Chapter 2

2022 Words
"Saan mo naman nakuha ang lakas ng loob na tawagan ako?!" Supladang bungad ni Hailey sakin. Iginiya ko ang katawan ko patungo sa kama at nahiga. Pumikit ako saglit at mahinahong idinampi ang cellphone sa tenga ko. "Pwede ba?, kahit 5 minutes lang kausapin mo naman ako ng maayos. Yung walang halong galit at inis?" I suggested. Masyado na yata siyang high blood ngayon. Baka ma stroke pa siya kaka-isip sakin. Ako pa ang masisisi dahil ako ang last call niya. "Paanong hindi ako maiinis at magagalit sayo? Did you think mapapatawad pa kita, sa ginawa mo kay Vivien?" "Here we go again, talking about her. Gaano ba siya ka importante at hindi niyo siya malimutan? Come on people, it's already 2 months!" Napahilot ako sa sentido ko matapos sabihin iyon. Hailey Pryl Buenaventura is fearless. I'm afraid masira pa ang career niya dahil sa attitude niyang hindi ko maintindihan. Spoiled br*t naman kasi. She came from a wealthy family. Lahat ng hinihingi niya, nakukuha niya. At ngayong, artista na ganon parin siya. "It's already 2 months and the wounds still there. So tell me, how to move on?" Narinig ko ang peke niyang pagtawa sa kabilang linya. "Oo nga naman, hindi mo nga naman pala itinuring na kaibigan si Vivien!" "You're wrong!" I hissed. "No! You're wrong! Dahil diyan sa kalandian mo, kinalimutan mong kaibigan natin siya! You've chosen to forget our friendship para lang sa l*ntik na lalaking yan!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya iyon. Her words hit me. She'll never understand me, kasi hindi siya ang nasa posisyon ko. She'll never understand where my hearts pounding to. Kasi hindi niya pa nasubukang magmahal ng totoo. "That's why naiisip ko laging napaka-biased mo!" "Biased saan?" "Mas gusto mo naman talaga si Vivien kesa sakin. She's more important than me!" "And yeah, maybe you're right! Nakikibagay lang ako sa mundo niyo!" Dagdag ko na ikinatahimik niya sa kabilang linya. Mabilis kong p*natay ang cellphone ko at napapikit nalang sa nangyayari sa paligid ko. Everyone blame me for what happened to her. Sa paningin nilang lahat ako ang masama. Hindi ko na alam kung saan ako makikibagay. I'm exhausted by the taughts, that no one would ever be in my side. At ako lang mag-isa ang lalaban para sa sarili ko. I was still lying on my bed when suddenly a maid approaches me. May bitbit siyang folded letter at hindi ko alam para saan iyon. "Anong kailangan mo?" I started asking her. "Darating po dito mamaya sina sir Zacheo at ang asawa niya." Umirap ako sa kanya. I didn't know who's Zacheo is. Maybe, a friend of them or a relatives? "And?" "Magbihis raw po kayo, dahil sasalubungin niyo po sila mamaya sa baba." Napabangon ako sa pagkakahiga ko at namewang. Hindi ko alam kung sino ang bisita nila at kailangan pa talagang kasama ako. Hindi rin naman nila ako itinuring na pamilya nila. They even left me behind sa tuwing may family gatherings sila. Nakakapagtaka at ngayon ay kasali na ako. "Seriously? You'll wear that?" Napatanga ako ng tanungin ako ni Lucas. Nakikita ko ang pagkadisgusto niya sa suot ko. Nagsuot lang naman ako ng tattered baggy pants atsaka puting crop top. "What's wrong?" "Geez, san ba punta mo?" "Sabi mo sa baba?" "Chose some clothes that are comfortable to wear." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago siya hinarap. "I'm comfortable with it!" "Sa paningin mo komportable ka. May concert ka bang pupuntahan?" Pailing-iling kong binuksan ang cabinet sa harapan ko. Napatigil ako at nag-iisip kung ano ang susuotin ko. Napakarami nito pero wala akong maisip na suotin. "Maybe, I'll pick this one!" Ipinakita ko sa kanya ang binili ko sa mall na blue body con dress. Nag-isip pa siya sandali atsaka pumayag narin. Sino ba kasi ang mga bisita nila at kailangan pang magbihis ako. "Nga pala, bakit ka nandito sa kwarto ko?" I asked. "I'm informing you." Tipid niyang sagot. "Alam ko naman na ang dapat kong gawin. Hindi mo na ako dapat pang turuan." Hindi na siya umimik pa at umalis na. Nagbihis narin ako atsaka nag retouch narin. Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso na muna sa kwarto ni Lucas. May gusto lang akong tanungin sa kanya. "Hanggang kailan mo ititira dito ang babaeng yan!?" Papasok na ako sa kwarto niya nang marinig ko ang pinag-usapan nila ng daddy niya. They're talking about me. "Malapit na dad. Naghihintay lang ako ng tamang timing para sabihin sa kanya." "Just make sure na wala na siya rito next month. Nakakahiya sa mga kumpare ko na nagtira ka ng babaeng walang dignidad sa pamamahay ko!" "I'm very sorry dad. It was my fault. I started this!" Halos mawalan ako ng lakas dahil sa narinig ko. Ganon ba ako kasama sa paningin ng ama niya para pagsalitaan ako nito ng masama? "Ma'am nasa baba na po ang mga bisita." Aniya ng maid. Napatango nalang ako. Hindi ako makagalaw buhat nang marinig ko iyon. "Kanina ka pa diyan?" Dahan-dahan kong hinarap si Lucas. Nabukas na niya ang pintuan at sa tabi niya si Don Crisanto. Nakatitig siya sakin ng seryoso. "Nakikinig ka ba sa usapan namin?" Ani ni Don Crisanto. Tumango ako at sa kanya na naman humarap. "Anong karapatan mong makinig sa usapan ng iba?!" "Ano pa pong silbi kung ako rin lang naman ang pinag-uusapan niyo!" "At sumasagot ka pa-" Lucas cut him off. "Dad, nasa baba na sila Zacheo. Wag natin silang paghintayin." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng Don. He even gaze me with an anger in his eyes. Napa-iling nalang ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong sagutin siya. And somehow, nahiya ako sa ginawa kong iyon. "I don't like such manner you're giving towards me! You've insulted me in front of Lucas!" Napalunok nalang ako at huminga ng malalim. Pinipigilan kong mamuo ang luha sa mga mata ko. Ayokong makita nila akong umiiyak sa ganoong bagay. I want them to see me as a strong woman unlike Vivien who has the weakest heart and the weakest mind of all I knew. "By the way, I would like to introduce my wife to all of you!" Malakas ang pagbigkas ng isang lalaki na umabot hanggang sa hagdanan ng mansyon kung saan magkasama kaming bumaba nina Lucas at Don Crisanto. Sumulyap kami sa gawi nila. Napahinto at nagtaka. Kumunot ang noo ko nang mamataan ang pamilyar na mukha ng lalaki. I've met him before. Hindi ko lang matandaan kung saan. As I took a glance at the girl beside him, I instantly put my hands in my mouth. I can't believe she's here. "Vivien!" Bulalas ni Donya Bella sa babaeng nasa harapan niya. "Anong ibig sabihin nito?" Dagdag niya pa. Aniya'y nakakita kami ng multo dahil sa nakikita namin ngayon. Pinagpatuloy namin ang pagbaba sa hagdanan hanggang sa maabot namin ang unang palapag ng mansyon. We're still in shock, dahil sa nasaksihan. Si Vivien buhay na buhay. Is she that Sabrina girl kahapon? Kung hindi siya si Vivien bakit sa lahat pa ng naging asawa ni Zacheo ay siya pa. It cannot be! "Siya ba ang sinasabi mong asawa Zeo?" Isang matamis na ngiti ang iginawad niya kay tita Bella. "Opo bakit may problema ba sa asawa ko?" Doon ay napalunok ako. How? Is this man joking? "You look Vivien! No? You really look like her!" Wika ni Tita Bella na nakapagpataas ng kilay ni Sabrina. Napalingon pa siya sa gawi namin. Maybe, naalala niya kami ni Lucas. "Sabrina po ang pangalan ko. Hindi ko po alam kung bakit niyo ako tinatawag ng Vivien siguro po kamukha ko lang yung tinutukoy niyo?" "Tita! She's Sabrina yung kinukwento ko sa inyong hidden wife ko. We've been together for three years and we're married 2 years ago. You know all about that!" Zeo inserted. Pero bakit magkamukhang magkamukha talaga si Vivien at ang Sabrina na ito. Are they twins? Siguro ba? Kasi kung tutuosin Vivien hasn't grew with a family. Siguro nagkalayo sila ng kakambal nito kung meron man. All of us was in the air of tense. We haven't take any possible answers in our questions. We were hanged full of exploded bomb inside our thoughts. "Then was that baby in her womb was yours?" Ang kanina'y mabibigat na tagpo ay mas lalo pang bumigat nang tanungin iyon ni Lucas. Nagkatinginan pa si Sabrina at Zacheo before he raised his brows towards Lucas. "Absolutely mine! Ano bang nangyayari sa inyo? Matagal ko na siyang kinuwento sa inyo and yet now you all keep insisting that my wife Sabrina is that you so called Vivien!" He vigorously said. I smiled fakely. After, realizing the situation, I finally had the possible answers in my mind. Inirapan ko si Sabrina. "Pasensya kana hija inakala talaga naming ikaw si Vivien! My apologies." Pagpa umanhin ng Donya kay Sabrina. We were in the middle of our dinner dahil pagkatapos ng tagpo kanina ay napag-usapan na nila ang buhay nina Zacheo at Sabrina sa ibang bansa. Tahimik lang akong kumakain and I don't make noise at all. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. "Ayos lang po tita!" Kiming ngiti niya bago hiwain ang steaks sa plato niya. Napasulyap ako sa gawi ni Sabrina nang abutan siya ni Don Crisanto ng isang putahe at pinaglagyan pa siya nito sa plato niya. Ano ba tong nangyayari sakin? Insecure na yata ako sa kanya. "Nakakabuti iyan sa baby hija. So you should eat that for your health." Aniya. I'm irritated by her existence. All of the attention seems focused to Sabrina and Zacheo. They don't even give a d*mn attention to me. Binalingan ko ng tingin si Lucas. Tahimik lang ito at tila'y walang gana sa pagkain dahil kunti lang ang nabawas sa sinandok nitong ulam kanina. "Here babe!" Matamang tiningnan ni Lucas ang inabot kong ulam sa kanya. What's wrong? Nawalan yata siya ng gana sa pagkain dahil sa mga nangyari. Why won't he forget Vivien? Nandito naman ako. I will never leave him para lang sa ibang lalaki. I was making my way up papunta sa office ni Lucas. I want to surprise him by making myself gorgeous tonight. Gusto kong makipag date sa kanya. Matagal narin when I invited him to a date with me. And I will grab a chance this night. Nasa harap na ako ng elevator nang bumukas ito, I noticed someone also step in with me pero hindi ko na iyon pinansin dahil busy ako sa kakalikot ng cellphone ko. Marami na akong text kay Lucas but it seems hindi sya niya ito nirereplayan. What's the matter with him! Is he busy?. "Poor Charlotte, I think Lucas is not attracted to you anymore." Nagulat ako sa narinig. When I turned to see who is it, I found out na si Zacheo pala ito. Umirap ako sa kawalan at sinagot ang binata. "At sino ka para kausapin ako ng ganyan? You have no rights to talk to me, unless we're close!" Giit ko. Zeo chuckle. " Hindi ba halata? He isn't replying to your text anymore!" "So what? Busy lang sya kaya ganun! Don't make any fake statement about what you see. Lalaki mong tao naninilip ka ng conversation ng iba!" Nakabusangot kong singhal rito. Natawa siya sa sinabi ko. "Baka naman he was in the middle of making some girls moan his name right now!" Doon ay nag iba ang timpla ng mukha ko. Lumingon ako sa kanya. "Excuse me? Hindi ganun si Lucas!" "Talaga ba? Hindi ba nagawa ka niyang ipalit sa una niyang kasintahan just to fulfill his needs? Anong tawag mo dun?" Nagtaka ako. Paano niya nalaman iyon? He never had a chance to know that event kasi wala naman siya rito ng mangyari ang lahat ng yun. "Saan mo nalaman yan?" Tanong ko sa kanya. "Im his brother remember?" I gave him fake a smile. Oo, may punto siya but we love each other kaya nagawang iwan ni Lucas si Vivien. "Shut up please!" I hissed. Timing naman at bumukas na ang elevator. I quickly run outside saka dumiretso na sa office ni Lucas. That Zacheo is a sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD