Chapter 6

2503 Words
KIM Sa mga nakalipas na taong malayo ako kay Freianne ay naging maayos ang lahat sa akin. Yes i must admit natagalan bago ako naging maayos. Noong kadarating ko palang sa france ay wala atang araw at gabi na hindi umaagos ang luha sa mga mata ko. Walang araw na hindi ko ramdam ang labis na sakit dito sa puso ko. Naaalala ko pa noong unang beses kaming magkita. Napakagaan ng loob ko sa kanya. Iyong mga ngiti niya na nakakahatak ng good vibes. Ang cute cute niya noon. If i am not mistaken we were just 10 that time. Nagkabanggaan kami sa mall. She was wearing short shorts and knitted long sleaves. She was too pretty to stare at. And since that day the foreign feelings deep within me started to bloom. Para pa nga akong tanga noon kasi kinuhanan ko siya ng picture without her consent. Ang ganda niya kasi. I just can't help it. Hindi ko nakuha ang pangalan niya noon kasi when i was about to approached her that was the time mom called me to leave. Labis labis ang panghihinayang ko noon. Halos mabali na ang leeg ko nang palabas na kami ng department store. Labis labis na panghihinayang ang naramdaman ko. But destiny seemed to be in my side. Nakita ko siya weeks after that incident sa mall. Sa school. Can you imagine, elementary palang ako noong time na iyon pero doon na ako nakaramdam ng damdaming hindi ko talaga maunawaan noon. Intrams iyon noon. And shocks, we were in the same school. Magkaiba nga lang kami ng section. At gaya nang unang beses ko siyang makita sa mall, my heart doubled its beating. Magkalaban ang team namin noon sa volleyball. And every time she laid her eyes on me, heck tumatalon ang puso ko at nawawala ako sa focus. I became her ultimate stalker hanggang sa tadhana na yata ang gumawa ng paraan dahil after a year napunta na kami sa iisang section at sa lahat ng subject kaklase ko siya until we became friends. But hey i was not the one who approached her first huh. Siya ang unang kumausap sa akin noon. She asked me to join her for lunch and damn para akong tangang nabato sa aking kinatatayuan nung time na yun. "huy tulala kana jan. Tinatanong ka ni kuya Melvin" napairap ako sa marahang pagtulak sa akin ni Keisha sa balikat. Panira ng moment kaloka. I tilted my head and glared at her. "kanina kapa kasi kinakausap ni kuya pero tulaley ka. You seemed reminiscing your past ehh.."pang aasar niya pa sabay ngisi ng nakakabwisit dahilan ng lalong pagdepina ng kunot sa aking noo. " shut up..bwisit ka." i said irritated. Binalingan ko si Melvin na nangingiti na ngayon sa harapan. Panaka naka ang sulyap niya sa amin sa rear view mirror. "highblood agad" si Keisha. Napapikit ako ng mariin. Please remind me later na sabunutan ang babaeng ito sa bahay. Napakaingay. Nakakainis sa totoo lang. "what is it kuya?" i asked kuya Melvin. He fast glance at me thru the rear view mirror and then smiled at me. "dadaan po ba tayo sa Art Gallery ni ma'am Freianne ma'am? Malapit na po tayo" ani niya. Didn't i told him earlier? Ohh damn yeah i forgot pero narinig naman na kasi niya kanina kaya hindi ko na sinabi. I nodded my head in response. "yes kuya please. Freianne must be waiting now." i informed. Tumango si kuya Melvin. "sige po" he responded. Ngumiti ako pabalik sa kanya at saka muli kong itinuon ang mga mata ko sa daan. And damn it, my eyes widened. Ang akala kong malapit na sabi ni kuya ay aabot pa ng ilang minuto but the hell, natatanaw ko na ang malaking karatula ng FC Art Gallery kaya naman heto na naman ang puso ko, tumitibok na naman ng pagkabilis bilis. I am not informed, along the highway pala ang art gallery niya. And it's a 2 storey glass building. Napanganga ako sa ganda ng building niya. It was my first time to see it. "andito na po tayo ma'am" imporma ni kuya Melvin. Napalunok ako at napakagat sa aking labi. Bukas ang ilaw ng building but i can not see Freianne outside. Tumango ako. Damn heart can you please calm down. Stop beating like a crazy animals. "go check her inside" tumaas ang kilay ko sa pagtataboy ni Keisha. Nilingon ko siya and she was looking at the building too. Awang ang labi niya at mababakasan ng amusement sa kanyang mga mata. And for some reason, i feel proud of Freianne. She finally achieved her dream. My lips rosed. Hindi na lamang ako kumibo at muling ibinalik ang mga mata sa building na nasa aking harapan. Nakaka-suffocate ang bilis ng t***k ng puso ko. Nahihirapan akong sabayan sa lakas ng kalampag nito. I swallowed the sudden lump on my throat. I closed my eyes and let out a deep sigh. Bakit ba kasi ganito parin magreact ang puso ko towards her? Nakakairita sa totoo lang. Lumabas si kuya Melvin at umikot sa aking kinaroroonang pintuan. He opened the car door for me. My hands are getting wet, damn it. Ibang klase talaga ang epekto sa akin ng babaeng ito. I can't believe she's still has effects on me despite the rejection she did to me 4 years ago. Biting my lip, i got out of the car. And every stepped i take my heart beats even more faster and loud. Nakakabingi ang lakas ng kabog ng puso ko. Ang entrance ng building niya ay glass na umiikot. Infairness maganda ang building niya and for sure kumpanya nina Shan ang gumawa nito. Pang of pain suddenly attacks my system. I sighed. Pagpasok ko ay ang mga naglalakihang painting ang bumungad sa akin. At aminado akong lalo ko pang hinangaan ang kakayahan niyang magpinta. For sure she painted all of these. God she's so good at this field. Siya na talaga ang talented sa larangang ito. Bawat painting ay napapahanga ako. Sinuyod ng mga mata ko ang bawat painting sa bawat kong madaanan. And i admit she's making me proud even more. Sino ba naman kasing hindi diba? Napakahusay niya. I can not express and tell how good she is in this field she chose to pursue. Malawak ang sakop ng building niya. At ang neat. Masaya ako kasi nakuha niya na ang pangarap niya. Pinangarap niya ito noon. Ang magkaroon ng sariling Art Gallery at siya ang curator. Hanggang sa natigilan ako at napatitig sa pinakamalaking painting na nakasabit sa bungad ng glass staircase. Sa laki nito ay sinakop na nito ang kabuuan ng pader. Kumaripas sa pagtibok ang puso ko. My eyes seems to be glued and can't even take my eyes off of it. I unconsciously brought my hand onto my chest. It was heaving heavily. My heart was beating erratically and it was hard to breath. Nanubig ang mga mata ko. Ang lungkot ng painting kung tititigan mong maiigi. I don't know but i could feel the sadness and sorrows on that piece of art. Para siyang nababalutan ng halo halong emosyon ngunit ang higit na nangingibabaw ay lungkot. Pighati. Isn't?. Humakbang ako palapit pa sa painting. I touched it. Kasabay ng paglapat ng kamay ko sa painting ay ang pagsikip ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Kung tititigan mo ang painting ay tila isa itong babae na nakatalikod sa umuulan at madilim na parte ng daan. Ang isang braso niya ay tila may inaabot sa madilim na kalangitan. Ang galing ng pagkakagawa niya sa painting na ito but why it seemed so dark. Did she paint this when she was in pain dahil kay Shan? Wow sanaol nailalabas ang totoong damdamin sa ganitong paraan. Ako kasi i endure the pain she caused me for years. I bit my lower lip. Does i sounded like bitter on that line? DAMN. My heart clenched. Parang pinipiga ang puso ko sa kaalamang dahil kay Shanaia kaya niya nabuo ang magandang obra na ito. "kanina kapa ba riyan? sorry i was painting upstairs" napaangat ako ng tingin sa bungad ng classy niyang hagdan. And there she is. Wearing her ripped jeans with overruns shirt. And as usual may mga bakas ng pintura ang printed niyang shirt at jeans. But nevertheless she still look beautiful in my eyes.. The heck Kim talaga ba? damn aego. I bit my lower lip. Nakapusod ang mahaba niyang buhok into messy bun. Hindi rin nakaligtas sa mapanuri kong mga mata ang kulay pulang pintura sa gilid ng kanyang leeg. s**t ang kinis. Parang ang sarap samyuin. Damn! She stood just next to me. Smiling widely at me. But then her brows furrowed at kapagdakay napuno na ng pag aalala ang kanyang mga matang tinitigan ako ng mariin. Lumamlam ang mga mauulap niyang mga mata. She suddenly looked worried. "ayos ka lang? what's wrong? were you crying?" she asked worriedly. Kumunot ang noo ko. That's when i realized my eyes were teary dahil sa painting. I shook my head at saka muling ibinalik ang mga mata sa obra niyang naging dahilan ng paninikip ng dibdib ko. Siya parin. Si Shanaia parin. I swallowed and then cleared my throat. "ang lungkot naman nito. I can feel how sad this painting is." i commented. Humakbang pa si Freianne palapit sa akin. Halos magdikit ang aming mga balat sa lapit niya sa akin. I can smell her scent i was addicted to years ago. Tiningala niya ang painting at kapagdakay nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "madami nang gustong bumili nito but i didn't sell it no matter how high their offer was." she said looking smiling weakly at the painting. I fast glance at her. Sabay ang ginawa naming paglingon kaya naman nagsalubong ang mga mata namin. Her eyes were coated with these emotions i am scared to named. Baka magkamali na naman ako at mahulog. Bagay na ayaw ko nang mangyari. Kaya naman binawi ko rin agad ang mga mata ko at muling balik sa painting. "bakit naman? don't tell me idi-display mo lang ito rito.?This painting deserve to be displayed in houses or somewhere na makikita ng mga tao. Kapag nandito lang ito iilan lang ang makakakita sa ganda nito" sabi ko kasabay ng pagsilay ng maliit na ngiti sa aking labi. I can't help it. Napakaganda naman kasi talaga. Ilang araw naman kaya ginawa ang painting na ito? Sa laki nito baka weeks bago niya ito natapos. She really is talented. There is no doubt about it. But then i got stiffened when she suddenly held my hand. Ang init ng palad niyang bumalot sa kamay ko. Sumipa ang puso ko sa paghawak niya sa kamay ko. Parang may kung anong mga insekto ang nagkagulo sa sikmura ko out of a sudden. Nag akyatan ang boltaboltaheng kuryente sa balat ko. These feelings should be buried in oblivion but why the heck i am feeling it again at the moment? Hindi ba dapat wala na kasi i no longer love her. Hindi ba? s**t! I bit my lip. I wanted to pulled it off of her hand but damn it nagtatalo ang puso at isip ko. I want the warmth of her hand. Parang tumatagos sa puso ko ang init. Paakyat sa kaluluwa ko. I won't deny. My heart beats for her... STILL. "this painting is waiting for the owner. But soon mapupunta na ito sa may ari . This painting is too precious for me kasi i made this for the woman i have love the most. Sana magustohan niya kasi i gave my heart fully to this art" sabi niya ng titig na titig...... sa akin. Na-conscious tuloy ako. I can see her thru my peripheral vision. She's staring at me intently kaya naman ang puso ko ay labis labis na ang kabog. Nakakapanghina ang tinging pinupukol niya sa akin. Kaya naman bago pa mangatog ang tuhod ko ay binawi ko na ang kamay ko sa hawak niya at ngumiti. Kung ngiti pa bang maituturing iyon ewan ko nalang. "for... for sure magugustohan niya yan. Let's go may dadaanan pa kasi ako sa second branch natin and it's getting late" sabi ko at akma na sanang hahakbang palabas nang muli niyang hulihin ang kamay ko dahilan upang mahinto sa ere ang paa ko. I looked at her and pang of pain attacks my heart. Tears is flowing down her cheeks. She pulled me closer to her. Until i finally felt her warm body against mine. She's now hugging me tightly. I can feel her heart beating wildly too just like i am. And it confused me really big time. "i f*****g miss you kim. I f*****g miss my bestfriend." her voice shook. Para akong natuod sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang emosyon niya sa pagbato niya ng mga salitang iyon sa akin. But hey, she just made me realized that she just miss me as her bestfriend. Nothing more, Nothing less. Nanubig ang mga mata ko. Malamang Kim. Kaya nga may painting kasi si Shanaia parin ang mahal niyan." ani aego. Yes i named my conscience aego. Siya kasi madalas ang nagpapaalala sa akin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. I wiped my tears and slowly brought my hands to her back. I gently caressed her back. Namis rin naman kita Frei. SOBRA. I said in my mind. I don't know hiw long we've stayed there hugging each other. Nang subukan ko kasing ku. alas sa yakap niya ay hindi niya ako binitawan kaya naman hinintay ko na lamang na tumahan siya sa pag iyak at bitawan ako. But i smells her when she finally let go of the hug. Kumunit ang noo ko. She was wiping her tears nang mas ilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya. Smelling her mouth. And i confirmed it. She's in the spirit of alcohol. "are you drunk?" i asked and she scratch her nape. Ganyan yan. Mannerism niya yan. I crossed my arms and stare at her. More on glaring at her. "konti lang. Just a glass of tequila but don't worry i am not that drunk." sabi niya nang kakakamot kamot ng batok. And that's when i realized why would i even care in the first place. Eh di maglasing siya hanggang gusto niya. Bahala siya sa buhay niya. Tumikhim ako at tumango. " okey. Let's go it's getting late. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga" ani ko at humakbang na palabas ng building. Naramdaman ko naman ang hindi niya agad pagsunod sa akin but i just continued walking out of her building. Damn, i still care for her. Bakit ba kasi siya uminom na ehh hindi pa nga siya nagdidinner. Nakakainis din kasi itong babae na ito ehh. Hindi parin siya nagbabago. Ipinilig ko ang ulo ko at tinungo ang sasakyang nag aabang na sa mismong harapan ng building. She's making me losing my sanity. My heart beats crazily still because of her. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD