KIM
"sigurado kana bang tanggapin ang offer sayo sa pilipinas? handa kana bang harapin siya?" naiwan sa ere ang kamay ko. Natigilan sa tanong ng assistant ko.
Tinignan ko siya sa repleksyon sa salamin. Mataman siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Ngumiti ako at tumango tango. Pinaningkitan niya ako ng mga mata at humalukipkip.
Keisha is my assistant since i started in this industry. Noong mag umpisa ako ay siya na ang kinuha kong kasakasama ko sa lahat ng trabaho ko.
Nakilala ko si Keisha sa airport 4 years ago. I was crying my heart out that day dahil sa wasak kong puso at siya lang ang kaisa isang taong lumapit sa akin nang araw na iyon.
Since then we became friends. Iisang bansa lang ang pinuntahan namin and siguro diyos narin ang gumawa ng paraan upang magtagpong muli ang mga landas namin.
Ibinaba ko ang lipstick na hawak ko. I looked at her and smiled. I think kaya ko naman na. Kaya ko nang harapin ang nakaraan. It has been 4 years since she rejected me.
At sa haba ng panahon na iyon ay alam kong maayos na ang puso ko ngayon. Tumitibok na muli ng maayos. Ilang taon rin nakulong ang puso at isip ko sa labis na lungkot at sakit but now i know i am already moved on.
"hey it has been what?? 4 years pero kung tignan mo ako para bang ako parin iyong umiiyak at lugmok na lugmok na si Kim.. Come on Keish i am fine now okey. Kahit magkaharap pa kami ngayon wala na akong mararamdaman. Siguro kung mayroon man iyon ay ang pagkasabik kong makita silang muli kasi mga kaibigan ko sila. Kaibigan ko parin siya, iyon nalang iyon hmm kaya huwag ka nang mag alala pa jan." i said as i was shaking my head.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya sabay hakbang palapit sa akin. Dinampot niya ang hairbrush sa harapan ko.
Tumayo siya sa likuran ko nang hindi binibitawan ang titig sa akin mula sa repleksyon sa salamin. She started brushing my hair.
"i am just worried about you Kim. Noong unang makita kita wala akong ibang makita jan sa mga mata mo kundi sakit at lungkot. Ayaw ko na sanang makita ulit iyon kasi mahal kita. You are more like a friend to me Kim. Para na kitang kapatid" sabi niya sabay haplos sa aking buhok.
Tila may kung anong sumikdo sa puso ko pagkabanggit niya sa huling salita. Wala akong kapatid na babae kaya naman sobrang gaan ng loob ko sa kanya.
Marahan niyang hinahagod ng brush ang buhok ko. Nanatili sa kanya ang mga mata ko sa salamin. Napakabuti niyang kaibigan kaya ayaw kong mawala siya sa akin.
"huwag mo akong titigan sige ka baka mafall ka mahirap na hindi kita sasaluhin" she softly chuckled.
Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko. Napailing iling ako at kalaunan ay natawa narin. Pinagpatuloy niya ang pagbrush sa buhok ko. She knew my gender preference. Noong una hindi siya makapaniwalang babae ang iniyakan ko ng husto. But then as days goes by, naniwala narin siya na sa babae ako attracted at nainlove ng husto.
"sasamahan mo naman ako hindi ba? Ikaw parin ang makakasama ko pagbalik ko sa pilipinas?"
Natigil sa ere ang kamay niya. Dahan dahan niyang iniangat ang mga mata pasalubong sa akin. Nalusaw ang ngiti sa labi niya na para bang sapat na ang reaksyon niyang iyon bilang sagot sa aking tanong. She shook her head and my brows furrowed.
" sorry pero hindi kita masasamahan. Alam mo namang hindi ako pwedeng bumalik ng Pilipinas hindi ba? Lalo na at showbiz ang mundong ginagalawan ko. Madali niya akong mahanap kapag nagkataon"
May parte sa puso ko ang sumakit. Nasanay na ako sa apat na taong siya ang naging kasakasama ko sa lahat ng project na tinatanggap ko. Ngayon paano na ako? Makakaya ko bang mawala na siya sa tabi ko? Hindi lang siya assistant para sa akin kundi bestfriend at kapatid narin. She's my advisor. A good advisor and listener.
"i have an idea" bahala na kung tama paba ang papasukin ko. Ang mahalaga makawala narin siya sa kinakatakutan niya. Tutulongan ko siyang harapin ang kinakatakutan niya.
"what idea?" halos magdikit ang mga mata niyang pinagmasdan ako sa salamin. Singkit ang mga mata ni Keisha. Gaya ko ay half chinese at pinay din kaya siguro magaan ang loob namin sa isat isa. I heaved out a sigh.
"let's get married"
"what? are you f*****g out of your mind?.... no" she refused. Binaba niya ang brush sa harapan ko at tumalikod. Naalarma ako nang magsimula na siyang humakbang palabas ng dressing room kaya naman marahas akong tumayo at hinuli ang palapulsuhan niya.
"hindi naman literal na magpapakasal tayo eh. Palalabasin lang natin na kasal na tayo para tantanan kana rin niya. Hindi ba ang sabi mo titigilan ka lang niya kapag kinasal kana? Then paniwalain natin siya na kasal na tayo para matapos na ang pagtatago mo rito sa france. Please let me help you Keish. I am your bestfriend and siguro naman may karapatan rin akong tulongan ang naging light house ko sa nakalipas na apat na taon hindi ba?.....humm" i convinced.
Natigilan siya pansumandali. Ilang segundo na ang lumipas ay wala parin akong nakukuhang sagot mula sa kanya kaya naman mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.
Dahan dahan bumaba ang mga mata niya sa kamay ko. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo bago lumipat sa akin ng dahan dahan. Humarap siya sa akin. Salubong ang kilay ngunit ang kanyang mga mata ay malamlam.
"paano kong mapahamak ka? Kim ikaw nalang ang mayroon ako kaya kung mayroon man akong taong pinakahuling gusgustohin kong masaktan ay ikaw iyon.Hindi ko kayang...... isugal ka" she swallowed.
I shook my head. Binitawan ko ang kamay niya at pinakatitigan siya sa mga mata. Sinalubong niya ang mga mata ko ng may determinasyon.
"mag iingat ako. Ilang taon kana ring nagtatago rito siguro naman panahon na para harapin mo ang nakaraan mo......na kasama ako." sabi ko nang may determinasyon.
Kumunot ang noo niya. Keisha is taller than me kaya naman medyo nakatingala ako sa kanya. Ngumiti ako at muling hinuli ang kamay niya. Hinawakan ko ito gamit ang dalawang kamay ko at hinaplos haplos. She was staring at me.
"hayaan mong tulongan kita hmm?" pinalawak ko ang ngiti ko. I even squeezed her hand gently. And she sighed. She licked her lips.
"he's a dangerous man Kim. A f*****g demon. Kaya-" i cut her off.
"and so? i am not scared Keish. Malay mo kapag nalaman niyang kasal kana at masaya na baka palayain kana niya. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." pursigido ko pang sabi.
Marahas na buntong hininga ang naging sagot niya sa huli. Bumagsak ang balikat niya at pagod akong tinitigan.
Tignan mo ito, ako itong pagod dahil sa maghapon na trabaho pero parang daig pa niya ako sa walang tigil na kakapose at ngiti sa harapan ng camera.
Hatak hatak ang maleta tumigil kami sa arrival area ni Keisha. Iginala ko ang mga mata upang sana hanapin ang kinaroroonan ni kuya ngunit iba ang sumalubong sa amin.
Flash ng mga cameras ang sumalubong sa amin. Nagkislapan ng sabay sabay na para bang alam na alam ang oras ng lapag ng eroplanong sinakyan namin. Nakasuot na ako ng salamin ngunit tila ba kanina pa nag aabang ang medya sa pagdating namin.
Magkahawak kamay kami ni Keisha nang biglang magflash ang mga camera sa harapan namin dito sa arrival area ng Naia. Maging siya ay nagulat rin sa biglaang sulpot ng mga paparazzi.
Namutla siya at bumitaw sa aking kamay.
"Mis. Kim is it true that you're going to stay here for good?" tinaggal ko ang sunglasses ko dahil wala narin namang silbi. Nakilala parin nila kami.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"welcome back to the Philippines Ms. Kim. Totoo bang magkakaroon ka nang project dito sa pilipinas kaya ka narito ngayon?" i clunged my free hand to Keisha's arm.
Tinaas ko ang noo ko at hinarap ang halos nasa limang reporter na nasa aming harapan. Malapad akong ngumiti. Bumukas ang labi ko at akma na sanang sasagot nang may isang kumikinang na itim na sasakyan ang huminto sa likuran ng mga taong kulang nalang ay isubo sa akin ang mga hawak na mikropono.
Umawang ang labi ko kasabay nang walang habas na pagrigudon ng puso ko. Natuon roon ang mga mata ko at gayun na lamang ang doble ng hampas ng puso ko nang bumukas ito at iniluwa ang babaeng nakasuot ng short shorts na puting maong at sando na hapit na hapit sa makurba niyang katawan.
Nagwala ang sistema ko at nagulantang sa anghel na biglang sumulpot sa harapan namin. May bakas pa ng pintura ang nangingislap niyang mga hita. Sa may bandang flat niyang tiyan ay may bakas rin ng pulang pintura. Literal na tinakasan ako ng hangin.
Nakatunghay ako sa kanya at napatitig ng mariin. Napakurap kurap ako at napalunok. What the heck......she's f*****g hot. Pagkababa niya ay inilang hakbang niya ang pwesto namin at basta na lamang hinuli ang handle ng hawak kong maleta.
Kasabay nang hatak niya sa aking kamay. Awtomatik na napabitaw ako kay Keisha sa biglaan niyang hatak sa akin. Nakapusod ang buhok niya sa magulong paraan. Na para bang hindi niya pinadaanan ng suklay at basta na lamang itinali ng hindi man lamang tinitignan kung nasa maayos bang lugar.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan sa mismong tabi hg drivers seat. Para naman akong robot na naging sunod sunoran sa kung sinuman ang may hawak ng remote control.
Pumasok ako ng wala parin sa sarili dahil marahil sa kabiglaanan o gulat. I didn't see this coming. Ang inaasahan ko ay si kuya ang susundo sa amin but then here she is. Gulantang ang sistema ko sa presensya niya. Damn.
Pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan sa likod ang tila humatak at nagpabalik sa katinuan ko. Paglingon ko ay si Keisha na nakataas na ang kilay sa akin. Naniningkit ang mga mata niya na nakatunghay sa akin. I swallowed.
"moved on pala ahh" she playfully said. Umarko ang labi niya at ngumisi. Ngunit naagaw ni Freianne na naman ang atensyon ko. Umikot siya sa drivers side at binuksan ang pintuan. Nahagip pa ng mga mata ko ang mga security ng airport na hinaharangan na ngayon ang mga reporter sa paglapit sa amin.
"sorry i was late. Did they harassed you?" may tunog pag aalala ang tono niya. Kumunot ang noo ko. Bahagyang nanuyot ang lalamunan ko at nagwala ang puso ko. What heck is going on with me? Why is my heart thumping so hard inside my chest? She started the engine.
" are you hurt?" she again asked worriedly. Nilingon niya ako ng hindi ako sumagot. At itong taksil kong mga mata ay dumapo sa nakalitaw niyang malaporselanang mga hita. Nanuyot lalo ang lalamunan ko. s**t.
Malakas akong tumikhim. Damn my throat for not cooperating. Parang may kung anong bikig ang biglang lumitaw sa aking lalamunan.
"w-where is kuya?" i stuttered damn it. Kumunot ang noo niya at umawang ang labi. She fast glance at me and i raised my brows at her.
"he called me and asked me to pick you up. Nasa meeting daw kasi siya. Biglaang meeting daw" sabi niya sa mababang tono. I heaved out a sigh. Ibinalik ko ang tingin sa harapan. Ngunit nagtatalo ang isip at puso ko kung magtatanong paba ako o hindi na. Ewan ko pero parang may kung ano sa puso ko ang kumirot. She cleared her throat at panaka naka akong sinusulyapan. I could see her in my peripheral vision. I bit my lower lip.
"kamusta kana. You look great and gorgeous as always" kumirot ang puso ko. Kumuyom ang kamao ko sa ibabaw ng aking mga hita. Napalunok at tila nahirapan huminga.
Gorgeous na nireject mo 4 years ago. Sagot ng isip ko. s**t. Ang bitter ko yata. I forcely smile. Mabilisang sulyap ang ginawa ko sa kanya.
"thank you. Anyway she's Keisha Marie Chua...... my wife" sabi ko sabay sulyap kay keisha na tila nagulat sa salitang lumabas sa bibig ko. Ngunit halos sumubsub ako sa biglaan niyang pagpreno. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng seatbelt dahil sa lakas ba naman ng impack ay halos mabali na ang buto ng leeg ko. What the heck.
Nanlalaki ang mga mata niyang humarap sa akin. She seemed shocked with what i have said to her. Her eyes glistened but before i could see it clearly ay nagbawi na siya ng tingin sabay muling arangkada ng sasakyan.
"i'm sorry may.... may dumaan kasing pusa" she said stuttering. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil hello, pusa sa gitna ng daan dito mismo sa palabas ng airport? Seryoso ba siya? Lumang tugtugin ika nga nila.
Akala ba niya hindi ko siya magagawang kalimutan kaya siya nagulat ng ganun? Seriously? But then nanahimik na lamang ako at muling sinulyapan ang kaibigan kong nananahimik parin sa likuran. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit ang kanyang labi ay may nagbabadyang nakakalokong ngiti.
Tsss.. isa rin ito ehh. I rolled my eyes at her and mouthed "f**k you" sabay muling ayos ng upo.
"so when did you got married? Hindi yata kami nainformed?"
Natigilan ako sa tanong niya. s**t hindi namin ito napag usapan pa ni Keisha. Ang plano namin ay sa bahay na namin ito pag uusapan ngunit bakit kasi kailangan pa niyang tanongin. I licked my lips and closed my eyes.
" last month lang" i said without thinking. Sa pagmulat ko ay nakita ko siya sa gilid ng aking mga matang tumatango tango. Sa likuran naman ay nasamid si Keisha kaya naman marahas akong humarap sa kanya at sinamaan ng tingin.
Halos mangamatis ang mukha niya sa pagkasamid. Inabot ni Freianne ang bottled water sa gilid niya at inabot sa kaibigan ko. Binuksan agad iyon ni Keisha at uminom.
"are you okey HONEY?" i emphasized the word honey. Kasabay nun ay ang pailalim kong sulyap sa magandang mukha ni Freianne. And my heart skip a beat when i saw tears in her eyes.
FUCK!!!.