KIM
Ilang minuto rin ang itinagal namin sa daan. Naging tahimik na si Freianne hanggang sa makarating kami ng mansyon.
Nangilid ang luha sa mga mata ko nang makababa ako ng sasakyan. Apat na taon kong nilayuan at tinakasan ang bahay na ito. Walang nagbago. Ganuon parin.
Sa bungad ng pinto ay naroon sina daddy at nay Alma. Napatakip sa bibig si nanay Alma pagkakita sa akin habang si daddy naman binuka ang dalawang braso para sa akin.
Their eyes were sparkling with tears kaya naman lalong bumalong ang luha ko at patakbong nilapitan ang aking ama. I sobbed on his arms.
"daddy" the only words that slipped in my tongue. Niyakap ako ng mahigpit ni daddy. Mayroong pinapatakan niya ng magagaan na halik ang tuktok ng aking ulo at sintido. He also caressing my back so gently.
"ang prinsesa ko. Ang ganda ganda" sabi niya. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at yumakap ng mas mahigpit. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal yumakap sa aking ama. Sunod kong niyakap ay si nanay Alma. Naging malakas ang hagulgol ni nanay nang mayakap na ako at muling maikulong sa kanyang mga bisig.
"naku ang ganda ganda mo anak. Parang mas lalo ka pang gumanda." she said while wiping her tears. I softly chuckled with her compliment.
Sa likod ko ay naramdaman ko ang paglapit ng isang presensya. At nang maramdaman ang halos pagdikit niya sa akin ay gayun na lamang ang pagkaripas sa pagtibok ang puso ko.
Iyong amoy niya. Hindi ko na kailangan pang tignan dahil amoy pa lamang niya ay alam na alam ko na kung sino. She didn't change her cologne.
"ipapasok ko na po ito nay, tito" sabi niya at tuloyan nang pumasok sa loob ng bahay. Bumitaw ako kay nay Alma at hinanap ang kasama ko. Namataan ko siya sa tabi parin ng sasakyan at mataman kaming pinapanuod.
May bakas rin ng luha sa kanyang mga mata. Marahil ay nadala sa eksenang natunghayan. Inangat ko ang kamay ko and motioned her to come nearer.
"nay, dad i want you to meet Keisha." i introduced. Lumapit si Keisha kina daddy at nanay at nagmano. Lumapad ang ngiti ni nanay.
"come inside at alam kong pagod kayo sa biyahe." aya ni dad. Giniya niya kami papasok ng bahay.
Pagpasok namin ay siya namang labas ni Freianne kaya naman natigil sa paghakbang si dad at nay Alma. At dahil nasa likuran lang din nila kami ay awtomatik ring natigil kami sa paghakbang ni Keisha.
At ang sutil kong kaibigan ay nginisihan lamang ako ng nakakaloko. At pagkatapos ay hinuli ang aking kamay at pinagsalikop. Tinaasan ko siya ng kilay at akma sanang iirapan nang mahagip ng mga mata ko si Freianne na nakatingin ng mariin sa mga kamay naming magkasalikop.
And for some reason my heart jumped. Pakiramdam ko nahulog ang puso ko sa sahig dahil sa nakikita kong pag iigting ng kanyang panga at ang halos magkadikit niya nang mga kilay.
"aren't you going to eat lunch with us iha? Nakahanda na ang hapag. Kumain ka muna bago umalis."ani papa. Tila ako nakahinga lamang ng maluwag nang bawiin niya na ang tingin sa amin at bumaling kay daddy.
Ngunit ang normal na t***k ng puso ko ay hindi parin bumabalik. Kumakalampag kasabay ng pagkirot. I licked my lips and swallowed the lump in my throat. This is so not me. Hindi na naman ako ito. Bakit ba pakiramdam ko bumabalik na naman ako sa dati?
"i would love to tito but i have an exhibit to attend 30 minutes from now po. Uuwi pa po ako at magbibihis. Baka malate po ako, next time nalang po siguro tito" sabi niya at muling baling sa akin na halos ikapugto ng hininga ko. What the heck.
"i'm happy to see you again Kim." sabi niya at tuloyan nang lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang muling paalam niya kay daddy na kinawayan na lamang ng aking ama.
I unconsciously brought my hand to my chest. It's thumping really hard like it's as if it wants to be freed by my ribcage. Naunang dumulog si daddy at nay Alma sa dining. Naiwan kami ni Keisha at pinapanuod akong parang tangang dinadama ang dibdib.
"is it beating like crazy? ohh i guess hindi mo na masundan sa bilis ng t***k. Tama ba dear wife?" she playfully said. She crossed her arms and stared at me like a police woman who is investigating my case. Heart case.... damn..
Marahas n buntong hininga ang pinakawalan ko at katakot takot na irap ang binato ko sa kanya.
" tigilan mo ako keish" i walked pass her. Narinig ko pa ang marahan niyang pagtawa bago ako sinundan.
Sa dati kong kwarto piniling magstay kami ni Keisha. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay natigilan agad ako. Ang sumalubong kasi agad sa mga nata ko ay ang painting na ilang taon kong naging paboritong pagmasdan sa tuwing nandirito ako sa loob ng kwarto ko.
Nakasabit siya sa dingding kung saan ang unang bubungad sayo pagbukas mo ng pinto.
Pinasadya ko talaga ito noon. Pinili kong dito ilagay.
Natigilan ako sa akmang pagpasok at napatitig sa painting. At ang puso ko na naman ang unang nagreact. May parte sa puso ko ang kumirot. Napalunok ako. Nanakit ang lalamunan ko.
"you are obviously still in love with her. Ako lang ito Kim. So you don't have to hide it from me. Kung nasasaktan ka parin just let it out. Huwag mong kimkimin. Huwag mong itago. I am here as your friend." binawi ko ang mga mata ko sa painting at dahan dahang sinara ang pintuan.
Matamang pinapanuod ni Keisha ang bawat kong galaw. Hilaw akong natawa sa tinuran niya.
" at kailan kapa naging mind reader huh? Pinagsasasabi mo? Naninibago lang ako. Huwag mong lagyan ng ibang meaning.... tss" i hissed. Isang katakot takot na irap ang ginanti niya sa akin. Humalukipkip at maigi akong pinagmasdan.
Humakbang ako palapit sa kama ko. Binalewala ang mataman niyang paninitig sa akin. And my hand seems to have mind on its own. Napangiti ako nang dumantay na ang daliri ko sa bedsheet ng kama ko. Suddenly i felt...... home.
"ohhh come on kim. The way you look at her just awhile ago it was too deep. Your eyes longed for her. Don't deny it coz i have known you very well." sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko.
Bakit paano ko ba siya tignan kanina? Oo siguro nga may nararamdaman pa ako dahil itong taksil kong puso may konting kirot pang nararamdaman. But hey, i am already moved on. At itong kakaibang pakiramdam na umusbong sa sistema ko ay dala lamang ito ng paninibago.
Yes, iyon lang yun. At itong nararamdaman ko na ito ay mawawala rin at maglalaho in no time.
"alam mo pagod lang yan. Halika na at magpahinga na muna tayo. I feel so exhausted" sa halip ay sagot ko. Humiga ako at tumihaya. I spread my arms as i was feeling the softness of my bed. Pumikit ako at ngumiti. This is my home. And i longed for it.
Nang maramdaman ko ang paglapit ni Keisha sa kama ay umayos ako ng higa. Dinala ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko nang hindi binubuksan ang mga mata. She lay down next to me.
"so anong plano mo bukas? Pupunta ba tayo sa RSE?" i opened my eyes. Gumalaw ang ulo ni Keisha at bumaling sa akin nang hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Tumagilid siya at tuloyan akong hinarap. Pinailalim niya ang braso sa ulo niya at ginawang unan.
I sighed.
" Ilang oras ka palang nandito trabaho na agad ang iniisip mo. Chill okey. Tomorrow you will come with me to meet my friends. I have missed them" i said smiling.
Wala akong nakuhang tugon sa kanya kaya naman ginalaw ko ang ulo ko at nilingon siya. She was smiling like an idiot while staring at me. May kapilyohang nakarehistro sa kanyang mga mata.
"what?" i raised my brow at her and she grinned that annoys me. Napairap na lamang ako sa hangin. Ibinalik ko ang mga mata sa kisame.
"you miss them? or.... her alone?" sabi niya na sinabayan pa ng nakakabwisit na tawa. Problema ng babaeng ito at parang kanina pa ako iniinis sa mga patutsada niya. Bigwasan ko kaya ng matigil. The heck.
But then my mind reacted. Did i miss her? But of course kaibigan ko parin naman siya. She's still my bestfriend.
"bestfriend who broke your heart" my mind answered. Damn. I bit my lower lip. Tinalikuran ko si Keisha at umarteng naiinis na. But in reality.... inis talaga ako. s**t!
"huwag ka nang magsalita kung wala narin namang magandang salitang lalabas jan sa bibig mo. I am going to sleep" sabi ko at nagkunwari nang matutulog. She softly chuckled but then later on tumahimik narin ang bruha.
Pinikit ko ang mga mata ko. I am not sleepy but her words are annoying and it's getting into my nerve. It annoys me...... big time!
Isang oras na ang lumipas ngunit kahit nanatiling nakapikit ang mga mata ko ay hindi ako dalawin ng antok. My mind were everywhere. Kung saan saan napapadpad. Dahan dahan tumihaya ako at sinilip ang kaibigan ko.
Pantay ang paghinga ni Keisha at nakapikit na ang mga mata. She's asleep. Tumagilid ako paharap sa kanya at tinitigan ang maganda niyang mukha.
Keisha is freakingly beautiful. Her deep brownish eyes na pinakagusto kong parte ng kanyang mukha. Her pointed nose na para bang hinulma talaga at pinerpekto sa pag ukit. Manipis din ang labi niya at normal na pula. Ang mukha niyang hugis puso na perpektong perpektong pagmasdan... She's indeed beautiful but no matter how beautiful she is.....she can't capture my heart.
Bumuntong hininga ako. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuoan ng kwarto. Wala silang binago sa ayos ng mga gamit ko. Kung anong ayos nito nang umalis ako ay ganun parin pagbalik ko.
At habang pinagmamasdan ko ang kabuuan bg kwarto ko ay samut saring emosyon ang lumitaw sa puso ko.
Tila isang pelikulang nagreplay ang mga pangyayari sa buhay ko sa loob ng kwartong ito. Mga scene sa pelikulang gugustohin kong paulit ulit sanang mangyari. Mga eksenang gugustohin kong hindi na matapos.
"gising na sleepy head. We are going to be late." hinihipan ni Freianne ang tainga ko kaya naman agarang bumukas ang mga mata ko. Nakabihis na siya. And it's so good to open my eyes to see her at my first sight in the morning.
"tsss it's too early Frei. 5 minutes more please" ungot ko. But the latter leaned even closer to me sabay hinipan muli ang tainga ko na nakapagpanindig sa balahibo ko sa katawan.
Bumangon ako sinamaan siya ng tingin. She laughed out loud na nakapagpalaglag ng panga ko.
I don't know but everytime she laugh like that, my heart melts. Para bang ang sarap sarap pakinggan ng tawa niya. At ang puso ko para bang may mga naghahabulang daga sa loob nito. Only then i realized...... i fell in love with her.
I am inlove with my bestfriend and i am..... doom.
Katok sa pintuan ang humatak pabalik sa katinuan ko. Napailing iling ako upang burahin ang mga imahing iyon na naglalaro na sa utak ko habang dahan dahang bumangon at tinungo ang pinto.
Bumuntong hininga ako at bagot na pinihit ang seradura ng pinto. Bouquet of yellow roses greeted me. Nakatakip ang bugkos ng bulaklak sa mukha ng may hawak nito.
Malapad na balikat. Mahahabang biyas na natatakpan ng black tattered jeans ang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ng white and gray na rubber shoes while plain black shirt naman sa itaas. Umarko ang labi ko. Humalukipkip ako at pinaarko ang kilay ko pataas na kunwaring walang interes sa presensya ng kaharap but deep inside me was jumping with so much joy. Ngumingiti ang puso ko. Nagtatalon sa tuwa.
"tsss nakakahurt ng feelings bumso ahh." sabi niya sabay baba ng bulaklak at abot sa akin. Pinaningkit ko ang mga mata ko at nagkunwaring wala lang ang presensya niya. He pouted.
"ohh bulaklak mo" he handed me the flower. Bumusangot si kuya kaya naman doon na ako humagalpak ng tawa sabay damba ng yakap sa kanya.
Napaatras pa ang nakakatanda kong kapatid sa pagdamba ko ng yakap sa kanya. He tssek but then in the end he hugged me back.
"i miss you kuya" i declared and he answered me
"i miss you more bunso".