ILANG araw pang nanatili ang dalawa sa Europe na sinusulit ang bakasyon nila kung saan malayo sa lahat at walang ibang inaalala. Naging abala na ang mga ito pagbalik ng bansa kung saan inasikaso kaagad ni Chelle ang pagbangon ng Montenegro Empire. Ibinalik na rin nito kay Leon ang posisyon sa Madrigal's Tower. Hindi naman pumayag si Leon na hindi ibalik ang perang ginamit ni Chelle para makabili ng shares sa kumpanya nito. PALAKAD-LAKAD si Chelle sa gilid ng pool na malalim ang iniisip. Hindi pa kasi ito bumabalik ng unit ni Leon kahit panay ang pangungulit sa kanya ni Leon na magsama na silang dalawa. Kahit wala ng makakapigil sa nalalapit nilang pagpapakasal ay may parte pa rin sa puso ni Chelle ang hindi mapalagay. Habang papalapit ang araw ng kasal nila ay mas lalo siyang kinakab