MAGHAPONG nagkulang ng hotel ang dalawa. Kinailangan pa tuloy i-reschedule ni Chelle ang meeting nito sa ilang investors para mapagbigyan si Leon na hindi siya tinatantanan lambingin at kulitin. Bagay na gustong-gusto rin naman ni Chelle. Napahinga ng malalim si Chelle habang nakamata sa nagtatayugang building sa harapan. Sa dami ng nangyari sa buhay nila ng Kuya niya ay hindi na nito alam kung saan siya mag-uumpisang lumimot at tanggapin ang lahat. Mula sa pagkamatay ng Ate Rihanna nila noong nakaraang taon. Ang pagtangka sa buhay niya sa akmang pag-upo nito sa trono at ang pagpatay sana sa kanya ng Lolo at pinsan nitong buong akala niya ay kakampi niya. Naipilig ni Chelle ang ulo na maalala ang yumaong kapatid. Binundol ng kakaibang kaba sa dibdib na maisip. . . ang biglaang pagkamatay