KIMBERLY LEE
Pagkatapos ng kasal nina Shanaia at Kailey ay nagbago na ng tuloyan si Freianne. Bihira na siya magpakita sa grupo at madalas nadadatnan ko siyang lasing sa loob ng kanyang condo.
As her bestfriend, it hurts me seeing her devastated and lost. Napapamura na lamang ako sa aking sarili sa tuwing nadadatnan ko ang magulo at makalat niyang condo. She's not like this. Si Freianne ang taong organisado sa lahat ng bagay.
Wedding anniversary nina Kailey at Shanaia and we celebrated it at one of our coffee shop branch here in Makati. But as usual, Freianne was no where to be found. Panay ang tawag sa kanya ni Shan ngunit hindi siya makontak. Ni hindi man lang nagpasabi na hindi siya makakapunta.
After ng celebration ay pinuntahan ko siya sa condo niya and i was right. She was there. Drinking alone. Magulo ang buhok na para bang hindi na nadadaanan ng suklay sa mga nakalipas na taon. Nagkalat ang mga beer in can na wala nang laman sa carpeted na sahig ng kanyang kwarto. May mga empty boxes ng pizza na para bang ilang araw nang nakatambak sa sahig. Kung makikita niyo lamang ang hitsura niya ay malamang mapagkakamalan ninyo siyang nababaliw na dahil sa hitsura niya.
At gaya sa nakalipas na taon at mga buwan nilinisan ko ang lahat ng kalat niya na para bang hangin lamang ako sa kanya. Ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Ni ang kausapin ay hindi niya ginagawa. Tutungga ng alak at pipikit ng mariin.
Magpagayunpaman ay hindi ko siya iniiwan nang hindi ko nalilinisan ang lahat ng kalat niya. Even her, dinadala ko siya sa banyo at papaliguan. Yes nagmistula akong care giver niya sa higit isang taon. Ngunit hindi kailanman ako napagod. Para siyang lantang gulay sa tuwing dadalhin ko siya sa bathroom at papaliguan. At sa tuwing nakikita ko ang sakit at lungkot sa mga malalalim niyang mga mata ay para akong nauupos na kandila. Masakit makita ang pinakamamahal mong nasasaktan dahil hindi na kailanman mapapasakaya ang babaeng sinisigaw ng puso niya.
But what i have admired with Freianne was that, hindi niya kailanman ipinilit ang sarili niya kay Shan. She accepted her defeat. She accepted the fact that Shanaia can't love her the same way as she loves her.
Pero hindi ko kailanman siya nakitang umiyak o lumuha man lang. Especially sa wedding day nina Shan at Kailey. Yes sadness was visible in her eyes since then but she never cry. Not even once. In my sight but i am not sure when i am not around.
Isang araw pinuntahan ko siya dahil ilang buwan siyang hindi nagparamdam sa amin. I went to her condo. Ngunit gayun na lamang ang gulat at pangangatog ng tuhod ko sa nadatnan ko.
Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Ang mga gamit niyang daig pa ang nagkalat dahil sa malakas na lindol. At ang mga patak ng dugo sa puti niyang carpet.
Takot na takot akong tinungo ang kwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko nang ang bumungad sa akin ay ang walang malay niyang katawan at ang dumudugo niyang kamay. Yes, she tried to kill her self. Napatutop ako ng bibig at tinakbo ang walang malay niyang katawan.
Nanginginig ang mga tuhod ko at mga kamay. Lumuhod ako at gamit ang mga nanlalamig kong mga kamay ay dinama ko kung humihinga pa ba siya. Sunod sunod nagbagsakan ang mga luha ko matapos kong maramdaman ang mainit niyang hininga.
Mariin akong napakagat labi. Ganuon niya ba talaga kamahal si Shanaia para magawa niya ito sa sarili niya? Nandito naman ako. Bakit hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi mo ako makita Frei. I am just here, waiting for you to see me. Ako nalang please!
Ilang buwan ko siyang sinamahan kahit panay ang pagtataboy niya sa akin. Kahit pa panay ang pagpapamukha niyang hindi ko kailanman mapapalitan si Shanaia sa puso niya.
I wanted to hate Shan but i couldn't. It wasn't her fault that she can not love Freianne morethan just a friend. But i can not help but envy her. Wala naman siyang ginagawa ngunit mahal na mahal siya ni Freianne. Mahal na mahal siya ng taong kaytagal ko nang pinapangarap na mahalin ako.
One night i went to her condo. I was drunk. Malakas ang loob ko dahil nakainom ako at dumadaloy pa ang alcohol sa ugat ko. Nakailang doorbell ako. Bubuksan ko na sana ito gamit ang password nang bigla naman itong bumukas at iniluwa ang babaeng mahal na mahal ko. Bagong paligo at mukhang nahimasmasan na sa ilang taong pagmumukmok niya rito sa loob ng kanyang lungga.
She was wearing her louse blue snitch shirt and showing me her milky white legs dahil sa iksi ng kanyang short shorts. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. It was late then when i have realized what i have been doing. I cupped her face and pulled her closer to me. I kissed her. Hinalikan ko siya, letting her feel how much i love her but i got startled when she pushed me away from her. Bakas ang gulat sa mga mata ni Freianne nung araw na iyon. Ngunit ang tanging tumatak sa utak ko ay ang tila disappointment na dumaan sa maganda niyang mukha.
At ang araw na iyon ang hindi na kailanman nakalimutan ng puso ko. Araw na tila bangungot sa akin. Araw na nagbigay sa akin ng matinding sakit dahil sa binitawan niyang salita sa akin matapos akong magconfessed sa ilang taong pagkikimkim ko ng aking nararamdaman towards her.
"Am sorry kim pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Siguro mas makakabuti kong ibaling mo nalang sa iba ang atensyon mo. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." sunod sunod na nagbagsakan ang mga luha ko. Ilang taon na ba? Hindi ko na mabilang kung ilang taon ko na siyang minamahal.
Kung kaya ko lang turuan ang puso ko para makalimutan siya ginawa ko na. It has been 12 years since i have fall in love with her at sa bawat araw na dumaan walang katumbas ang mga sakit na naranasan ko dahil sa kanya.
Biting my lower lip, i knelt down infront of her. My eyes were blury because of my tears that won't stopped from escaping from my very own swollen eyes. Hinuli ko ang mga kamay niya. She was staring at me with mix emotions that i can not named.
"please ako nalang ang mahalin mo. Ako ang nandito Frei. Ako ang nandito at matagal nang nagmamahal sayo. Mahalin mo lang ako and i promise to love you morethan anything in this world......Please..." i beg. And my heart seems to get stabbed a million times the moment she shook her head. I felt like my heart shattered and it was too hard to breath.
Parang nagkapirapiraso ang puso ko sa araw na iyon. Sa araw na nagkalakas loob na akong ipaalam sa kanya ang pagmamahal ko. But she rejected me. She broke my heart into tiny pieces. She rejected me and still chose Shanaia. Si Shanaia na masaya na sa piling ng kanyang asawa. Sa piling ni Kailey na siyang matalik niyang kaibigan.