, gawin mo ito para sa akin, please? Nakikiusap ako sa'yo, anak ko. Kilalanin mo naman ang ama mo. Bigyan mo siya ng pagkakataon na makilala." Pakiusap ng ina nito na malamlam ang mga matang nakatitig sa anak. "Bakit pa, Mama? Sinabi ko naman na sa'yo, kinaya nating mabuhay na wala siya. Kaya nating mabuhay na wala ang tulong niya." Giit ni Leon na naiinis na rin sa ina nito. "Hindi kita pipilitin na tanggapin ang ama mo, Leon. Pero sana. . . bigyan mo naman ng pagkakataon ang ama mong magpakaama sa'yo, oh?" saad ng ina bago lumabas ng silid ng anak. "Urghh!" asik ni Leon na nasuntok ang pader. Bagsak ang balikat na lumabas ng silid ni Leon ang ina. Naluluha na bumaba ng sala nila kung saan naghihintay si Mr Dwight Madrigal at kapatid nito. Pilit itong ngumiti na naupo sa tabi ng kapatid kaharap si Mr Dwight. "Sir Dwight, pasensiya ka na sa anak ko. Wala eh. Galit pa rin siya. Sinusubukan ko naman siyang aluhin at kausapin tungkol sa'yo pero. . . galit talaga siya." Pilit ngumiti si Mr Dwight na napatango-tango. "Hindi ko naman masisisi ang anak natin, Lorna. Hayaan na muna natin si Leon. Hindi madali sa kanya ang hinihingi ko. Pasasaan pa at. . . masusuyo ko rin siya. Alam ko 'yon. Anak ko siya eh." Sagot ni Mr Dwight na tumayo na rin. "Salamat po sa pag-unawa, Sir Dwight. At pasensiya ka na rin sa inasta ng anak ko." Sagot ng ina ni Leon habang hinahatid ito palabas ng bahay. "Anak natin, Lorna. Anak natin si Leon. Hayaan mo, hindi ako susuko hanggang masuyo ko rin ang anak natin." Sagot naman ni Mr Dwight na ikinatango-tango nito. "Sana masuyo mo na siya sa lalong madaling panahon, Sir Dwight. Bago sana ako malagutan ng hininga ay makita kong magkaayos na ang mag-ama ko. Ikaw at. . . ang Leon natin." Mapait nitong saad. Huminto naman si Mr Dwight na humarap dito habang nasa bakuran sila. Kinuha nito ang kamay ni Lorna na malamlam ang mga matang napatitig dito. "Ayaw mo ba talagang ipagamot kita, Lorna? Kahit dalhin pa kita abroad para doon ipagamot ay gagawin ko. Handa akong gumastos kahit umabot ng bilyon madugtungan lang ang buhay mo. Masakit ito para kay Leon. Tiyak na madudurog siya kapag nalaman niyang. . may malubha kang karamdaman na tinatago sa kanya," usal ni Mr Dwight. Kiming ngumiti si Lorna na binawi na ang kamay dito. "Ito na siguro ang kapalaran ko, Sir Dwight. Pero alam mo. . .? Masaya ako. Napakasaya kong mamahinga dahil alam kong. . . mapapabuti na ang kinabukasan ng anak natin sa kamay mo. Isang karangalan sa isang katulad kong mahirap at simpleng dalaga ang dalhin ang isang tagapagmana mo, Sir Dwight. Binigyan ko ako ng regalo na habang buhay kong naging treasure. At ngayon ay kampante na akong mamahinga. Dahil. . . makakauwi na si Leon. . . sa totoong kaharian nito. At 'yon ay sa poder mo, Sir Dwight. Maraming salamat at kinilala mo ang anak ko. Basagulero si Leon eh. Pero sinisiguro ko sa'yong. . . mabuting tao 'yan. Mapagmahal siyang anak sa amin ng Tita Lorraine niya. Lalo na sa akin na ina niya. Reyna ang turing niya sa amin ng Tita niya. Hangad ko na sana'y dumating na ang araw na tanggapin ka na ni Leon sa buhay niya. Hwag ka sanang magsawang. . .suyuin ang anak natin hanggang madala mo siya sa iyong kaharian. Kung saan siya nararapat naroon," luhaang saad ni Lorna na ikinangiti ni Mr Dwight na nagpipigil tumulo ang luha. "Oo naman, Lorna. Hindi ako magsasawang suyuin ang anak natin. Iuuwi ko siya sa kahariang nararapat sa kanya. Ibibigay ko sa anak natin ang karapatan niya bilang isang Madrigal heir. Salamat ng marami, Lorna. Hindi mo pinabayaan ang anak natin kahit hindi ko kayo napanindigan. Hindi mo rin ginulo ang buhay ko at ng asawa ko kahit na may habol ka naman sa akin," saad ni Mr Dwight na ikinangiti ni Lorna. "Ang anak ko lang ang may karapatan sa'yo, Sir Dwight. Isang karangalan sa akin na maging ina ng isang anak mo. Hayaan mo, habang humihinga pa ako? Susuyuin ko ang Leon natin para bigyan ka ng pagkakataon na kilalanin niya." Napatango-tango naman si Mr Dwight na tuluyan ng nagpaalam sa ina ng anak nito. LUMIPAS ang mga araw at linggo. Patuloy sa pagdalaw si Mr Dwight sa anak kahit pa pinagtatabuyan siya nito at palaging iniinsulto. Hanggang sa dumating ang araw na ikinaguho ng mundo ni Leon. Ang pagpanaw. . . ng pinakamamahal nitong ina. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang binata sa labis na paghihinagpis nito na malamang may malubhang sakit pala ang ina nito na hindi niya alam. Kaya naman pala lumuwas ng syudad ang ina nito at lumapit kay Mr Dwight Madrigal. Dahil inihabilin na siya ng ina sa kanyang ama. Napatayo si Leon nang dumating si Mr Dwight sa lamay ng ina nito na may mga kasamang nagkikisigang binata. Kung hindi siya nagkakamali ay halos magkakaedaran lang sila ng mga ito. Napapalapat ito ng labi na naikuyom ang kamao. Hinintay na makalapit ang tatlo sa kanya. "Nakikiramay kami, Leon." Pormal na saad ni Mr Dwight. "Salamat," labas sa ilong saad nito na hindi pinansin ang nakalahad na kamay ng ama. "Condolence. . .bro?" saad ng isa pang binata na naglahad ng kamay dito. Napatitig si Leon sa nakalahad na kamay nito. Kung titignan ang kamay ng binata ay napakalambot at ganda. Ang linis din ng mga kuko nito. May mga suot na diamond ring at rolex watch! "Salamat," anito na tinanggap ang kamay ng binatang napangiting. . . kinabig itong niyakap na tinapik-tapik sa likuran. Napapalunok si Leon na bumilis ang t***k ng puso na hindi makakilos. Damang-dama nito ang kakaibang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa kanyang ugat habang yakap siya ng binata. Hanggang sa napahikbi na ito na ginantihan ang yakap ng binata sa kanya. Lalo itong napahagulhol nang maging ang isang binata ay niyakap siya na hinahagod-hagod siya sa likuran. Pakiramdam ni Leon ay nagkaroon siyang bigla ng lakas sa pagdating ng mga ito. Kung saan hinang-hina siya at parang nawawalan na ng pag-asa sa buhay. TAHIMIK ang mga itong magkakaharap sa kubo sa likod ng bahay nila Leon. Dito sila dinala ni Leon para makausap ng masinsinan. Marami kasing tao sa harapan at loob ng bahay na nakikiramay kay Leon at Tita nito sa pagpanaw ng kanyang ina. Naiwan naman sa loob ang ama nila kasama ang Tita ni Leon na siyang nagbabantay sa ina nitong nakaburol. "Shot mo," saad ni Leon na pinagsalin ng lambanog ang dalawang binatang kaharap nito. "Salamat, dude. Anyway. . . I'm Delta. Mas nakatatanda ako sa'yo so youncan call me Kuya if you want," saad ng binata na tinanggap ang basong pinuno ni Leon ng lambanog. Kiming ngumiti si Leon na ipinagsalin din ang isang binata na nakangiting tinanggap ang baso. "Thanks, dude. I'm Drake. Mas nakakatanda din ako sa'yo. So if it's okay with you? You can call me Kuya too." Magiliw na saad ng isa pang binata na ikinangiti at tango ni Leon. "Ako si Leon. Masaya akong. . . makilala ko kayo. Solong anak kasi ako. Pero pinangarap ko ring magkaroon ng mga kapatid. At ngayon ay kaharap ko na kayo. Gan'to pala ang pakiramdam na may mga kapatid ako. Pakiramdam ko ay. . . may mga kakampi na ako." Saad ni Leon na napa-toss sa mga itong ngumiting sumabay sa pagtungga nito. "Urghh fvck. Ang tapang," mahinang bulalas ng dalawa na ikinahagikhik ni Leon. "Bakit kasi binotoms up niyo? Matapang talaga ang lambanog. Lalo na kung hindi kayo sanay uminom nito," natatawang saad ni Leon sa mga Kuya niyang namula kaagad ang mukha na kitang tinamaan sa nainom. "Damn, we're so happy to finally meet you, Leon. Sana. . . sana umuwi ka na sa atin. We're longing for you," saad ni Delta na ikinatahimik nilang tatlo. Nagpatuloy ang mga itong nag-inuman. Kung saan-saan na rin napupunta ang kwentuhan nila. Kitang naging palagay na rin si Leon sa mga Kuya nito na nagagawang humalakhak sa mga biruan ng kapatid. Nangingiti naman si Mr Dwight na pinapanood ang tatlong binata nito. Para siyang hinahaplos sa puso na nakikitang maayos ang tatlo. "Sana sa susunod. . . kasama na ako sa bonding niyo, Leon anak. Masaya akong makitang. . . tanggap mo ang mga kapatid mo. Sana nga ay tanggapin mo na ring. . . isa kang Madrigal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD