NANGINGITI si Leon habang yakap-yakap si Chelle na nakasakay ng eroplano. Hindi nga ito nagbibiro na isinama si Leon sa Europe para magtigil na ito. Sinubukan lang naman siya ni Chelle kung anong gagawin nito kapag hindi siya pinapansin at uuwian ng dalaga. Hindi nga nagkamali ng hinala si Chelle. Na pupuntahan siya ni Leon para pigilan. Ngayon ay mas nananaig na sa puso niya ang magtiwala kay Leon. Na totoo ang mga pinapakita nito. Hindi dahil plano nitong maghiganti sa kanya. O nakikipaglaro lang. Kundi sinsero nga ito sa mga sinasabi. Sa panunuyo sa kanya at paghingi ng tawad. Lihim itong napapangiti na panay ang pagnakaw ng halik ni Leon sa kanya habang yakap-yakap siya nito. Kung makabakod sa kanya ay akala mo naman tatakasan siya ni Chelle. Hanggang sa nakaidlip na rin si Leon na